Sa wakas, nakahanap din siya ng trabaho. Iyon nga lang, sa isang Coffee Shop. Cashier siya ro'n at okay na okay na iyon sa kaniya. Malaking pera na rin iyon kapag naging Philippine Peso. Hindi naman siya mapili sa trabaho, ang kaniya lang ay mapapalagyan niya ng loob at nagustuhan ay okay na okay iyon.
Hindi gaanong sikat ang Coffee Shop na binabantayan niya at dahil bagong bukas pa ito kaya hindi siya busy at may dalawa siyang kasamang babae na puro pinay rin. Mabilis napalagay ang loob niya sa dalawa.
“Ang gwapo talaga niya, no?” nangangarap na saad ng dalawa habang nakatuon ang mga mata sa malaking flatscreen TV sa isang tabi.
Agad napasunod ang kaniyang tingin dito. Napaismid siya sa taong tinutukoy ng mga ito, ang bwesit na lalaki! Hindi na lang niya pinakialam ang mga ito at nagseryuso sa binabasang menu. Hindi siya mahilig sa kape kaya kailangan niyang mamemorya bawat kape roon.
Nang gabing iyon ay naglakad lang siya patungong bus stop at makasakay na pauwi. Isang sakay lang naman ang gagawin niya at makakapiling niya ang unan at kama. Napasigaw siya nang may humablot sa kaniyang bag at mabilis na itinakbo papalayo. Ando'n ang perang pamasahe niya at cellphone na pinahiram lang sa kaniya ni Sheena. Shutaa! Wala siyang pakialam kung babae siya, hinabol niya ito.“Give me back my bag!”“Then take it bitch!”Pinagtinginan siya ng mga tao pero wala man lang kahit isang tumulong. Akala siguro ng mga ito ay naglalaro lang siya ng habul-habulan. Mabilis na lumipat sa kabilang lane ang magnanakaw at bago pa siya nakasunod dito isang malakas na busina ng sasakyan ang pumigil sa kaniya kaya ang nangyari nakalayo na ito ng tuluyan. Letse! Muntikan pa siyang mabangga.Bwesit! Kainis naman, oh.Parang gusto niyang maiyak pero hinam
Tuwing hapon ng ala-una lang ang bukas ng Country's Coffee Shop, wala sa mood na pumasok siya nang araw na iyon. Dinadalangin niya na sana ay hindi siya pestehin ng araw na ito at baka kung ano naman ang kamalasan ang mangyayari sa kaniya. Agad siyang binati ng dalawang lukaret niyang kasamahan sa shop.Kaniya-kaniyang lapit ito sa kaniya at sinundot ang kaniyang tagiliran. Pinaalala ng mga ito sa kaniya ang nakakahiyang pangyayari nung nadapa siya. Pinagsisimangutan na lang niya ang mga ito at nagderitso na sa kaniyang pwesto. Dahil wala pa naman silang customer at bihira lang may napapadpad sa shop nila, tumulong siya sa dalawa na maglinis at gamit na kailangan ayusin.“Hindi ba iyan 'yong jowa ni Captain Zyd? Ang ganda niya pala talaga no?”Napatingin siya sa sinabi ni Trixie at lihim na pinagmasdan ito. Yeah, nakita niya na ito nung nasa park siya. Maganda ang babae at maganda ang pagkakakurba ng ka
Bitbit ang pinggang may pagkain sa isang kamay, maingat na naglakad si Lianne pabalik sa mesa kung saan sila nakaupong tatlo. Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa kanilang pwesto, may tumabig sa kaniyang kamay at dahilan para magkalat sa kaniyang suot na damit ang pagkain. Hindi siya nakahuma lalo na nung napatingin siya sa may gawa non. Kumulo ang kaniyang dugo nang makitang ang girlfriend ito ni Zyd. Nakataas ang kilay nito na parang siya pa ang may kasalanan.“Opps! Sorry.” umikot ang eyeballs nito at nilagpasan siya.Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo kahit kating-kati siyang hilain ang buhok nito at ingudngud iyon dahil halata naman na sinadya nitong tabigin ang kamay niya.“Let me help you.”Isang kamay ang humawak sa kaniya at hinila siya papalayo roon. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa subrang bilis ng pan
Nagulat si Lianne nang bigla siyang lapitan ni Trixie at Hera. Wala silang masyadong customer nang araw na iyon at hindi naman sila pinagbabawalan ni Ms. Williamson na magdaldalan basta nagagawa pa rin nila ang kanilang trabaho. Gano`n kabait ang kanilang amo."Hoy babae, ano ba talaga ang pagitan niyo ni Ms. Kate? Bakit sinasabi niyang sinira mo ang gown niya?" echoss na pagtatanong ni Trixie. Umalon-alon pa ang kilay.Hindi niya pinansin ang pagtatanong nito. "Wala ka ba gagawin? Makikita ka sa cctv...""Huwag mo nga iwasan ang tanong namin babae ka. Hindi ka talaga namin titigilan hanggang sa pumuti 'yan buhok mo." maarteng saad ni Hera at pinandilatan pa siya ng mata.Pinagwalang bahala pa rin niya ang pananakot nito. Actually, ayaw niya nang balikan pa sa utak ang pangyayaring iyon dahil nabubwesit lang ang araw niya lalo na at kung iisipin, wala siyang kasalanan. Bigla na lang itong
"So its you."Natigilan si Lianne sa pag-lock ng shop. Nauna na ang dalawa niyang kasama at hindi niya napaghandaan ang presinsya ng lalaking walang iba kundi si Captain McCluskey. Nakasandal ito sa dingding at nakapamulsa. May suot itong cap at hindi niya alam kung saan ito nakatingin, marahil sa kaniya."What do you mean?" nilangkapan niya ng galit ang boses. Pinagpatuloy niya ang pag-lock ng pintuan. Hindi niya pinaalam dito na nanginig ang kaniyang kamay."That one who ki-""- I'm going. Have a goodnight Mr. McCluskey." Hindi niya hinayaan na matapos ang sasabihin nito at nauna ng humakbang. Bahala ito kung habang-buhay itong tatayo sa dingding nila o kung gusto nito maging dingding. Ang gusto niya ay makauwi na ngayon! As in ngayon kung may pakpak siya."Not so fast Elhouette." He quickly grabbed her hand.Elhouette? Natigilan siya. Ito lagi ang tinatawa
Nakaismid na nakaharap si Lianne sa kawalan habang nakaupo sa loob ng Coffee Shop. Wala yata siyang balak patahimikin ng kaniyang utak sa pag-iisip sa lalaki na kahit anong gawin niya para mawala ito, hindi talaga! Para itong sirang plaka na paulit-ulit na lumitaw sa kaniyang isipan."Ano ba Lianne, nababaliw ka na. Magtrabaho ka na, okay? Hindi ka pumunta sa Canada para lumandi, babae ka." pinapagalitan niya ang kaniyang sarili at kulang na lang ay iuntog niya.Wala silang customer sa araw na iyon kaya ang ginawa nila ay tumambay at naghihintay na may darating na customer. Nagkikwentuhan ang dalawang kasama niya malapit sa may glass wall habang siya ay nasa kaniyang pwesto lang nakaupo. Its been 2 weeks since nung huli niyang makita ang binata but who cares, hindi naman niya ito gusto pang makita."Shuta ka girl, move on!" inis na pakli niya at napairap.Nasa sitwasyon siya n
Napamura nang wala sa oras si Zyd nang sukahan siya ng babaeng mula sa kung saan ay biglang sumulpot at inangkin siyang fiance na nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mas lalong mabwesit dahil sa nalaman niloko na pala siya ni Kate kahit 8 years na sila at ikakasal na.Fuck that woman! Galit niyang sinuntok ang manibela pero saglit lang 'yon dahil nagsasalita na ang babaeng katabi niya ngayon at nagsasalita na tulog. Nasusuka siya sa amoy ng suka nito at baka hindi rin niya mapigilan ang sikmura at magsuka rin siya. Mabilis niyang pinaalis ang sasakyan at sa huling pagkakataon, sinulyapan niya ang babaeng minsan niyang pinangarap na maiharap sa altar at makasama hanggang sa pagtanda.Napakuyom siya ng kamao at walang salitang pinaandar ang sasakyan paalis. Hindi niya alam kung saan nakatira ang babaeng kilala niya sa pangalan Elhouette. Nagpasya siyang sa bahay niya mismo ito dalhin at may atraso pa ito sa kaniya.
WARNING!!!MASAKIT ang ulo ni Lianne ng magising siya kinabukasan. Nasapo niya iyon at pakiramdam niya umiikot pa ang kaniyang paningin sa sakit. Kung alam lang pala niya na ganito kalala ang tama nung wine na kaniyang ininum, sana hindi niya na pinasubo ang sarili. Pinikit niya sandali ang mata nang maalalang wala siya sa sariling silid.No way! Mabilis siyang napatingin sa kesame at sa buong paligid. Hindi niya ito silid at mas lalong hindi niya alam kung paano siya nakarating sa lugar na iyon. Nasa isang hotel ba siya? Motel— God! Nasapo niya ang kaniyang bibig sa huling lugar na lumabas sa kaniyang isipan. Saka lang tuluyang nag-sink in sa kaniya ang lahat nang dumapo ang kaniyang tingin sa lalaking nakadapang nakatulog paharap sa kaniya.S-Zyd Caiden? Wait...Hindi! Gulong-gulo na napatingin siya sa kaniyang sarili at kita niyang wala siyang kahit ni isang saplot sa katawan.
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy