Share

122 - Starting Tonight

"Saan ka galing? Bakit marami kang pasa sa mukha? Makipagsuntukan ka ba?" Nag-alalang tanong ni Trinity sa asawang si Rowan nung pumasok ito sa kwarto nilang mag-asawa nang gabing iyon. Mabuti at tulog na ang kambal nila.

Amoy alak din ito at halatang lasing. Ibang-iba sa asawang nakilala niya. Hindi ganito si Rowan at mas lalong hindi ito nag-iinom!

"Rowan!"

"Let me rest, hon, ha? Mamaya na shayo mag-usap. Nashubraan yata ako sha alak!"

"Pero—" hindi natuloy ang iba pa niyang sasabihin dahil padapang bumagsak ito ibabaw ng kama nila.

Napatili tuloy siya nang wala sa oras mabilis na lumapit dito. Niyugyog niya si Rowan para ayusin sana nito ang pagkakahiga at hindi mahirapan.

"Ano ba ang nangyari sa 'yo? Saan galing 'tong mga pasa mo?"

"Sha tabi-tabi lang. . ."

"Rowan!"

"Damn that bastard!" Galit na anas nito at akmang bumangon pero dahil malakas ang tama ng alak, bumalik ito sa pagkakadapa. "Hindi ka niya mababawi sha 'kin, Talia! Mahal mo 'ko at shaka mahal natin ang isa't isa, 'di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status