Natigilan si Zyd nang tumama ang mata niya sa babaeng matagal niya ng kinalimutan. Agad niyang binawi ang tingin pero sandali siyang natigilan nang makitang may kasama itong bata. Napatitig siya sa batang kasama nito at panay daldal ito. Napakuyom siya ng kamao sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam niya parang may mapupunit sa loob ng kaniyang kaluluwa habang nakatitig sa bata. Hindi niya maintindihan ang nararapat. Parang iba... Hindi niya maipaliwanag kung ano.
Kung hindi pa siya kinalabit ni Kate, 'di niya magawang kunin ang atensyon. Nagpasya silang umupo sa kabilang bahagi, sapat na makita niya ang kabuuang mukha ni Lianne at nang batang kasama nito.
Napangiti siya ng mapakla. Pagkatapos nung nangyari, nagpaimbistiga siya. Kahit dinidiin ni Zig na walang kasalanan ang babae, si Kate naman ang hindi pumayag na 'di makulong si Lianne. Inaamin niyang nadala siya sa galit, napagsalitaan ito ng hindi maganda at pinalayas. Kaya nagpaimbestiga s
Kinabukasan, nagsialisan na ang mga kaibigan niya habang siya dumeritso sa Hospital. Biniro pa siya ni Hudson na nakamasid lang ito sa kaniya at tutulong ito kapag handa na siyang harapin ang kaniyang pagiging duwag. Una niyang hinanap ang Doctor na siyang tumingin kay Lianne pero nag-resign na ito at wala na sa Pittsburgh. Nasa Korean na ito nadestino.Bagsak ang balikat na bumalik siya sa kaniyang kotse. Nag-iisip siya kung anong gagawin sa araw na ito dahil bukas pa naman ang laro nila. Naalala niyang may binigay sa kaniyang application si Hudson before. Mabilis niyang hinalungkat ang kaniyang email at nakita niya ro'n ang APK.Agad niyang ininstall iyon sa kaniyang cellphone. Namangha siya sa hitsura ng application, muntik niya ng makalimutan kung bakit niya ininstall iyon.Mabilis niyang tinipa ang pangalan Lianne Elhouette Vergara sa search bar. Agad niyang pinindot ang pangalan na lumabas na nag-pop up. Isang segundo lang an
Dalawang araw simula nung malaman niyang pinaglalaruan ni Kate lahat. Sa ngayon, hinihintay niyang bumalik ang dalaga. Nasa Asia ito at may fashion show na dinaluhan ayon kay Fritz.Bobo siya sa lahat inaamin niya. Galit siya kay Lianne, pero ngayon galit pa rin ba? Hindi niya makapa sa puso ang emosyong iyon. Napabuntunghinga siya. Sa katunayan niyan, bumili siya ng bahay sa Grandyle Village at magkapit-bahay sila. Hindi niya alam kung para saan at kung bakit ginawa niya ito, o gusto lang niyang makita ang kaniyang mag-ina na ngayon, hindi niya na pagmamay-ari.Nasa taas siya ng kaniyang silid habang pinagmamasdan ang batang naglalaro sa balcony. Panay daldal ito sa mga stuff toys na kaharap at mukhang hilig ng kaniyang anak sa malamig na klima. Minsan napapatingin ito sa snow at humakbang papunta sa labas pero agad din bumabalik sa balcony kapag tinatawag ito ni Lianne. Napakakulit. Natawa siya sa bahaging iyon.
Napasunod ang tingin ni Zyd kay Lianne. Balak niya sana itong sundan pero nakapasok na ito sa loob ng building. Napabuntunghinga siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang sobrang galit ang babae at aaminin niyang, hindi niya kayang harapin ang galit na nakita niya sa mata nito. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa bahay ng McCluskey, kailangan niya pang harapin si Zid. Hindi sila nagkaroon ng oras mag-usap dahil sa busy siya sa paglalaro at halos nasa hockey buong oras niya.Hudson helped him. May sinend ito sa kaniyang voice recorded galing kay Kate at mga screenshots ng messages. Nakasaad din sa message nito sa email ang oras na darating ang dalaga pabalik ng Pittsburgh, Penslyvannia at saan ito dederitso. Nung una, halos sumabog siya at tinawagan ang kaibigan pero tinawanan lang siya nito. Sinabihan siyang ulol at walang kwenta. In which, tama naman.Agad niyang tinawagan ang kaniyang attorney. Binigay ang mga love letter na sinen
Hindi pa nakalapit si Kate sa kanila, binato niya ito ng matigas ba bagay na nahawakan niya sa isang tabi. Dahilan para matigilan ito at napaaray sa sakit. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para takbuhin ang pintuan papalabas. Napasigaw siya nang habulin siya nito at hilain sa buhok. Napatili ng malakas ang kaniyang anak nung akmang sasaksakin siya nito pero nasipa niya sa tiyan ang babae. Napaubo ito at napaatras sa sakit. Ang ini-expect niya na magagalit si Kate, hindi, dahil tumawa lang ito na nasisiyahan sa kaniyang ginawa. Hindi sila pwedeng saktan ng baliw na hayop na ito!"You're all gonna die!" kulang na lang, masamid ito sa pagtawa. Dumapa ito at mabilis na gumapang papunta sa kanilang deriksyon."Mommy!" takot na tumili ng malakas si Aerush Li na karga-karga niya.Napaigik siya nang masugatan ang kaniyang binti. Hiniwa nito ang binti niya at ramdam niya ang sakit na nagmumula ro'n. "Baby, run!" Binitawan niya
Nakahandusay na bumagsak si Kate sa sahig.Nung ipuputok na nito ang baril sa kaniya, mabilis ang kaniyang galaw. Halos hindi nito napansin ang paglapit niya at hinila ang baril. Siya ang humila sa gatilyo at deritsong tumama sa kesame iyon. Pinagsusuntok siya at pinagkakalmot ni Kate sa mukha para bawiin ang baril at ang ginawa niya, sinuntok ito ng malakas sa tyan. Napaigik ito sa sobrang sakit at dahan-dahang napaupo. Wala siyang naramdamang awa kahit konti.Hinubad niya ang kaniyang suot na tshirt at pinunit iyon saka ginawang tali. Sinigurado niyang hindi ito makagalaw sakaling magising. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ibaon ang bala ng baril na dala nito pero hindi siya ang batas. Ayaw niyang maging mamatay tao, tulad nito. Nang masiguradong hindi na ito makakawala, dali-dali siyang bumalik sa kwarto at binuhat ang babaeng mahal niya."Hop on my back, princess."Agad na sumunod si Aerush sa k
Pero nasa bungad pa lang si Zyd ng bahay, tinaboy na siya ni Lianne. Sa pamilya ng babae, alagang-alaga siya at welcome na welcome sa bahay, pero pagdating kay Lianne... Hindi. Wala siyang pag-asa."Ano ka ba, Lianne! Tatay 'yan ng anak mo. Bakit ba ayaw mo pagbigyan ng pagkakataon ang lalaking iyan? Tingin ko, mabait naman siya at mula Pensylvannia pa 'yan, oh. Mukhang pagod na pagod. Bakit hindi mo anyayahan sa loob ng bahay at makapagpahinga?"Nagyuko siya bilang bigay galang sa ama nito na lumabas din at pinakiharapan siya. Kagagaling pa nga lang niya sa Pensylvannia at nagpahatid lang ng chopper kay Cuhen sa probinsya ng babae. Nung unang dalaw niya rito, hindi rin siya pinaakyat at hanggang pintuan lang siya. Hindi rin niya nakita ang kaniyang anak o ang tamang sabihin, tinatago nito sa kaniya ang bata. Wala siyang karapatan magalit. Dahil sa totoo, ang may karapatan dito—— si Lianne lang."Hayaan niyo siya. Hindi
Papikit pa lang si Zyd ng mata habang nakahiga sa may kalambutang sofa nang marinig niya ang matinis na boses ng kaniyang nag-iisang princess. Agad itong tumakbo papalapit sa kaniya at naglalambing."Daddy!"Mabilis niyang tinanggap ang yakap nito at pinugpog ng halik ang ulo, "My baby princess. How's my baby?" Umupo siya at hinarap ang bata.Humagikhik naman ito at tinuro si Lianne na hindi na halos maipinta ang mukha sa sobrang inis. Malalaki ang hakbang nito ngayon na lumapit sa kanila saka kinuha sa kaniya ang bata. Muntikan pa siyang napapikit sa sumaging kamay nito sa kaniyang balat."Magkumot ka!" Binato siya nito ng kumot. Ang lawak ng kaniyang ngiti nang saluin niya iyon saka nitong niyaya si Aerush na umalis."Bye Daddy! Play tayo pagbalik namin, ah? Stay kayo d'yan." Kumaway sa kaniya ang bata hanggang sa makalabas ang mga ito ng bahay.Napabuntung
Bumagsak ang buong mundo niya nang talikuran siya ni Lianne. Ando'n ang sigaw ng utak niyang habulin ang babae pero sa mga salitang binitawan ng babaeng minahal niya ng mas higit pa, pakiramdam ni Zyd, hinati ang kaniyang puso kasabay ng pag-guho ng kaniyang pag-asa na maibabalik pa niya ang dating sila.Wala. Wala na siyang pag-asa kahit konti. Napaupo siya sa lupa habang nakasunod lang ang kaniyang tingin dito na papalayo sa kaniya. Ganito pala kasakit... Ganito pala 'yong pakiramdam na ayaw na nung taong mahal mo, ganito pala kasakit kapag totoong nagmahal ka. Napakuyom siya ng kamao. Nagsimulang yumugyog ang kaniyang balikat at kahit anong pigil niyang huwag umiyak para lang sa puso niyang nawasak—— wala. Wala siyang nagawa nung sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha niya at damang-dama niya bawat sakit sa araw na ito.B-bakit, Elhouette... Bakit...Bumuhos ang malakas na ulan. Dahan-dahan siyang nabasa pero hindi