ALANIS POV
Tinitigan niya ako hanggang sa buong katawan ko na ang tinititigan niya na ikinailang ko naman. "You're so beautiful, Alanis. Please make love to me. I want you to be officially mine.."Then he kissed me.Hindi kaagad ako nakapagreact sa ginawa ni Russel. Nang hindi pa ako tumutugon sa mga halik niya ay kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaawang ang bibig ko at nahalikan ko na siya pabalik.Napaisip akong bigla, I'm only 16 years old for pete sake! Oo nga at boyfriend ko si Russel at mahal ko na siya pero kung gagawin kaagad namin ang bagay na iyon ay wala na kaming patutunguhan pa at para ko na rin sinira ang tiwala ng pamilya ko.Sinabi sa akin ng pamilya ko na bago namin gawin iyon ay dapat na mahal ko ang isang tao at kasal na kami. I don't want to dissappoint my parents and my brother.Naitulak ko si Russel palayo sa akin na ikinagulat niya. Nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang galit at pagnanasa.ALANIS POVDahil alam kong may posibilidad na puntahan ako ni Russel sa bahay namin ay napagdesisyonan ko na lang na pumunta sa parke ng YGA. Sa parke kasi ay pakiramdam ko na kahit papaano ay nababawasan ang mga iniisip at pinoproblema ko kapag nagpupunta ako doon.Hininto na ng driver ang taxi nito sa gilid ng parke saka ako nagbayad ng pamasahe at bumaba na. Dumiretso ako sa isang bench sa parke at umupo doon.Napaiyak na ako nang tuluyan hanggang sa napahagulgol na naman ako.Ang sakit! Sobrang sakit na makita siyang nagkakaganon nang dahil sa akin pero kailangan muna namin ng space. Gusto ko na matuto siya sa mga pagkakamali niya at magbago siya hindi para sa akin kundi para sa sarili niya.Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa parke kaya hindi makikita ng iba ang pag-iyak ko."Bakit ba kapag nakikita kita ay palagi na lang tayong nagkakatagpo dito sa park?"Napahinto ako sa pag-iyak at napaangat ng tingin
ALANIS POV[Before Alanis, Russel, Julian and Chloe's Confrontation]Hinila na lang ako kung saan ni Julian hanggang sa mapadpad kami sa isang bahay ampunan."Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ampunan. Hindi ito gaanong malaki pero malinis naman ito at maaliwalas.Ngumiti siya sa akin. "Gusto ko lang sana na makilala mo ang mga importanteng tao sa buhay ko."May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit ibang-iba siya? Bakit kapag si Julian ang kasama ko pakiramdam ko ay ligtas ako at magagawa ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin?Hindi ako nakaimik hanggang sa hinila niya na ako papasok sa loob ng bahay ampunan. Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng isang madre."Julian, anak mabuti at napadalaw ka. Alam mo bang miss na miss ka na ng mga bata?" Nakangiting sabi ng madre hanggang sa mapatingin siya sa akin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin ang madre pabalik."Sister Mercy, gusto ko lang po sanang ipakilala s
ALANIS POVHinatid ako ni Julian sa bahay namin habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa mga pananakot at pagbabanta sa akin ni Russel. Hindi ko na kaya pa ang mga ginagawa niya sa akin. Sumosobra na siya. Masakit na.Dahil tulala ako at halos hindi na makapagsalita ay si Julian na ang nag-explain kay kuya Travis at kina mama at papa ang nangyari sa aming dalawa ni Russel. Nakita ko ang pagkabigla nila mama at papa sa mga sinabi ni Julian na ganong klaseng tao raw pala si Russel habang si kuya Travis naman ay parang hindi na nagulat at inaasahan na niya na ganon ang mangyayari.Tama nga si kuya nung una niyang makita na kasama ko si Russel.Gumagabi na kaya nagpaalam na si Julian na uuwi na siya dahil nag-aalala na raw sa kanya si Chloe. Nagpasalamat ako sa kanya at pati na rin ang pamilya ko dahil sa kabutihan na ginagawa niya para sa akin. Nang makaalis na siya ay niyakap na ako nila mama at papa habang si kuya Travis naman ay mal
ALANIS POVLabis akong nagulat dahil sa mga sinabi ni Russel. Anong pinagsasabi niya? Na nakuha na niya ang pagkababae ko? Paano? Alam ko na wala namang nangyari sa aming dalawa."Hindi totoo ang mga pinagsasabi mo, Russel! Walang nangyari sa ating dalawa at alam mo 'yan!" Sabi ko at masama siyang tinignan.Napatingin sa akin ang pamilya ko at umiling lang ako bilang pagtanggi sa mga kasinungalingan ng lalakeng kaharap namin.Napangiti lang si Russel ng nakakaloko at pinagkrus ang kanyang mga kamay. Hindi ko alam na kaya niyang magsinungaling ng ganito. Hindi ba siya nakokonsensya sa mga pinaggagawa niya?Maamo ang mukha niya pero hindi mo mahahalata na kaya niyang gumawa ng isang bagay na pwedeng magpagulo ng lahat. Lalong-lalo na ako na ginugulo niya."Itatanggi mo pa, Alanis? Eh halos umungol ka na nga sa sarap ng mga ginagawa ko sa'yo nung nandoon tayo mismo sa apart-"Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang n
NEIL'S POVKumalat na sa buong campus ng YGA na ang Presidente ng Student Council Government na si Russel Madrid ay dinala sa isang Mental Hospital. Nabalitaan namin ang pang-haharass at panggugulo raw na ginagawa niya kay Alanis. Mabuti na lang at naprotektahan ni Julian si Alanis.Sinasabi ko na nga ba, may pagkabaliw talaga ang Russel na iyon. Tama ang mga hinala ni Julian sa kanya noon pa. Akala ko pa man din na matino si Russel. Pero, bakit ko nga ba sila pinoproblema kung ang sarili kong problema ay hindi ko magawang masolusyunan?Paano ba kasi nalaman ni Elka ang mga pinagsasabi niya noon sa Gymnasium? Napahiya pa tuloy si Marinel sa buong YGA kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok sa klase niya. Napansin ko nga na pati si Denver ay hindi na rin pumapasok sa klase simula noong mga nangyari sa Gymnasium.Nakokonsensya ako, noong una siguro ay naging rebound ko lang talaga si Marinel dahil desperado na akong makalimot kay Chloe p
INAH'S POVNgayong araw na ito ay pupunta ako ng Maynila at aattend sa kasal ng tita ko. Si mama ang inatasan na pumunta pero ako na lang ang aattend dahil hindi niya na raw kayang bumiyahe ng malayo dahil matanda na raw siya at madaling mapagod.Jusko! Ang sabihin lang niya ay tinatamad siyang umalis ng bahay. Ako kasi palagi ang pinapa-attend niya sa mga gatherings o lakad ng pamilya namin kapag busy o tinatamad siya. Kaya nga minsan ko na lang makabonding ang mga kaibigan ko dahil doon pero kahit puro reklamo at utos sa akin ang mama ko ay mahal na mahal ko iyon.Kaming dalawa na lang kasi ang magkasama sa buhay dahil may asawa na ang kuya ko habang nasa ibang bansa naman ang papa ko at doon nagtatrabaho. Gusto ko sanang puntahan si Alanis sa kanila kaso ay kukulangin na rin ako sa oras dahil isang araw lang naman ako magtatagal sa Maynila at uuwi na kaagad ako sa Masbate. Kami nga na mga kaibigan niya ay wala nang balita sa kanya.Nakalimutan
TRAVIS' POVNasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang kapatid kong si Alanis na iniiyakan ang lalakeng halos sirain na ang buhay niya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung mahal niya talaga 'yong si Russel pero hindi na sila pwedeng magsama pa. Mapapahamak at masasaktan lang si Alanis sa kanya. Alam kong wala nang balitang nalalaman ang mga kaibigan ni Alanis sa Masbate tungkol sa kanya kaya nagdesisyon akong bumiyahe papunta doon at kausapin sila tungkol sa mga nangyayayari kay Alanis.Nang makarating na ako sa Masbate ay kaagad akong pumunta sa bahay nila Gio. Sinabi ko sa kanila na darating ako ngayon sa Masbate at kakausapin silang tatlong magkakaibigan tungkol kay Alanis.Hindi naman nakasama si Inah dahil nagpunta raw ito sa Maynila at aattend sa kasal ng tita niya.Pagka doorbell ko sa bahay nila Gio ay siya kaagad ang bumungad sa akin."Kuya Travis, dumating ka na pala." Nakangiting sabi niya at pinapasok ako sa loob ng
ALANIS POVHinila ako ni Julian papalabas ng classroom namin hanggang sa mapadpad na kami sa isang abandonadong Stock room. Pinasok niya ako sa loob nito at isinara ang pintuan. Kaagad naman akong kinabahan dahil sa ginawa niya."J-Julian, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang nagpapanic na.Inis naman niyang ginulo ang kanyang buhok at lumapit pa sa akin. Napaatras ako at umiwas ng tingin sa kanya."Alanis, I'm not really good at confessing my feelings but.. I think I like you, ah no! I love you." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at hindi ko alam ang sasabihin ko.Mahal niya ako? Mahal ako ni Julian?Siguro kung ibang babae lang ako ay magtatatalon na ako sa tuwa dahil may gusto sa akin ang isang gwapo, matangkad at mayaman na si Julian Saavedra pero.. ako si Alanis, mahal ko si Julian pero bilang kaibigan lang dahil hanggang ngayon ay si Russel pa rin ang mahal ko
KALE'S POINT OF VIEWI didn't even know that my life would changed because of her. My life before was like an awful and sad story from a mysterious and silent type of boy who suddenly went to a school for commoners.When I met her at first, she was kind of annoying to me. She's always following and chasing me and that's the reason why I hate her.No one wants to befriend me because everyone in my previous school was blaming me for the death of my father. They are scared and hate me for that reason that's why my life was always in the dark.But when the time that I threw the food that she gave to me, I realized that I'd already love her.Sino bang lalakeng hindi magugustuhan ang isang babaeng katulad niya? She's pretty, happy-go-lucky, very intelligent and kind girl.I was so damned lucky because I'm the one who she likes at first at maling-mali na pinagtabuyan ko siya noon nang dahil lang sa hindi ako sanay na may taong nandiyan para sa akin na mamahalin ako sa kung sino o ano ako.Je
Nag-iimpake ako ng ilang mga gamit para sa pagpunta namin ni Kale sa Bangladesh dahil doon raw kami ikakasal. Isa iyon sa mga bansa kung saan legal ang minor age wedding. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari ngayon pero siguro ay dahil marami lang akong iniisip nitong mga nakaraang-araw.Masyado nang pagod ang puso ko para isipin pa ang mga pinagdadaanan ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko at siguro ay kailangan ko nalang itong harapin."Christian, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik dyan, ah?" Tanong ko kay Christian na kasama ko dito sa loob ng kwarto ko.Napansin ko kasi na kanina pa siya tahimik. Sasama rin siya sa Bangladesh sa kasal na gaganapin sa amin ni Kale.Tumingin naman sa akin si Christian. "Bliss, sigurado ka na bang pakakasalan mo si Kale? Hindi ba't hindi mo naman siya mahal at si Ash ang mahal mo? Papayag ka nalang bang matali sa isang relasyon na alam mong hindi ka magiging masaya?" Nag-aalala
Sa sinabi sa akin ni Kale ay pinag-isipan ko iyon nang buong araw. Pinunasan ko ang mga luha ko habang tinitignan ang apat na pregnancy kit na hawak ko.I'm pregnant.Mahal ko si Ash pero.. magkakaanak na ako at ang ama nun ay si Kale. I'm too young to get pregnant pero nangyari na ito at kailangan ko na sigurong tanggapin ang kapalaran ko.Maybe the destiny was not meant for me at kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan sa huli.Ang pagmamahal nga ay pagsasakripisyo at ngayong alam kong buntis na ako ay hindi deserve ni Ash ang isang katulad ko na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya.Tinignan ko si Kale na nakangiti habang nakatingin sa mga hawak kong pregnancy kit. He hugged me at nakikita kong masaya siya na magkakaanak na kami."I'm so happy, Bliss. I'm going to make sure na aalagaan at mamahalin ko kayo ng magiging baby natin. You know how much this means to me." Sabi niya nang kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin.Wala akon
Pagkapasok namin ni Ash sa loob ng Southern Academy ay kaagad naming natanaw sila Kevin, Yesha at Lucas na naglalakad papalapit sa amin.Kaagad naman akong niyakap ni Yesha pagkakita niya sa akin."Are you okay, cous? Nabalitaan namin 'yung ginawa nung Kale na 'yon sa'yo. How dare he is to abduct you? He's such a crazy man to do that!" May pag-aalala niyang sabi habang naiiling ito.Nginitian ko naman si Yesha at kumalas na mula sa pagkakayakap niya."I'm now okay. Mabuti nalang at may tumulong sa akin noong tumakas ako kay Kale." I said and sighed after.Yesha just nodded."Pero parang mas lalo ka yatang gumanda after two weeks, Bliss? Hmm.. dahil ba sa inspired ka sa lalakeng katabi mo?" Nakangisi namang tanong ni Kevin at inginuso nito si Ash na namulang bigla sa sinabi niya."Can you stop that, Kevin? Nakakahiya kay Bliss!" Mahinang sabi ni Ash na narinig naman namin.Kevin just laughed. "Sus! Nahiya ka pa but we're already know na mahal ka rin pala ni Bliss so you don't need to b
Marahang hinahagod ni Christian ang likod ko habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak ko. Nang kumalma na ako ay binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko naman iyon.It's already 11pm in the evening at nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko kasama si Christian. Sinasamahan niya ako sa matinding pag-iyak ko magmula pa kanina.Kanina pa nakauwi sina Kale at si Tita Josephine. Sina Mama at Papa naman ay nasa trabaho na nila sa kompanya namin at overnight sila doon habang si Kuya Andrei ay bigla nalang umalis at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta.Alam kong maging pati siya ay tutol rin sa desisyon ni Papa na ipakasal ako kay Kale at masama ang loob niya doon."Christian, bakit ganon si Papa? Bakit pinagtutulakan niya akong pakasalan si Kale? Hindi ba niya naiisip 'yung nararamdaman ko?" Puno ng hinanakit kong sabi.Inakbayan naman ako ni Christian at pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam mo Bliss, naiintindihan ko 'yung Papa mo kung bakit naging ganoon ang desisyon ni
Sobrang sama ng titig ni Kuya Andrei kay Kale habang kaharap namin siya kasama si Tita Josephine. Pinatawag sila ng pamilya ko para komprontahin tungkol sa ginawa ni Kale sa akin.Hindi ko na muna binanggit na may nangyari na sa amin dahil panigurado na mas lalo lang madadagdagan ang galit nila lalo na si Ash. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanya at kung pwede nga lang ay itatago ko nalang ang pagkakamali kong iyon."Ang kapal naman ng mukha mo para kidnappin ang kapatid ko at itago siya sa amin. Sino ka ba para gawin 'yon, ha?" Sigaw ni Kuya Andrei at dinuro niya si Kale na kanina pa tahimik at walang halos imik.Pilit namang pinapakalma ni Mama si kuya at si Papa naman ay tahimik lang habang pinagmamasdan kami. Si Ash ay katabi ko habang nakahawak siya sa isang kamay ko at si Christian naman ay nasa tabi lang namin.Hindi pa rin sumasagot si Kale sa sinabi ni Kuya Andrei kaya mas lalo lang nadagdagan ang galit ng kapatid ko sa kanya.I've never seen my brother would be so mad
Mahigit isang linggo na akong nandito sa probinsya ng San Alfonso kasama sina Christian at Inay Felicia. Sa loob ng mga panahong iyon ay mas lalo ko pa silang nakilalang dalawa lalo na si Christian. Sinabi niya kay Inay Felicia ang tungkol sa scholarship program na inaalok ni Papa para sa mga teenagers na gustong makapag-aral at pumayag naman si Inay Felicia doon basta ay pagbutihin lang ni Christian ang pag-aaral niya.Sinabi naman ni Christian na dadalawin niya every weekends si Inay Felicia dito sa San Alfonso kung sakali mang sa Maynila na siya mag-aaral ng kolehiyo.Sinabi ko na rin sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit ako napadpad dito sa San Alfonso. Naawa sila sa sinapit ko at dapat raw ay hindi ko dinanas iyon. Nakikita ko ang sobrang pag-aalala ni Christian doon at natuwa naman ako dahil concern siya sa akin.He's really my true friend.Naisipan ko nang i-contact sina Ash at ang pamilya ko sa Maynila at natuwa sila nang malaman na maayos lang ang kalagayan ko. Nang sin
Nagising ako at kaagad kong tinignan ang nakasabit na wall clock sa kwartong tinutulugan ko. It's already 6am in the morning. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas sa loob ng kwarto.Nakita ko kaagad si Christian na nakaupo sa sala at umiinom ito ng kape. Ngumiti naman siya nang makita niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya at umupo sa upuang nasa tabi niya."Good morning, Bliss." Bati niya sa akin."Good morning din, Christian." Bati ko."Gusto mo ba ng kape o gatas? Ipagtitimpla kita. May pandesal din dito, kumain ka na." Pag-aalok niya."Thank you. Nasaan na pala si Inay Felicia?" Tanong ko."Nauna na siya sa bukid. Ako naman ay pupunta sa kabilang bukid para magbuhat ng mga troso. Sayang rin ang kikitain ko doon kaya tutulong ako." Sabi niya pagkatapos niyang humigop ng kape."Hmm.. pwede ba akong tumulong sa'yo sa bukid?" Nakangiting tanong ko na ikinagulat niya."Sigurado ka ba? Mainit doon at baka masunog lang 'yang balat mo. Napakaputi mo pa naman at hindi maganda
Nang iminulat ko ang mga mata ko ay kaagad bumungad sa akin ang isang matandang babae at isang lalake na mukhang kaedad ko lang. Napangiti sila nang makita nilang nagising na ako."Salamat sa Panginoon at nagising ka na rin, hija." Sabi nung matandang babae at hinaplos niya ang mukha ko.Inilibot ko ng tingin ang paligid ko at nakahiga ako sa isang kama at ang paligid naman ng bahay ay gawa sa kahoy.Nagpapasalamat ako at nakaligtas ako mula sa mga kamay ni Kale nang dahil sa pagtakas ko. Kung magtatagal pa ako sa poder niya ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin.Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at humarap ako sa mga taong nagligtas sa akin."Maraming salamat po at iniligtas niyo ako." Sabi ko at napayuko nalang."Wala iyon, hija. Hindi ka muna namin tatanungin sa kung anuman ang dahilan kung bakit napadpad ka dito sa lugar namin. Ang kailangan mo lang muna ay ang magpahinga." Nakangiting sabi naman ng matandang babae.Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat po tal