Kunwari napatili siya ng malandi nang bumukas ang pintuan at kunwaring natumba. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagsalo ng lalaking target niya nang gabing iyon. Lihim siyang napangisi, its her chance! Once dadalhin siya nito kasama sa mga babae nito sa silid, magagawa niyang kitliin ang buhay nito nang walang kahirap-hirap na 'di malalaman ng mga tauhan nito.
"Tämä kaunis nainen?" Who's this beautiful lady? Tanong nito agad. Biglang umayos ang mga tauhan ng lalaking target niya at kunwari hindi siya nakikita.
Wait, Finnish language?! Biglang sumikdo ang dibdib ni Jackylyn at nang lingunin niya para makita ang kabuuang mukha ng kaniyang lalaking target, nagulantang siya sa nakita. Paska!
Nagsimulang manginig ang kaniyang katawan pero nakuha niyang ngumiti ng subrang tamis sa harapan nito. Hindi pa man, nandidiri na siya mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. Nakakadiri!
&nbs
Nakatitig lang si Jackylyn sa kesame ng kaniyang kwarto nang matanggap ang mensahe ni Yx sa isang secured site kung saan sila nag-uusap dalawa. Wala siyang cellphone, wala siyang balak na magkaro'n kahit isa."Congratulations."Hindi siya nag-abalang nag-response sa message nito. Yeah, congrats. Congrats dahil kung 'di dumating si Theon kagabi, baka bangkay na siya ngayon at pinaglalamayan na. Napabuntunghinga siya nang maalala niya ang pag-uusap nila kagabi ng lalaki..."Sino ka ba talaga? Paano mo nalaman na nandito ako?""Hindi naman siguro nabagok ang ulo mo nung sinabi kong susundan kita 24/7," walang ganang sagot nito habang nakatutok ang tingin sa daan. Minamaneho nito ang itim na sasakyan papalayo sa bahay-bakasyunan. "If I weren't there, you probably get killed," matigas na pagkakasabi nito.Napansin niya ang pagkuyom ng kamao nito at pagtigas ng anyo.
Eksaktong pagmulat ng mata ni Jackylyn, isang banyagang silid ang nagisnan niya. Napaupo siya at pinilit alalahanin ang nangyari. Saka lang niya naalala na may mga armadong kalalakihan ang sumugod sa apartment niya—sumikdo ang puso niya nang biglang bumukas ang pintuan at hindi niya napaghandaan ang pagbiglang pasok ng isang taong hindi niya inaasahang makita."Welcome home Jaakkina," subrang lamig ng boses nito na pumuno sa apat na sulok ng silid.Nangatal ang buong katawan niya habang nakatitig dito. Sunod-sunod na pumatak ang luha sa kaniyang mga mata at nagsimula siyang kinain ng kaniyang kahinaan. Ang nasa kaniyang harapan ay ang walang iba kundi ang matandang Don at kasunod nito ay mga tauhan. May hawak itong kopita ng wine at kalmadong sumimsim do'n habang tiningnan siya na puno ng pang-uuyam."H-how... H-how did you find me?" nanginginig ang kaniyang labi nang tanungin niya ito.N
KUNG nakakamatay lang ang tingin ni Jackylyn kay Don Jukka baka kanina pa ito natumba at nangisay. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong pinatay sa isip kahit iisang dugo lang ang nanalaytay sa kanilang dalawa.Nagwagi itong dalhin siya sa Finland at pinasuotan ng malaswang damit na halos kita na ang buong kaluluwa niya sa subrang daring ng tabas nito. Nakaupo siya sa isang malambot na kama na kulay pula at tanging mapusyaw na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa bawat bahagi ng apat na sulok ng silid. Nakakadena ang kaniyang dalawang kamay at kahit anong gawin niyang palag, hindi siya makawala.Maraming lalaki sa malaking silid na iyon at kahit hindi niya nakikita ang mga mukha ng mga 'to, alam niyang mabibigating tao at hindi basta-basta ang mga nando'n. May cameraman na nakaharap sa kaniya at alam niyang naka-live siya sa darkweb. The auction will start soon ayon sa kaniyang lolo habang siya ay natuyo na lahat ng luha niya.&n
Napamura si Theon ng subrang lutong nang matamo niya ang isang malakas na sipa sa kaniyang tiyan. Hindi niya nailagan iyon dahil may dalawa pang sumugod para paluhurin siya. Fuck! Napaatras siya sa sakit pero agad din sinalo ang isang paa na muling sisipa sa kaniya at binalibag ito sa mga kasama nito.Tumawa naman ng subrang lakas sa kabilang linya si Mordeccai at pumalakpak. "That's it dupe! Iba talaga magagawa ng malandi mong puso, no?""Shut up," pakli niya habang sinasalag bawat tira ng mga ito."Mama mo shut up!" tinawanan lang siya nito at nawala.Fuck this. Kung patuloy pa siyang bwesitin ng mga hayop na 'to na wala yatang balak tantanan siya. Pwes, hindi rin naman nagpapabwesit ang kamao niya at paa. Nagpahid siya ng dugo na kumawala sa kaniyang labi at napangisi naman ang isa sa gumawa nito sa kaniya.Tumalim ang kaniyang mata sa isang lalak
"Fuck!" malakas na mura ni Theon nang hilain siya ni Mordeccai pabalik sa pwesto niyang pagmamaneho. Nabunggo ang ulo niya kaya inis na binalingan niya ito at akmang babatukan."Si Jackylyn!" turo nito sa daan. Mabilis siyang napasunod ng tingin sa kamay nito at nagpalinga-linga. "Biro lang."Gigil na sinapak niya ito sa ulo at isang malutong na tawa ang binigay sa kaniya. Nagseryuso siya sa pagmamaneho at mas binilisan pa ang takbo, kailangan nilang maabutan ang dalaga. Nakakatamad maghanap sa totoo lang, hindi siya mahilig sa larong 'Come And Get Me'.Nakakangilong tunog ng gulong nang huminto sila sa harap ng airport na sinasabi ng kaibigan niyang halos sumubsob na sa dashboard at nangangalaiting tiningnan siya ng masama. Inismiran lang niya si Mordeccai at agad ng lumabas sa sasakyan habang nakasukbit ang baril sa suot niyang pantalon.Shit! Gusto niyang sumigaw sa galit. Sa dam
"Theon!""Jacky!" Natigilan si Theon sa pagpasok sa loob ng plane nang makitang nakaumang ang improvised baston-gun sa kaniya ni Don Jukka. Sa kabilang kamay nito ay ang cigarette pipe at kampante itong humithit ng usok at binuga sa hangin.Natalo rin niya ang dalawang lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan kanina. Sa pagmamadali niyang makuha ang babae, ginamitan niya ang mga ito ng nakakamatay na technique at 'yon ay hilain ng mapwersa ang lalamunan ng isa saka malakas na siniko ang puso. Habang ang isa ay pinuntarya niya ang leeg nito at pinaghahampas ang ulo sa bakal na hagdanan.Napahugot siya ng malalim na hininga. May apat na lalaking nakatayo at lahat ng mga 'to ay nakapamulsa habang naghihintay sa utos ng Don. Mula sa labas, dinig na dinig niya ang patuloy na pagpapatayan ng mga kasamahan niya at ito siya ngayon, naghahabol ng hiningang nakatayo sa harapan ng mga 'to."Don't ever thi
Tatlong buwan ang nakalipas, kung nakakangalay lang ang ngumuti baka kanina pa nangalay ang mukha ni Theon sa kakangiti habang pinagmamasdan si Jackylyn na lumabas ng silid. Ito 'yung araw na pupuntahan nila ang lolo nitong nakakulong panghabang buhay sa Finland. Naging tahimik lang ang kaso ng matandang Don, hindi rin pinalabas sa kahit anuman News ang nangyaring patayan. Lahat ng mga leak footage sa nangyaring patayan ay binubura ng babaeng mahal niya at pinatiling tahimik ang lahat."Laway mo," biro sa kaniya ni Jackylyn."Napunasan ko na." ngumisi siya at irap naman ang nakuha niya sa dalaga.Doon lang din niya napansin na suot nito ang kwentas na binigay niya matagal na. Naglaho ang kaniyang ngiti at lumapit dito. "That necklace..."Napatingin naman ito sa suot nito at namumulang napangiti. "Oo, tinago ko. Maraming beses na gusto ko 'to itapon para kalimutan ka kaso hindi ko ma
"Theon!"Hindi na kailangan lumingon ni Theon oara alamin kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan, alam niyang ang ex-wife niya ito."Theon!" Masayang tumakbo si Amara papalapit sa kaniya para yakapin siya nang biglang humarang si Azael na asawa nito na nakasimangot ang mukha."Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap babae ng mahigpit at bigla siyang binelatan.Ngumisi siya at mas lalong inasar ang lalaki. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." nakakalokong saad niya.Jackylyn his wife was on her way to church. Nasa isang sikat na Recording Station pa ito. Ang pangarap nito na gustong maging singer, tinupad nila pareho basta sa gabi, magkasama silang dalawa sa kama. Ngayon sikat na sa industriya ang kaniyang asawa, paminsan-minsan ay nagdu-duet sila sa mga concert nito at maraming tao na pinakilig. 
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy