Home / YA/TEEN / The Nerdy Guy / CHAPTER 1: Chloe Ramos

Share

The Nerdy Guy
The Nerdy Guy
Author: Thirsty_Ara

CHAPTER 1: Chloe Ramos

Author: Thirsty_Ara
last update Last Updated: 2021-08-23 15:09:39

CHAPTER 1: Chloe Ramos

Mabuti naman at natapos na ang nakakaboring na bakasyon. Hindi ko alam kung ano ikukuwento ko kina Irene at Nicole. 

“Fine! Sila na may magandang bakasyon!” I said to myself and rolled my eyes. 

“Yaya!” sigaw ko habang pababa ng hagdan ngunit, walang sumagot. 

Nang tuluyan akong makakababa ay si Lola ang aking nakita sa sala nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. 

“Yaya!” sigaw ko ulit nang malakas. 

Nauubos na ang pasensya ko at kung wala pang lumabas kahit ni isa sa kanila ay humanda sila!

 “Can you stop shouting, Chloe!?” I hear Lola said. “It's too early, darling.” 

“Fine!” naiinis na sabi ko at dumeretso sa kusina. 

Nakita ko si Manang Lilia ang aming tagaluto.

“Hey, manang! Wala akong ibang nakikita na katulong dito, nasaan sila?” tanong ko sa kaniya..

“A-yy, Good morning iha! Wala na ang iba kong kasamahan dito sapagkat pinabakasyon muna sila ni Sir at ni madam.”

 “Katatapos lang nang bakasyon ha! A-Are you lying to me!?” 

“H-hindi, iha. Maaari mong tanungin si madam, nariyan pa ba siya?” 

 “Inuutusan mo akong matanda ka? Ang aga-aga kumukulo ang dugo ko sa inyo!” galit na sabi ko. 

Kinuha ko ang baso na malapit sa akin at hinulog ito sa sahig malapit sa kaniya.

“Oh! Hindi ko po sinasadya! Sorry,” maarteng pagkakasabi ko at tinalikuran siya. 

Nagtungo ako sa sala at kahit labag sa kalooban ko ay si Lola na lang ang aking kakausapin. Umupo ako sa kaniyang tabi.  

“Hey!” agaw ko sa atensyon niya habang siya nakatingin sa diyaryo. “What happen, Lola? Bakit si manang Lilia lang nakikita ko rito?”

Nakita ko ang pagbaba ng kaniyang hawak na diyaryo at inilapag niya ito sa maliit na lamesa sa kaniyang harapan.

“As usual pinaalis ko muna sila,” sabi niya at tumingin sa akin. 

“Pinaalis? Or pinabakasyon niyo?” tanong ko at tinaas ang isa kong kilay. 

“Yah! It's their vacation, darling.”

Napatayo ako bigla sa sinabi niya. “What! Are you serious? Kakatapos lang ng bakasyon, Lola!” 

“Ikaw lang nakapagbakasyon, apo! Pina-rest ko muna sila,” mahinahong sabi niya.

“Anong ako lang? Hindi rin ako nakapagbakasyon, Lola! May nalalaman pa silang out of country for vacation tapos hindi naman itutuloy, my goodness!”

Narinig ko lang ang pagtawa ni Lola kaya napaupo na lang ako dahil sa inis.

“Then, 'yong mga maid dito pinapahirapan mo, apo. So, ‘yon pinabakasyon ko muna sila. And your Dad and Mom may business trip tommorow.”

Tinalikuran ko na lang siya at umakyat sa kuwarto ko. Kaya minsan ayaw kong kausapin si Lola, naiinis lang ako masyado. 

Today is my first day of school so I need to prepare myself. 

Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Lola na may business trip sila Dad. Nakakainis!

Sinuot ko ang uniform ko na kulay dark blue na palda at kulay puti naman na blouse na may stripes na necktie.

I comb my color blonde hair na hanggang balikan at kinulayan ko din ng kulay pula ang aking labi. Sinuot ko din ang bago kong high heels sandal na kulay puti at mas bumagay siya sa aking suot. 

 Bago ko makalimutan ay kinuha ko na ang lollipop na nasa aking table at sinuot ang aking bag.

“Yaya!” tawag ko habang pababa hagdan na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil bumungad sa akin si manang Lilia na may hawak pa na sandok. 

 Nag-iisa lang pala ang maid dito, hindi ko na lang siya pinapansin at lumabas na lang ng bahay na'to. 

“Good morning ma'am! Papasok na po ba kayo?” tanong sa akin ng isang driver at hindi ko siya kilala siguro bagong hired ni Daddy. 

“Nakita mo kung saan ang matand–” 

“Si madam po, ma’am? Nauna na po sa inyo sa school.”

Si Lola talaga hindi man lang ako hinintay kanina lang na nagkakape pa siya, gaano ba ako katagal sa banyo?

 Pumasok na lang ako sa kotse at nagmaneho na ang bagong driver siguraduhin niya lang na aayusin niya ang kaniyang mga kilos.

Today is a Monday morning and my day will always be great. Mas gugustohin ko pang pumasok araw-araw sa school kaysa sa maiwan ako sa bahay mag-isa. 

“M-ma'am, Chloe! Magpapagasolina lang po muna tayo saglit, ma'am,” sabi ng magiging bago kong driver. 

Tiningnan ko siya ng masama sa driver seat. 

“W-what!? Are you losing your mind? Hindi mo nakikita na nababagot na ako dito!” sigaw ko.

“P-pero kasi ma'am, hindi na po ito aabot sa school niyo,” pagpapaliwanag niya.

“So?” sabi ko sa kaniya at tinaas ang isa kong kilay. “Is it my fault?”

I was in a backseat and it's really boring. Kanina pa ako naghihintay na makarating sa school pero ang pangit na driver na 'to ang bagal magmaneho. Tapos ano? Mauubusan kami ng gasolina, sisiguraduhin ko lang na hindi siya tatagal sa trabaho niya.

“I'm s-sorry ma'am, nakalimutan ko po kasing i-check ito bago kita ihatid. Promise po, madali lang 'to!”   

I just rolled my eyes at hindi na lang nagsalita. Huminto ang kotse sa malapit na gasoline station and it takes 15 minutes bago umandar ulit. 

Maraming mga estudyante ang aking nakikita sa aming dinadaanan. First day of class ngayon, it looks like that they're excited to see me. 

Hindi ko tuloy maiwasang hindi tumawa sa aking iniisip.

“Stop the car,” masaya kong utos sa driver. 

Hinihintay ko huminto ang kotse pero ang tang* ng driver na'to. Bingi ba siya?

“I said stop the car!” malakas na sigaw ko na ikinagulat niya. Agad niya namang hininto ang sasakyan. 

Binuksan ko ang bintana ng kotse at masayang tiningnan ko ang ibang estudyanteng naglalakad papunta sa school. 

“Hey! You--” tawag ko sa isa sa kanila at tinuro siya. “Oo, Ikaw nga!” 

Naguguluhan siyang tumingin sa mga kasama niya at sa akin. Siguro, nagtataka siya kung bakit ko siya tinawag. Dapat lang na magtaka siya! 

“Come here!” sabi ko at lumapit naman siya. Kinuha ko ang Coke in can na malapit sa driver, bigay 'to ni yaya Joy sa kaniya. 

Mas pinalapit ko pa ang isang estudyante na aking tinawag kanina at ngiting kong iniabot sa kaniya ang Coke. 

“Nakakaawa ka, sa 'yo na ito at sana tanggapin mo,” nalulungkot na sabi ko sa kaniya. 

Nakita kong ngumiti siya at akmang niyang kukunin sa kamay ko ang gusto kong ibigay sa kaniya pero hindi ko ito binigay. 

Binuksan ko ang Coke in can tapos binuhos ito sa kaniya at sabay tawa ng malakas. 

Biglang lumaki ang mata niya at siya ay gulat na gulat sa nangyari. Patuloy pa rin ako sa pagtawa. 

“Thank you sa drinks!” I said and laugh loudly. I also rolled my eyes to her.  

Sinirado ko na ang bintana ng kotse at nagsimula na rin itong umandar pero bago ko makalimutan na hawak ko ang can ng coke ay  binuksan ko ulit ang bintana. Tiningnan ko sila at tinapon ang can ng coke sa kanila mismo. 

“Haha..bye!” sigaw ko at kumaway sa kanila. 

I feel great today! Pero nawala ang saya na nararamdaman ko nang magsalita ang pangit na driver na ito. 

“M-ma'am, bakit niyo po 'yon ginawa?” tanong niya habang nagmamaneho. 

Bagong driver siya na kinuha ni Daddy at sa tingin ko nasa 40 years old siya. 

“It's none of your business,” tanging sagot ko. 

“M-masam---” 

“Shut up!” sigaw ko at dahilan para hindi matapos ang kaniyang sasabihin. 

Hindi niya siguro ako kilala. Ako lang naman si Chloe Ramos, period. 

Huminto na ang kotse at agad na akong bumaba. Hinarap ko muna ang driver na'to bago pumasok sa school. 

“Saglit lang! What's your name?” I asked him.

“Rolando po, ma'am...Rolando de Magbitay,” sagot niya.

What the name?

Kinuha ko ang phone ko and I dial dad's number. Hindi naman tumagal ay sinagot niya rin ito. 

“Hello, Chloe! What's wrong?” 

“I don't want this driver, Dad. The name is Rolando hindi matibay.”

“Ohh...but why? I'ved interview them–” 

“I said, I don't want him Dad!” Nagsisimula nang uminit ang ulo ko. 

“Okay, dear! Don't worry,” I hear what he said and it makes me smile. Daddy is always doing what I want. 

I end up the call at hinarap si Rolando na driver. 

“Makakauwi ka na sa inyo, Goodluck!” sabi ko at ngumiti. 

“M-ma'am..pero bakit po? Wala naman po akong ginawang masama, ma'am. Maawa po kayo wala na po akong mapapasukan na trabaho mayroon po akong pamilya na nagugutom, ma'am,” pagmamakaawa niya. 

“Then it's not my fault! Better luck next time, loser!” Tumawa pa ako bago umalis kahit man lumuhod pa siya sa harap ko hindi mababago ang desisyon ko. 

Ang mga taong katulad niya ay nararapat lang na maghirap at mamatay sa gutom. 

“Ma'am, maawa po kayo! A-yyy..ma'am 'yong I.D niyo po naiwan!” sigaw niya. 

Nakita ko siyang tumakbo papalapit sa akin at iniabot niya ang naiwan kong I.d. Matapos ko ito makuha ay nagmamakaawa naman siya. 

“Ma'am, huwag niyo po ako ipatanggal.”

“Hindi ka ba titigil? Wala kang kwentang driver naintindihan mo!” naiinis na sabi ko. 

“K-kayo po pala si Chloe Ramos, ‘yong apo ng may-ari ng school na ‘to. Alam niyo po ma'am ‘yong anak ko diyan nag-aaral at salamat po, nabigyan siya ng scholarship. Iisipin ko na lang po na laking tulong po iyon para sa akin at hindi ko na po kailangan mamasukan bilang driver sa pamilyang Ramos, malaking tulong na po ‘yon ma'am. S-sige po. Ingat po kayo,” mahabang lintaya niya. 

Mas lalo akong naiinis sa mga sinasabi niya, sinasayang niya ang oras ko. Walang kwenta!

“W-wait! Ano pangalan ng anak mo?” tanong ko sa kaniya. 

Lumingon si manong driver at ngumiti. “Anne de Magtibay po.”

Anne hindi matibay, sige. Good luck sa anak mo! Hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi ng manong driver na ‘yon, pare-pareho lang sila lahat kulang na lang mamasukan sila bilang future teacher ko. Mga nagmamagaling!

Pumasok na ako school at walang pinagbago madami pa ding mga estudyante. Kumuha ulit ako ng lollipop sa bag dahil wala ng lollipop sa aking bibig. 

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay biglang tumunog ang aking phone. Kinuha ko ito at sinagot.

“Hello?”

“Hi! Chloe, good morning. Where are you now?” rinig kong tanong sa kabilang linya at hindi ako nagkakamali si Irene 'to. 

Ang babaeng bulate na kung sino-sinong lalaki ang kinakapitan but she's my friend. 

“I'm here at the hallway,” I said. 

“Okay, we're going to wait you here at cafeteria. Bye!” and she end up the call.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Walang sino man ang nakaharang sa aking dinadaanan at lahat sila ay nasa gilid at nakayuko. 

Hay! Mga Loser! 

Natatanaw ko mula dito ang dalawa kong kaibigan na si Irene at Nichole na nasa loob ng cafeteria. 

Umagang-umaga ay napakaingay dito at madaming tao sa loob. Marami ring mga estudyante ang kumakain dito ng agahan at nang pumasok ako sa loob ay bigla silang tumigil. 

Nakita ko ang table namin na kung saan nandoon sila Irene na may pinagkakaabalahan. 

Naglakad ako papunta roon pero tumigil ako sa isang table at tinignan ang isang babae na nakatingin din sa akin. 

May mango juice akong nakita sa table nila at sigurado ako sa kaniya 'yon. Kinuha ko ito sinubukan ko kung masarap. But it's not!

Tinapon ko sa kaniya ang juice na nasa aking bibig at binuhos ko din sa kaniya ang natirang mango juice. Gustong-gusto ko talaga sila na binabasa, mga mukhang basahan eh!

Napatayo naman siya bigla at galit na tiningnan ako. Mukhang lalaban ha! 

Hinihintay ko kung ano gagawin niya pero wala naman siyang ginawa kaya binangga ko na lang siya sa balikat at nagtungo sa dalawa kong kaibigan na kanina pa nag-iingay dahil sa aking ginawa. 

“Wohh..ang Chloe walang pinagbago!” masayang sabi ni Nichole nang nakalapit ako sa kanila. 

“That's Chloe Ramos, Nichole! Ang apo ng may-ari ng school na 'to,” saad naman ni Irene. 

Iyan ang gusto ko sa kanila, hindi lang dahil napaka-supportive nila sa mga ginagawa ko kundi sinusunod din nila ako. 

Umupo ako at tinignan ang ibang estudyante dito pero gano'n wala pa ring silang mga reaksiyon at pakialam. Nasanay na sila sa akin.

Kung kanina ay maingay ngayon ay tahimik lang sila kumakain. Kami lang ang nakakagawa nang ingay dito sa cafeteria.   

Bigla kong hinablot ang cellphone ni Irene para makita kung ano ang kanilang kinakaabalahan simula pa kanina. Ang ingay nilang dalawa. 

“Ano ba–” hindi natapos ni Nichole ang kaniyang sasabihin dahil tiningnan ko na siya ng masama. 

Pero napatalon ako sa gulat dahil sa aking nakita. 

“What the–” 

Narinig ko lang ang malakas na tawa ng dalawa. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi p'wedeng mangyari 'to. 

“More than 500 transferee!? Seriously? T-This day?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanilang dalawa. 

Tiningnan ko ulit ang nakasulat sa online bulletin board namin at hindi nga ako nagkakamali. 

“Yeah, that's true. Akin na nga 'yan," kinuha naman ni Irene ulit ang phone niya sabay tawa. 

“Mas mabuti pa, come with us. Haha ang daming gwapong transferee, right Nichole?" 

“No! Dapat hindi kayo nasisiyahan dyan! I need to talk to that old lady!"

Ang matandang ‘yon! Nauna na akong maglakad at iniwan sila. Hindi ako makapaniwala. Ano bang ginawa ni Lola at maraming transferee. I hate it so much!

“Chloe! Look..." 

“Low class girls? Ohh that's bad." 

Liningon ko naman silang dalawa at sinunod kung saan sila nakatingin. 

“W-what the–!” Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. 

Ang ba-baduy ng suot nila. First day of school  without  wearing  a school  uniform? This is insane! 

I can't believe this is happening. Ano na mangyayari sa pagiging muse ko kung napapalibutan ang school na 'to ng mga pangit na estudyante. 

 “Relax, Chloe. They are just transferee, wala pa silang mga alam." 

Maybe, Nichole is right. Ngayong araw na ito ay palalagpasin ko muna sila. Bukas na bukas ay ipaparanas ko sa kanila na mali ang naging desisyon nila na mag-transfer dito, mas mabuti pang ngayon ay umalis na sila. 

Humanda sila sa akin!

Related chapters

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 2: A Better Idea

    CHAPTER 2: A Better Idea“Kakausapin ko ang principal.” Agad siyang tumayo at nagpaalam kay Lola.Pinagmasdan ko siya habang umaalis. So, this is the new guidance counselor?“Hi, darling. What’s makes you want to talk to me?”Binalingan ko ang atensyon sa kaniya nang makalabas na ang babaeng kausap niya.I cross my two arms before I speak. But, I hear Lola's laughing. What’s wrong with her?“Stop it, Lola. Hindi kayo nakakatuwa,” naiinis na singhal ko sa kaniya.Tumigil naman siya at inayos ang kaniyang sarili. Isip bata!“Lola, gusto kong ipaalis niyo rito ang mga transferees,” panimula ko. “Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niyo at ginawa niyo ‘to!”“Yes, indeed. This is what I want to do, darling. Just accept, Lola’s decision can you?”“No! I can’t!” I answered.&ld

    Last Updated : 2021-08-23
  • The Nerdy Guy   CHAPTER 3: Lets have Fun!

    CHAPTER 3: Lets have Fun“Chloe, you look great!” Irene complimented. “Can we use that crazy smile too?”“Yeah, you’re right Irene.”Nauna akong maglakad sa kanila. Kung balak nilang pag-usapan ako mas mabuting iwan ko na sila. How rude kung naririnig ko mga tsismis nila.Huminto ako nang sumigaw sila pareho. Their voices makes me irritated.“Tabi!” dinig kong malakas na sigaw sa may kanan ko. Agad akong lumingon, huli ng maiwasan ko pa ang bola sa direksyon ko.Napahawak ako sa aking likuran at mabilis na tumayo. Tinulungan naman ako ni Nichole.Narinig kong malakas na tawa ni Irene. Mabilis kong hinablot ang cellphone niya at mabilis na dinelete ang video na kinunan niya. Balak niya bang ikalat at ipaalam sa lahat ang nangyari.But speaking of…“Sorry, po. Hindi ko sinasadya–”Lumapit ako sa kaniya. “

    Last Updated : 2021-08-23

Latest chapter

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 3: Lets have Fun!

    CHAPTER 3: Lets have Fun“Chloe, you look great!” Irene complimented. “Can we use that crazy smile too?”“Yeah, you’re right Irene.”Nauna akong maglakad sa kanila. Kung balak nilang pag-usapan ako mas mabuting iwan ko na sila. How rude kung naririnig ko mga tsismis nila.Huminto ako nang sumigaw sila pareho. Their voices makes me irritated.“Tabi!” dinig kong malakas na sigaw sa may kanan ko. Agad akong lumingon, huli ng maiwasan ko pa ang bola sa direksyon ko.Napahawak ako sa aking likuran at mabilis na tumayo. Tinulungan naman ako ni Nichole.Narinig kong malakas na tawa ni Irene. Mabilis kong hinablot ang cellphone niya at mabilis na dinelete ang video na kinunan niya. Balak niya bang ikalat at ipaalam sa lahat ang nangyari.But speaking of…“Sorry, po. Hindi ko sinasadya–”Lumapit ako sa kaniya. “

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 2: A Better Idea

    CHAPTER 2: A Better Idea“Kakausapin ko ang principal.” Agad siyang tumayo at nagpaalam kay Lola.Pinagmasdan ko siya habang umaalis. So, this is the new guidance counselor?“Hi, darling. What’s makes you want to talk to me?”Binalingan ko ang atensyon sa kaniya nang makalabas na ang babaeng kausap niya.I cross my two arms before I speak. But, I hear Lola's laughing. What’s wrong with her?“Stop it, Lola. Hindi kayo nakakatuwa,” naiinis na singhal ko sa kaniya.Tumigil naman siya at inayos ang kaniyang sarili. Isip bata!“Lola, gusto kong ipaalis niyo rito ang mga transferees,” panimula ko. “Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niyo at ginawa niyo ‘to!”“Yes, indeed. This is what I want to do, darling. Just accept, Lola’s decision can you?”“No! I can’t!” I answered.&ld

  • The Nerdy Guy   CHAPTER 1: Chloe Ramos

    CHAPTER 1: Chloe RamosMabuti naman at natapos na ang nakakaboring na bakasyon. Hindi ko alam kung ano ikukuwento ko kina Irene at Nicole.“Fine! Sila na may magandang bakasyon!” I said to myself and rolled my eyes.“Yaya!” sigaw ko habang pababa ng hagdan ngunit, walang sumagot.Nang tuluyan akong makakababa ay si Lola ang aking nakita sa sala nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.“Yaya!” sigaw ko ulit nang malakas.Nauubos na ang pasensya ko at kung wala pang lumabas kahit ni isa sa kanila ay humanda sila!“Can you stop shouting, Chloe!?” I hear Lola said. “It's too early, darling.”“Fine!” naiinis na sabi ko at dumeretso sa kusina.Nakita ko si Manang Lilia ang aming tagaluto.“Hey, manang! Wala akong ibang nakikita na katulong dito, nasaan sila?” tanong ko sa kaniya..“A-yy, Good morning iha! Wala na ang iba kong kasamahan dito sapagkat pinabakasyon muna sila ni Sir at ni madam.”“Katatapo

DMCA.com Protection Status