Home / YA/TEEN / The Nerdy Guy / CHAPTER 3: Lets have Fun!

Share

CHAPTER 3: Lets have Fun!

Author: Thirsty_Ara
last update Huling Na-update: 2021-08-23 22:29:06

CHAPTER 3: Lets have Fun

“Chloe, you look great!” Irene complimented. “Can we use that crazy smile too?” 

“Yeah, you’re right Irene.” 

Nauna akong maglakad sa kanila. Kung balak nilang pag-usapan ako mas mabuting iwan ko na sila. How rude kung naririnig ko mga tsismis nila. 

Huminto ako nang sumigaw sila pareho. Their voices makes me irritated. 

“Tabi!” dinig kong malakas na sigaw sa may kanan ko. Agad akong lumingon, huli ng maiwasan ko pa ang bola sa direksyon ko. 

Napahawak ako sa aking likuran at mabilis na tumayo. Tinulungan naman ako ni Nichole. 

Narinig kong malakas na tawa ni Irene. Mabilis kong hinablot ang cellphone niya at mabilis na dinelete ang video na kinunan niya. Balak niya bang ikalat at ipaalam sa lahat ang nangyari. 

But speaking of…

“Sorry, po. Hindi ko sinasadya–” 

Lumapit ako sa kaniya. “Shut up!” 

“Chloe, ang cute niya ‘wag ka namang–” 

Pinanlakihan ko siya ng mata at ikinairap niya. Binaling ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. So, isa siya sa mga transferres. How lucky he is. 

“I want you to kneel down and say sorry, twenty times.” I cross my two arms when he tries to complaint. 

Kinuha ko ang bola sa kamay niya at tinapon ito sa mismong mukha niya. Sa bilis ng pangyayari wala siyang nagawa. Nakatulala siya sa akin na may gulat na reaksyon. Napabuntong-hininga ako. Marami pa akong gagawin at ayaw kong mag-aksaya ng oras sa isang tulad niya. 

“I said kneel down and say sorry, twenty times,” I repeated. 

Napaatras siya at dinampot ang bola. “N-Nag s-sorry na ako at h-hindi ko naman po sinasadya.” 

“Irene! Nichole, gawin niyo na!” utos ko sa dalawa na nasa aking likuran lang. 

“Stop it, Chloe.” Napa-smirk ako sa kung sino ang dumating at nagsalita. 

“What’s up, James?” bati ko sa kaniya at ngumiti ng peke. 

Napayuko naman siya at ikanatawa ko ng malakas. Wala siyang pinagbago. Magaling!

“C-Chloe, kapatid ko siya si Jaime. Ako na ang humihingi ng tawad,” pakiusap niya. 

Hihingi ng tawad? Gano’n na lang kadali, asa siya! So, kapatid niya pala ang isang ‘to. Ang malas naman nya.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. “James, baka nakakalimutan mong hindi gano’n madaling magpatawad ang isang tulad ko.” 

Tumawa ako ng lumayo siya sa akin. Seriously? Kailan pa siya naging choosy. 

“Ohh, come on. James,” aya ko sa kaniya at tumawa. “How’s your vacation, my Escort?” 

“Stop acting, Chloe.” Kinausap niya ang kapatid niya at pinabalik ito sa basketball court. 

“What do you want me to do?” Tumawa ako ng malakas sa tanong niya. 

“Parang ayaw mo yata ah,” sarcastic na sabi ko. 

“C-Chloe, he still in his position. Uhm, I m-mean you can do that–” Binaling ko ang tingin kay Nichole at napansin kong nag-blu-blush siya. 

Napairap ako at humarap kay James. Fine, I can’t ask him anything I want in this kind of situation. 

“Hindi ko pa rin patatawarin ang kapatid mo at gusto kong asahan mo kung ano ang mga gagawin ko. Simula ngayon at pagkatapos ng tatlong araw gusto kong um-attend ka sa gagawing meeting ni Jeremy. Are we clear?” Tumango naman siya. 

Magaling. Isa siya sa mga masunuring aso. Pero bago ko makalimutan. Sinenyasan ko na si Irene. 

Agad naman siyang kumapit sa braso ni James at parang nang-aakit. 

“Nichole, let’s go.” Mukhang gusto niya pang mag-protesta pero sumunod na rin siya sa akin.

“Mero’n ako ngayon, James. P’wede ba humingi ng favor? Don’t worry, babayaran naman kita. Bilhan mo ako ng dalawang packs ng napkin, hintayin kita mamaya sa classroom ko.” Napangiti ako sa ginawa ni Irene. 

Hinabol niya kami habang nakangiti. Sinalubong naman siya ni Nichole. 

“Ba’t ‘yon pa ang inutos mo sa kaniya?” Nga’yon nagsisimula na naman silang mag-ingay. 

Mula rito nakikita ko ang ibang transferres. Ang swerte naman nila at binigyan sila ng pagkakataon para maglibot-libot sa paligid. Maging ang ibang estudyante dito pinayagan ding lumabas. Para ano? Asikasuhin sila? Balak yata nilang pasayahin ang araw ko.

Napangisi na lang ako sa aking naisip. Tama, sa dami nila ang unfair kung ang iba ay walang magandang experience sa first day of school nila. Hinarap ko ang dalawa na hanggang ngayon ay ang ingay pa rin. 

Hindi ko alam kung bakit ang saya rin nila pareho sa plano ko. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung anong maganda kung uulan? 

Bahala na nga sila basta napag-usapan na namin ang dapat nilang gagawin. 

“Uhmm..May I excuse you all? I am Jeremy Hidalgo the president of Ramos University,” panimulang announce ni Jeremy. “Maaari ba kayong lahat pumunta rito sa field? May announcement lang kami na ipapaalam sa inyo.” 

Napangiti ako ng binigay niya sa akin ang microphone. “Chloe, pagbibigyan kita ngayon pero gusto kong pumayag ka lumabas tayo sa weekend. Deal?” 

Umiling ako at inirapan siya. Ang kapal ng mukha niya, wala ba siyang kahihiyan ako pa ang niyaya niyang lumabas. 

“Sige na, Chloe. Please, na-miss kasi kita.” Ngumuso siya ng umiling ulit ako. 

“I can’t promise but I'll try.” Agad naman siyang ngumiti at parang nabuhayan. 

Tumayo ako at hinarap ang mga low class na studyante. Wala na akong pakialam sa kung saang school sila nanggaling pero isa lang ang masasabi ko, nakakadiri silang tingnan. Wala na ba silang ibang masusuot ‘yong mas ikakaganda nila? Ang mga lalaki naman akala mo kung sinong mga siga. Nagmumukha silang gangster sa squatter area. May mga mahihinhin at mahiyain din. 

Ngumisi ako ng nakakaloko at sinabayan ng pekeng tawa. Hinihintay ba nilang may sasabihin ako pero sige, mabuti na rin ‘yon. Hanggang hindi pa ako sumesenya ay wala pang mangyayari. 

“Okay, liste–” Biglang kumulo ang dugo ko sa kanilang lahat. 

Mga walang respeto. Ba’t kailangan nilang mag-ingay habang di pa ako nakakapagsalita. 

“C-Chloe, si S-Sir Franklin. Papunta siya rito,” bulong ni Jeremy. 

So, siya pala ang pinagkakaguluhan ng lahat. Mukhang kilalang-kilala na nga siya ng mga transferres. Wala naman akong balak pang magpakilala sa kanila pero ang isang tulad niyang disciplinarian ay hindi nakakatuwa. Ano naman ang magiging ambag niya sa paaralang ito kundi ang kutsintihin ang lahat ng mga estudyante. 

“Hey! Mr. Franklin. Stop right there!” Nakalimutan ko dapat maging mabait ako nga’yon. 

Huminto siya sa harap kasama ang mga bagong estudyante. Napasapo ako sa ulo ko ng maisip na parang kalaban ko silang lahat. Tama naman.

“Actually, I want to welcome those new student. So, I prepare a precious celebration for them. What can you say, Mr. Frank?” 

Wala siyang sinabi pero nagpataas ng kamay ang kasama niyang estudyante kanina. Ngumiti ako at binigyan siya ng pahintulot magsalita. Mas mabait pa siya sa aso. 

“P’wede po ba naming malaman kung sino po kayo?” Tumawa ako ng malakas sa tanong niya.

Binaling ko ang tingin kay Mr. Disiplinarian na walang kwenta. “Mr. Franklin wala ka pa yatang nasasabi sa kanila tungkol sa akin o kung sino ako.” 

“Rules is rules? Haha, noon pa ‘yang patakaran. Hindi mo naman nagagawa ang lahat ng dapat gawin. Siguro p’wede ka ng paalisin sa paaralang ito,” dagdag ko pa. 

May pagkakataon akong ipahiya siya sa maraming tao at gusto kong alalahanin niya ang kahihiyang ito. 

“Right, sir? Ano pang ginagawa mo? P’wede ka na pong mag-impake ng inyong mga gamit. Huwag mo na ring subukan pang magdisiplina ng mga bagong estudyante dahil ako na ang bahala sa kanila.” Tumawa ako ng malakas habang nasa bibig pa ang microphone. 

Halos lahat naman sila napatakip ng tenga. May mga tatlong estudyante ang tumaas ng kamay at hanggang sa naging sampu. 

“Excuse me. Sino ka ba? Wala kang modo, mahiya ka naman sa sarili mo!” Mas tumawa pa ako ng malakas sa sinabi ng isa sa kanila. 

Matapang siya. Pinagmasdan ko ang itsura niya at mas napatawa ako ng husto. 

“Wala lang karapatang pagsalitaan ng gano’n si Sir,” dagdag pa ng isa rin sa kanila. 

So, ganito pala ang mga estudyanteng low class. Mga dukha at mukhang basahan ng paa ko. 

Tumikhim ako bago sagutin ang iba pang komento nila. Nakikita ko tuloy sa isipan ko kung gaano kasaya ang walang kwentang disiplinarian. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. 

“Okay! I’m Chloe Ramos, that’s all. I’m trying to be nice to all you here but seems you didn’t treat me as who I am.” Sinenyasan ko si Jeremy ang president. Nakuha niya naman kung ano ang ibig kong sabihin. 

“Kayong mga transferres! Mga mukhang basahan, dukha, mga mukhang pera! Gusto ko lang sabihin na hindi kami tumatanggap ng estudyante dito ng gano’n pero kung susunod kayo sa mga gusto ko ay walang problema. Madali naman akong kausap pero hindi ko na gusto ang ugaling pinakita niyo kaya kung hindi kayo aalis sisiguraduhin kong magiging masaya kayo rito.” Saring-saring expression at bulong ang mga ginagawa nila. 

Nakangiti ako ng malapad sa kanila. Mabait naman talaga ako lalo na sa mga katulad nila. Hindi ko alam kung bakit tumahimik na lang silang lahat at mukhang nakikinig sila sa kung ano man ang sinasabi ng disiplinarian. 

Kung ano man ang binabalak niya ay huli na siya. 

“Para sa inyong lahat! Welcome to Ramos University!” Matapos kong sabihin iyon ay simula na ring bumuhos ang mga tubig mula sa taas. 

Tumawa lang ako ng malakas. Tubig ito na nagmumula sa matagal ng naka stock na tubig. Napatakip ako ng ilong dahil sa kakaibang baho nito. 

Ganito ang nangyari sa festival namin noon. Imbes na iba’t-ibang kulay ng tubig ang lumabas mula sa mga malalaking hose ay mabahong tubig ang lumabas. 

Hindi naman ako kasali sa festival na iyon kaya dapat lang sa kanila. Alam kong hindi lang ako ang masaya nga’yon. Tinanaw ko sila sa taas. Marami silang tumulong na gawin ito, siguro gusto rin nila maging patas para sa mga bago. 

Mas ikasaya ko tuloy na hindi man lang nakaalis agad ang disiplinarian. 

“Come on, guys! Let’s have fun!” malakas na sigaw ko. 

Hindi lang sila mabaho kundi wala rin silang pampalit ng damit. Parang nasusuka ako sa baho ng amoy. Parang bulok at malansang isda ang amoy na ‘to. Ewww..kadiri!

 Siguro ngayon pa lang ay aalis na sila sa school ‘to. Sayang naman at ito lang ang nagawa ko para sa kanila pero dapat silang mag-enjoy.

“Let’s have Fun!”

Kaugnay na kabanata

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 1: Chloe Ramos

    CHAPTER 1: Chloe RamosMabuti naman at natapos na ang nakakaboring na bakasyon. Hindi ko alam kung ano ikukuwento ko kina Irene at Nicole.“Fine! Sila na may magandang bakasyon!” I said to myself and rolled my eyes.“Yaya!” sigaw ko habang pababa ng hagdan ngunit, walang sumagot.Nang tuluyan akong makakababa ay si Lola ang aking nakita sa sala nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.“Yaya!” sigaw ko ulit nang malakas.Nauubos na ang pasensya ko at kung wala pang lumabas kahit ni isa sa kanila ay humanda sila!“Can you stop shouting, Chloe!?” I hear Lola said. “It's too early, darling.”“Fine!” naiinis na sabi ko at dumeretso sa kusina.Nakita ko si Manang Lilia ang aming tagaluto.“Hey, manang! Wala akong ibang nakikita na katulong dito, nasaan sila?” tanong ko sa kaniya..“A-yy, Good morning iha! Wala na ang iba kong kasamahan dito sapagkat pinabakasyon muna sila ni Sir at ni madam.”“Katatapo

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • The Nerdy Guy   CHAPTER 2: A Better Idea

    CHAPTER 2: A Better Idea“Kakausapin ko ang principal.” Agad siyang tumayo at nagpaalam kay Lola.Pinagmasdan ko siya habang umaalis. So, this is the new guidance counselor?“Hi, darling. What’s makes you want to talk to me?”Binalingan ko ang atensyon sa kaniya nang makalabas na ang babaeng kausap niya.I cross my two arms before I speak. But, I hear Lola's laughing. What’s wrong with her?“Stop it, Lola. Hindi kayo nakakatuwa,” naiinis na singhal ko sa kaniya.Tumigil naman siya at inayos ang kaniyang sarili. Isip bata!“Lola, gusto kong ipaalis niyo rito ang mga transferees,” panimula ko. “Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niyo at ginawa niyo ‘to!”“Yes, indeed. This is what I want to do, darling. Just accept, Lola’s decision can you?”“No! I can’t!” I answered.&ld

    Huling Na-update : 2021-08-23

Pinakabagong kabanata

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 3: Lets have Fun!

    CHAPTER 3: Lets have Fun“Chloe, you look great!” Irene complimented. “Can we use that crazy smile too?”“Yeah, you’re right Irene.”Nauna akong maglakad sa kanila. Kung balak nilang pag-usapan ako mas mabuting iwan ko na sila. How rude kung naririnig ko mga tsismis nila.Huminto ako nang sumigaw sila pareho. Their voices makes me irritated.“Tabi!” dinig kong malakas na sigaw sa may kanan ko. Agad akong lumingon, huli ng maiwasan ko pa ang bola sa direksyon ko.Napahawak ako sa aking likuran at mabilis na tumayo. Tinulungan naman ako ni Nichole.Narinig kong malakas na tawa ni Irene. Mabilis kong hinablot ang cellphone niya at mabilis na dinelete ang video na kinunan niya. Balak niya bang ikalat at ipaalam sa lahat ang nangyari.But speaking of…“Sorry, po. Hindi ko sinasadya–”Lumapit ako sa kaniya. “

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 2: A Better Idea

    CHAPTER 2: A Better Idea“Kakausapin ko ang principal.” Agad siyang tumayo at nagpaalam kay Lola.Pinagmasdan ko siya habang umaalis. So, this is the new guidance counselor?“Hi, darling. What’s makes you want to talk to me?”Binalingan ko ang atensyon sa kaniya nang makalabas na ang babaeng kausap niya.I cross my two arms before I speak. But, I hear Lola's laughing. What’s wrong with her?“Stop it, Lola. Hindi kayo nakakatuwa,” naiinis na singhal ko sa kaniya.Tumigil naman siya at inayos ang kaniyang sarili. Isip bata!“Lola, gusto kong ipaalis niyo rito ang mga transferees,” panimula ko. “Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niyo at ginawa niyo ‘to!”“Yes, indeed. This is what I want to do, darling. Just accept, Lola’s decision can you?”“No! I can’t!” I answered.&ld

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 1: Chloe Ramos

    CHAPTER 1: Chloe RamosMabuti naman at natapos na ang nakakaboring na bakasyon. Hindi ko alam kung ano ikukuwento ko kina Irene at Nicole.“Fine! Sila na may magandang bakasyon!” I said to myself and rolled my eyes.“Yaya!” sigaw ko habang pababa ng hagdan ngunit, walang sumagot.Nang tuluyan akong makakababa ay si Lola ang aking nakita sa sala nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.“Yaya!” sigaw ko ulit nang malakas.Nauubos na ang pasensya ko at kung wala pang lumabas kahit ni isa sa kanila ay humanda sila!“Can you stop shouting, Chloe!?” I hear Lola said. “It's too early, darling.”“Fine!” naiinis na sabi ko at dumeretso sa kusina.Nakita ko si Manang Lilia ang aming tagaluto.“Hey, manang! Wala akong ibang nakikita na katulong dito, nasaan sila?” tanong ko sa kaniya..“A-yy, Good morning iha! Wala na ang iba kong kasamahan dito sapagkat pinabakasyon muna sila ni Sir at ni madam.”“Katatapo

DMCA.com Protection Status