"Love," mahinang tawag sa kaniya ni Fender.
"Bakit——" Naputol ang sasabihin niya nang tumama ang kaniyang mata sa hubad-baro nitong katawan. Mabilis na nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi habang napatitig sa katawan nito.
Doon lang niya napagtanto na mas marami ang naging tattoo nito ngayon kesa noon magkasama sila. Pero imbes na marumi tingnan sa katawan ng lalaki, mas bumagay rito. Lalaking-lalaki itong tingnan.
"Stop staring at me like that, love."
Napatingin siya rito at nagtama ang kanilang mata. Nakapagpalit na siya ng damit at tapos na rin siyang maligo. Imposible man isipin, may mga damit na nakahanda ro'n at lahat sa mga damit na pambabae na nando'n, ay kasya sa kaniya. Halos lumubog siya sa lupa na pati panl
"Ouch nasugatan ako!""Ha?" Mabilis na lumapit sa kaniya si Blesy at tiningnan ang kaniyang daliri. Agad nag-abot ang kilay nito nang makitang wala siyang sugat. "Wala ka naman sugat, ah.""Meron.""Saan?""Dito oh," Tinuro niya ang kaniyang labi. "Masakit. Tumalsik ang itak sa labi ko." Nakangising saad niya at nagmakaawang tumingi dito.Nasa labas sila ng bahay ngayon, nagbubukas siya ng buko gaya ng hiling ni Blesy. Katatapos lang nila mag-agahan dalawa at masasabi ni Zerus na iyon ang isa sa pinakamasayang agahan na meron siya ngayon 'di pa tuluyan nagbalik ang kaniyang alaala."Ako ba ang pinagloloko mo?"
Marahan napabuntunghinga si Uno habang nakahiga siya sa top deck ng kaniyang yacht na pagmamay-ari. Nabili niya ang yacht na iyon gamit ang perang nakukuha niya sa pamamagitan ng paglalaro niya ng baril at tao. Para sa sariling kagustuhan at luho, nagawa niyang makipagsabayan kay kamatayan. Pero habang lumilipaas ang panahon, nararamdaman ni Uno na walang silbi ang mga materyal na bagay na nasa kaniya ngayon. Wala siyang maramdamang kasiyahan pero masaya siya ngayon natagpuan na ni Zerus ang babaeng mahal nito. Gusto niyang tuluyan itong magbago at mamuhay ng normal. Alam niya kung anong paghihirap ang dinanas ni Zerus para lang sa babaeng mahal nito na matagal na nakalimutan."I envy them." natatawang saad niya habang binibilang sa utak ang ga-buhangin na mga bituin sa kalangitan. "I hope they'll have their happily ever after. Kahit sa gano'n paraan, maibsan ang ang kasalanan ko kay Zer
Natatawang pinagmasdan ni Zerus si Blesy na masayang nagtampisaw sa dagat. Tatlong linggo na sila sa islang iyon na pag-aari ni Uno at masasabi ni Zerus na kontento siya sa buhay na meron siya ngayon, kasama ang dalaga.Magaling na ang sugat ni Blesy at isa rin 'yon sa kaniyang kinakakatuwa. Pwede na niyang angkinin ang babae na walang inaalala kung mabibinat ito. Pwede niya ulit ito angkinin sa ilalim ng buwan at sa mapusok na paraan. Napangisi siya sa parteng iyon at biglang nanigas ang kaniyang alaga sa ilalim ng suot niyang beach short.Oh fuck not again!Pinakalma niya ang kaniyang alagang nagsimulang kumatok. Sa tuwing tumatawa o ngumingiti si Blesy, gano'n din ang reaksyon ng kaniyang alaga. Gustong manuntok.
Matamang pinagmasdan ni Blesy si Fender na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Wala siyang naramdamang pagsisisi na sumama siya rito. Alam niyang may tungkulin siya sa Panginoon bilang Madre pero mahal niya ang lalaki. Mahal niya ito at pauli-ulit siyang hihingi ng kapatawaran sa Diyos Ama. Hindi niya napatunayan ang kaniyang pagmamahal dito na habang-buhay na dapat magsilbi. Siguro may ibang plano ang Diyos kung bakit nagkita sila ng lalaki."Hey? Can't sleep?"Hindi na siya nagulat nang biglang nagsalita ito at nagmulat ng mata. Malakas ang pandama ng binata at kahit malalim ang tulog nito, alam nitong may kaaway o malapit ang buhay nito sa kamatayan.Marahan siyang tumango at masuyong ngumiti. Pagkatapos nilang mag-make out sa buhanginan at magtampisaw sa tubig, nakaramdam sila
Gaya ng sabi ni Uno, pinandigan nito ang pagiging kabit ng Fender niya. Kung saan sila nagpupunta, sumasama ito. Kapag naglalaro sila sa tubig, nakikipagharutan din ito kay Fender. Minsan, nilulunod nito si Fender sa tubig at minsan, binabato ng ampalaya. Minsan din, dakilang tagasira ng sweet moment nilang dalawa.“May single rito, baka naman.” muling umeksina ito at walang paalam na dumaan sa gitna nilang dalawa. Nakaupo sila buhanginan at malayang nanood ng paglubog ng araw.“Love, tell me to calm before I kill my best friend right now, right there.” nandidilim ang mukhang saad ni Fender nang sulyapan nito si Uno na pasipol-sipol at walang pakialam.Natawa naman siya at hinaplos ang mukha ng binata. “Shh ano ba, kaibigan mo 'yan. Mabait si Uno.”
"Zerus do you hear me?! Zerus!"Mga boses na kaniyang naririnig. Pinilit niyang alalahanin ang boses na iyon kung kanino. Naalala niya na, kay Ramona."Gago ka talaga! Katangahan mo talaga ang magdadala sa'yo sa kamatayan. Puro ka Blesy! Blesy!"Nang marinig ang pangalang iyon, agad siyang nagmulat ng mata. Puting kalangitan ang mabilis na sumalubong sa kaniya. Kahit nanghihina ang kaniyang katawan, pinilit niyang bumangon para lang mapasapo sa kaniyang ulo."God! You're alive." nakahingang saad ni Ramona.Napatingin siya rito at nasa tabi nito si Uno. Parehong basang-basa ang mga ito at naghahabol ng hininga."S-si Blesy?""She didn't make it.""Fuck what?!" Pinilit niyang tumayo pero pinigilan siya ni Ramona."Just kidding. She's alive and we need you two to get out of her. Hindi tayo ligtas rito."Napahinga siya
Marahan napabuntunghinga si Blesy nang magpaalam sa kaniya si Fender kinabukasan. Luluwas ito ng Maynila kasama si Uno at may personal na aasikasuhi. Nag-aalala siya. Hindi sa kaligtasan nito kundi sa isipin na baka makalimutan siya nito ulit."I'll be back as soon as I can, I promise." Ginanap ni Fender ang kaniyang dalawang kamay at hinalikan iyon.Tumango siya. May tiwala siya sa lalaki, sa sarili lang niya wala. Natatakot siya. Nag-alala. Maraming agam-agam sa kaniyang puso habang nakatingin sa binata."Baka-""Bukas din ay babalik agad ako. Pagkagising na pagkagising mo, nasa tabi mo na ako at malambing na nakayakap sa'yo."Napangiti siya sa sinabing iyon ni Fender. Alam talaga nito paano kunin ang kaniyang loob at kung paano siya pangitiin, wala pa rin nagbago."Okay. Basta mag-iingat kayo ni Uno, ha?"Ang lawak ng ngiti nito nang
“Hey calm down. Huwag kang umiyak! Hindi pa patay ang Fender Hearst mo.” mabilis siyang inagapan ni Uni at binigyan ng tissue. “Papatayin ako ng kaibigan ko 'pag nalaman niyang pinaiyak kita ngayon buntis ka pa naman.”Kahit papaano, natawa siya sa naging reaksyon ni Uno. Nalito siya kung saan siya matutuwa, sa nalamang hindi patay ang binata o sa nalaman na buntis siya.“Ayan, ngumiti ka. Hindi 'yong ipapapatay mo ako.”Napaismid siya nang wala sa oras at tinalikuran ito. “Ang baho ng niluto mo, baka naman alisin mo 'yan at sabihin mo na sa'kin ang totoo kung saan ba talaga ang magaling na lalaking iyon at matagal kayong nakabalik?”Ngumisi ito. “Nagiging maldita ka pala, Blesy kapag buntis. Hindi ko inasahan ang pag-iba ng ugali mo.”Tumalim ang kaniyang mata kay Uno na agad nitong ikinataas ng kamay. “Oo na, aalisin ko na at ilalagay sa ref!” Mabilis nitong nilagay sa food conta
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy