Kinuha niya ang puting unan sa uluhan nito at nakasingising pinagmasdan muna ito sandali. Aww, mamaalam na ito sa mundo at wala ng haliparot na sisira sa pagmamahalan nila ng lalaki. Ito lang naman kasi ang problema, eh. Bakit kasi hindi ito namatay agad nung binangga niya?
Sinigurado naman niyang malakas ang kaniyang pagkakabangga rito kahapon. Napaismid siya at napatingin sa oras, kailangan niyang madaliin ang pagpatay nito at uuwi pa siya ng mansiyon para handaan ng hapunan ang pinakamamahal niyang asawa. Sayang, kung hindi lang sana nalaglag 'yun batang nasa sinapupunan niya na sana'y maging anak nila kahit hindi ito ang ama.
"So bitch, see you in hell? I'll follow later." pabulong na saad niya.
Una niyang tinanggal ang oxygen sa ilong na nakakabit, kasunod ang sa bibig nito.
"Ganiyan, dapat ganiyan ka." napangisi siya.
What's next? Ah, of course makakalimutan
Nagising si Amara na maingay ang buong paligid at eksaktong pagmulat niya ng mata ay kaniyang ina ang namulatan niya kasama pa ang kapatid niyang si Berkham. Puno ng pag-alala ang mga mukha ng mga ito pero masaya siyang nakita na okay siya.Naglibot siya ng tingin, andun din ang kaniyang unang namulatan mommy na namumula ang mata at halatang hindi makapaniwala. Simula nung bumisita si Berkham nung nakaraan araw sa kaniya, iyak lang nang iyak ang ginang at hindi pa rin nito matanggap ang nangyari but the same time, tinanggap nito na si Celestine ang tunay na anak. Si Berkham na ang nagpaliwanag sa lahat."Hey Mom, dito pala kayo." mahinang sambit niya."Anak!"Drama ng ina niya. Akala mo talaga kamatayan niya, eh no? Hindi siya mamatay dahil kung kagandahan lang ang basihan sa pahabaan ng buhay, jusko, immortality na ang kaniya! Malas naman nung bumangga sa kaniya, maliban sa binalian lang siya
Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang inum. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin ang lalaki na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara.Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan. Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata."Damn! Pinahirapan tayo ng lokong 'to.""Good. Now he's asleep. Let's bring him."
Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara based na rin sa pangalang tinawag nito.Theon!Bakit nga ba hindi niya binalian ito ng buto kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na 'yun?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae.Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito."A-azael..."Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. "Tayo lang dalawa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka
Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya mapigilan, parang timang siyang napasuntok sa may pader pero agad din napaaray. Ano ba! Nakakabakla talaga pero kinikilig siya na parang lalaking napansin ng crush niyang maganda."Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan." pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang hitsura. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin. Hooh! Kasumpa-sumpa!Matutulog na daw ang prinsesa niya kaya siya, matutulog na din pero sana dalawin siya ng antok nito. Baka hindi na siya makatulog nito sa subrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog sa gabing iyon.Ang nangyari, buong magdamag siyan
Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig siya at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina!"Papakasalan mo ang anak ko or kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?" Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit and that makes him mad. Tangina lang subrang sakit!"Sumagot ka!" malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya.Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsipatakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito ng mahigpit. Sunod-sunod sa pagsipatakan ang kaniyang mga luha at hindi na iyon tumigil. Napahagulhul siya habang yakap-yakap ang katawan nito. Kung naging alisto lang ba siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mg
Napapatitig si Amara sa napakagwapong lalaki na simula nung bata pa siya ay crush na crush niya na ngayon ay nakaupo sa kaniyang tabi habang hawak ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa at kausap ang kaniyang mga magulang at kapatid. Nasa loob sila nang isang mamahaling restaurant kasama ang magulang ni Azaela at kapatid nitong si Celestine. "Until now hindi pa rin ako makapaniwala that you two are inlove since then. God! Nakakalito pero I'm happy for the both of you and to Amara, mommy mo ulit ako and this time tuhanan na." Nakangiting siwalat ng mommy nila ni Azael. Nagpapahid ito ng luha at inakbayan agad ito ng daddy nila. "My, 'wag kang umiyak pumapangit ka." Pagbibiro niya at iningusan ang ina nang pinandilatan siya nito ng mata. Naka-plaster pa rin ang kaniyang kamay at paa kaya ang kasal nila ay mangyayari pagnaka-recover na ang kaniyang katawan at makapaglakad na siya. While Penelope and her parents was now behind those cold bars. Inasikaso ito ni Azael at nang pamilya niya n
"Theon!" masayang tumakbo si Amara para yakapin ang lalaki nang biglang humarang si Azael na nakasimangot ang mukha. "Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap sa kaniya ng mahigpit at biglang binelatan si Theon. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." "EX WIFE." pag-emphasised ni Azael at nakahawak na sa kaniyang beywang. Nakasimangot pa rin ito at halatang ayaw lang siyang palapitin sa lalaki kahit may asawa na rin si Theon. "So? Kung hindi ko siya pinakawalan sa tingin mo magiging sa'yo siya?" Napairap na lang siya sa hangin at pumagitna sa dalawang lalaki na nagbabangayan. Nasa isang simbahan sila para umattend sa christening ng anak ni Doc. Hudson at Abhaya. Subrang cute ng triplets ng mga ito at subrang tuwa niya dahil kinuha silang ninang at ninong. It's been a 3 years pero wala yatang planong bigyan siya ng anak ng h*******k niyang asawa. Baog kaya 'to si Azael? Saka naman lumapit si Zyd kasama ang napakaganda nitong asawa na modelo.
Panay lagok ni Lianne sa kopitang hawak habang pinagmamasdan ang lalaking kanina pa niya tinitigan at pinagmamasdan sa malayo. Pakshet! Kating-kati na siya na lapitan ito at sampalin ng mag-asawang sampal. “Hoy babae ka, maglalasing ka ba?” inis na tanong ng pinsan niyang si Sheena. Umiling siya habang panay pa rin ang titig niya sa lalaking nasa kabilang couch nakaupo kasama ang mga ka team nito sa laro. Nagsisiyahan ang mga ito sa pag-iinom pero maliban sa mga kasama nitong may kaniya-kaniyang babae, ito ay wala. Nanatili lang itong solo at isang beer sa kamay habang tumatawa. “Bakit mo ba tinititigan 'yan si Zyd Caiden McCluskey? Oo, alam natin na napakagwapo niya at subrang hot. Aside from that, captain siya ng hockey pero insan, may jowa 'yan at kalat na kalat sa social media na magpapakasal na sila.” Duh! I know that! Nilagok niya ulit ang laman ng bote niya. This time hindi na sa kopita. Napatuptup na lamang sa bibig si Sheena na nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala.
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy