Share

Chapter 33 - Where Is She?

KUNG nakakamatay lang ang tingin ni Jackylyn kay Don Jukka baka kanina pa ito natumba at nangisay. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong pinatay sa isip kahit iisang dugo lang ang nanalaytay sa kanilang dalawa.

Nagwagi itong dalhin siya sa Finland at pinasuotan ng malaswang damit na halos kita na ang buong kaluluwa niya sa subrang daring ng tabas nito. Nakaupo siya sa isang malambot na kama na kulay pula at tanging mapusyaw na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa bawat bahagi ng apat na sulok ng silid. Nakakadena ang kaniyang dalawang kamay at kahit anong gawin niyang palag, hindi siya makawala. 

Maraming lalaki sa malaking silid na iyon at kahit hindi niya nakikita ang mga mukha ng mga 'to, alam niyang mabibigating tao at hindi basta-basta ang mga nando'n. May cameraman na nakaharap sa kaniya at alam niyang naka-live siya sa darkweb. The auction will start soon ayon sa kaniyang lolo habang siya ay natuyo na lahat ng luha niya.&n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status