Share

Chapter 48.1

Nang buksan ko ang pinto ng unit ay bumungad sa aming paningin si Jemuel na ang kamay ay nabitin sa doorbell.

“Jemuel?” banggit ko sa kaniyang pangalan.

“Hey,” tugon niya’t isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang suot na leather jacket.

“Tito Jemuel!” Pagsisiksik ni Herald na binigyan ko naman ng espasyo para makalabas.

“Zup, Kiddo!” Binuhat niya ang bata nang iminuwestra ni Herald ang mga kamay para magpabuhat. Sinuyod niya ng tingin ang bata at nang mapansing nakapanlakad ito ay humarap siya sa akin. “Mukhang may lakad kayo,” untag niya.

“Yes, Tito Jemuel. I and mommy were going to Celestine’s big house,” ang bata na ang sumagot.

Muli niya akong binalingan ng tingin pagkatapos makuha ng bata ang kaniyang atensyon. Napakunot ang kaniyang noo.

“For what occasion?” pagtataka niya.

“Don't you know that mommy was Hera’s tutor and Tito Alas said, I can go there again,” muli ay si Herald ang sumagot sa kaniya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status