Nang sumunod na mga araw ay inihahatid na ni Brent si Summer sa tuwing ito ay uuwi. Hindi narin nila itinatago pa ang nararamdaman sa isat-isa. Ipinararamdam at ipinakikita nila sa isat-isa ang kanilang nararamdaman. Masaya ang lahat sa Foundation na makita nilang masaya na muli ang binata. Maliban sa isang tao. Si Tasha.
Kasalukuyang kausap ni Summer ang mga batang inaalagaan sa Foundation ng dumating si Brent kasama si Tasha na nakakapit ang mga braso sa braso nito. Hindi iyon pinansin ni Summer. Bumati sa kanila ang mga bagong dating at humalik sa kanya ang nobyo kahit na nakasukbit parin ang braso ng kinakapatid sa kanya atsaka umalis narin ang mga ito at nagtungo sa opisina.Nakita ni Summer ang matalim na tingin sa kanya ni Tasha bago lubusang makalayo dahil nilingon pa niya ang mga ito. Hindi niya gusto ang pagkakakapit ng kinakapatid ng nobyo. Ayaw lang niyang bigyan ito ng malisya.Kahit noong una niya itong makita ay iba na ang pakiramdam niya sa dalaga. Ramdam niya na may pagtingin ito sa kinakapatid.Magmula ng madalas na puntahan at kausapin ni Summer ang mga bata ay nag improve ang mga ito. Kaya masayang-masaya ang mga staff dahil malaki ang naitutulong ng pagkausap ni Summer sa mga bata. Mayroon siyang di maipaliwanag na karisma sa mga bata.Magmula sa dating mahiyain at walang tiwala sa ibang tao ay naging masiyahin na ang mga ito at nakikipag usap na sa kanila. Hindi narin sila nahihirapang magpagawa ng mga activity sa mga ito dahil nakikicooperate na sila.Samantala sa office ni Brent...Inalis ni Brent ang pagkakakapit ng braso ni Tasha sa kanya. Ikinagulat naman ito ng kinakapatid."Whats wrong? Ani Tasha"Tasha, I love you as my youngest sister you know that, but im not comfortable na kahit na sa harap ni Summer ay nakakapit ka sa akin ng ganun.""Why? Hindi na ba ako pwedeng kumapit sayo ngayung may girlfriend ka na? Nakahalukipkip na sabi pa ni Tasha."Tasha you're not kid anymore." Tila nauubusan ng pasensyang sabi ni Brent.Sa edad na bente dos ay hindi na nga bata pa ang kanyang kinakapatid. Lumaki itong napakaganda at sopistikada. Walang lalaki ang hindi mahahalina sa angkin nitong kagandahan. Pero hindi siya isa sa mga ito dahil noon pa man ay nakababatang kapatid lamang ang pagtingin niya rito." But you know what I feel for you. I love you not as my big brother Brent! Please don't reject my feelings. Ang tagal kong nagtiis, pinagbuti ko ang pag aaral ko, dahil gusto kong maging karapat-dapat ako sayo sa pagbabalik ko. Tiniis ko ang sakit noon ng malaman kong may minamahal ka na at ikakasal ka na. Please don't do this to me once again Brent! I love you so much!Hindi makapaniwala si Brent sa kanyang narinig. All the while ay hindi siya nag isip na may ganung nararamdaman sa kanya ang kinakapatid. Kaya ng pagharap niya at yakapin siya ng kinakapatid at siilin ng halik ay di siya agad nakaiwas dto. Siya namang bukas ng pinto ng opisina at naabutan sila ni Summer sa ganoong sitwasyon.Agad tumakbo pa labas ng opisina si Summer, nabunggo pa niya ang padating na si Alex. Nagtataka itong agad na pumasok sa opisina at nakita niya ang kaibigan na nakaupo sa sofa at sapu-sapo ang ulo, at ang kapatid na inaayos ang sarili. Agad niyang dinaluhong ng suntok ang kaibigan. Inawat naman agad ito ng nakababatang kapatid."Stop it kuya! Its not his fault! Aniyang yakap-yakap si Brent na di gumanti sa ginawa ng kaibigan sa kanya."I don't wanna see you ever again Tasha". Pagkasabi niyon ay tumayo ito at lumabas upang sundan si Summer." What did you do Tasha? Galit na tanong ni Alex sa kapatid."I love him kuya, I told him I love him ever since. He's mine kuya, only mine. Hindi nyo na ako mapipigilan ngayon, umiiyak na sambit ng dalaga.Alam ni Alex na may gusto ang kanyang kapatid sa kaibigan, pero di niya akalaing ganito ito kaseryoso."Enough Tasha! Kapatid lang ang turing sayo ni Brent! Itigil mo yang kahibangan mo. Let's go home! Huwag mong sirain ang pagkakaibigan namin ni Brent dahil dyan sa kalokohan mo!"Halos kaladkarin na ni Alex ang kapatid sa sasakyan dahil ayaw nitong umuwi.Hinalughog na ni Brent ang buong Foundation kung saan posibleng magpunta si Summer pero di niya ito makita. Kaya ipinasya niyang dumiretso sa tinutuluyan nito. Hindi siya nagkamali dahil nakalimutan na nitong isara ang gate sa sobrang sama ng loob nito sa kanya.Sa labas pa lang ng pinto ay dinig na niya ang nakakadurog ng pusong pag iyak nito dahil sa kanya. Naabutan niya nasa kwarto ito at nakadapang umiiyak. Agad niya itong niyakap at nakikiusap na pakinggan sana siya nito. Ngunit ayaw siyang pakinggan ng dalaga." leave me alone! Ayokong makipag usap sayo! Not now!" Love please pakinggan mo mna ako.""Ano pa bang dapat na ipaliwang Brent, wala ka ng dapat ipaliwang. Nakita ng dalawang mata ko kung paano mo siya halikan Brent.Nasasaktang sambit ng dalaga." Siya ang humalik sa akin, nabigla ako sa ginawa niya kya hindi ko agad siya napigilan, maniwala ka naman sa akin please. I don't love her, ikaw ang mahal ko Summer! Inamin niya na matagal na niya akong mahal pero mahal ko lang siya bilang nakababatang kapatid. Paniwalaan mo naman sana ako please."Paliwanag niya habang yakap-yakap mula sa likuran si Summer.Ngunit di parin mapigil ng dalaga ang kanyang pag iyak. Sa unang pagkakataon ay naranasan niya ang masaktan ng ganito. Nagkaron siya noon ng boyfriend pero di siya nasaktan ng ganito.Dalawang oras din silang nasa ganoong sitwasyon hanggang sa makatulog sila pareho ng magising sila sa kalam ng kanilang sikmura.Nag order na lang sila ng pizza para sa hapunan. Nagtungo ng banyo si Summer para maghilamos. Magang-maga ang kanyang mga mata sa sobrang pag iyak kanina. Paglabas niya ay agad siyang niyakap ni Brent dahil sa sobrang guilty nito."I'm so sorry for making you cry my love. I promise di na to mauulit."Ramdam naman ni Summer ang sinseridad sa nobyo kaya ngumiti lamang siya at tumango. Inangat ni Brent ang kanyang mukha at dinampian ng halik ang kanyang namamagang mga mata at ang kanyang mapupulang mga labi. Ngunit di nakuntento si Brent ng dampi lang. Kaya ang dampi ay naging dahan-dahan at naging malalim na halik.Tuluyan ng nadarang ang isat-isa sa kanilang nararamdaman...Nang dumating ang inorder na pizza ay si Brent na ang lumabas para kunin ito.Doon narin nagpalipas ng gabi sa Brent sa tinutuluyan ni Summer. Hindi na muna nagpnta ng Foundation kinabukasan ang dalaga dahil maga parin ang kanyang mata.Pagkaalis ni Brent ay tinawagan ni Summer ang matandang Buenavista upang kamustahin ito. Ngunit ang assistant nito ang sumagot at sinabing nagpapahinga ang matanda dahil sa inatake ito ng kanyang sakit at ilang araw na Nanghihina ito.Nalungkot siya sa nabalitaan tungkol sa matanda. Mukhang walang alam si Brent sa kalagayan ng kanyang lolo.Sa Foundation...Nang sundan ni Brent si Summer ay hindi na nito nagawang dalhin ang kanyang celphone. Halos malowbat ang phone niya sa miscall at messages mula sa kaibigan na humihingi ng pasensya sa ginawa ng kapatid. May message din si Tasha. Kumulimlim ang kanyang mukha ng mabasa ang mensahe nito sa kanya.'teenager pa lang ako alam ko mahal na kita Brent. Hindi ako nag paligaw dahil inilalaan ko ang sarili ko para sayo. Hindi ako papayag na sa ikalawang pagkakataon ay may aagaw sayo sa akin. Kung nagawa ko noon magagawa ko uli ngayon! Akin ka lang Brent! Tandaan mo yan akin ka lang!'Hindi na lamang pinansin ni Brent ang mga pinagsasabi ng kinakapatid. Ayaw na niyang isipin pa ang bagay na ito. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay si Summer. Lalo na at may nangyari na sa kanila. Kailangan niyang makausap si Summer tungkol sa bagay na ito.Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa mga iniisip niya. Si Aling Flora iyon." Brent, hindi ba pupunta si Summer ngayon sa Foundation? Hinahanap kasi siya ng mga bata."Alam ni Aling Flora ang namamagitan sa kanila ngayon ni Summer, maging ang nangyari kahapon. Pero hindi na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang lahat ni Brent."Masama pa ang pakiramdam niya ngayon Aling Flora, pakisabi mo na lang sa kanila na bukas ay nandirito na sya. Kailangan lang niya magpahinga ngayon."Iyon lang at nagpaalam na ito sa kanya.Hindi naging maganda ang araw ng mga bata ng araw na iyon dahil wala si Summer. Mas magaan ang loob nila dito. Ipinaalam iyon ni Aling Flora kay Summer. Ngunit dahil ayaw ni Summer na makita nila ang hitsura niya ay nangako siyang bukas na bukas ay papasok na sya.Alex's POV..."Tasha! Pack your things!Galit sabi ni Alex sa kapatid. Ngunit tila wala itong narinig."Im not going anywhere kuya! Tila wala lang na sabi pa nito. Habang tuloy lang sa pag scan sa isang magazine."Pack your things kung ayaw mong malaman nila mommy at Daddy ang ginawa mong kalokohan! Singhal ni Alex sa kapatid. Iyon ang huling bagay na gagawin niya para sa kapatid. Pero dahil alam niya kung ano ang posibling mangyari once na malaman ng kanilang magulang ang ginawa ng kapatid kaya di niya ito gagawin.Naalarma si Tasha sa sinabi ng kuya kaya para tigilan siya nito ay sumunod na lang ito sa gusto nito."Ok fine!Mabilis na nag empake ng gamit ang dalaga. Hindi na ito nagpahatid sa kapatid papuntang airport.Ngunit iyon ang malaking pagkakamaling ginawa ni Alex, dahil nag check in lamang ito sa isang hotel at nagplano ng mga gagawin para mapaghiwalay sina Brent at Summer...Five years ago ay hindi matanggap ng dalaga na ikakasal na ang kinakapatid sa nobya nitong si karla. Ngunit di siya nagpatalo sa kanyang emosyon. Kahit nasa ibang bansa siya ay plinano niya ang isang karumal-dumal na krimen. Dahil malayo siya ay pinagana niya ang impluwensya ng pera.Pinamanmanan niya sa isang hired killer si Karla, kung saan-saan ito nagpupunta, sinu-sino ang madalas nitong kasama at anong sasakyan ang madalas nitong gamitin. At ba pang impormasyong makukuha nila mula sa nobya ni Brent.Isang buwan bago ang kasal ay plinano nila kung paanong di makakapunta ng simbahan ang babae.Sa araw mismo ng kasal nila isinagawa ang kanilang masamang plano. Tinanggalan ng preno ang sasakyang gagamitin ng bride papuntang simbahan.Nang mapansin ng driver na wala silang preno ay nawalan ito ng kontrol sa kanyang manibela. Sumalpok ito sa isang van, at nasalpok pa ito ng rumaragasang ten wheeler truck. Nagkalasug-lasog ang bridal car, maging ang driver nito at ang bride na si Karla. Bali-bali ang mga buto at di makilala ang dalawang nasa sasakyan ng dumating ang ambulansya.Sa halip na sa simbahan magkita ay sa morge na nagkita ang magkasintahan. Nakabalot na sa isang itim na plastic ang labi ni Karla habang suot pa nito ang wedding gown na punung-puno ng sariling dugo.Sinamantala iyon ni Tasha na kahit nasa ibang bansa siya ay sinigurado niya na maipapakita at maipadarama niya kay Brent ang kanyang simpatya. Araw-araw niya itong tinatawagan para makausap niya ito upang mahulog ang loob nito sa kanya.Kasalukuyan...Muling kinontak ni Tasha ang hired killer na inupahan niya five years ago. Ilang ring lang ay narinig na niya ang pamilyar na tinig ng lalaki sa kabilang linya."Ms.Tasha." May ipagagawa ako sayo. Seryosong sabi ni Tasha sa kabilang linya."Mukhang may didispatsahin ka nanamang karibal ah! Nakangising Sabi ng nasa kabilang linya. Inantabayan ng hired killer ang lalabas na balita pagkatapos nitong gawin ang ipinagawa sa kanya noon. Kahit hindi sabihin ay alam niya na karibal nito sa lalaki ang babaing ipinapatay nito.Naningkit ang mga matang sininghalan ni Tasha ang kausap." Gawin mo uli gaya ng dati, malinis. At wala kang karapatang mag komento. Understood!Sabi niyang inioff na ang tawag. Inis na inihagis niya ang celphone sa kama.Nakatanggap ng tawag mula kay Mr. Ruiz sa si Summer. Kailangan na niyang bumalik sa kanyang trabaho para sa isang misyon. Nang magpunta siya ng Bulacan ay di siya nagpasa ng resignation letter, two months vacation lang ang inilagay niya sa kanyang leave.Matatapos na ang kanyang bakasyon kaya kailangan na niyang bumalik sa kanyang totoong trabaho. Walang alam si Brent kung ano talaga ang totoong trabaho niya.Mayroon pa syang isang linggo bago bumalik ng Manila. Nagiguilty man ay kinailangan niyang magsinungaling muli kung ano ang trabaho niya."Mamimiss ka namin Ms. Summer! Malungkot na sabi ni Aling Flora. Ganundin ang nararamdaman ng lahat ng naroon sa Foundation. Kasalukuyan silang nasa sala noon ng magpaalam si Summer sa kanila."I'm glad to meet you all, babalik-balik parin naman ako dto kung may pagkakataon. May ilang araw pa tayo magkakasama ano ba kayo!Emosyunal namang sabi ni Summer. Nang malaman ito ng mga bata ay nag iyakan ang mga ito. Sa sandaling panahon na sila ay nagkasama ay nahulog na ang loob ng mga ito kay Summer."Ms. Summer kailan ka uli babalik? Tanong ng isang bata sa kanya. Ngumiti siya at tinapik ang balikat nito at niyakap." Pag may time uli at pwede ako magbakasyon sa trabaho,dadalawin ko kayo. Pero habang nasa work ako, pwede naman tayo mag videocall. Basta promise nyo magpapakabait kayo, susundin nyo ang mga ate nyo dito ha.Bilin ni Summer sa mga bata. Siya namang tunog ng kanyang telepono. Abot tainga ang ngiti niya ng makita kung sino ang tumatawag."Hi! Nagpaalam na siya sa mga bata, at nagtungo na ang mga ito sa kanilang kwarto."My love! I miss you!" Same here. I'm gonna miss you! Seryosong sabi ni Summer." What? Are you going somewhere?" I need to go back to my work. Mahinang sagot ni Summer. Tumahimik si Brent sa kabilang linya." Kailan? Malungkot na tanong naman ni Brent." As soon as possible." May himig ng kalungkutan sa tinig ng dalaga."Sunduin kita later."" Ok."Maagang nagpaalam si Summer kina aling Flora para makapagready sya sa pagsundo sa kanya ni Brent.Walang mapiling isusuot si Summer para sa pagkikita nila ng nobyo, kaya isang simpleng floral dress na above the knee lang ang isinuot niya at doll shoes. Inlugay lang niya ang lagpas balikat na buhok. Natural na straight, silky and shiny ang kanyang buhok kaya napakaganda ng bagsak nito. Hindi rin siya halos naglagay ng make up dahil mas gusto niyang maging natural ang hitsura niya sa harap ni Brent, na siya namang gusto rin ng binata. Ang totoo wala talaga siyang dalang mga gamit niya dahil hindi niya talaga inisip na mangyayari ang pagkakataong ito sa maiksing panahon. Hindi niya akalaing magiging totoo ang mararamdaman niya para kay Brent. At ganundin ito sa kanya. Hindi naman siya kailanman kinulit ng matandang Buenavista kung ano na ang status ng pinakiusap nito sa kanya. Di nagtagal at dumating narin si Brent.Brent’s POVBago tumuloy sa tinitirahan ni Summer ay dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay Summer. Wala siya idea kung ano ang paboritong
Nagbibrain storming ang buong grupo para sa bagong misyon. Itinatalaga ng kanilang group leader na si Mr. Henson kung anu-ano ang magiging papel ng bawat isa.Nangangailangan ng sekretarya ang isa sa mga pangalang ibinigay ng may ari ng kompanya na siya ring pinaghihinalaang gumagawa ng kababalaghan, dahil sa mga di maipaliwanag na assets na lumabas sa embestigasyon dito. Kaya si Summer ang naassign na mag apply para sa posisyong ito. Si Jeremy naman ang magpapanggap na bagong mensahero ng kompanya.Ang iba naman ay nakaantabay lang sa labas ng opisina. Para alam ng may ari ng kompanya kung sinu-sino ang mga taong gagawa ng lihim na embestigasyon ay ibinigay ni Mr. Ruiz ang mga profile nila kasama ang larawan.Hindi komportable si Summer sa misyong ito dahil anumang oras ay maari siyang mabisto ni Brent. Pero wala siyang magawa dahil parte ito ng trabaho niya.Sa canteen...Jeremy's POVMagmula ng mag file ng two months leave si Summer ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang binata n
Ngayon ang araw na tutuntong si Summer sa kompanyang minamanage ni Brent. Hindi siya kinakabahan sa misyon na nakaatang sa kanya dahil ginawa narin niya ito sa kompanya ng lolo nito two months ago. Hindi nga lang siya nagdisguise noon. Kinakabahan siya na baka mabisto siya ng nobyo.Ayon sa impormasyong ibinigay sa kanya tungkol sa magiging boss niya ay mahilig ito sa maganda at seksing batang babae. Isang navy blue business suit attire ang suot niya na two inches above the knee ang skirt, at pinarisan niya ng two inches high heels. Bilang kailangan niyang magdisguise ay kinapalan niya ang kanyang kilay, nagsuot din sya ng makapal na salamin na walang grado syempre, dahil hindi pa naman malabo ang mga mata niya. At nag lagay siya ng nunal sa ibabaw ng gawing kanang nguso niya. Siya man ay halos di niya makilala ang sarili.' Malas mo lang Mr. Domingo dahil hindi mo masisilayan ang totoong hitsura ko.' Nakangising sabi ni Summer sa sarili. Mukha lang niya ang binago niya, hindi ang ka
Mr. Domingo POVMaganda ang gising niya ngayong umaga, bukod sa maganda ang kinalabasan ng meeting nila with foreign investors ay nadagdagan din ang mga extra income na palihim nilang kinukuha sa kompanya. Matagal na sila nina Mr. Sandoval at Mr. Echavez sa kompanyang ito magmula pa sa ama ni Brent ay nandirito na sila at noon pa man ay unti-unti na silang kumokubra sa pera ng kompanya. Nang mamatay ang unang may ari ng kompanya ay mas nilakihan na nila ang pagkuha sa pera ng kompanya, dahil sa isip nila ay kinukuha lang nila ang nararapat para sa kanila. Pagpasok niya ng building ay binati niya lahat ng makasalubong niya sa daan. Bagay na ipinagtaka ng mga empleyado dahil hindi nito ugali ang mauna ng bati. Kung minsan pa nga ay para itong walang nakita at narinig.Nang lumabas siya ng elevator at pumasok sa departamentong pinaglilikingkuran ay agad na sinalubong siya ni Mira, upang sabihin na may bago na siyang sekretarya. Dahil nasa biyahe siya, Si Brent na ang naghire ng sekreta
Naging matagumpay muli ang misyon na kanilang ginawa. Nagbigay ng pabunos si Brent para sa kanilang grupo. Lumuwag ang pakiramdam ni Summer pagkatapos ng misyon na ito dahil muli nanaman siyang makakapamuhay ng maayos. Ngunit akala lang pala niya iyon. Halos nakalimutan na niya na may sumusunod na sasakyan sa kanya noong lumuwas siya ng Quezon City. Ilang linggo rin na hindi niya ito napansin na sumusunud-sunod. Kaninang paglabas niya ng mall ay napansin nanaman niya na may bumubuntot sa kanyang sasakyan. Ibang sasakyan lang ang dala nito ngayon pero iisang tao ang sakay nito. Sa halip na umuwi sa tinutuluyan niyang condo ay bumalik siya sa opisina ng head quarters upang doon tingnan ang kanyang cctv na nakainstall sa kanyang sasakyan.Bago siya tuluyang makarating ng building kung saan naroon ang kanilang opisina ay nawala ang sasakyang sumusunod sa kanya.Hitman POV..." Mukhang nakakatunog na, na sinusundan ko siya Ms. Tasha. Magpapalamig muna ako habang pinaplano mga gagawin k
Five months na after na magkakilala sina Summer at ang lolo ng kanyang nobyo. Isang buwan na lang din ay matatapos na ang taning ng doctor sa matandang Buenavista. Nasasaktan si Summer dahil alam niya na once malaman ni Brent ang totoo kung bakit sila nagkalapit ay iiwan siya nito.Kahit naman siguro sino ay di matatanggap na niloloko pala siya ng girlfriend sa simula palang. Iba man ang dahilan ng pagsisinungaling niya ay totoong nahulog ang kanyang loob at totoo ang nararamdaman niya para sa nobyo.Nasa ganun siyang state ng iniisip ng halikan at yakapin siya ng nobyo mula sa kanyang likuran. Pareho silang walang trabaho ngayon kaya nakalaan ang maghapon nila para sa isat isa. Humarap siya sa nobyo at yumakap din siya at humalik dito.Namiss nila sobra ang isat isa. Magmula kasi ng bumalik ng Quezon City si Summer ay naging abala siya sa kanyang misyon. Kahit na kasama niya madalas sa building ang nobyo ay nakadisduise naman siya. Sa gabi lang sila nakakapag usap sa telepono.Nauna
Tatlong minuto na magmula ng huminto ang bridal car sa tapat ng simbahan. Nakaayos narin ang mga tao sa loob at naghihintay sa pagpasok ng bride. Hindi parin makapag desisyon si Summer. Nag aalala siya, paano kung matuklasan ni Brent ang naging pag uusap nila ng lolo niya?Sa huli ay sinunod niya ang kanyang puso. Saka na niya ipaliliwanag sa kanyang nobyo ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay mabigyang kasiyahan lolo nito na may taning na ang buhay. Inakala tuloy ng kanyang magulang na ayaw niyang magpakasal pa.Habang inihahatid siya ng magulang sa altar ay nagsimulang umiyak ang kanyang ina, kaya pinisil niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nginitian niya ng ubod tamis ang ina, gusto niyang ipaalam dito na wala itong dapat ipag alala. Na masaya siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay.Habang sa kabilang dulo naman ay naroroon ang mag lolo. Nakaupo sa wheelchair ang lolo ni Brent habang masayang nakatingin sa papalapit na si Summer. Masaya ang matandang Buenavista dahil bago si
Tahimik parin sa kanyang pagkain si Summer kahit halos di niya malunok ang kinakain sa sobrang inis sa babaing basta na lang humalik sa kanyang asawa."Amanda, this is my wife Summer. Sweetheart this is Amanda my college friend."Nawala ang ngiti sa mukha nito ng ipakilala ni Brent ang asawa nito. Naupo pa ito sa tabi ni Brent."Oh it's true! you get married already. So you're two here for your honeymoon."Maarteng sabi pa ni Amanda. Maganda ito sopistikadang babae. Walang lalaki ang hindi titingin at Hindi magkakagusto sa klase ng babaing ito."Nasaan si Arthur? Hindi mo ata kasama ngayon?Naitanong ito ni Brent dahil alam niya na gagawa ito ng eksena na ikakagalit ng kanyang asawa. Matagal ng nagpaparamdam ng pagkagusto sa kanya si Amanda, Lalo na noong college days nila. pero kahit gaano pa ito katalino at kaganda ay di siya nagkagusto dito. Kaibigan lang talaga ang tingin Niya rito. Sumimangit bigla sj Amanda ng banggitin ni Brent ang pangalang Arthur. "Please stop saying that n
Kasalukuyan siyang nasa opisina ng asawa kasama ang anak na si Winter. Ito Ang unang beses na nagpunta siya rito na kasama ang anak. Hindi Niya malilimutan Ang ekspresyon ng mga staff na nakakita sa kanilang mag Ina. Wala Kasi silang Nakita o nabalitaan man lang na nagka girlfriend Ang boss nila o ikinakasal man ito dahil biglaang lang ang kanilang kasal at hiniling Niya noon na walang social media. "Kailan pa nagkaasawa si boss? bulong ng Isang lalaki na staff na nasa hallway sa babaing kasama nito. tila may ikinukonsulta Ang babae sa lalaki dahil may hawak itong ilang papeles ng madaanan nila ito papunta sa elevator. Nag alisan lang Ang mga ito ng makitang kasama nila si Brent. Hindi na lang Niya pinansin ang mga ito. Kanina ng harangun sila ng receptionist ay tinext Niya ang asawa na nasa reception area silang mag Ina. Alam ni Brent na Hindi makakadiretso sa kanya ang mag Ina dahil mahigpit Ang bilin Niya sa reception huwag Basta magpaakyat ng walang signal mula sa kanya. naw
Ilang minutong tila tumigil Ang Mundo nina Vanessa aT Duncan sa paghihintay sa sagot ng kanilang anak. Nagpapalitan ito ng tingin sa kanilang dalawa. tila inaalam kung joke lang ba yon o seryoso. "Daddy? you are my dad? Mom? Sabi ni Bryle na halatang pinipigilan ang iyak. "Yes Bryle, He is your real father." Nakangiting tugon Niya sa anak na tila naguguluhan kung bakit dalawa Ang ama Niya. Si Brent Kasi Ang nakagisnan nitong ama. "But how about daddy Brent? Nagsalubong naman Ang kilay ni Duncan sa narinig pero di Niya ito pinakita sa bata. "I will explain to you when you grow up, but for now I want you to know that your biological father is him. Why don't you talk to him?" Paliwanag ni Vanessa sa anak habang hawak Ang dalang kamay nito. Ngumiti naman si Bryle at niyakap Ang kanyang ama. naguguluhan lang siya dahil Ang nakagisnan niyang ama ay iba. Niyakap naman ito ni Duncan Saka ngumiti Kay Vanessa. "I knew it, that's why we have the same feature. And grandma told to me
Pagkatapos ng pag Amin at paghingi ng tawad ni Vanessa Kay Summer ay gumaan Ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay may nabunot na malaking tinik sa kanyang pagkatao . Gusto niyang ituloy Ang pagbabagong buhay sa Canada gaya ng unang Plano Niya Hindi Niya lang alam kung ano ang isipin o sasabihin ni Duncan ngayong inamin Niya na Siya Ang ama ng kanyang anak. Hindi pa ito alam ng bata dahil Hindi Niya alam kung paano niya sasabihin sa anak Ang lahat. "what's on your mind?" Tanong ni Duncan na tumabi ng upo sa kanya. Tinitigan ni Vanessa si Duncan, iniisip Niya kung ano ang Nakita sa kanya ng lalaking ito at nandirito parin sa tabi Niya. "Why me? kunot noong tanong Niya sa binata, humarap Siya para mas Makita niya ang reaksyon nito sa tanong Niya. Ilang Segundo siyang tinitigan at tiningnan sa mga mata ng diretso. " I can't explain it, I just feel it. " Tugon ni Duncan na habang sinasabi iyon ay hinalikan niya ang likod ng kamay ni Vanessa. Naramdaman ni Vanessa ang pamum
Pagkatapos ng mga rebelasyong narinig ni Summer ay Hindi pumayag si Brent na Hindi sila mag usap ni Summer. Si Jessica Ang nag uwi ng kotse ng kaibigan habang magkasama sina Brent at Summer na umalis Dala Ang sasakyan nito. Wala namang imikan Sina Brent at Summer habang binabagtas Ang Daan patungo sa villa. Ang daming gumugulo sa isip ni Summer Hindi Niya akalaing dahil sa pagganap Niya sa kanilang tungkulin ay babalikan Siya ng mga taong may gawa ng sarili nilang multo. Although alam naman Niya na posibleng mangyari iyon pero of all people Ang nanay pa ni Duncan Guevarra. Ang taong Hindi Niya sinasadyang masaktan Ang damdamin dahil sa pag basted Niya noon dito. Buong panahon na nasa biyahe sila ay nakatingin lang siya sa kawalan at iniisip Ang lahat ng mga nangyari at narinig ngayong gabi. Hindi Niya namalayan na sa villa Siya dinala ni Brent. Hindi na lang siya kumontra ng pagbuksan Siya nito ng pinto. sumunod na lang siya ng pumasok ito sa loob ng Bahay. Maayos parin ang Ba
"I'm sorry beshy,you really need to listen to him para magkaayos kayo." Paliwanag ni Jessica sa kaibigan na Ngayon ay madilim Ang Mukha na nakatingin sa kanila ni Brent. Hindi nagsasalita si Brent kulang na lang ay humingi Siya ng tulong rito sa pagpapaliwanag sa kaibigan. Nang sa wakas ay magsalita na ito. "Sum it's not her fault, I'm the one asking her to convince you to meet her here." "Hindi pa ba malinaw sayo Mr. Buenavista na ayoko na? pirma mo na lang Ang kulang sa annulment paper.... Matigas na sabi ni Summer. "You will never get my signature to that trash." Pigil ang sarili na sabi ni Brent. everytime Kasi na binabanggit ni Summer ang annulment ay pakiramdam niya ay nadudurog Siya ng pinung-pino. umaalon Ang kanyang dibdib naninikip Ang kanyang dibdib sa emosyong nararamdaman niya pero pilit Niya iyong pinaglalabanan. "Summer." Sabay silang tatlo na lumingon sa direksyon ng pinagmulan ng tinig. "Remember last time sabi ko kung pwede Tayo mag usap?" Hindi s
Pag alis ni sa kinaroroonan nina Vanessa kanina ay agad niyang tinawagan si Jessica para magpatulong na mapapayag na sumama sa kanya si Summer mamayang alas syete sa meeting place na sinabi ni Vanessa. mabuti na lang at nakuha Niya Ang loob ng best friend ng kanyang asawa kundi ay mahihirapan siyang kumbinsihin ito na sumama sa kanya mamaya. Pagkatapos nila mag usap ni Brent ay agad na tinawagan at Inaya ni Jessica ang kaibigan na mamasyal sa park. Noong una ay ayaw nito sumama dahil may gagawin daw ito. kaya dinramahan Niya ito para pumayag na sumama sa kanya. "Bakit Anong ginawa ni Alex? nag aalalang tanong Niya sa kaibigan . "Ang lalaking Yan di parin Pala nagbabago." Inis sabi ni Summer. 'Basta let's meet at seven pm please." Mas pinagmukhang desperado pa ni Jessica ang boses para mas maging convincing ito. "Alright I'll be there sharp." Masayang ibinalita agad ni Jessica Kay Brent ang pagpayag ng kaibigan. samantala Ang asawa na nasa tabi lang Niya ay nakasimangot dah
Ilang minuto ng kumakatok si Brent sa yunit ni Vanessa pero Wala parin siyang response na nakukuha. Paalis na lang siya ng paparating naman Ang mag Inang Vanessa at Bryle. Nagulat siya na kasama ng mga ito si Duncan. Nagkatitigan saglit Ang dalawang lalaki pero Hindi mo mababasa kung ano ang ibig sabihin ng titigang iyon. "Daddy? Sigaw ni Bryle at patakbong lumapit ito sa kinikilalang ama . ngumiti naman si Brent at niyakap iyon ng makalapit sa kanya. Magmula ng umalis silang mag Ina sa Bahay ni Brent ay Hindi na nagpakitang muli si Vanessa Kay Brent. Nakahiyaan narin Niya na nalaman Brent na Hindi Niya anak si Bryle. Sumuko narin siya na ipaglaban Ang nararamdaman niya para rito.Nagtiimbagang naman at sumimangot si Duncan ng marinig na tinawag na daddy ng anak Niya ang kalaban Niya. Pero Hindi naman Niya ito masisi dahil Hindi pa nila nasabi Kay Bryle na Siya Ang ama ng bata."Brent. Anong kailangan mo?kaswal na tanong ni Vanessa Kay Brent."Pwede ba Tayo mag usap? Yung tayong dal
Hindi makapaniwala si Vanessa sa mga naririnig Niya."But nang mangyari Yung incident pagkagaling sa bar, nagbago lahat lalo na ng Malaman Kong buntis ka.""Anong incident sa bar Ang sinasabi mo?"It was that night na sobrang lasing ka na at nagsasayaw ka na sa gitna ng floor dance. I saw you from a far that bastard touching you. I snatch you from him and from there I brought you in pad and it happened."Hindi malaman ni Vanessa kung maaamise ba dahil Meron Palang nagmamahal sa kanya. O magagalit dahil Wala man lang siyang kaalam-alam. "Don't tell me na Ikaw Ang ama ni Bryle?"Hindi kumibo si Duncan sa halip ay tumayo ito at Ilang segundong tumanaw sa tanawing naroroon."Will you accept me as his father?"Nakatalikod parin na sabi ni Duncan, nakapamuksa ito at nakayuko. Habang si Vanessa ay Hindi makapaniwala sa sinabi ni Duncan. Nakaramdam siya ng saya sa nalamang iyon dahil sa wakas makikilala na ng kanyang anak Ang ama nito. Pero nandoon Ang pakiramdam na niloko at pinaglaruan Siy
Pagkatapos Kumain ay sa living room naman sila naupo para uminom ng tsaa. Hindi alam ni Vanessa kung ano ang Plano ni Duncan at dinala silang mag Ina dito sa Bahay nila ni Wala naman silang relasyon na dalawa. Noon lang din niya lumabas Ang mga kasambahay para magdala ng desert para Kay Bryle. Mabuti na lang at madaldal Ang bata dahil walang dull moment na nangyari. Agad na nakuha ng bata Ang loob ng Ina at kapatid ni Duncan."Bro pauwi na lang Ang mag Ina pero Hindi mo pa ipinapakilala Kay mommy si...Paalala ni Dulce sa kanyang kuya. Napatingin naman Ang kanilang ina sa anak na si Duncan at Dulce. Kabisado Niya ang dalawang ito Lalo na si Dulce palagi itong nauunang Mang asar sa kuya Niya. Tumikhim naman si Duncan tila inalis Ang bara sa kanyang lalamunan. "Mom, Dulce this is Vanessa and Bryle they are very special to me. they're going to be part of this family soon."Sabi ni Duncan habang nakaakbay na ikinagulat ni Vanessa. "oh I new it! kaya Pala kamukha mo Ang napaka bibong ba