Share

Chapter 6

"Kung hindi lang talaga dumating itong si Bliss ay baka hindi na ako nakauwi ng bahay, Kale. Nakita niya lang ako sa daan at kahit parang baliw akong umiiyak doon dahil nanakawan pa ako at naligaw ay hindi siya natakot lumapit sa akin. She's my angel na talaga!" Nakangiting sabi ni Tita Josephine kay Kale na tahimik lang habang kumakain.

Nandito kami ngayon sa restaurant at kumakain. Gusto ko na sanang umuwi dahil baka sabihin na naman ni Kale na sinusundan ko siya pero wala naman talaga akong ideya na si Tita Josephine pala ang mother niya tsaka naawa lang talaga ako kay Tita Josephine kanina kaya ko siya nilapitan at tinulungan.

Hindi naman sumagot si Kale sa sinabi ni Tita Josephine habang ako ay pilit nilalabanan ang pagkailang ko sa kanya.

"Bliss, maraming salamat ulit, ha? Kami na rin ang maghahatid sa'yo pauwi pagkatapos nating kumain." Sabi ni Tita Josephine sa akin.

Umiling kaagad ako. "Hindi na po, Tita Josephine. Kaya ko naman pong umuwing mag-isa. Malapit lang po ang baha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status