Share

Chapter 4

Author: Toledo
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Umaga pa lang ay abala na ang buong staff sa paghahanda pra sa selebrasyong gaganapin mamayang gabi. Although kaunti na lang naman talaga ang gagawin ay tinatapos na nla ang mga ito.

Maging ang kanilang mga susuutin ay nakaayos narin. Kahit ang mga mamamahala sa pagkain ay maagang nag asikaso ng mga dapat gawin. Masaya at excited ang lahat

Alas sais ng gabi ang simula ng event, kaya naman excited ang lahat ng staff. Five thirty pa lang ay nagsimula ng magdatingan ang mga bisita. Malalaking tao ang lahat ng nagdaratingan. Natural lang dahil di naman maipagkakaila na bigatin din ang pamilya Buenavista.

Nakapag set up narin ng camera ang camera man ng news anchor na syang mag eere ng malaking event na ito. Kinukuhaan narin nito ang mga nagdaratingang bisita.

Nakaabang narin si Brent para batiin ang mga bisita. Lutang na lutang ang kakisigan ni Brent sa suot niyang barong, hindi ito basta barong dahil gawa ito ng isa sa kilalang gumagawa ng barong sa buong Pilipinas. kaya naman ang ilan sa mga babaing bisita na may sinasabi din sa industriya ay panay ang pacute dito at panay ang dikit. Kasama niya ang kaibigang si Alex na di rin papahuli sa kakisigan at kagwapuhan sa kanyang kaibigan.

Magmula ng dumating ito sa foundation ay iniwasan niyang makasalamuha si Summer. Nahihiya parin kasi siya sa kanyang nagawa. At since nagsabi narin sa kanya ang kaibigan na interesado ito sa dalaga ay nagpaubaya narin siya. After five long years ay ngayon na lang uli nagkaroon ng interes ang kanyang kaibigan sa babae kaya di niya sisirain ang pagkakataon na muling umibig ang kanyang kaibigan.

Nag aassist na lang ang mga volunteers ng foundation sa mga waiter kung saan kailangan ng inumin para sa mga bisita. Isang simpleng maong pants at puting v neck shirt na medyo fit ang suot ng mga volunteers. Para silang mga kandidata sa isang beauty pageant. At tila naman si Summer ang kanilang crowned candidate dahil sa kanyang ayos. Di sya masyadong naglagay ng make up. Powder at lipstick nga lang ang kanyang nilagay, pero angat na angat ang kanyang kagandahan.

Kaya naman di mapigilang humanga ng lahat sa kanya. Maging ang mga bisitang naroon ay napapalingon sa kanya, at may isa pang nagtanong kung may bisitang nasa beauty pageant si Brent.

Lumakas naman ang kabog ng dibdib ni Brent ng magtama ang mga mata nila ni Summer. Kasalukuyang kausap ni Brent ang isang business tycoon ng bansa. Si Mr. Luis Dela rama. Kilala itong matinik sa kanyang larangan, maging sa mga babae. Nasa mid fifties na ang edad ng lalaki.

Gusto sanang makausap ni Mr. Dela rama ang dalaga ng siya namang pagdating ng lolo ni Brent.

“Hi grandpa! Masayang sinalubong ni Brent ang pinakamamahal niyang lolo. Agad na hinanap ng mga mata ng matandang Buenavista ang taong inaasahan niyang makikita niya sa lugar na iyon.

“Congratulations apo! Anitong binati din si Mr. Dela rama.

“Mr. Dela Rama. Thank you for coming!

“ It’s my honor na maimbitahan sa event na gaya nito, Mr. Buenavista. Ang ganitong klase ng foundation ang dapat sinusuportahan dahil sa maraming natutulungan.

Komento ni Mr. Dela Rama. Iniwan muna ito ng maglolo at nagpnta sa kanilang mesa. Nakakuha naman ng pagkakataon si Mr Dela Rama na malapitan ang grupo ni Summer na abala sa pag asikaso sa mga kailangan ng bisita.

“Excuse me. Sabi ni Mr. Dela Rama na kunwaring may kailangan.

Agad na inistima ni Summer ang bisita.

“Yes sir? Nakangiting tanong ni Summer. Lalo namang naamuse si Mr. Dela Rama sa kagandahan ng dalaga, ng malapitan niya ito ngitian.

“A glass of wine please! Anitong diretsong nakatingin sa mga mata ni Summer. Nailang naman ang dalaga sa paraan ng tingin nito sa kanya.

Iniabot ni Summer kay Mr. Dela Rama ang kopita na may lamang wine. Sinadya namang hawakan ni Mr. Dela Rama ang kamay ni Summer ng abutin nito ang kopita. Agad namang binawi ng dalaga ang kanyang kamay.

“ Mr. Dela Rama! Sabay na napalingon ang dalawa kung sino ang tumawag sa bisita. Ang matandang Buenavista. Seryoso ang mukha nito ngunit tila nagbabanta ang mga mata, tila napaso naman sa pagkakatitig sa kanya ng matandang Buenavista kaya agad din itong nagpaalam kay Summer.

Pagkaalis ng bisita ay agad na humingi ng paumanhin ang matandang Buenavista sa dalaga.

“ Im sorry iha. Hwag mo na lang pansinin ang isang yon.”

“Ok lang po ako sir.” Naiilang na sabi ng dalaga.

“Anyway kamusta ka naman dito? May pakahulugang tanong nito sa dalaga.

“Ayos lang po sir, pero wala po akong maipapangako sa iyo. Susubukan ko po na gawin ang magagawa ko. Pero di ko parin po kontrolado ang lahat.”

Mahina pero siniguro ni Summer na maririnig ito ng kausap. Iniingatan niya na may makarinig ng pinag uusapan nilang dalawa. Di nila namalayang nakalapit na pala uli sa kanila si Brent.

“ It seems na magkakilala na kayong dalawa grandpa? Si Brent iyon na di nila namalayang nakalapit na pala sa kanila.

“ Actually, apo nilapitan ko talaga siya dahil akala ko ay may bisita kang beauty queen!

Nakangiting tugon ng matandang Buenavista. Nagkatawanan silang tatlo sa sinabi nito.

“Grandpa this is Summer Perez, she’s one of our volunteers here, and im so glad to have her here in our foundation.”

Ewan ni Summer pero pakiramdam niya ay may iba itong ibig sabihin sa sinabi niyang iyon.

“ Yeah, sapalagay ko nga! Sang ayon naman ng matandang Buenavista.

Sa isang banda ay lihim parin na nakatingin si Mr. Dela Rama kay Summer. Malaki ang interes niya sa dalaga. Kakaiba ang karisma sa kanya ni Summer. Hindi siya papayag na hindi niya ito makuha.

Isa si Mr Dela Rama sa matitinik na business man ng bansa at kilala ito na gagawin ang lahat ng taktika makuha lamang ang business deal nito.

Naging matagumpay ang pagdaraos ng ika fiftieth anniversary ng Blessed foundation. Maraming nag commit na magbibigay ng donation para mas marami pang maabot ng tulong ang foundation.

Tapos narin ligpitin ng buong grupo ang mga ikinabit nilang decoration sa hardin. Nagkanya-kanya narin silang paalaman na magpapahinga ngunit nagpaiwan muna si Summer sa hardin.

Kahit napagod sa maghapon ay di agad dalawin ng antok si Summer, Kaya tumambay muna siya sa hardin. Gusto niyang namnamin ang kagandahan ng hardin sa lugar na iyon, narerelax kasi siya sa tuwing namamalagi siya sa parteng iyon ng foundation. Marami kasi ditong bulaklak ng orchids. Sari-saring kulay at ang sariwa ng amoy ng kapaligiran.

Nakapikit si Summer habang nakasandal sa upuang naroon. Ngayon niya pa lang nararamdaman ang pagod. Napamulat siya ng mata ng maramdamang may ibang tao sa paligid at nakatingin sa kanya.

“Hi!.” Ani Brent na nakangiti parin. Ilang segundong napatulala si Summer sa kaharap. Sino ba naman ang di mapapatulala sa kagwapuhan at kakisigan ng kanyang kaharap.

“ H-ha?! Hi sir, magandang gabi.” Nailang si Summer sa pagkakatitig sa kanya ng kaharap.

“ Magandang gabi naman. Anong ginagawa mo dito? Mahamog na.”

May halong pag aalalang tanong ni Brent.

“Ok lng sir, papasok narin ako mamaya. Nakakarelax kasi dito sa labas.

Sabi ni Summer na umayos ng pagkakaupo. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay naririnig ito ni Brent sa sobrang lakas. Naupo naman sa kaharap na upuan ni Summer si Brent .

“ I just wanna say thank you sa suportang ibinigay mo at ng grupo, successful ang event”.

Sabi ni Brent na nakangiti. Lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi na tulad na tulad ng kanyang lolo.

Napangiti si Summer sa kanyang naisip ng di niya namamalayan na nakatitig pala siya sa mga ito.

“ Walang anuman sir Brent, proud ako na natupad ang pangarap ko na maging kabahagi ng ganitong foundation.”

Buong katapatang sabi ni Summer. Matagal na kasi talaga niyang gustong gawin ang tumulong sa mga foundation na gaya nito. Sa katunayan ay pangatlo na ito sa nasamahan niya. Ang foundation nga lang na ito ang pinakamalaki sa dalawang nauna.

“Kamusta naman ang family mo?

Walang ibang maisip na itanong si Brent kaya iyon ang naitanong niya. Gusto rin niyang makilala ng lubusan ang dalaga.

“ Mabuti naman sila sir. “ Nakaramdam ng konting lungkot si Summer dahil namimiss na niya ang mga magulang.

“Did I say something wrong?” halata ang pag aalala sa tono nito. Umiling si Summer at nag alibay na lang para mawala ang guiltyness na nakikita niya sa ekspresyon ng mukha ni Brent. Ang totoo medyo natouch siya sa concern nito sa kanya.

“ I think I have to go inside now, medyo nilalamig narin ako. Maiwan na muna kita sir.”

Sinundan na lang ng tingin ni Brent ang papalayong dalaga. Napapangiti na lang siya dahil sa kasimplehan nito. Hindi ito gaya ng mga babaing nakakasalamuha niya na kulang na lang ay ipagduldulan ang sarili sa kanya mapansin lang niya.

Naalala niya ang isang babae five years ago na nagpatibok ng kanyang puso. Ang babaing di rin nagpakita ng atraksyon sa kanya. Simple lang din ito halos hindi gumagamit ng make up, maliban na lang kung may okasyon.

Naipilig ni Brent ang kanyang ulo sa isiping iyon. Ayaw niyang ikumpara si Summer sa namayapa niyang nobya.

Samantala biling baliktad namn si Summer sa kanyang higaan ng mga oras na iyon. Nag aalala siya sa kanyang nararamdaman. Ayaw niyang mahulog ng lubusan ang kanyang damdamin kay Brent. Maraming what if's ang pumapasok sa kanyang isipan. Isa narito ang kung paano kung malaman nito ang gustong mangyari ng lolo nito?

Nakatulugan na lang niya ang mga isiping iyon.

“ I like you Summer!” Hindi malaman ni Summer ang isasagot, dahil natatakot siya.

Nagulat siya ng di niya namalayang nakalapit na pala sa mukha niya ang mukha ni Brent at ng hahalikan na siya nito ay nagising siya sa pagyugyog sa balikat niya si Gina.

Napabalikwas siya ng bangon. Nakaramdam siya ng panghihinayang at pagkahilo sa biglang bangon niya.

“ Ok ka lang Summer? Nag aalalang tanong ni Gina.

“ I'm ok, salamat Gina.” Kinuha niya mula rito ang ibinibigay na baso ng tubig.

“Nagising kasi ako sa pag ungol mo kaya kita ginising, napagod ka ata ng sobra sa pag aassist kanina.”

Mahabang sabi ni Gina.

“ Ok lang ako, salamat! Bumalik ka na sa pagtulog mo.

Napapailing na lang si Summer dahil sa kanyang naudlot na panaginip.

'Bakit naman ganun ang panaginip ko? Tanong ni Summer sa sarili.

Agad namang nakatulog muli ang dalaga.

Brent POV…

Pinagmamasdan ni Brent ang mahimbing na natutulog na si Summer. Tila anghel na natutulog ang dalaga. Mahahaba ang pilikmata nitong natural ang pagka curl. Ang manipis at mapupulang labi nito na bahagyang nakaawang ay tila ba nag aanyaya sa kanya na kanyang hagkan at angkinin.

Napapangiti siya sa kanyang naisip. Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na dalaga, dahan-dahan naupo sa tabi nito at tinitigang muli ang kabuuan ng mukha nito. Ng muling mapadako ang mata niya sa mga labi nito ay kinintalan niya ito ng halik.

Nung una ay bahagya lamang, pero pinigilan niya ang sarili na hagkan ng mariin ang dalaga. Nang tatayo na sya ay nagising si Summer. Nataranta sya at inisip na baka masamain nito ang kanyang kapangahasan.

“Go on.” Sabi ni Summer at ngumiti. Tila nahipnotismo sa ngiti ni Summer si Brent. At ang damdaming kanina pa pinipigilan ay di na niya napigilan.

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagpabalikwas ng bangon kay Brent. Nasapo niya ang kanyang ulo sa naramdamang hilo sa bigla niyang pagbangon.Muli siyang nahiga at tumitig sa kisame habang inaalala ang kanyang panaginip.

Pagkatapos ng kinse minuto ay bumangon na at naligo si Brent, pagkatapos ng event kagabi ay kailangan niyang ipahanda ang mga papeles na kakailanganin para sa mga kontrata na nakapila para sa Blessed foundation. Naging maganda ang resulta ng mga feedback sa kanilang foundation. Kaya maraming nag offer ng tulong ngayon.

Tatlong missed call mula sa kanyang kaibigang si Alex ang nakita niya sa kanyang cellphone paglabas niya ng banyo. Agad niya itong tinawagan ng makabihis.

“Hey bro! Ani Brent, habang pababa na sa kusina.

“Brent! I miss you, how are you?

Natigilan siya ng marinig ang pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.

“Tasha! Sabay na napalingon sa gawi ni Brent si Aling Cora at Summer. Naghahanda na ng agahan ang dalawa. Halos patapos narin ng dumating si Brent.

Agad na nagbawi ng tingin si Summer ng magtama ang mga mata nila ni Brent. Naiinis siya sa nararamdaman sa kung paano kalambing ang boses nito sa pagbigkas ng pangalan ng babae sa kabilang linya. Dagdagan pa na napakatamis ng pagkakangiti nito habang binibigkas ang pangalang Tasha.

“Well, we’re here! Tiling sabi ng isang matangakad, maputi at mamula-mulang kutis ng isang babae. Tila isang modelo ang paglakad nito papunta kay Brent. Kasunod nito ang kakamut-kamot ng ulo na kuya Alex nito.

Si Tasha ang nakababatang kapatid ni Alex na kinakapatid ni Brent. Sobrang close ito sa kanya kaya parang kapatid narin ang turing niya dito. Seventeen year old lang ito ng magpunta ng states para doon mag aral. Ngayon ay twenty two na ito at ganap ng dalaga. Napakaganda at napakakinis ng mamula-mulang balat nito. Malaki ang hawig nito sa kanyang kapatid.

Tumakbo papalapit kay Brent ang dalaga at yumakap ito ng mahigpit kay Brent. Gumanti din ng yakap si Brent dahil namiss niya ng sobra ang kinakapatid. Saglit na napatigil si Tasha ng mapansin si Summer na nakatingin sa kanila. Saka nito binati si aling Cora.

“ Hi aling Cora! How are you? Magiliw na bati ni Tasha sa katiwala.

“Mabuti naman ako Ms. Tasha! Long time no see. Mas lalo kang gumanda ngayon ah!

Papuri ni aling Cora sa bagong dating.

Nang matapos na sila sa paghahanda ng agahan ay umalis na muna ang dalawa. Si Summer ay dumiretso sa kanyang kwarto at inayos ang mga gamit.

“Enough Summer, huwag kang ilusyunada ok! Saway niya sa kanyang sarili.

'Ano ba to. Bakit I have a feeling na nagseselos ako. No, hindi tama to. Hindi na nga tama na pumayag ako sa gusto ng lolo niya e. Enough, enough is enough'.

Gustong sampalin ni Summer ang sarili para matauhan, nang siya namang paglabas ni Gina mula sa banyo. Nakapaligo na ito.

“Ok my turn. Ani Summer para maitago ang nararamang inis.

Tasha's POV

Kinulit talaga niya ang kanyang kuya Alex na samahan siya sa Blessed foundation para makita ang kinakapatid na si Brent. Hindi siya nakaabot kagabi sa selebrasyon ng anibersaryo ng foundation na ito dahil late ang dating ng kanyang flight.

Gaya ng dati napakagandang lalaki parin ng kanyang kinakapatid. Teenager pa lang sya ay may lihim na siyang pagtingin dito. Di lang niya pinapahalata. Alam niya na hindi papayag ang kanilang magulang sa kanyang nararamdaman para kay Brent. Pero wala siyang pakialam, hindi na siya bata para pigilan sa kung ano ang gusto niyang gawin. Sinunod niya ang gusto ng mga magulang na sa states mag aral. At pinagbutihan niya iyon dahil si Brent ang kanyang naging inspirasyon.

Natigilan siya ng mapansin ang isang magandang babae na katulong ni aling Cora sa paghahanda ng agahan. Nakatingin ito sa kanila ni Brent na tila di gusto ang pagkakayakap niya rito. Bigla itong umalis ng matapos ang ginagawang paghahanda ng almusal kasama si aling Cora.

“ Come let’s have breakfast! Yakag ni Brent sa magkapatid.

“Sure di ko to tatanggihan, namiss ko ata tong Filipino food e! Sabi niyang naupo sa tabi ni Brent, naupo naman si Alex paharap sa kanila.

Marami silang napagkwentuhan habang kumakain.

Tulung-tulong parin ang mga volunteers sa pagliligpit ng iba pang kailangang iligpit sa nagdaang event kagabi. Magkahalong saya at lungkot ang kanilang nararamdaman dahil maghihiwa-hiwalay na sila.

Habang nagmimerienda ay nilapitan ni Froi si Summer at sa unang pagkakataon ay humingi ito ng paumanhin sa kanyang ginawa.

“I’m really sorry for what I have done Summer!” apologetic na sabi pa ng binata.

“Granted! We can still be friends anyway right? Nakangiting sabi ni Summer.

“ Thanks! Nakipag kamay ang binata at tinanggap naman ito ni Summer.

“Hi everyone! Si Tasha iyon. Sabay na lumingon ang lahat ng naroon. Kasama nito si Brent at Alex na naglilibot sa lugar. Maging ang ibang kasama nilang volunteer ay napahanga sa kagandahan ni Tasha.

“Sila ang mga volunteers na tumulong sa pag prepare ng event kagabi.”

Isa-isang ipinakilala ni Brent ang bawat isa kay Tasha. Tulad ni Brent ay approachable din ang dalaga. Natural na natural ang pakikipag usap nito sa mga volunteers na para bang matagal na silang magkakilala.

“Maiwan na muna namin kayo. Paalam ni Brent na kay Summer nakatingin. Hindi iyon nalingid sa paningin ni Tasha. Pero walang nakakaalam kung ano ang kanyang nasa loob.

Nagpatuloy naman sila Summer sa kanilang ginagawa at tinapos ang lahat ng kailangang ayusin bago magtanghalian.

Nang araw na iyon ay may bagong pasok na batang babae sa foundation. Nasa edad na sampu. Tulala ito at di makausap ng maayos dahil ayaw nito magsalita at sumagot sa mga katanungan sa kanya. Nakatungo lang ito at tahimik na tumutulo ang mga luha.

Dalawa na sa mga nakaassign na mag interview sa bata ang kumausap pero hindi ito nagrespond sa kanila.

Nagbakasakali si Summer na makakausap niya ang bata. Dinala niya ito sa hardin. Pinaupo niya ito sa swing at siya naman sa kabilang swing. Pinakiramdaman niya muna ang bata. Tumigil ito sa pagluha at dahan-dahang itinaas ang paningin sa paligid. Pinunasan nito ang mga pisngi na may luha at tila narelax sa nakitang kagandahan ng paligid.

“Nakakarelax ang lugar na ito no? Sabi ni Summer na patuloy sa pag ugoy ng duyan.

“ Nakakawala ng anumang mga dinadalang sama ng loob. Sabi pa ni Summer at ngumiti. Lumingon sa kanya ang bata kumibot ang mga labi nito na tila gustong magsalita ngunit pinigilan ang sarili.

“Ayoko ng bumalik sa lugar na iyon! Panimulang sabi nito na ang tinutukoy ay ang bahay ng amaing tinirahan niya. Nagtatrabaho sa manila ang kanyang ina kaya ang amain lamang at ang anak na babae sa una ng amain langvang nasa bahay. Pagkasabi niyon ay sumeryoso ang mukha ng bata at tila iiyak nanaman ngunit pinigilan na nito ang pag iyak.

“ Hindi ka na babalik sa lugar na iyon. Hindi namin hahayaang may manakit muli sayo.” Nakangiting sabi ni Summer at tumingin sa maamong mukha ng bata.

“Ako si Summer, anong name mo?

Magiliw na tanong ni Summer.

Nakaramdam ng kagaanan ng loob ang bata sa presensya ni Summer kaya agad itong sumagot sa kanyang tanong.

“Ayesha po ang pangalan ko. Inilahad ni Summer ang kanyang palad sa bata upang mas lalo pang maging kampante ito sa pakikipag usap sa kanya. Tinanggap naman ito ni Ayesha. Hindi parin ito ngumingiti. Pero magandang simula na para magkaroon ng conversation sa pagitan nila Summer.

Nalaman ni Summer na biktima ito ng pagmamaltrato ng amain. At kamuntik na itong molestyahin nito. Sa takot ay lumayas ito at nagtago kung saan – saan para di makita ng ina at ng amain. Minsan ng nagsabi ito sa sariling ina kung ano ang ginagawa ng amain sa tuwing nasa trabaho ang kanyang ina ngunit bulag, pipi at bingi ito sa katotohanan.

Halos tatlong oras din silang nasa hardin at nag usap. Bago pa pumayag si Ayesha na pumasok sa loob kung saan makakasama niya sa isang lugar ang iba pang bata na inaalagaan sa foundation na iyon.

Tuwang-tuwa naman ang mga naroon dahil nagawa ni Summer na makausap ang bata at makuha ang impormasyong kailangan nila. May isang nagmalasakit na tao ang nakakita sa bata sa lansangan at inireport sa pulisya at dinala naman ng estasyon sa Blessed Foundation. Kilala ang Foundation sa buong Plaridel, magung sa iba pang karatig na lugar.

Pabalik si Summer sa tinutuluyang bahay ng maramdaman niyang tila may sumusunod sa kanya. Walang ibang tao sa lugar na iyon maliban sa kanya dahil nasa loob na ng bahay ang mga kapitbahay kahit alas otso pa lang ng gabi. Palibhasa ay village naman ang lugar at walang timatambay na tao sa kalsada. Inilabas niya sa bulsa ang isang pang spray na lagi niyang dala incase na kailanganin niya ng self defense.

Nakahanda na ang pang self defense niya. Inihanda niya ito bago sya lumingon sa kanyang likuran. Buti na lang at malayo ang taong sumusunod sa kanya kundi ay aabutin ito ng spray niya. Pinaghalong kaba at pagtataka ang naramdaman niya ng makilala kung sino ang sumusunod sa kanya.

“Sir Brent?! Magkahalong kaba at pagtatakang sambit ng dalaga.

“Summer! Kakamut-kamot ng ulong sabi ng binata. Hindi niya kailanman ginawa ang sumunod ng palihim sa isang babae. Dahil siya ang sinusundan ng mga ito.

“Anong …bakit mo ako sinundan? Pagtatakang tanong ni Summer, saka nagpatuloy na sa paglakad dahil ilang gakbang na lang ay nasa gate na siya ng tinutuluyang bahay.

“Gusto ko lang masiguro na ligtas kang makauwi.” Natigilan ang dalaga sa narinig at muling nilingon ang binata. Hindi malaman ni Summer ang mararamdaman ng mga sandaling iyon.

‘Anong ibig niyang sabihin na gusto niyang maaiguro na ligtas akong makauwi?’

“ What?! Ngayon lang naisip ni Summer na ito rin marahil ang sumusunod sa kanya sa tuwing siya ay uuwi. Matagal na niyang nararamdaman na may sumusunod sa kanya kaya bumili siya ng pepper mint spray kung sakaling kailanganin niya ito.

Nang mabuksan na ni Summer ang gate ay hindi nangahas na sumunod sa kanya si Brent. Kaya lumingon siya at pinapasok ito.

“ Tumuloy ka muna sir, para makainom ka ng tubig. Napagod ka sa pagsunod mo sa akin.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Sumunod naman sa kanya sa loob si Brent. Agad na kinuhaan ng isang basong tubig ni Summer si Brent at naupo sa kaharap na upuan.

Walang kumikibo sa kanila. Pareho silang nag aantay kung sino ang unang magsasalita.

“Sir…”

“Summer!” sabay na sabi ng dalawa at nagkatawanan sila pareho. Ngunit agad na sumeryoso si Brent.

“ Can you stop calling me sir? Just Brent. Look, matagal ko ng gustong sabihin sayo to Summer…I like you!

Nakatulala lang si Summer sa rebelasyong kanyang nalaman. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Pero natatakot siya sa kahihinatnan nito sa bandang huli.

Gustung-gusto niyang ipagsigawan sa harap ni Brent na ganundin siya dito. Pero naduduwag siya. Hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya si Brent at ginagap nito ang kanyang mga kamay.

“ I really like you, to the point na kailangan pa kitang sundan ng palihim para masiguro lang na maayos kang nakakauwi". Pagtatapat niya ng kanyang nararamdaman.

"Kailan mo pa ako sinusundan? Kunot noong tanong ni Summer.

"Magmula ng puntahan ka dito ni Alex. Galing siya sa opisina nun at nagrarant sya ng nararamdaman niya para sayo. Sobrang sama ng loob niya dahil for the first time may isang babae na may ayaw sa kanya.

" Sorry for that, kasalanan ko ba kung may iba akong gusto? Natatawang naisatinig ni Summer. Natakpan niya ang sariling bibig at namumulang tatayo sana.

" Si Froi ba? Malungkot na tanong ni Brent.

“ I like you too s-si…Brent.” Hindi narin napigilan ni Summer ang sigaw ng kanyang puso. Hinalikan ni Brent ang kanyang mga kamay sa pag amin niya sa kanyang nararamdaman.

“Really! Im so happy na pareho tayo ng nararamdaman sa isat-isa Summer!

Kaugnay na kabanata

  • The Mission Wedding    Chapter 5

    Nang sumunod na mga araw ay inihahatid na ni Brent si Summer sa tuwing ito ay uuwi. Hindi narin nila itinatago pa ang nararamdaman sa isat-isa. Ipinararamdam at ipinakikita nila sa isat-isa ang kanilang nararamdaman. Masaya ang lahat sa Foundation na makita nilang masaya na muli ang binata. Maliban sa isang tao. Si Tasha.Kasalukuyang kausap ni Summer ang mga batang inaalagaan sa Foundation ng dumating si Brent kasama si Tasha na nakakapit ang mga braso sa braso nito. Hindi iyon pinansin ni Summer. Bumati sa kanila ang mga bagong dating at humalik sa kanya ang nobyo kahit na nakasukbit parin ang braso ng kinakapatid sa kanya atsaka umalis narin ang mga ito at nagtungo sa opisina.Nakita ni Summer ang matalim na tingin sa kanya ni Tasha bago lubusang makalayo dahil nilingon pa niya ang mga ito. Hindi niya gusto ang pagkakakapit ng kinakapatid ng nobyo. Ayaw lang niyang bigyan ito ng malisya. Kahit noong una niya itong makita ay iba na ang pakiramdam niya sa dalaga. Ramdam niya na may

  • The Mission Wedding    Chapter 6

    Walang mapiling isusuot si Summer para sa pagkikita nila ng nobyo, kaya isang simpleng floral dress na above the knee lang ang isinuot niya at doll shoes. Inlugay lang niya ang lagpas balikat na buhok. Natural na straight, silky and shiny ang kanyang buhok kaya napakaganda ng bagsak nito. Hindi rin siya halos naglagay ng make up dahil mas gusto niyang maging natural ang hitsura niya sa harap ni Brent, na siya namang gusto rin ng binata. Ang totoo wala talaga siyang dalang mga gamit niya dahil hindi niya talaga inisip na mangyayari ang pagkakataong ito sa maiksing panahon. Hindi niya akalaing magiging totoo ang mararamdaman niya para kay Brent. At ganundin ito sa kanya. Hindi naman siya kailanman kinulit ng matandang Buenavista kung ano na ang status ng pinakiusap nito sa kanya. Di nagtagal at dumating narin si Brent.Brent’s POVBago tumuloy sa tinitirahan ni Summer ay dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay Summer. Wala siya idea kung ano ang paboritong

  • The Mission Wedding    Chapter 7

    Nagbibrain storming ang buong grupo para sa bagong misyon. Itinatalaga ng kanilang group leader na si Mr. Henson kung anu-ano ang magiging papel ng bawat isa.Nangangailangan ng sekretarya ang isa sa mga pangalang ibinigay ng may ari ng kompanya na siya ring pinaghihinalaang gumagawa ng kababalaghan, dahil sa mga di maipaliwanag na assets na lumabas sa embestigasyon dito. Kaya si Summer ang naassign na mag apply para sa posisyong ito. Si Jeremy naman ang magpapanggap na bagong mensahero ng kompanya.Ang iba naman ay nakaantabay lang sa labas ng opisina. Para alam ng may ari ng kompanya kung sinu-sino ang mga taong gagawa ng lihim na embestigasyon ay ibinigay ni Mr. Ruiz ang mga profile nila kasama ang larawan.Hindi komportable si Summer sa misyong ito dahil anumang oras ay maari siyang mabisto ni Brent. Pero wala siyang magawa dahil parte ito ng trabaho niya.Sa canteen...Jeremy's POVMagmula ng mag file ng two months leave si Summer ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang binata n

  • The Mission Wedding    Chapter 8

    Ngayon ang araw na tutuntong si Summer sa kompanyang minamanage ni Brent. Hindi siya kinakabahan sa misyon na nakaatang sa kanya dahil ginawa narin niya ito sa kompanya ng lolo nito two months ago. Hindi nga lang siya nagdisguise noon. Kinakabahan siya na baka mabisto siya ng nobyo.Ayon sa impormasyong ibinigay sa kanya tungkol sa magiging boss niya ay mahilig ito sa maganda at seksing batang babae. Isang navy blue business suit attire ang suot niya na two inches above the knee ang skirt, at pinarisan niya ng two inches high heels. Bilang kailangan niyang magdisguise ay kinapalan niya ang kanyang kilay, nagsuot din sya ng makapal na salamin na walang grado syempre, dahil hindi pa naman malabo ang mga mata niya. At nag lagay siya ng nunal sa ibabaw ng gawing kanang nguso niya. Siya man ay halos di niya makilala ang sarili.' Malas mo lang Mr. Domingo dahil hindi mo masisilayan ang totoong hitsura ko.' Nakangising sabi ni Summer sa sarili. Mukha lang niya ang binago niya, hindi ang ka

  • The Mission Wedding    Chapter 9

    Mr. Domingo POVMaganda ang gising niya ngayong umaga, bukod sa maganda ang kinalabasan ng meeting nila with foreign investors ay nadagdagan din ang mga extra income na palihim nilang kinukuha sa kompanya. Matagal na sila nina Mr. Sandoval at Mr. Echavez sa kompanyang ito magmula pa sa ama ni Brent ay nandirito na sila at noon pa man ay unti-unti na silang kumokubra sa pera ng kompanya. Nang mamatay ang unang may ari ng kompanya ay mas nilakihan na nila ang pagkuha sa pera ng kompanya, dahil sa isip nila ay kinukuha lang nila ang nararapat para sa kanila. Pagpasok niya ng building ay binati niya lahat ng makasalubong niya sa daan. Bagay na ipinagtaka ng mga empleyado dahil hindi nito ugali ang mauna ng bati. Kung minsan pa nga ay para itong walang nakita at narinig.Nang lumabas siya ng elevator at pumasok sa departamentong pinaglilikingkuran ay agad na sinalubong siya ni Mira, upang sabihin na may bago na siyang sekretarya. Dahil nasa biyahe siya, Si Brent na ang naghire ng sekreta

  • The Mission Wedding    Chapter 10

    Naging matagumpay muli ang misyon na kanilang ginawa. Nagbigay ng pabunos si Brent para sa kanilang grupo. Lumuwag ang pakiramdam ni Summer pagkatapos ng misyon na ito dahil muli nanaman siyang makakapamuhay ng maayos. Ngunit akala lang pala niya iyon. Halos nakalimutan na niya na may sumusunod na sasakyan sa kanya noong lumuwas siya ng Quezon City. Ilang linggo rin na hindi niya ito napansin na sumusunud-sunod. Kaninang paglabas niya ng mall ay napansin nanaman niya na may bumubuntot sa kanyang sasakyan. Ibang sasakyan lang ang dala nito ngayon pero iisang tao ang sakay nito. Sa halip na umuwi sa tinutuluyan niyang condo ay bumalik siya sa opisina ng head quarters upang doon tingnan ang kanyang cctv na nakainstall sa kanyang sasakyan.Bago siya tuluyang makarating ng building kung saan naroon ang kanilang opisina ay nawala ang sasakyang sumusunod sa kanya.Hitman POV..." Mukhang nakakatunog na, na sinusundan ko siya Ms. Tasha. Magpapalamig muna ako habang pinaplano mga gagawin k

  • The Mission Wedding    Chapter 11

    Five months na after na magkakilala sina Summer at ang lolo ng kanyang nobyo. Isang buwan na lang din ay matatapos na ang taning ng doctor sa matandang Buenavista. Nasasaktan si Summer dahil alam niya na once malaman ni Brent ang totoo kung bakit sila nagkalapit ay iiwan siya nito.Kahit naman siguro sino ay di matatanggap na niloloko pala siya ng girlfriend sa simula palang. Iba man ang dahilan ng pagsisinungaling niya ay totoong nahulog ang kanyang loob at totoo ang nararamdaman niya para sa nobyo.Nasa ganun siyang state ng iniisip ng halikan at yakapin siya ng nobyo mula sa kanyang likuran. Pareho silang walang trabaho ngayon kaya nakalaan ang maghapon nila para sa isat isa. Humarap siya sa nobyo at yumakap din siya at humalik dito.Namiss nila sobra ang isat isa. Magmula kasi ng bumalik ng Quezon City si Summer ay naging abala siya sa kanyang misyon. Kahit na kasama niya madalas sa building ang nobyo ay nakadisduise naman siya. Sa gabi lang sila nakakapag usap sa telepono.Nauna

  • The Mission Wedding    Chapter 12

    Tatlong minuto na magmula ng huminto ang bridal car sa tapat ng simbahan. Nakaayos narin ang mga tao sa loob at naghihintay sa pagpasok ng bride. Hindi parin makapag desisyon si Summer. Nag aalala siya, paano kung matuklasan ni Brent ang naging pag uusap nila ng lolo niya?Sa huli ay sinunod niya ang kanyang puso. Saka na niya ipaliliwanag sa kanyang nobyo ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay mabigyang kasiyahan lolo nito na may taning na ang buhay. Inakala tuloy ng kanyang magulang na ayaw niyang magpakasal pa.Habang inihahatid siya ng magulang sa altar ay nagsimulang umiyak ang kanyang ina, kaya pinisil niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nginitian niya ng ubod tamis ang ina, gusto niyang ipaalam dito na wala itong dapat ipag alala. Na masaya siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay.Habang sa kabilang dulo naman ay naroroon ang mag lolo. Nakaupo sa wheelchair ang lolo ni Brent habang masayang nakatingin sa papalapit na si Summer. Masaya ang matandang Buenavista dahil bago si

Pinakabagong kabanata

  • The Mission Wedding    Chapter 112

    Kasalukuyan siyang nasa opisina ng asawa kasama ang anak na si Winter. Ito Ang unang beses na nagpunta siya rito na kasama ang anak. Hindi Niya malilimutan Ang ekspresyon ng mga staff na nakakita sa kanilang mag Ina. Wala Kasi silang Nakita o nabalitaan man lang na nagka girlfriend Ang boss nila o ikinakasal man ito dahil biglaang lang ang kanilang kasal at hiniling Niya noon na walang social media. "Kailan pa nagkaasawa si boss? bulong ng Isang lalaki na staff na nasa hallway sa babaing kasama nito. tila may ikinukonsulta Ang babae sa lalaki dahil may hawak itong ilang papeles ng madaanan nila ito papunta sa elevator. Nag alisan lang Ang mga ito ng makitang kasama nila si Brent. Hindi na lang Niya pinansin ang mga ito. Kanina ng harangun sila ng receptionist ay tinext Niya ang asawa na nasa reception area silang mag Ina. Alam ni Brent na Hindi makakadiretso sa kanya ang mag Ina dahil mahigpit Ang bilin Niya sa reception huwag Basta magpaakyat ng walang signal mula sa kanya. naw

  • The Mission Wedding    Chapter 111

    Ilang minutong tila tumigil Ang Mundo nina Vanessa aT Duncan sa paghihintay sa sagot ng kanilang anak. Nagpapalitan ito ng tingin sa kanilang dalawa. tila inaalam kung joke lang ba yon o seryoso. "Daddy? you are my dad? Mom? Sabi ni Bryle na halatang pinipigilan ang iyak. "Yes Bryle, He is your real father." Nakangiting tugon Niya sa anak na tila naguguluhan kung bakit dalawa Ang ama Niya. Si Brent Kasi Ang nakagisnan nitong ama. "But how about daddy Brent? Nagsalubong naman Ang kilay ni Duncan sa narinig pero di Niya ito pinakita sa bata. "I will explain to you when you grow up, but for now I want you to know that your biological father is him. Why don't you talk to him?" Paliwanag ni Vanessa sa anak habang hawak Ang dalang kamay nito. Ngumiti naman si Bryle at niyakap Ang kanyang ama. naguguluhan lang siya dahil Ang nakagisnan niyang ama ay iba. Niyakap naman ito ni Duncan Saka ngumiti Kay Vanessa. "I knew it, that's why we have the same feature. And grandma told to me

  • The Mission Wedding    Chapter 110

    Pagkatapos ng pag Amin at paghingi ng tawad ni Vanessa Kay Summer ay gumaan Ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay may nabunot na malaking tinik sa kanyang pagkatao . Gusto niyang ituloy Ang pagbabagong buhay sa Canada gaya ng unang Plano Niya Hindi Niya lang alam kung ano ang isipin o sasabihin ni Duncan ngayong inamin Niya na Siya Ang ama ng kanyang anak. Hindi pa ito alam ng bata dahil Hindi Niya alam kung paano niya sasabihin sa anak Ang lahat. "what's on your mind?" Tanong ni Duncan na tumabi ng upo sa kanya. Tinitigan ni Vanessa si Duncan, iniisip Niya kung ano ang Nakita sa kanya ng lalaking ito at nandirito parin sa tabi Niya. "Why me? kunot noong tanong Niya sa binata, humarap Siya para mas Makita niya ang reaksyon nito sa tanong Niya. Ilang Segundo siyang tinitigan at tiningnan sa mga mata ng diretso. " I can't explain it, I just feel it. " Tugon ni Duncan na habang sinasabi iyon ay hinalikan niya ang likod ng kamay ni Vanessa. Naramdaman ni Vanessa ang pamum

  • The Mission Wedding    Chapter 109

    Pagkatapos ng mga rebelasyong narinig ni Summer ay Hindi pumayag si Brent na Hindi sila mag usap ni Summer. Si Jessica Ang nag uwi ng kotse ng kaibigan habang magkasama sina Brent at Summer na umalis Dala Ang sasakyan nito. Wala namang imikan Sina Brent at Summer habang binabagtas Ang Daan patungo sa villa. Ang daming gumugulo sa isip ni Summer Hindi Niya akalaing dahil sa pagganap Niya sa kanilang tungkulin ay babalikan Siya ng mga taong may gawa ng sarili nilang multo. Although alam naman Niya na posibleng mangyari iyon pero of all people Ang nanay pa ni Duncan Guevarra. Ang taong Hindi Niya sinasadyang masaktan Ang damdamin dahil sa pag basted Niya noon dito. Buong panahon na nasa biyahe sila ay nakatingin lang siya sa kawalan at iniisip Ang lahat ng mga nangyari at narinig ngayong gabi. Hindi Niya namalayan na sa villa Siya dinala ni Brent. Hindi na lang siya kumontra ng pagbuksan Siya nito ng pinto. sumunod na lang siya ng pumasok ito sa loob ng Bahay. Maayos parin ang Ba

  • The Mission Wedding    Chapter 108

    "I'm sorry beshy,you really need to listen to him para magkaayos kayo." Paliwanag ni Jessica sa kaibigan na Ngayon ay madilim Ang Mukha na nakatingin sa kanila ni Brent. Hindi nagsasalita si Brent kulang na lang ay humingi Siya ng tulong rito sa pagpapaliwanag sa kaibigan. Nang sa wakas ay magsalita na ito. "Sum it's not her fault, I'm the one asking her to convince you to meet her here." "Hindi pa ba malinaw sayo Mr. Buenavista na ayoko na? pirma mo na lang Ang kulang sa annulment paper.... Matigas na sabi ni Summer. "You will never get my signature to that trash." Pigil ang sarili na sabi ni Brent. everytime Kasi na binabanggit ni Summer ang annulment ay pakiramdam niya ay nadudurog Siya ng pinung-pino. umaalon Ang kanyang dibdib naninikip Ang kanyang dibdib sa emosyong nararamdaman niya pero pilit Niya iyong pinaglalabanan. "Summer." Sabay silang tatlo na lumingon sa direksyon ng pinagmulan ng tinig. "Remember last time sabi ko kung pwede Tayo mag usap?" Hindi s

  • The Mission Wedding    Chapter 107

    Pag alis ni sa kinaroroonan nina Vanessa kanina ay agad niyang tinawagan si Jessica para magpatulong na mapapayag na sumama sa kanya si Summer mamayang alas syete sa meeting place na sinabi ni Vanessa. mabuti na lang at nakuha Niya Ang loob ng best friend ng kanyang asawa kundi ay mahihirapan siyang kumbinsihin ito na sumama sa kanya mamaya. Pagkatapos nila mag usap ni Brent ay agad na tinawagan at Inaya ni Jessica ang kaibigan na mamasyal sa park. Noong una ay ayaw nito sumama dahil may gagawin daw ito. kaya dinramahan Niya ito para pumayag na sumama sa kanya. "Bakit Anong ginawa ni Alex? nag aalalang tanong Niya sa kaibigan . "Ang lalaking Yan di parin Pala nagbabago." Inis sabi ni Summer. 'Basta let's meet at seven pm please." Mas pinagmukhang desperado pa ni Jessica ang boses para mas maging convincing ito. "Alright I'll be there sharp." Masayang ibinalita agad ni Jessica Kay Brent ang pagpayag ng kaibigan. samantala Ang asawa na nasa tabi lang Niya ay nakasimangot dah

  • The Mission Wedding    Chapter 106

    Ilang minuto ng kumakatok si Brent sa yunit ni Vanessa pero Wala parin siyang response na nakukuha. Paalis na lang siya ng paparating naman Ang mag Inang Vanessa at Bryle. Nagulat siya na kasama ng mga ito si Duncan. Nagkatitigan saglit Ang dalawang lalaki pero Hindi mo mababasa kung ano ang ibig sabihin ng titigang iyon. "Daddy? Sigaw ni Bryle at patakbong lumapit ito sa kinikilalang ama . ngumiti naman si Brent at niyakap iyon ng makalapit sa kanya. Magmula ng umalis silang mag Ina sa Bahay ni Brent ay Hindi na nagpakitang muli si Vanessa Kay Brent. Nakahiyaan narin Niya na nalaman Brent na Hindi Niya anak si Bryle. Sumuko narin siya na ipaglaban Ang nararamdaman niya para rito.Nagtiimbagang naman at sumimangot si Duncan ng marinig na tinawag na daddy ng anak Niya ang kalaban Niya. Pero Hindi naman Niya ito masisi dahil Hindi pa nila nasabi Kay Bryle na Siya Ang ama ng bata."Brent. Anong kailangan mo?kaswal na tanong ni Vanessa Kay Brent."Pwede ba Tayo mag usap? Yung tayong dal

  • The Mission Wedding    Chapter 105

    Hindi makapaniwala si Vanessa sa mga naririnig Niya."But nang mangyari Yung incident pagkagaling sa bar, nagbago lahat lalo na ng Malaman Kong buntis ka.""Anong incident sa bar Ang sinasabi mo?"It was that night na sobrang lasing ka na at nagsasayaw ka na sa gitna ng floor dance. I saw you from a far that bastard touching you. I snatch you from him and from there I brought you in pad and it happened."Hindi malaman ni Vanessa kung maaamise ba dahil Meron Palang nagmamahal sa kanya. O magagalit dahil Wala man lang siyang kaalam-alam. "Don't tell me na Ikaw Ang ama ni Bryle?"Hindi kumibo si Duncan sa halip ay tumayo ito at Ilang segundong tumanaw sa tanawing naroroon."Will you accept me as his father?"Nakatalikod parin na sabi ni Duncan, nakapamuksa ito at nakayuko. Habang si Vanessa ay Hindi makapaniwala sa sinabi ni Duncan. Nakaramdam siya ng saya sa nalamang iyon dahil sa wakas makikilala na ng kanyang anak Ang ama nito. Pero nandoon Ang pakiramdam na niloko at pinaglaruan Siy

  • The Mission Wedding    Chapter 104

    Pagkatapos Kumain ay sa living room naman sila naupo para uminom ng tsaa. Hindi alam ni Vanessa kung ano ang Plano ni Duncan at dinala silang mag Ina dito sa Bahay nila ni Wala naman silang relasyon na dalawa. Noon lang din niya lumabas Ang mga kasambahay para magdala ng desert para Kay Bryle. Mabuti na lang at madaldal Ang bata dahil walang dull moment na nangyari. Agad na nakuha ng bata Ang loob ng Ina at kapatid ni Duncan."Bro pauwi na lang Ang mag Ina pero Hindi mo pa ipinapakilala Kay mommy si...Paalala ni Dulce sa kanyang kuya. Napatingin naman Ang kanilang ina sa anak na si Duncan at Dulce. Kabisado Niya ang dalawang ito Lalo na si Dulce palagi itong nauunang Mang asar sa kuya Niya. Tumikhim naman si Duncan tila inalis Ang bara sa kanyang lalamunan. "Mom, Dulce this is Vanessa and Bryle they are very special to me. they're going to be part of this family soon."Sabi ni Duncan habang nakaakbay na ikinagulat ni Vanessa. "oh I new it! kaya Pala kamukha mo Ang napaka bibong ba

DMCA.com Protection Status