Dire-diretso lang ang paglalakad ko habang iniiwasan ko ang mga pagtitig sa akin ng mga estudyanteng nadaraanan ko.
Sa loob ng tatlong taon ko bilang high school student ay sanay na sanay na ako sa atensyon na nakukuha ko sa paaralan namin.They said that I'm the prettiest girl in our school pero wala naman akong pakialam doon dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral. My family was not that rich at nasa middle class lang ang pamumuhay namin kaya gusto ko silang matulungan sa pamumuhay namin pati na rin ang panganay kong kapatid na si Kuya Andrei.Maraming nagtangkang manligaw sa akin pero ni isa ay wala pa akong nagustuhan including my bestfriend/suitor named Ashton.Ashton Melendrez or Ash for short is my best friend for a long time at kababata ko rin siya. When we were in second year high school ay umamin siya sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong ligawan but I'd rejected him at sinabi kong hanggang best frienTodo ang ginawa kong pagpapaganda ngayon sa 2nd day of classes namin. Sa tanang buhay ko ay hindi ko inaasahan na mag-aayos ako ng todo para lang sa lalakeng nagugustuhan ko ngayon.Ganito nga siguro kapag may crush ka kaya naiintindihan ko na ang pinsan kong si Yesha kung bakit masyado siyang nagpapapansin sa sikat na Varsity Player sa school namin na si Lucas Infante.Habang nag-aayos ako ng aking sarili ay biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si Kuya Andrei. Mariin itong nakatingin sa akin habang inaayos ko ang dulo ng buhok ko at pinakulot ito gamit ang hair iron ko."What's happening to you, sis? Ngayon lang yata kita nakitang mag-ayos ng todo, ah? I know you were already beautiful kahit hindi ka na mag-ayos but now? You're glowing." Nakangiting sabi ni Kuya Andrei sa akin.I pouted. "S-syempre, dalaga na ako, no! at naisipan ko lang na mag-ayos naman kahit papaano!" Sabi ko pero nagmukhang defensive naman yata ang tono ko.Tumawa la
Maaga akong nagising kaya maaga rin akong papasok sa school. Nagpaganda na naman ulit ako ng bongga para sa pinakamamahal kong si Kale at syempre ay hindi mawawala ang ginawa kong sandwich at milk shake para sa kanya.Nag-effort na talaga ako para naman matuwa na siya sa akin at hindi iyong palagi nalang siyang naiinis o nagagalit sa tuwing nakikita niya ako. Sana nga lang ay tanggapin niya itong ibibigay ko sa kanya kahit super kulit ko na at palagi ko siyang ginugulo.Ang goal ko lang talaga ay ang mapalapit sa kanya at maging kaibigan siya.Pumasok ako sa school namin ng 6am. Isang oras pa bago ang unang klase namin pero excited na akong makita si Kale kaya aabangan ko siya.Nagpunta muna ako sa Cafeteria at expected ko na ngang kakaunti lang ang estudyante ngayon dahil maaga pa. Umorder muna ako ng makakain dahil hindi pa ako nakakapag breakfast sa bahay.Habang kumakain ako ay biglang lumapit sa akin ang isa sa sikat na Varsity Playe
"But I have to say this to you Bliss, 'wag kang masyadong makipaglapit sa Kale na 'yon dahil hindi maganda ang kutob ko sa kanya."Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa akin ni Ash kaninang break time tungkol kay Kale.Hindi raw maganda ang kutob niya rito. Siguro ay nag-aalala lang siya sa akin dahil hindi ko pa naman lubusang kilala si Kale but he can't stop me from pursuing Kale at pursigido talaga akong mapalapit sa kanya.Nang matapos na ang huling klase nila Kale ay unti-unti nang nagsilabasan ang mga kaklase niya mula sa classroom nila. Hindi ko na rin pinapansin ang mga mapanuring tingin at titig sa akin ng mga lalake at ng iba pang mga kaklase niya.Nang makalabas na sila ay saka pa lamang lumabas si Kale na may nakasabit na backpack sa kaliwang balikat niya.Kaagad akong lumapit sa kanya at nang makita niya ako ay inaasahan kong wala pa ring ekspresyon ang kaniyang mukha. Dinedma niya na naman ako at maglalakad na
Ngayon ay nakasakay ako sa kotse ni Ash at papasok na kami ng school. He's only 16 years old pero pinapayagan na siyang magdrive at dahil sa makapangyarihan ang pamilya nila sa bayan namin ay kahit hindi pa 18 years old si Ash ay pwede na siyang makapagmaneho ng sasakyan.Iba talaga ang nagagawa ng impluwensya at kapangyarihan ni Tito Wilbert na Dad niya kaya takot ang lahat sa Pamilya Melendrez.This is our first day as a couple at kitang-kita ko sa mga mata ni Ash kung gaano siya kasaya ngayong magkarelasyon na kami. Although I don't love him yet ay pipilitin ko ang sarili kong mahalin siya at baka siguro kapag nagtagal ang relasyon namin ay aabot na kami sa puntong iyon."I forgot to tell na nasabi ko na kina Mom at Dad na girlfriend na kita. They said na bumisita ka raw sa bahay this Saturday. Is it okay with you? Susunduin na lang kita sa bahay niyo." Sabi ni Ash habang nagmamaneho siya."Ah, sige." Sagot ko at nginitian siya.He loo
"Kung hindi lang talaga dumating itong si Bliss ay baka hindi na ako nakauwi ng bahay, Kale. Nakita niya lang ako sa daan at kahit parang baliw akong umiiyak doon dahil nanakawan pa ako at naligaw ay hindi siya natakot lumapit sa akin. She's my angel na talaga!" Nakangiting sabi ni Tita Josephine kay Kale na tahimik lang habang kumakain.Nandito kami ngayon sa restaurant at kumakain. Gusto ko na sanang umuwi dahil baka sabihin na naman ni Kale na sinusundan ko siya pero wala naman talaga akong ideya na si Tita Josephine pala ang mother niya tsaka naawa lang talaga ako kay Tita Josephine kanina kaya ko siya nilapitan at tinulungan.Hindi naman sumagot si Kale sa sinabi ni Tita Josephine habang ako ay pilit nilalabanan ang pagkailang ko sa kanya."Bliss, maraming salamat ulit, ha? Kami na rin ang maghahatid sa'yo pauwi pagkatapos nating kumain." Sabi ni Tita Josephine sa akin.Umiling kaagad ako. "Hindi na po, Tita Josephine. Kaya ko naman pong umuwing mag-isa. Malapit lang po ang baha
Natapos rin ang isang linggo at masasabi kong naging maayos naman ang lahat. Noong sabado ay sinundo ako ni Ash sa bahay namin at dinalaw ko ang parents niya sa bahay nila.They are so happy nang malaman nilang may relasyon na kami ni Ash at boto sila sa akin para sa anak nila lalong-lalo na si Tita Alora.One thing that I'd noticed from Ash ay masyado pala itong seloso. Dahil alam niya ang lahat ng accounts ko sa social media ay iniiwasan ko na ring makipag-usap sa mga lalake maging pati na rin sa mga lalake naming kaklase o mga kakilala.Nung minsan na may nagcomment sa profile picture ko na kakilala kong guy ay nagalit si Ash doon at kaagad binura ang comment nun na hindi ko na nakita pa.I was worried sa inaasal niya pero mas pinili ko nalang siyang intindihin na masyado niya lang akong mahal kaya nagseselos siya ng ganoon.Nagpunta ako sa library para magreview sa exam namin bukas. Hindi ko kasama ngayon si Ash dahil may practice ito sa basketball team niya.Nang makapasok na ako
"Get in." Tipid na sabi ni Ash at nauna na itong pumasok sa loob ng kaniyang kotse.Napabuntong-hininga nalang ako at pumasok na rin sa loob ng kotse niya.He looks like he's mad but he can't confront me. Kung hindi ba naman kasi ako hinila ni Kale at dalhin sa bahay nila ay hindi ko maiiwan si Ash sa school kahapon! Nako talaga."Ash, I'm sorry kung naiwan kita kahapon sa school." Paghingi ko ng tawad kay Ash."And what is the reason kung bakit parang tanga mo akong pinaghintay sa school kahapon?" Sarkastiko niyang tanong at nag-umpisa na siyang magmaneho papunta sa Southern Academy.He's really mad at medyo naninibago lang ako dahil ngayon lang ako kinausap ni Ash ng ganito.I bit my lip. "The truth is, habang hinihintay kita sa labas ng huling klase ko ay basta nalang akong hinila ni Kale at dinala ako sa bahay nila. His Mom wants to see me dahil nga sa tinulungan ko siya noong nanakawan siya sa lugar namin." Nahihiyang pag-amin ko.Natahimik siya sa sinabi ko at nakita kong humigp
Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas nang mangyari iyong pag-amin sa akin ni Kale. Pilit ko nalang iyong kinakalimutan dahil alam kong hindi tama ang nararamdaman niya para sa akin. May boyfriend na ako at si Ash iyon kaya hindi ko na siya kailangang isipin at problemahin pa.Todo na rin ang pag-iwas ko kay Kale at hindi ko na siya magawang tignan kahit man lang sa klase namin dahil alam kong tinitignan niya ako palagi.Napapansin na nga ni Ash ang ginagawa niya at gusto na siyang komprontahin tungkol doon pero sinabi kong hayaan nalang si Kale tutal ay hindi naman ako ginugulo nung tao.Ngayon ay nandito ako sa P.E class namin at hindi ko kasama sina Ash o Kale dahil alam kong magkaklase sila sa P.E class nila.Habang nagpapractice kami ng self defense move ng mga kaklase ko dito sa may school field ay nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Kevin.Napahawak pa siya sa magkabilang tuhod niya na hingal na hingal nang makalapit na siya sa akin."Bliss, sina Ash at 'yung si Ka