INISMIRAN niya rin ang mga grupo ng kuhol na pinagkakaisahan siyang tarayan. Mapagpatol pa naman siya pagdating sa mga gano’ng klase ng tao.Bumalik lang ang atensyon nung nagmamagandang kuhol sa binata nang muli itong magsalita.“We are here to meet Benjamin Alvarez,” si Jacob.“Do you have an appointment with him?” tanong nung babaeng mukhang kuhol.“Yes.”“Just a moment, Sir. I will call him to let him know that you are looking for him.”“Alright, were willing to wait.”Dinampot nito ang telepono at nag-dial ng numero. Maya-maya lang ay may kausap na ito sa kabilang linya.“Mr. Alvarez, Mr. Perkins is here and his secretary to meet you. Should I send them in?”Napataas ng wala sa oras ang isa niyang kilay. Anong secretary pinagsasabi nito? Hindi naman siya pinakilala kanina ni Jacob bilang secretary. Tumingin pa talaga ito sa direksyon niya nang banggitin nito at pinagdidiinan ang word na ‘secretary’, akala naman nito ay maaapektuhan siya dahil lamang doon.Baka kapag nalaman niton
MUKHANG hindi alam nang matanda kung paano sagutin ang simpleng tanong niya, kaya muli siyang nagsalita.“You probably heard what I said, didn’t you? Because if not, you probably already know what I’m going to say again. Ang problema kasi sa ‘yo, Mr. Alvarez, paulit-ulit na lang tayo rito. You seem unprofessional to talk to. You are like a warrior who attacks without enough weapons. I just said something simple, but you don’t know how to explain it.”“Okay, okay. I heard what you said, and it was clear to my ears. What do you want to happen? And what do you mean by what you said?”“All you have to do is answer all my questions correctly and truthfully.”Umupo siya dahil parang nangangalay na ang kanyang mga binti. Sinenyasan niya rin ang dalaga na lumapit sa kanya, at itinuro ang couch na mismong inuupuan niya. May pag-aalinlangan man na mababasa sa mukha nito, ay sumunod pa rin ito. Pagkatapos ay umupo sa tabi niya.“Sure! Are those your requirements for me to pass as investors of yo
NANG hindi pa rin magawang sumagot ng matanda, ay tumayo na si Jacob. Sinenyasan niya rin ang dalaga na tumayo na rin, na agad naman nitong sinunod.“Mr. Alvarez, pakisabi sa nag-utos sa ‘yo na pumalpak ka sa interview ko. At sa susunod, kung magpapadala sila ng tao, ay ‘yong hindi sana madaling mabuko. Iyon bang kayang sagutin lahat ng mga katanungan ko. At higit sa lahat, magpadala naman sila ng kumpletong armas para naman may maipansalag siya sa lahat ng mga pampasabog na ibabato ko. At dapat ‘yong marami ring kaalaman, at ang panghuli, pakisabi sa kanya na kahit kailan, hindi ko kakailanganin ang kakarampot niyang pera na nanggaling sa masama. At balang araw, wala siyang ligtas sa ‘kin kapag nalaman ko kung sino siya, maghintay lang siya dahil malapit ko nang malaman,” huling sambit niya sa matanda na nananatiniling walang imik.Ni hindi ito nag-atubiling pigilan siya o magmakaawa sa pakay dahil kitang-kita niya sa reaksyon nito na nasapol ito sa lahat nang mga sinabi niya.Inakay
ILANG minuto rin ang itinagal nang naging halikan nila ni Jacob. Matagal bago nito pinakawalan ang kanyang mga labi, na para bang pinagsawa nito ang sarili at ginamit ang pagkakataon nang mga sandaling iyon.Nang tumigil na ito sa paghalik sa kanya, ay muli siya nitong tiningnan habang namumungay ang mga mata. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo at bago nagsalita.“I love you, Ela. Maniwala ka man sa hindi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Hindi na ‘ko makapaghintay na maging girlfriend kita.”Sobra-sobrang saya, kilig at excitement ang nararamdaman niya nang sabihin nito ang mga katagang iyon. Mukhang pati siya ay hindi na rin makapaghintay na maging ganap na kasintahan na ito.Kahit na pahirapan niya pa ito o patagalin pa ang panliligaw nito, doon din naman ang patutunguhan nila. Kaya dininig niya ang ibinubulong ng kanyang puso ‘t isipan.“Umayos ka nga ng upo! Ang kapit-lapit mo, eh! Puro na lang gwapo mong mukha ang nakikita ko,” pigil ang ngiting sambit niya
WALANG pagsidlan ang kasiyahang nadarama ni Jacob dahil sa wakas, ay sinagot na siya ng dalaga. Hindi tuloy niya alam kung paano kikilos ng normal dahil sa sobrang kilig at excitement na nararamdaman.Kasalukuyan na silang bumibiyahe pauwi at dahil hapon na silang lumabas ng forest park, ay naipit sila sa traffic.“Naku Jacob, mukhang matatagalan tayo sa byahe natin ngayon pauwi. Mas lalong humahaba at bumabagal ang daloy ng traffic,” komento ng dalaga habang inaaninag mula sa loob ng sasakyan ang mga nasa harap at likod nilang sasakyan na kapwa nakahinto.“Okay lang ‘yan, hindi ko mararamdaman ‘yan dahil kasama naman kita, eh!” nakangiting tugon niya rito sabay kindat.“Hayan ka na naman sa mga banat at pauso mo!” nakanguso nitong turan pero nakangiti naman.“Hindi lang ‘yan basta simpleng banat at pauso, kundi katotohanan,” muling tugon niya rito.“Tse!” pinagkrus nito ang dalawang braso sa dibdib at pinaikot ang dalawang mga mata.“Ang taray mo naman sweetheart, pero okay lang, mag
HINDI malaman ni Michaela kung paano tatakpan ang mga mata sa nakikitang bagay na nakaumbok sa ibabang bahagi ng binata. Malaki ito at bakat na bakat sa suot nitong fitted na boxer shorts.Parang pumipintig-pintig ito sa tuwing humihinga ang binata. Nahulog tuloy ang binata sa kinahihigaan nitong sofa sa lakas nang ginawa niyang pagsigaw. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa itsura nito, kung sa pagbukas niya nang pinto ay ganoong tanawin ang bubulaga sa kanya?Wala siyang ka ide-ideya na magkasama sila ngayon ng binata sa iisang bubong, at alam niyang kwarto nito ang tinulugan niya. Bumangon ang binata mula sa pagkakahulog sa sofa at kunot ang noong lumingon sa kanya.“Ano ka ba naman, sweetheart. Ang sarap-sarap nang tulog ko rito tapos magsisisigaw ka riyan? Bakit, ano bang nakakatakot ang nakita mo?” nakapamaywang nitong tanong habang nakaharap sa kanya.Imbes na sagutin ang tanong nito ay muling bumaba ang tingin niya sa nakaumbok na harapan nito. Dahil doon ay muli siyang na
MATIIM siyang tinititigan ng dalaga na para bang tinatantiya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. Maya-maya ‘y yumuko ito at nagsimulang magsalita.“Pasensya ka na, ha? Kasi, hindi lang talaga ako sanay na nagigising sa ibang kwarto. Nabigla lang ako kaya nakapagsabi tuloy ako sa ‘yo ng hindi maganda. Napag isip-isip ko kasi, totoo naman lahat ng sinabi mo. Tulog mantika talaga ako kaya once na nakatulog ako, mahirap talaga akong gisingin. At isa pa, may point ka rin dahil nakakahiya naman talaga kay ate Meeny kung gigisingin mo pa siya sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog dahil pagod rin ‘yon sa pag-aasikaso sa mga tao roon at sa pagbabantay ng staff house. At baka mas lalong pagtsismisan pa tayo kapag nakita nilang magkasama tayo lalong-lalo na sa ganoong oras at kalagayan. Sorry kasi, nagmalasakit ka lang naman sa ‘kin pero minasama ko pa,” mahabang paliwanag nito.Napangiti siya dahil hindi naman pala mahirap para rito ang maintindihan ang ipinupunto niya.“Halika nga rito, maupo mu
PAGLABAS ni Michaela ng banyo, ay mabangong amoy ang sumalubong sa kanya na alam niyang nanggagaling sa nilulutong pagkain. Sinundan niya ang pinagmumulan ng amoy, at dinala siya ng kanyang mga paa sa isang mini kitchen.Naabutan niya roon ang binata na nagluluto, nakatalikod ito sa kanyang direksyon kaya wala itong ideya na naroon siya at pinagmamasdan ito. Nakasuot ito ng apron, pero hindi pa rin pala ito nagpapalit ng damit.Suot pa rin nito ang isinuot kahapon na basta na lang nito dinampot nang magsisisigaw siya.Pumasok siya at nilapitan ito. Nakita niya ang niluluto nito, nagpiprito ito ng scrambled egg na may sibuyas at kamatis. Kaya pala humahalimuyak ang amoy nito kahit sa labas. Nang maramdaman nito ang kanyang presensya ay bumaling ito sa direksyon niya.“Sweetheart, nandiyan ka pala. Saglit na lang at maluluto na rin ito. Pagkatapos ay pwede na tayong mag-almusal.”“Marunong ka palang magluto?” namamanghang tanong niya rito.“Oo naman! Bakit, ano ba ang akala mo sa ‘kin,
“Oh, ikaw pala ‘yan, babe,” sambit ni Vanessa sa kanya habang matamis na nakangiti.Kung noon ay kilig na kilig siya kapag tinatawag siya nito sa ganoong paraan, ngayon naman ay iritang-irita siya. Tuluyan na nga talagang nawala ang pagmamahal niya rito.“Magpapaalam lang ako kay Venisse,” malamig na tugon niya rito.“Sa anak ka lang natin magpapaalam? At sa ‘kin, hindi? Kung sa gano’n, ano na lang ako sa buhay mo?”“Ayaw ko ng drama ngayong umaga, Vanessa,” seryosong saad niya rito. “Baby?” Pagtawag niya sa anak.Lumapit naman ito sa pintuan katabi ng ina.“Ye, daddy?” Inosenteng tanong ni Venisse sa kanya.“Aalis na ulit si daddy para magtrabaho. Behave ka lang palagi rito, ha?” Malambing na sambit niya sa anak sabay haplos sa buhok nito sa likod ng ulo.“Palagi naman po akong behave, daddy.”“Then very good!” Yumuko siya para mapantayan ito at saka hinalikan ito sa noo.“Bye for now, baby. See you later!”Kumaway naman ito sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Pagkatapos ay d
BUMALING si Vanessa sa kanya nang marinig nito ang boses niya mula sa likuran nito. Natagalan pa nga ito bago sumagot sa kanya dahil natulala ito nang makita siyang halos hubad na sa harapan nito.“Ah, eh ito kasi, eh!” Sabay turo nito sa guard. “Ayaw akong palabasin! Eh male-late na ‘ko sa usapan naming ni Geneva.”“Utos ko ‘yan sa kanya kaya wala kang magagawa. Ang dapat mong gawin ngayon ay bumalik ka sa kwarto ninyo at tabihan mo ang anak natin sa pagtulog. Wala kang ibang gagawin mamula ngayon kundi ang alagaan ang anak natin. Hindi ka na makakalabas ng mansyon maliban kapag sinbi ko o kung kasama ako.”“Ano?!!! Hindi ko yata kakayanin ‘yan! Huwag mo namang gawin sa ‘kin to, Jacob!”Iniwan niya itong nagngangangawa sa labas at hindi na pinagtuunan pa ng pansin na sagutin pa ito. Masasayang lang ang oras niya rito sa walang kwentang pag-uusap.Nawala na tuloy ang antok niya dahil sa ingay nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa banyo para maligo.Pagkatapos ay bumaba si
UMALIS si Jacob mula sa pagtanaw sa terrace at bumaba sa living area. Napailing siya nang makitang pasuray-suray na naglalakad si Vanessa papasok ng mansyon. Humahawak pa ito sa pader para kumuha ng suporta para hindi ito mitumba.“Gawain ba ‘yan ng isang matinong ina? Iyong anak mo kanina pa naghihintay sa pagdating mo at halos wala ka nang oras sa kanya! Ano ba ‘ng pinagkakaabalahan mo ‘t hindi ka mapigil-pigil sa pag-alis mo araw-araw? Matutuwa pa ‘ko kung naghahanap ka ng trabaho. Eh kaso, hindi eh! Puro ka lang lakwatsa at party-party! Gumising ka na sa katotohanan na hindi na ikaw ang dating Vanessa na sunod sa luho! At isa pa, may anak ka na na dapat pinagtutuunan ng pansin!” Mahabang sermon niya rito.Natigil naman ito sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa kanya habang namumungay ang mga mata gawa ng kalasingan. Tumawa ito ng pagak at saka nagsalita.“Wow! Sa tingin mo, ano ‘ng dahilan kaya araw-araw akong umaalis at nagpapakalasing? Dahil lang naman wala na ‘kong halaga sa
HABANG nakatayo si Jacob sa terrace ng kanilang mansyon at pinagmamasdan ang harapan nito, ay siya namang paglapit ng kanyang anak.“Daddy, daddy, let ‘s play!” Sambit nito sa kanya habang hinihila ang laylayan ng kanyang damit.Binalingan niya ito at kina-usap.“Baby, later na lang kapag dumating na si mommy mo, ha? Wala kasi sa mood si daddy makipaglaro sa ‘yo ngayon dahil marami akong iniisip at problema sa work,” mahinahong sambit niya sa anak.Bigla na lang lumungkot ang kanina ‘y masigla nitong mukha. Pero tumango naman ito sa sinabi niya.“Okay po, daddy. I’ll wait mommy na lang,” tugon nito bago tumalikod at bumalik sa kwarto.Napabuntung-hininga siya at napahaplos sa sariling buhok. Madalas umalis si Vanessa na hindi man lang isinasama ang kanilang anak.Alam naman nitong palagi siyang busy at wala na siyang oras pa para makipaglaro sa anak. Hindi rin naman makuhang makipaglaro rito ng mga kasambahay niya dahil busy rin ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho.Problemado talaga
“Wala po ‘yon, nanay. Ang mahalaga naman sa ‘kin ay natupad ko ang kahilingan ninyo. Masaya ako dahil masaya kayo,” tugon niya kay nanay Myrna.“Hay naku, kumain na muna kaya tayo dahil baka sobrang lamig na nang mga pagkaing inihanda namin ni Micah! Kanina pa ‘yan nakahain diyan! Tama na muna ang drama! Kainan na muna!” Pabirong sambit ng kanyang kaibigan.Magkakasunod naman silang dumulog sa hapagkainan at masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Masaya siya sa nakikitang kasiyahan ng pamilya ng kanyang kaibigan.Kung ganito rin lang naman ang pamilyang titirahan niya ‘y mukhang hindi na siya mangungulila sa tunay niyang mga magulang dahil ang mga ito pa lang ay sapat na sapat na sa kanya.Naramdaman niya sa piling ng mga ito kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Pakiramdam nang may kapatid na nag-aalala sa ‘yo at mga magulang na mapagmahal.Habang kumakain ay kaliwa ‘t kanan ang ibinabatong katanungan ng pamilya ng kanyang kaibigan dito.“Bunso, kumu
BAGO pa man dumating ang tanghali ay nakaayos na sa lamesa ang mga pagkaing kasama sa pasurpresa ng kanyang kaibigan para sa pamilya nito.Sa sobrang excited ng kaibigan niya ay hindi na nagawa nitong magpahinga o kahit ang umidlip man lang kahit ilang minuto.Pagkatapos nitong mag-almusal kanina ay nagmadali silang lumuwas ng bayan para bumili ng mga pagkain katulad ng letson manok, cake, at iba pang pagkaing luto na para hindi na sila mapagod.At saka, kung magluluto pa sila ay kakapusin na sila sa oras dahil mag a-alas siete na dumating ang kaibigan niya kanina at kumain pa ito.Pagpunta pa lang sa bayan ay bawas na ang kanilang oras kaya iyon na lang ang naisipan nilang gawin, ang bumili ng mga luto nang pagkain.Saktong alas onse na nang matapos sila sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Napag-usapan na nila kung ano ang gagawin pagdating ng pamilya nito.Mag a-alas dose na nang magkakasunod na pumasok sa kabahayan ang tatlo. Sina nanay Myrna, tatay Diego at Carlo.Nagulat pa a
MULING may sumaging ideya sa kanyang isip. Muli siyang bumalik sa restaurant at hiningi niya kay Ms. Glydel ang susi nang locker room.Binuksan niya ang locker ni Michaela at nagbabasakaling may makita siyang bakas roon kung nasaan man ito.Pagbukas niya ‘y tumambad sa kanya ang nakatupi nitong uniform sa restaurant at isang hindi kalakihang kahon na naka-packing tape.Alam niyang masama ang mangialam sa gamit ng iba pero nangangati ang kanyang kamay na buksan ang kahon.Pagbukas niya ng kahon ay nakita niya roon ang lahat ng mga ibinigay niya sa dalaga. Ang kwintas at hikaw na pinalagyan niya ng device alarm ay kasama sa mga naroon.Nanghihina niyang ibinalik sa kahon ang mga iyon at wala sa oras na napaupo siya sa pahabang upuan na naroon. Naglayas ba talaga ito o umalis? Ano ba ‘ng pinagkaiba ng dalawa?Kung umalis man ito, ano ang dahilan? Wala naman siyang ibang nakikitang dahilan kundi ang pag-aaway nila tungkol kay Vanessa.Doon niya naalala ang lahat nang mga ipinangako niya p
HINDI pa man niya naipa-park ng maayos ang kanyang sasakyan ay dali-dali na siyang lumabas at tumakbo papasok sa loob ng restaurant. Agad siyang dumiretso sa opisina ni Ms. Glydel at agad itong kinatok.Hindi naman ito nagulat ng mapagbuksan siya nito ng pinto.“Good morning, Sir! And welcome back!” Nakangiting bati nito sa kanya.“Where’s Michaela?” TAnong agad niya rito at hindi pinasin ang ginawang pagbati nito.“Ah Sir, akala ko, baka kasama mo lang siya kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang hindi niya pagpasok ng halos more than a week.”“Galing na ‘ko sa staff house at naikwento na sa ‘kin lahat ni Meeny ang nangyari. Now, may question is bakit hindi mo man lang ako in-inform na hindi na pala siya pumapasok? Alam mo namang ni wala ako kahit isang binigay na mensahe sa ‘yo na may pupuntahan kaming gathering sa Maynila, ‘di ba? So bakit kayo nag-assumed na kasama ko siya? Na magkasama kami?”“Sorry, Sir. Nagkamali ako sa part na iyan and inaamin ko naman po,” hinging paumanhi
KINABUKASAN ay maaga siyang umalis ng mansyon dahil excited na siyang makita ang dalaga. Hindi niya mawari ang kanyang naraaramdanm dahil parang kinakabahan siya at hindi mapakali.Siguro dahil sa excitement na nararamdaman niya dahil sa matagal silang hindi nagkita ng dalaga at iniisip niya kung galit pa bai to sa kanya hanggang ngayon.Alas sais pa lang ay nasa labas na siya ng gate ng staff house. Hindi na muna siya bumaba ng sasakyan at sa loob na niya nito hihintayin ang dalaga.Ngunit lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin lumalabas ang dalaga. Muli siyang naghintay at umabot na siya ng alas siete y media kaya nakaramdam na siya ng pagkainip.Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukan itong tawagan. Ngunit nakapatay yata ang cellphone nito dahil hindi ito nag ri-ring.Nagpasiya na siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa staff house para kausapin si Meeny. Nagulat pa ito nang makita siya.“Oh, Sir! Good morning po! Ngayon lang po yata kayo napadaan ng ganitong oras!” Bati