Walang reaksyon na nakatingin si Azael sa inang mahimbing na natutulog. Sari-saring emosyong ang nararamdaman niya pero nanatili siyang kalmado kahit ang totoo, hindi. Ang daming nangyari nung nawala nang tatlong taon si Amara at sa loob nang tatlong taon na iyon, nakasubaybay lang siya rito ng palihim at nasa malayo. Alam din niyang bumisita ito sa pilipinas ng tatlong beses at palihim na pinagmanasdan ang kanilang ina sa loob nang tatlong taon. Lahat ng galaw nito, alam niya at nakasunod lang siya kahit na nung araw na nakita nila ito nung kasama niya si Vraiellah habang tinakas niya sandali kay Cuhen. Kung alam lang nito kung gaano siya nagpipigil para hilain ito at itakas papalayo dahil alam naman niyang hindi sila magkapatid, ginawa niyia na. Pero dahil mahal niya ang babae, hinayaan niya itong magpakalayo-layo kahit ang labag sa kalooban niya. Amara loathed him but the fact that he loves her, kaya niyang magtiiis kahit ilan taon pa ang aabutin. Maybe the only worst decision he
Malungkot na tumingin si Azael sa papatalikod na si Amara. Pagkatapos siya nitong yakapin, bumitaw agad ito at tumalikod. Wala itong iniwan kahit isang salita. Naiwan siyang maraming katanungan sa utak. Nagpasya na lang siyang manatili sa rooftop at magpalipas nang ilang oras para makapag-isip. Hindi niya alam kung anong hakbang ulit ang gagawin after nang ginawa nito. Nasasaktan siya, iyon ang totoo.Wala si Amara nung bumalik siya sa silid, ang nabungaran lang niya don ay si Penelope at nakapagdesisyon na siya. Sasabihin niya na sa dalaga na peke naman talaga ang kanilang kasal at kahit kailan hindi niya ito magawang mahalin kahit anong pilit niya. He try, yes, but nothing works. Ang kaniyang nag-iisang prinsesa pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso."Let's talk Penny." At nauna siyang tumalikod.Nasa kotse siya nang pumasok ito sa passenger side. Walang sabing tinanggal niya ang singsing at nilagay sa dashboard. Nagul
Napaunat ng likod si Azael nang biglang bumagsak ang mug na iniinuman niya ng kape. Nasa kaniyang opisina siya at nagpipirma ng mga papeles na kailangan niyang matapos dahil sa kasusunod niya sa babae kaya ilang araw itong tambak sa kaniyang mesa. Napatingin siya sa nabasag na baso at napatitig doon. May masama bang nangyari? Nagkibit na lang siya ng balikat at pinalinisan ito sa kaniyang sekretarya."Kuya Azael!" boses ni Celestine mula sa kabilang linya ang pumukaw sa kaniya nang sagutin niya ang tawag nito.Napangiti siya sa paraan ng pagtawag nito. At last, nagawa na rin siya nitong tawagin sa pangalan niya."Si Ma'm Amara!"Para siyang napapasong napatayo bigla at agad na kinuha ang susi sa ibabaw ng mesa. Fuck! Wala itong sinabi pero parang alam niya na kung anong nangyari. Agad niyang pinatay ang tawag at patakbong tinungo ang pintuan."Cancel all my appointments for today
Kinuha niya ang puting unan sa uluhan nito at nakasingising pinagmasdan muna ito sandali. Aww, mamaalam na ito sa mundo at wala ng haliparot na sisira sa pagmamahalan nila ng lalaki. Ito lang naman kasi ang problema, eh. Bakit kasi hindi ito namatay agad nung binangga niya?Sinigurado naman niyang malakas ang kaniyang pagkakabangga rito kahapon. Napaismid siya at napatingin sa oras, kailangan niyang madaliin ang pagpatay nito at uuwi pa siya ng mansiyon para handaan ng hapunan ang pinakamamahal niyang asawa. Sayang, kung hindi lang sana nalaglag 'yun batang nasa sinapupunan niya na sana'y maging anak nila kahit hindi ito ang ama."So bitch, see you in hell? I'll follow later." pabulong na saad niya.Una niyang tinanggal ang oxygen sa ilong na nakakabit, kasunod ang sa bibig nito."Ganiyan, dapat ganiyan ka." napangisi siya.What's next? Ah, of course makakalimutan
Nagising si Amara na maingay ang buong paligid at eksaktong pagmulat niya ng mata ay kaniyang ina ang namulatan niya kasama pa ang kapatid niyang si Berkham. Puno ng pag-alala ang mga mukha ng mga ito pero masaya siyang nakita na okay siya.Naglibot siya ng tingin, andun din ang kaniyang unang namulatan mommy na namumula ang mata at halatang hindi makapaniwala. Simula nung bumisita si Berkham nung nakaraan araw sa kaniya, iyak lang nang iyak ang ginang at hindi pa rin nito matanggap ang nangyari but the same time, tinanggap nito na si Celestine ang tunay na anak. Si Berkham na ang nagpaliwanag sa lahat."Hey Mom, dito pala kayo." mahinang sambit niya."Anak!"Drama ng ina niya. Akala mo talaga kamatayan niya, eh no? Hindi siya mamatay dahil kung kagandahan lang ang basihan sa pahabaan ng buhay, jusko, immortality na ang kaniya! Malas naman nung bumangga sa kaniya, maliban sa binalian lang siya
Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang inum. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin ang lalaki na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara.Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan. Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata."Damn! Pinahirapan tayo ng lokong 'to.""Good. Now he's asleep. Let's bring him."
Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara based na rin sa pangalang tinawag nito.Theon!Bakit nga ba hindi niya binalian ito ng buto kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na 'yun?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae.Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito."A-azael..."Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. "Tayo lang dalawa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka
Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya mapigilan, parang timang siyang napasuntok sa may pader pero agad din napaaray. Ano ba! Nakakabakla talaga pero kinikilig siya na parang lalaking napansin ng crush niyang maganda."Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan." pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang hitsura. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin. Hooh! Kasumpa-sumpa!Matutulog na daw ang prinsesa niya kaya siya, matutulog na din pero sana dalawin siya ng antok nito. Baka hindi na siya makatulog nito sa subrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog sa gabing iyon.Ang nangyari, buong magdamag siyan
Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig siya at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina!"Papakasalan mo ang anak ko or kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?" Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit and that makes him mad. Tangina lang subrang sakit!"Sumagot ka!" malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya.Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsipatakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito ng mahigpit. Sunod-sunod sa pagsipatakan ang kaniyang mga luha at hindi na iyon tumigil. Napahagulhul siya habang yakap-yakap ang katawan nito. Kung naging alisto lang ba siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mg
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy