Biling baliktad sa higaan si Summer. Maaga pa naman pero gusto na niyang matulog dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya ngayong araw na ito. Ang totoo pagod ang isip niya, hindi ang kanyang katawan.
Gusto niyang maiyak sa napasukang sitwasyon. Nang mga sandaling iyon ay hawak niya ang brown envelope na ibinigay sa kanya ni Mr. Buenavista. Muli niyang tiningnan ang apo ng matandang Buenavista na nais nitong pakasalan niya.
Brent Michael Buenavista…
Iyon ang pangalan ng apo ni Mr. Klaro Buenavista. Muling tinitigan ni Summer ang larawan ng lalaki. Half body lang ang kuhang iyon at naka side view pa, pero kitang-kita parin ang magandang pigura ng mukha nito. Katamtaman ang kapal ng mga kilay nito. Medyo may pagka singkit ang mapupungay na mata, mahabang pilik mata na tila sa babae, manipis na mga labi. Pero very manly parin ang dating ng kabuuan nito.
Hindi maiwasang humanga ni Summer sa nakikitang larawan ng lalaki.
‘Sa hitsura ng lalaking ito, hindi sila mahihirapang makahanap ng mapapangasawa nito. Nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng isang babae. Bkit kailangan pang gawin ito ni Mr. Buenavista?
Nasasaisip ni Summer. Nang matigilan siya sa biglang naisip.
“Wait…no way! Hindi naman kaya…gay ang lalaking ito?”
Malakas na sabi ni Summer. Napahalakhak pa siya pero tumigil din.
“ Oh no! Sorry po. Napaka judgemental ko naman masyado. Lord, hindi ko po alam kung tama ba itong gagawin ko. Please guide me.
Muli niyang tiningnan ang larawan at ibinalik na sa loob ng brown envelope at saka pinatay ang lamp shade sa side table at natulog.
Kinaumagahan ay maagang gumayak si Summer at naghanda ng aalmusalin bago umalis patungo sa Plaridel Bulacan. Pagkakain ay hinugasan lang niya ang pinaglutuan at pinagkainan at umalis na, bitbit ang lahat ng kakailanganin niya sa Bulacan. Hindi na siya nagdala ng napaka daming damit. Kung ano lang ang sa tingin niyang magagamit niya ay iyon lang ang dinala niya. Pinagkasya na niyang lahat sa kanyang traveling bag.
Ayon kay Mr. Buenavista ay nangangailangan ng mga volunteer ang foundation ng kanyang apo. As volunteer wala siyang aasahang sahod mula sa foundation. Kaya si Mr. Buenavista ang bahala sa kanya.
Umalis siya ng alas otso sa kanyang condo. Mag aalas Dyes na ng marating ni Summer ang bahay na kanyang tutuluyan. Nasa loob ito ng isang subdivision. Tahimik ang lugar. Siguro ay nasa mga trabaho ang mga tao sa lugar na iyon.
Pagparada niya ng sasakyan sa harap ng gate ay nagulat siya ng may mag bukas ng gate. Inakala tuloy niya na nagkamali siya ng bahay na pinuntahan.
Ngumiti ang may edad ng babae. Nginitian din ito ni Summer.
“Ms. Summer, welcome po!”. Bati ng matandang babae.
Dahil nakatitig lang si Summer sa kanya nagpakilala ang babae sa kanya.
“ Hwag po kayo matakot, ako po ang katiwala dito sa bahay na ito. Melba ang pangalan ko. Ipasok mo na ang iyong sasakyan at bubuksan ko na ang gate.”
Sinunod naman ni Summer ang sabi ng kaharap. Pagbaba niya ng sasakyan ay tinulungan siya nito sa ibang mga gamit na dala niya.
“ Aling Melba ano po ang instruction sa iyo ng may ari ng bahay?
Tanong ni Summer, pagkapasok nila sa loob ng bahay. Bungalow style ang bahay. Kumpleto ito sa appliances. Magmula sa sala, hanggang sa kusina ay naroon ang lahat ng kakailanganin niya.
“ Once a week akong pupunta dito para maglinis at ipag laba ka. Maliban na lang kung may biglaan at kailanganin mo ang tulong ko.”
Nakangiting sabi ni Aling Melba.
“ Sige po Aling Melba, ako na muna ang bahala dito. Maraming salamat po.”
Nakangiti ding sabi ni Summer. Pagkaalis ng katiwala ay nagtungo na si Summer sa kanyang magiging kwarto. Medyo malaki ang kwartong iyon na tutulugan niya. Malaki din para sa isang tao ang kama. Binuksan niya ang built in cabinet na nasa bandang kanan pag pasok ng pinto . Muli niya itong isinara at nahiga.
Habang nakatingala sa kisame ay bigla siyang nakaramdam ng gutom. May mga pagkain naman na pwedeng lutuin sa ref pero naalala niya na may nadaanan siyang restaurant bago siya pumasok sa subdivision. Hindi naman ganun kalayo ang lugar na nadaanan niya, gusto rin niyang maglakad-lakad para maging pamilyar sa lugar.
Matirik na ang araw sa labas. Pinagmamasdan ni Summer ang bawat madaanan niya. Buti na lang at may dala siyang payong na folding, kinuha mna nya ito bago tuluyang lumabas.
Kinse minuto lang narating na niya ang restaurant na nadaanan niya kanina. Pinagbuksan siya ng gwardya ng pinto. Malaki ang loob ng restaurant. Sinalubong siya ng waitress at iginiya kung saan may bakanteng mesa. Dinala siya ng waitress sa mesa na malapit sa glass wall kung saan kita ang labas ng restaurant.
Agad na nakapili ng oorderin si Summer. Sinigang na baboy at isang order ng rice. Habang naghihintay ng order niya ay nag text siya kay Mr. Buenavista. Ipinaalam lang niya na nasa Plaridel na siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay natanggap na niya ang sagot ng matanda.
Nililibot ni Summer ng tingin ang kabuuan ng restaurant ng mapadako ang tingin niya sa grupo na pumasok sa restaurant. Mula sa kanyang kinauupuan ay tanaw ang mga pumapasok sa restaurant.
Lima ang pumasok sa loob, sa tingin niya ay magkakasama ang mga ito dahil hindi sila naghihiwa-hiwalay. Unang pumasok ang tatlong babae, dalawa sa kanila ay nasa edad thirties na, ang isa ay mukhang mas matanda sa dalawa.
Natigilan si Summer dahil nakita na niya ang mga taong ito…
Ang tatlong babae ay nakita na niya sa profile na ibinigay sa kanyang impormasyon ni Mr. Buenavista.
Ang babaing mas may edad ay si Flora, ang katiwala ni Brent Buenavista. Ang babaing nkasuot ng printed blouse na tinernuhan ng slacks na kulay itim naman ay si Cora. At ang isa pa ay si Leila.
Hindi kilala ni Summer ang lalaking nasa bandang likuran. Wala ito sa profile na ibinigay sa kanya. Pero ang lalaking nasa unahan nito ay walang iba kundi si Brent Michael Buenavista. Mas gwapo ito sa personal. Para siyang nakakita ng lalaking mala adonis sa kagwapuhan. Pati ang tindig nito ay makatawag pansin talaga.
Habang nakatitig si Summer ay napatingin naman sa kanya ang lalaking nasa likuran ni Brent. Sakto naman na dumating na ang kanyang inorder kaya nabaling na ang atensyon niya dito.
Bigla siyang natakam ng makita at maamoy ang mainit na sabaw ng sinigang. Naupo ang limang bagong dating sa kalapit ng mesa na kinaroroonan niya, kaya naririnig niya ang pinag uusapan ng mga ito.
“ Flor, kamusta ang hiring ng mga volunteer natin?
Tanong ni Brent sa kanyang assistant, habang nakatingin sa menu.
“Isa na lang ang kailangan natin na volunteer Brent, inaantay ko na lang ang isa pa para sabay-sabay ko na sila ioorient sa mga gagawin nila.”
Hindi na kumibo si Brent. Napansin naman ni Summer na panay ang sulyap sa kanya ng isa pang lalaki na kasama ng nasa kabilang mesa. Nang mapatingin sa kanila si Summer ay nakatingin din pala ang lalaki sa kanya at nginitian siya. Tango at tipid na ngiti lang ang isinagot ni Summer. Hindi niya ugali ang mag smile back sa kahit na kanino lalo na kung sa lalaki. Pero dahil sa may mahalagang pakay siya ay kailangan niyang gawin ito.
Brent’s POV…
Siniko niya ang kaibigan ng makitang nginitian nito ang babae na mag isang nasa kabilang mesa at kumakain. Kabisado niya sa pagiging chick boy ang matalik na kaibigan. Mukhang bago lang ang babae sa lugar dahil ngayon lang niya ito nakita. Halos lahat kasi ng nasa paligid ng lugar ay kabisado na ni Brent ang hitsura dahil ilang taon narin ang Foundation nila roon. At halos kalahati ng buhay niya ay nandoon na sa lugar na iyon.
Maganda ang mukha ng babaing nasa kabilang mesa. Medyo mabagal ang pag nguya ng babae. At tila naiilang sa ginagawang pag tingin ng kaibigang si Alex. Pagkatapos mag smile back sa kaibigang si Alex ay hindi na muling tumingin sa gawi nila ang magandang babae.
Dumating narin ang kanilang order. Tahimik lang silang kumain. Ika nga galit-galit muna sila.
Summer's. POV…
Pagkatapos kumain ay tinawag na ni Summer ang waitres para sa kanyang bill. Bago umalis ay Nagtungo muna siya sa ladies room. Nasa loob siya ng cubicle ng may maulinigan siyang mga boses na nag uusap. Base sa pinag-uusapan nila, ang mga babaing ito ang nasa kabilang table kanina.
“Leila kailan pupunta yung kausap mo na magbo-volunteer?
“Naku mam Flor yan nga ang iniisip ko kasi nag back out yung kakilala ko.
Halos pabulong na sabi nung Leila. Bigla namang nastress ang tinawag na mam Flor.
“Huh?, Naku patay tayo diyan. Gusto ng makumpleto ni Brent ang mga tao. Malapit na ang 50th year anniversary ng foundation. At marami tayong mga kailangang gawin!”
Sapo ng mam Flor ang kanyang noo ng lumabas si Summer sa cubicle. Nagulat ang dalawang babae sa paglabas niya. Ngumiti si Summer sa dalawa at nakipag-usap. Ito na ang pagkakataong hinihintay ni Summer.
“ Hi, excuse me. Nangangailangan kayo ng volunteer?
Pakunwaring tanong ni Summer. Nakatingin siya sa dalawa. Nagliwanag naman ang mukha ng dalawa sa kanyang sinabi.
“Yes, pwede ka ba? Sagot ni mam Flor na nakangiti rin.
“ Sure, gusto ko po yan!”. Masiglang sagot ni Summer.
“I’m Flor…Flora Santiago. And this is Leila.” Pagpapakilala ni mam flor.
“ Hi, anong name mo miss pretty? “
Nakangiting tanong at may halong biro na sabi naman ni Leila.
“Summer Perez, po. Nice to meet you!
"Parang ngayon lang kita sa lugar na ito, taga saan ka?". Tanong ni Aling Flora.
" Yes, mam bago lang ako dito. Actually halos kakarating ko lang ngayon. Sa pangalawang kanto lang po ako nakatira". Mahabang sabi ni Summer.
Naglabas ng calling card si mam Flor at iniabot sa kanya. Ibinigay din ni Summer ang kanyang phone number at nagpaalam na sa dalawa. Nadaanan ni Summer ang table kung saan naroon ang kasama nina mam Flor at Leila. Nang nasa labas na siya ng restaurant ay saka niya naalala na di pala niya dala ang kanyang payong.
Pabalik na siya nang may bigla siyang makabungguan, muntik siyang maout of balance. Kung hindi siya nahapit sa beywang ng nakabungguan niya ay siguradong sa semento siya dadamputin. Saglit sila parehong natigilan at nagkatitigan. Napayakap din pala siya sa lalaki. Si Summer ang unang nahimasmasan at biglang bumitaw.
“I-im sorry!”
Agad naman siyang binitawan ng nakabungguan niya. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito. Si Brent pala iyon.
“ Sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo!”
Galit na sabi pa nito saka tumungo na sa sasakyan nito. Nagtaka naman ang mga kasama nitong dumarating galing sa loob ng restaurant kung bakit galit si Brent sa dalaga.
Ngiti naman ang isinalubong ni Alex kay Summer, saka iniabot ang payong na kanya sanang babalikan.
“ Naiwan mo itong payong mo. Ani Alex saka iniabot ang kanyang payong na naiwan niya sa inupuan niya kanina.
“Thanks! Nakangiting sabi rin ni Summer.”
“By the way, i'm Alex, you are?”
Nakalahad ang kamay na sabi ni Alex. Tinanggap naman ni Summer ang palad nito.
“I’m Summer.” Tipid na sagot ng dalaga.
“Hi, miss Summer! Magkapanabay na sabi nina mam Flor at Leila.”
Binati din ni Summer ang dalawa. Saka nagpaalam narin sa mga ito. Samantala magkasalubong parin ang mga kilay na nakatingin sa mga kasamang kausap ang babaing nakabungguan niya si Brent.
Brent’s POV…
Bagamat nakasimangot siya sa labas, deep inside hindi niya makalimutan ang magandang mukha ng babae, ang mabangong amoy nito at ang natural na mapupulang labi nito. Naiinis siya dahil after five years ay ngayon lang uli siya nakaramdam ng ganito sa ibang babae.
Sobra kasi siyang nasaktan sa pagkawala ng nag iisang babae na kung hindi dahil sa isang car accident ay masaya sana silang bumubuo ng pamilya ngaun.
Pagpasok ni Alex sa loob ng sasakyan ay tinanong nito ang kaibigan kung bakit nagalit kay Summer.
“Hey, bakit sinungitan mo naman si Summer?” tanong ni Alex.
“What? Sinong Summer?”. Kunot noong tanong ni Brent sa kaibigan.
“Yung magandang babae sa kabilang table pare.” Tila kinikilig na sambit ni Alex. Iiling-iling naman si Brent, kilala niya kasi ang kaibigan, kapag may natipuhan itong babae, hindi ito tumtigil hanggat di ito napapa sa kanya.
“Talagang inaalam mo na kung ano ang pangalan ha. Alam mo na ba kung saan nakatira?”
Tila nang aasar na sabi pa ni Brent. Napa sapo naman sa kanyang noo si Alex.
“ Shocks!” Hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga kung sa sila nagkausap kanina. Pero wala na si Summer doon. Nagtawanan silang apat sa naging reaksyon ni Alex. Hindi kumikibo si mam Flor na kausap nila kanina si Summer para maging isa sa mga volunteer nila. Nagkangitian na lang silang dalawa ni Leila. Nahiwagaan naman si Cora sa dalawang kasama kung bakit ganun ang reaksyon ng dalawa.
Summer’s POV…
Nagmamadaling lumakad papalayo sa lugar na iyon si Summer. Nangangatog pa siya sa pagkakagulat ng magkabanggaan sila ni Brent kanina sa labas ng restaurant nang babalikan sana niya ang kanyang payong sa loob nito. Naiimagine pa niya ang kagwapuhan ng binata. Lumakas bigla ang kabog ng kanyang dibdib sa pagkakaalalang iyon. Pero nakaramdam siya ng inis dahil bigla na lang itong nagalit sa kanya.
‘ Mr. Sungit hmp!’ Sabi ni Summer sa sarili. Naalala niya kung bakit siya nanduroon ngayon. Nang pumayag siya sa kagustuhan ng matandang Buenavista ay hindi niya alam kung paano niya magagawa ang nais nitong mangyari. Pero dahil sa may taning na ang buhay nito ay pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Kahit alam niyang magagalit si Brent pag nalaman niya na pakana ito ng kanyang lolo at kinunsinti pa niya ang matanda siguradong hindi siya nito mapapatawad.
Pagdating sa bahay na tinutuluyan ay nagpahinga muna siya. Nakatulog siya ng tatlong oras. Alas kwatro na siya nagising. Nang tingnan niya ang cellphone ay may dalawang missed call siya. At isang text message sa magkaparehong number.
Tiningnan niya ang text message.
“ Hi Miss Summer, this is Flor. Remember me yung nakausap mo sa ladies room ng restaurant kanina? Please report tomorrow 8:00 am at the Buenavista Foundation. See you there!”
Text message iyon ni mam Flor. Hindi maintindihan ni Summer ang kanyang nararamdaman, naeexcite siya na kinakabahan sa mga pagkakataong makakasama niya si Brent sa Foundation. At malamang sa malamang na makakasama niya ito dahil ang lalaki ang may ari nito.
Inayos lang ni Summer ang kanyang mga gamit. At nang matapos siya ay nakaramdam siya ng gutom. Alas syete na pala ng gabi. Naghanap na lang siya ng mailuluto para sa kanyang hapunan. Malaki ang two door ref na nasa kusina. Pagbukas niya ng ref ay naloka siya sa laman nito. Kumpleto ang laman sa loob. Kahit isang buwan ay di niya mauubos ang laman niyon dahil mag isa lang siya roon. Karne ng baboy, manok, tatlong klase ng isda, gulay, at mga prutas ang laman ng ref. Kumpleto din sa mga sangkap. Kahit anong maisipan niyang iluto ay naroon na ang.
Napagpasyahan niyang magluto ng chicken and pork adobo na may kasamang itlog at patatas. Pnatuyo nya ng konti ang sabaw nito hanggang sa maging sarsa. Iyon na ang uulamin niya hanggang sa susunod na ilang araw.
Mahilig magluto si Summer kaya wala syang problema kahit saan siya magpunta. Tinuruan din siya ng kanyang mama Shirley ng gawaing bahay. Kahit mayroon silang mga kasambahay ay tinuruan parin siya ng kanyang ina ng mga ito, para daw pagdating ng panahon di siya mahihirapan.
Kinabukasan.
Maagang bumangon si Summer. Actually hindi talaga sya masyado nakatulog ng maaga dahil ito ang unang araw niya sa foundation. Bagamat iinterbyuhin pa siya ni mam Flor, for formality na lang ito dahil tanggap naman na talaga siya. Maong pants, white plain t-shirt na sakto lang ang size sa katawan niya at puting rubber shoes ang kanyang suot at naglagay lang sya ng pressed powder sa kanyang mukha at konting lipstick. Yung tamang hindi lang sya mag mukhang maputla. Hindi na muna niya itinali ang buhok niyang lagpas balikat dahil basa pa ito.
Nang mag chat si mam Flor sa kanya kagabi ay ibinigay na nito sa kanya ang way papunta sa Foundation, kaya nag commute na lang siya. Twenty minutes lang ay nasa harap na siya ng gate ng Foundation.
Isang door bell lang ay pinag buksan na agad siya ng guard.
“Good morning mam, sino po ang sadya nila?” magalang na tanong ng guard.
“ Good morning, I’m Summer, pinapunta ako ni mam Flor.”
Pagkarinig niyon ay agad naman siyang pinapasok ng guard. Humanga si Summer sa maayos na kapaligiran ng Foundation. Maraming puno at halaman ang naroon, iba’t ibang klase ang bulaklak na nasa buong paligid na nasa magkabilang side ng malaking bahay.
Magmula sa entrada hanggang sa bago pumasok ng bahay ay may mga tanim na bulaklak. Manghang-mangha si Summer sa kagandahan ng lugar. Kung walang nakasulat sa bandang itaas ng pinto na “Blessed Foundation”, mapagkakamalan itong ancestral house ng mga Buenavista.
Pag pasok niya sa loob ay maayos ang lahat, kitang-kita na organisado ang bawat detalye ng loob nito. Mayroon ding second floor. Agad siyang nakita ni mam Flor.
“ Hello Ms. Summer, come in! Ipapakilala kita sa buong staff at sa iba pang bagong volunteer natin dto.” Iginiya siya agad ni mam Flor sa kusina kung saan naroon ang iba pang staff.
Malaki din ang kabuuan ng kusina. Isang mahabang mesa iyon na may labindalawang upuan. May pitong tao ang naka upo sa hapag, pang walo si mam flora at pang syam naman sya. Masaya silang kumakain ng sabay-sabay.
“Everyone I want you to meet Ms. Summer Perez, isa siya sa mga new volunteers natin.”
Pagpapakilala ni mam Flor sa kanya sa buong grupo. Ipinakilala sa kanya isa-isa ang mga ito. Lima ang matatagal ng staff na naroon at apat naman silang mga bagong volunteers.
Sina Froi, Ryan, Gina at sya. Lahat sila na naroon ay very accommodating.
“ Hi Summer, welcome sa Blessed Foundation!” Magkakapanabay na sabi ng apat na regular staff.
“ Thank you po!” Nakangiting sagot ni Summer.
“Summer dito ka na maupo.” Si Froi iyon. Kanina pa nito hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Nagkangitian ang mga naroon sa kusina. Pinagbigyan naman ito ni Summer.
“Summer sumabay ka ng kumain sa amin.” Pag aalok ni mam Flor. Iniabot nito sa kanya ang pandesal, pritong itlog at hotdog. Kahit na kumain na siya bago umalis ng bahay ay kumain parin siya kahit isang pandesal lang na pinalamanan niya ng pritong itlog.
“After natin kumain ay ililibot ko kayo sa buong bahay, para maging pamilyar kayo dito sa lugar. Doon ko narin sasabihin sa inyo ang mga magiging ganap sa nalalapit na anibersaryo nitong Foundation.”
Nakangiting sabi ni mam Flor. Habang kumakain ay panay ang tanong ni Froi kay Summer ng mga detalye tungkol sa kanyang buhay. Dahil hindi niya pwedeng sabihin ang totoong identity niya ay sinunod niya ang gawa-gawang identity niya. Naniwala naman ito sa kanya.
Madaling nakagaanan ng loob ni Summer ang lahat ng naroon. Habang inililibot sila ni mam Flor ay sinasabi nito ang bawat detalye ng naroon sa bahay na iyon. Ang bahay na ito ay ang lumang bahay ng mga magulang ni Brent Michael Buenavista. Nang lumipat sa bagong bahay noon ang buong pamilya ay ito na ang ginawang main quarter ng Blessed Foundation. Ang ilang facility kung saan naroon ang mga batang tinutulungan ng Foundation na malagpasan ang mga traumang pinagdaanan ng mga ito sa kamay ng mga taong umabuso sa kanila ay nasa likod bahay nakatayo. Kumpleto sa lahat ng tao ang Foundation at very accommodating ang lahat ng staff rito. Sa loob ng fifty years ay matagumpay parin ang Foundation at maraming batang natutulungan ito.
Kung pagpasok nya kanina ay namangha sya sa ganda ng paligid dahil sa mga halaman at bulaklak na naroon, ganundin sa lakod bahay. Mayroong malaking space doon na napapaligiran din ng halaman at orkidyas ang buong paligid. May nadaanan silang mga bata na naglalaro sa mini play ground na naroon, kasama ang ilan pang staff ng Foundation na nangangalaga sa kanila. Walang magulang o kamag anakan ang mga ito kaya pansamantalang nasa pangangalaga ng Foundation.
Masaya ang mga bata habang naglalaro, hindi mo makikitang may masamang pinagdaanan sa kanilang buhay. Ipinakilala din silang apat sa dalawa pang volunteer na naroon.
Kinuha silang apat na bagong volunteer pansamantala para lamang sa nalalapit na anibersaryo ng Foundation para sa paghahanda hanggang sa matapos ito. Pagkatapos ng event kung nais parin nila na magpatuloy sa pag volunteer ay welcome naman sila.
Tanghali na nang matapos silang ilibot at iorient kung ano ang mga duties and responsibilities ng bawat isa sa kanila.
“ Clear na ba tayo sa kung ano ang mga dapat na gawin ng bawat isa?”
Nakangiting tanong ni mam Flor sa kanila.
“Yes Ms. Flor! Sabay-sabay na sagot nilang apat.
“That’s good! Since tanghali na sabay-sabay na tayong kumain. At good thing na makakasabay natin kumain ng lunch ang ating boss si Mr. Brent Michael Buenavista.”
Masayang balita ni mam Flor. Excited naman na makilala ng mga kasamang niyang volunteer ang kanyang boss. habang siya ay kinakabahan ng di niya mawari.
“Summer ok lang ba na ihatid kita sa inyo? Si Froi iyon na kakamot-kamot ng batok.
“Hindi na kailangan malapit lang naman ako dito.”. Nakangiting sagot ni Summer. Totoo namang malapit lang ang tinutuluyan niya sa Foundation. Ayaw lang niyang maging super close kay Froi dahil sa kanyang misyon.
May sasabihin pa sana ang binata ng tawagin sila ni mam Flor.
“Guys halina kayo, susunod na si Mr. Buenavista. Hwag kayong maiilang sa kanya ha.” Paalala pa sa kanila ni mam Flor.
Tatlong klase ang ulam na nakahain sa mesa, pritong bangus, chopsuey at ang paborito niyang pork sinigang.
Di nagtagal ay dumating narin ang kanilang hinihintay. Sabay-sabay silang tumayo bilang respeto sa kanilang boss at sabay-sabay rin na bumati. Tumango naman ito at bumati din sa kanila.
“Have a sit everyone!” umupo narin ito. Bilang siya ang kanilang boss, sa dulo ng mesa sya nakaupo.
“Before we start sir Brent I want you to meet our new set of volunteers. Is it ok with you guys if you’re the one to introduce yourself? Ok let’s start with you Ryan. Masayang sabi ni mam Flor.
“Good afternoon sir my name is Ryan Gonzales at your service.”
Dahil sinimulan ni Ryan na tumayo habang nagpapakilala ay ganun narin ang ginawa ng mga sumunod.
“Hi sir, im Gina montemayor.”
“ Good afternoon sir im Froi Benavides.”
Kahit kinakabahan ay ganundin ang ginawa ni Summer.
“Good afternoon Mr. Buenavista, im Summer Perez.”
Halos hindi makatingin na sabi ni Summer.
Natigilan saglit si Brent nang matapos magsalita si Summer. Inunahan na siya magsalita ni mam Flor.
“ Remember her? Ani mam Flor.
“ Yes…at the restaurant. Anyway welcome to Blessed Foundation everyone. Let’s eat.”
Hindi naman ito nakakatakot na boss, sa totoo lang ay dito ata nakuha ng mga staff ng Foundation ang pagiging accommodating. Hindi siya naiilang bilang staff kundi dahil sa kanyang misyon.
Tahimik na natapos ang kanilang tanghalian. Nagtulong-tulong silang ligpitin ang kanilang kinainan at linisin ang mesa. Hindi na pumayag ang talagang nakaassign sa kusina na isa sa kanila ang maghugas ng kinainan, kahit nagvolunteer na si Summer at Gina.
Habang nagpapahinga ay nagpunta silang apat sa Hardin papunta sa kabilang building. Dahil gandang ganda si Summer sa paligid ay panay ang kuha niya ng litrato sa buong paligid at sa mga bulaklak.
Brent's POV…
Pagkatapos mananghalian ay bumalik na sa trabaho niya si Brent. Kasalukuyan niyang naiisip si Summer ng may maulinigan siyang mga boses mula sa hardin. Nang silipin niya kung sino ang mga ito ay nakita niya na yung apat na bagong volunteer pala iyon. Nakita niya rin na manghang-mangha ang mga ito sa kagandahan ng mga halamang naroon. Lalo na si Summer, na panay ang kuha ng litrato sa mga ito.
Kumunot ang noo niya ng makitang nilapitan ito ni Froi at nagpicture silang dalawa gamit ang cellphone nito. Umalis lang siya sa bintana ng tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung kanino galing ang tawag, nakita niya na ang kaibigan niya ang nasa kabilang linya. May inireport lng ito tungkol sa opisina.
“Alright, that’s all? Alam mo ba kung sino ang nandito ngaun sa Foundation?” Pagbabalita ni Brent sa kaibigan.
"Who? Don't tell me nasundan na ako ng isa sa mga chicks na nakilala ko sa nagdaang event na pinuntahan natin?
Medyo kabadong sabi ni Alex. Sobrang palikero kasi nito at parang nagpapalit lang ito ng wardrobe kung magpalit ito ng girlfriend.
“Si Summer.” Biglang nabuhayan ang nasa kabilang linya dahil sa ibinalita niya.
“Really? Bakit? Don’t tell me isa siya sa volunteers ng Foundation?”
Sunod-sunod na sabi nito.
“Right! Is this your idea?” Kunot noong tanong niya sa kaibigan. Knowing Alex, lahat gagawin nito makuha lang ang gusto nito.
“Hindi ah! Pero bro maganda narin ang nangyari, pinaglalapit na kami ng tadhana.” Nakangiting sabi pa ni Alex.
Naiiling naman si Brent sa kaibigan.
“I will go there later ha.” Halata ang excitement sa boses nito.
“Bakit? Wala ka namang dadalhing papeles di ba?”
Pakunwaring di niya alam ang dahilan ng ipupunta ng kaibigan sa Foundation.
“Para namang hindi mo alam. Sige na tatapusin ko na itong ginagawa ko para makapunta na agad ako diyan.”
Pagkatapos nila mag usap ay muli siya sumilip sa bintana. Nandoon parin ang mga ito. Di parin umaalis sa tabi ni Summer si Froi. Kahit halatang umiiwas na si Summer ay Lumalapit parin ito kung saan siya pupunta.
Nang sumunod na mga araw ay sinimulan na nila ang pag aasikaso ng mga dapat gawin para sa anibersaryo ng Foundation. Abala man ay hindi parin nakakalimutan ni Summer kung bakit siya naroroon. Naiinis lang siya dahil may dalawang sagabal sa mga dapat niyang gawin. Si froi at Alex. Tuloy malayo ang loob sa kanya ni Brent dahil sa dalawang ito. Hindi naman siya nagbigay ng pag asa sa dalawa, pero tuloy parin sa pangungulit sa kanya ang mga ito.
Alas dyes na ng gabi ay di parin siya dalawin ng antok. Kakatapos lang nila mag usap ng kanyang mama Shirley. Wala namang malaking problema sa kanyang pamilya at sa negosyo nila. Ang nasa isipan niya ngayon ay si Brent. May limang buwan pa siya para matapos ang kanyang misyon.
Pero parang di niya magagawa ang gusto ng lolo nito. Sa totoo lang sa nobela niya lang nababasa ang mga ganitong sitwasyon. Ang karaniwang nababasa niya ay ipinapakasal kahit di pa nagkakakilala o kaya ay magmula pagka bata itinakda na ang pag iisang dibdib. Pero itong sa kanya ay kakaiba, hindi niya masabing kasama ito sa trabaho niya bilang civilian undercover agent.
Kung hindi lang halos magmakaawa ang matandang Buenavista ay hindi niya talaga ito gagawin.
Alex POV…
Kasalukuyan siyang nasa bahay ng kaibigang si Brent. Nag aya siyang mag inuman sila nito dahil feeling broken hearted siya dahil kay Summer.
“Bakit ganun bro? Ang daming babaing nagkakakandarapa sa akin, alam mo rin kung gaano sila nababaliw pag ako na ang lumapit . Pero itong isang ito masyado akong pinahihirapan. Hindi ko alam kung nagpapa hard to get lang o may ibang gusto e.”
Inis na sabi nito sa kaibigan. Natawa naman si Brent sa sinabing iyon ng kaibigan.
“Bro sanay ka kasi na hinahabol ng babae. Iba lang talaga siguro si Summer. Tanggapin mo na lang na hindi lahat naaakit ng karisma mo.”
Sumimangot ito ng marinig ang tinuran ng kaibigan.
“Kaibigan ba talaga kita?”. Sabi niyang sabay diniretso ng lagok ang kalahating bote ng alak, saka muling nagbukas ng pang anim na bote niya.
Hindi na ito muling umimik. At sa sobrang sama ng loob nito ay inubos narin ang huling bote na iyon na binuksan niya at walang sabi-sabing iniwan ang natitigilang si Brent.
Hindi alam ni Brent kung ano ang nasa isip ng kaibigan. Hahayaan na sana niya ito, pero dahil sa tipsy na ito sa dami ng nainom ay sinundan niya ito. Medyo nag alala siya dahil mabilis ang patakbo nito ng sasakyan. Medyo pamilyar siya sa binabagtas ng sasakyan ng kaibigan dahil ng minsang sundan nito kung saan nakatira si Summer ay kasama siya.
'Anong gagawin mo dito bro?’ sabi niya sa sarili. Hindi siya lumapit sa sasakyan nito, naghintay lang siya kung ano ang susunod na gagawin ng kaibigan. Nagpatay ng makina ng sasakyan si Brent para di siya makita ng kaibigan. Ilang sandali pa ay lumabas na ng sasakyan si Alex at nag door bell ito ng ilang beses.
Samantala nakakatulog na sana si Summer ng marinig niyang tumunog ang doorbell. Hindi lang isa kundi apat na magkakasunod na doorbell ang ginawa nito. Wala siyang inaasahang darating sa ganitong oras ng gabi kaya sinilip niya muna kung sino ang taong nasa labas ng gate.
“Alex?” Hindi kaagad siya lumabas para alamin kung ano ang pakay nito kaya muli itong nagdoorbell ng apat na magkakasunod uli. Kesa makabulahaw ito sa kapitbahay ay lumabas na si Summer para alamin kung ano ang pakay nito.
Hindi parin niya binuksan ang gate.
“Anong ginagawa mo dito Alex?”
Nakasimangot na tanong niya rito.
“Can we talk, please?”
Nakikiusap na sabi ni Alex.
“P-pero lasing ka, bukas na lang tayo mag usap, magpahinga ka na muna umuwi ka na.”
Sabi ni Summer. Pero muli itong nakiusap.
“ Please…Summer, please. Promise I won’t do anything you don’t like.”
Pinagbigyan na niya ang pakiusap nito kaya pinapasok narin niya ito.
“Ano ba ang pag uusapan natin Alex? Tanong ni Summer ng makapasok na ito.
“I like you Summer! And you know that right?”
Natigilan siya sa sinabi nito, alam niya na may gusto ito sa kanya pero hindi niya naisip na kailangan pa nitong maglasing para kausapin siya ng ganito.
“ Hindi naman kita pinaasa Alex, and you also know that.” Diretsahang sabi ni Summer.
Napasapo sa kanyang ulo si Alex sa diretsahang sagot ni Summer sa kanya. Hindi niya matanggap na may babaing hindi magkakagusto sa kanya. Dahil siya si Alex Centeno. Isang successful businessman at wala siyang babaing ginusto na di niya nakukuha. kinalma niya ang kanyang sarili.
“Hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng chance to prove myself to you?”
Hindi makakibo ang dalaga dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot dito.
“May iba ka bang nagugustuhan?” Desperadong tanong ni alex.
“Look Alex, lasing ka mabuti pa ay umuwi ka na at magpahinga, bukas mo na ako kausapin pag normal ka na.”
“Si Brent ba?” Matigas na sabi ni Alex, nagulat si Summer sa tono ng pagkakasabi nito.
“What?! Gulat na sabi ni Summer.
“Alam kong hindi si Froi ang gusto mo kaya mo ako nirereject….dahil si Brent ang gusto mo, tama ba ako?”
Malungkot na sabi ni Alex. Hindi kumibo ang dalaga. Hindi niya ito inaasahan. Nakita ni Alex kung paano tingnan ni Summer ang kanyang kaibigan kaya alam niya na may gusto ito sa kanyang kaibigan.
“Silence means yes. Ok fine, kaibigan ko naman yon. Before I go can I have some water, please?”
Naging mailap ang mga mata ni Alex, bagay na hindi nakita ni Summer dahil agad siyang tumayo para ikuha ito ng hinihinging tubig.
Tumayo naman agad si Summer para ikuha ito ng tubig para umuwi na ito.
Nakakailang hakbang pa lang siya ay may nagtakip ng panyo sa kanyang mukha at bigla na lang nagdilim ang lahat.
“Im sorry Summer, pero gusto talaga kita at hindi ako papayag na hindi ka magiging akin.”
Agad niyang kinarga papunta ng kwarto si Summer. Hindi niya alam kung saan dito ang kwarto ng dalaga kaya binuksan niya na lang ang unang pinto na nakita niya at ipinasok na ang walang malay na si Summer. Malaya niyang pinagmasdan ang magandang mukha nito at malayang hinawakan ang maganda nitong mukha at siniil ng halik ang mapupulang labi ng walang malay na si Summer. Mabilis niyang tinanggal ang damit na pantulog nito. Nang ang matira na lang ay ang undies nito ay malaya niyang pinag masdan ang magandang katawan nito. Huhubarin na lang niya ang sariling damit ay isang malakas na suntok ang nagpawala sa kanyang malay.
Narinig lahat ni Brent ang naging pag uusap nina Alex at Summer. May saya siyang naramdaman ng malamang may gusto sa kanya ang dalaga. Kaya ng wala na siyang marinig pagkatapos mag usap ng dalawa ay binuksan niya ang pinto. Nang makitang wala na ang dalawa sa sala ay hinanap niya ito. At nakita niyang pang loob na lang ang saplot nito at walang malay. Hindi niya akalaing magagawa ito ng kaibigan, kaya pinatulog niya ito sa pamamagitan ng pagsuntok.
Agad niyang sinuotan ng damit ang dalaga saka binuhat ang walang malay na kaibigan at dinala sa kanyang bahay.
Kinabukasan…
Maaga parin pumasok si Summer para gawin ang trabaho niya as volunteer sa Foundation. Pinakiramdaman niya ang sarili kanina ng magising siya. Alam niya na may ginawang masama sa kanya si Alex kagabi ng puntahan siya nito. Pero wala naman siyang naramdamang kakaiba sa kanyang katawan. Normal lang ang pakikitungo niya sa mga kasama pagkaharap ang mga ito pero pag mag isa na lang siya ay hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kagabi.
Lumipas ang maghapon hindi niya nakita si Brent sa Foundation. Ganundin si Alex.
‘May mukha pa ba siyang ihaharap sa akin pagkatapos ng ginawa niya kagabi?’
Nasa ganung pag iisip siya ng kalabitin siya ni Gina.
“Lalim ng iniisip mo ah.” Nag aalalang sabi nito. Ngumiti naman si Summer para ipakitang ayos lang siya.
“ Hwag mo akong alalahanin. Ok lang ako. Namimiss ko lang parents ko.”
Sabi na lamang niya para di na siya nito kulitin.
“ Ganun ba, nandito lang ako pag need mo ng kausap ha.”
Pagkasabi ay iniwan na siya nito.
Hindi niya alam na mula sa itaas ng opisina ay pinagmamasdan siya ni Brent. Sinadya niyang hindi muna magpakita kay Summer. Galit siya sa ginawa ng kaibigan sa kanya. Buti na lamang at di siya nahuli ng dating. Ramdam niya ang lungkot na nararamdaman ni Summer, hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman.
Magmula ng araw na magkabungguan sila ay hindi na niya ito makalimutan. Noong unang araw pa lang nito sa Foundation ay nakita niya agad ito na nakaupo kasama ng mga bagong volunteer. Walang pagsidlan ang kasiyahan niya noon. Kung hindi nga lang kay Alex ay hindi niya pipigilan ang sariling nararamdaman, kahit alam niyang hindi naman nito seseryosohin ang dalaga.
Nang mahimasmasan ang kaibigang si Alex kanina ay humingi ito sa kanya ng pasensya sa ginawa niya kay Summer. Pinakiusapan niya ang kaibigan na huwag na munang magpakita kay Summer. Nangako naman ito sa kanya. Inamin narin niya kay Alex ang kanyang nararamdaman kay Summer.
Lingid kay Summer ay lihim niya itong sinusundan kapag uwian. Gusto niyang masiguro na walang mangyayaring masama sa kanya. Gusto niyang makasiguro na di na guguluhin ni Alex si Summer.
Isang linggo na lang at anibersaryo na ng Blessed Foundation, excited ang lahat para sa gaganaping ito. Imbitado ang lahat ng kilalang businessman sa bansa at lahat ng malalaking tao sa industriya. Hindi rin naman basta simpleng tao lang ang mga Buenavista. Hindi lang sila kilala dahil sa malaking ambag ng kanilang mga negosyo sa ekonomiya ng bansa, isa sila sa may magandang reputasyon sa pamamalakad at paghawak sa kanilang mga tauhan.
Ang Blessed Foundation ay itinayo ng Buenavista bilang tugon sa mga biyayang tinatamasa ng kanilang pamilya. Ibinabalik nila sa maliliit na mamamayan ang lahat ng pagpapala ng Panginoon sa kanilang pamilya.
Habang abala si Summer sa pag aayos ng dekorasyon na sya mismo ang gumawa ay inabutan siya ni Brent ng meryenda.
“Mag meryenda ka muna, kanina ka pa hindi kumakain.”. Seryosong sabi ni Brent. Nagtaka naman si Summer dahil alam nito na di pa siya kumakain.
“Thank you sir Brent, nag abala ka pa. Tatapusin ko na ang isang ito.”
Sa halip na umalis ay naupo si Brent paharap kay Summer, at pinagmasdan kung paano niya ginagawa ang mga bulaklak na gagawing pang dekorasyon sa stage.
Naamaze siya sa ginagawang iyon ng dalaga. Kumuha siya ng gupit na creep paper at ginaya ang ginawa ni Summer. Pero bigo siya sa unang attempt. Tinuruan naman siya ni Summer kung paano ito ginagawa, kaya habang kinakain niya ang dalang meryenda sa kanya ni Brent ay ito muna ang nagtuloy ng ginagawa niya.
Hindi naman ito nabigo at nagawa naman niya. Hindi nga lang kasing pulido ng gawa ni Summer pero pwede na para sa nagsisimula pa lang matuto.
Sa kabilang sulok ay kinikilig na pinagmamasdan naman sila nina mam flor, Cora, at leila. Ngayon lang nila nakita ngumiti at tumawa ng ganun si Brent after five years.
“Infairness bagay sila di ba mam flor?
Kinikilig na sabi ni Cora. Sumang ayon naman si mam Flor sa sinabi nito.
“ Sana magkatuluyan sila ano? Humagikhik namang sabi ni Leila.
“ Oo nga, hala sya tayo ng mag trabaho ng matapos na tayo.”
Sumunod naman agad ang dalawa kay mam Flor na nagpatiuna na.
Pag alis nila ay lumabas sa likod ng pinto na naroon si Froi na narinig at nakita ang tinutukoy ng mga kasamahan. Nagngalit ang mga bagang nito sa nakitang kasiyahan ng dalawa habang gumagawa ng bulaklak.
Natapos ni Summer ang lahat ng bulaklak na kailangan niyang gawin sa tulong ni Brent at Gina. Dahil ilang araw na lang anibersaryo na ng Foundation minabuti ng doon matulog ang lahat ng staff pra hindi na mapagod sa pag uwi.
Pagkatapos maghapunan ay hindi muna pumasok ng kwarto si Summer. Alam niyang kukulitin siya ng kasama sa kwarto na si Gina tungkol sa kung anong meron sa kanila ni Brent. Natutuwa naman siya sa nangyayari dahil hindi na niya kailangan gumawa ng effort para mapalapit sa binata. Umaayon ang pagkakataon sa plano.
May kung anong kirot siyang naramdaman ng maisip niya ang kanyang misyon. Ang lolo ni Brent ang may gusto na magkatuluyan sila ni Brent, at walang kaalam-alam ang binata na iyon ang dahilan kaya siya naririto ngayon. Wala sa plano niya na mahulog ang kanyang loob ng totohanan, ang plano niya, pag dumating ang oras na wala na ang lolo nito ay aalis na sya.
Pero sa takbo ng mga pangyayari ngayon kabaliktaran ang nangyayari. Hindi mahirap magkagusto sa isang Brent Michael Buenavista. Bukod sa nasa kanya na ang lahat, sobrang down to earth ito at lahat ay marunong pakitunguhan ng tama.
Nasa kalaliman siya ng pag iisip ng hawakan siya sa balikat ni froi. Kamuntik na siyang mapatalon sa pagkagulat.
“Froi!” Inis na sabi Summer. Tawa naman ng tawa ang binata sa naging reaksyon niya.
“Im sorry, I didn’t mean it. Sabi niyang humahagikhik parin ng tawa.
“Ay naku ewan ko sayo! Inis na tatayo na sana siya para iwan ito ng pigilan siya nito sa kinauupuan.
“Please sorry na talaga.” Kahit natatawa parin ay pinilit ng magseryoso ni Froi para lang hindi siya umalis.
“ Gusto ko lang makipag usap sayo.” Seryosong sabi ni Froi.
“Tungkol saan?” Inis parin na tanong ni Summer.
“ Anong plano mo after the event? Babalik ka na ba ng manila?”
Hindi agad sumagot si Summer, dahil hindi pa tapos ang kailangan niyang gawin.
“ Maybe pero babalik-balik parin siguro ako dto para magvolunteer. Gusto ko rin makatulong sa mga maliliit na mamamayan sa pamamagitan nito.”
Nagbago bigla ang expression ng mukha ni Summer pagkasabi nito. Ngumiti na ito na siya namang gusto ni Froi sa kanya. Nakakahalina kasi ang mga ngiti ni Summer para sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na humanga dito.
“Ikaw anong plano mo?” Balik na tanong sa kanya ni Summer.
“ Plano kong pakasalan ka! Seryosong sabi ni Froi. Hindi makapaniwala si Summer sa narinig. Natulala siya kaya ng bigla siyang kabigin para halikan ni Froi ay hindi siya kaagad naka iwas. Nagpipiglas siya pero hindi kaagad siya nakawala sa pagkakayakap sa kanya ng binata. Pero hindi siya pumayag na magpatuloy ito sa ginagawang paghalik kaya kinagat niya ang labi nito hanggang sa bitawan siya, at saka siya nagtatakbo papasok sa loob. Nadaanan pa niya si Brent na nakaupo sa sala na nakakulimlim ang mukha.
Hindi na niya ito nagawang batiin at dire-diretso na siya sa kanilang kwarto ni Gina. Tulog na ang kasamahan ng makapasok siya kaya malaya niyang nagawa ang gusto niya sa ilalim ng kumot. Naiyak siya sa sobrang galit sa ginawa sa kanya ni Froi.
Kinabukasan ay normal lang ang kilos ni Summer, ayaw niyang ipahalata sa mga kasamahan ang naganap kagabi. Sabay-sabay silang kumain ng almusal at nagtulong-tulong sa pagliligpit, saka ipinagpatuloy na gawin ang mga dapat pang gawin.
Nang maghapong iyon ay hindi nakita ni Summer si Brent. Ayon kay mam Flor ay may biglaan itong ginawa sa opisina. Nakaramdam siya ng kahungkagan. Maghapon din siyang matamlay, hindi niya alam kung dahil sa ginawa sa kanya ni Froi o dahil wala si Brent.
Hindi niya hinayaang makalapit muli sa kanya si Froi. Hindi niya gusto ang ginawa nito sa kanya.
After ng office hour ay nagpaalam muna si Summer kay mam Flor na uuwi muna siya saglit para iuwi ang mga damit na pinag gamitan niya, at para kumuha narin ng damit na kakailanganin niya para sa event kinabukasan. Pagdating sa tinutuluyan niyang bahay ay nandoon si aling Melba kakatapos lang nito maglinis ng bahay.
“Kamusta po kayo aling Melba?” pangangamusta ni Summer. Bihira lang sila magtagpo ng katiwala ng bahay dahil lagi siyang nasa Foundation para tumulong sa pag aasikaso ng mga bagay.
“Mabuti naman ako sa awa ng Diyos Ms. Summer. Ikaw kamusta? Mas lalo kang gumanda kesa nung una tayong magkita.”
Walang halong biro na sambit ng katiwala.
“ Naku salamat po kung gnun. Biro lang po.” Natatawang sabi naman ni Summer.
“Ako na ang bahala diyan sa mga labahin mo.” Agad namang iniabot ni Summer ang dala niyang labahin.
“Babalik din po agad ako sa Foundation aling Melba, doon muna ako matutulog hanggang bukas.” Pagbabalita ni Summer dito.
“ Bukas na nga pala ang ika limampung taon ng Blessed Foundation. Alam mo ba na maraming natutulungan ang Foundation na iyan? Napakabuting tao ng pamilyang iyan. Sayang nga lang at maagang nawala ang mag asawang may ari ng Foundation, buti na lang at nagmana sa magulang ang lalaki at kaisa-isang anak nila.
Lihim na natuwa si Summer sa mga sinabi ni Aling Melba. Ilang araw ng hindi nagpapakita sa Foundation si Brent. Namimiss na niya ito. Pinipigilan lang niya na magtanong kay mam flor dahil nahihiya siya dito. Buti na lang at kusa itong nagkukwento kung bakit di ito nagpupunta sa Foundation.
Brent’s POV
Ilang araw ng pinag iisipan ni Brent kung paano niya sasabihin kay Summer ang nararamdaman niya para rito. Nabuhayan siya ng loob ng makompirma kay mam Flora na walang namamagitan kina Froi at Summer. Masyado siyang nasaktan nung gabing makita niyang magkayakap ang dalawa sa hardin.
After ng gaganaping pagdiriwang mamayang gabi ay magtatapat na siya sa dalaga. Napapangiti siyang pinagmamasdan ang larawan ni Summer na lihim niyang nakuhaan nung gabing magpaturo siya sa ginagawa nitong bulaklak na pang dekorasyon. Stolen shot iyon na sakto namang nakangiti ito ng kunan niya ng litrato. Tila kuha sa isang photoshoot ang pagkakalitrato niya kay Summer, may nakaipit na malaking bulaklak sa kaliwang tainga nito na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito. Iniedit pa niya ito at mas pinalaki ang larawan.