Share

chapter 3

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

AN: Maraming salamat po sa mga nagbabasa na nito sana'y hindi kayo magsawa na abangan ang bawat update ko. Alam ko pong magugustuhan niyo ito. Pasensya na rin po kung matagal ang update medyo busy po kasi ako. ❤

-------------

"Anak, kailangan ba talaga nating lumipat doon sa bahay ng mga Del Fierro?"

Nilingon ko si mama habang inaayos ko sa bag ang ilang gamit na dadalhin ko sa mansyon.

"Ma, mas maganda na doon na tayo at isa pa bahay 'yon ni papa. May karapatan tayo saka para naman mas lalo ka pang gumaling na dahil maayos at maganda ang titirahan natin." Paliwanag ko kay mama.

"Sige nauunawaan kita." Sagot lang nito at muling pinagpatuloy ang pagliligpit.

"Dani, girl!"

Nakita ko si Keth kasama si Mean at mga nakaporma sila kaya naman napatawa ako.

"Let's go na, I'm ready na sa bagong valur niyo." Ngiting-ngiti na wika nito at nag-pose pa sa gilid ng pader namin. Nakamaong ito na short at medyo maluwag na t-shirt na black, may sling bag ito.

"Ewan ko sa'yo mukhang mas excited ka pa sa mama ko." Sagot at tumayo na ako matapos mailigpit ang lahat.

"Oo nga girl, excited na kami makita ang palasyo ni Danica Del Fierro." Umakting na wika naman ni, Mean.

Naiiling na lang ako at napapangiti si mama.

Nagpunta ako sa lababo upang mag-toothbrush ng lapitan ako nang dalawa.

"Bakla, ano kamusta pogi ba? Yummy ba siya?"

Natigil ako sa pagto-toothbrush ko at tiningnan ko itong dalawang kaibigan ko na naghihintay sa isasagot ko. Nagkibit balikat ako sa kanila.

"Ano ba 'yan, Dani dali sagutin mo na gwapo ba ang mapapangasawa mo?" Ulit na tanong naman ni Mean na halatang excited.

"Ayos lang." Sagot ko ng magmumog na ako.

"Ayos lang? So, hindi siya ganon kagwapo? Pero yummy ba siya?"

Biglang akong natigilan dahil sa sinabi ni Keth at naalala ang biglang pagdating ni Vross habang nasa hapagkainan sila ng araw na 'yon. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang lakas ng dating nito pero hindi niya 'yon pinahalata.

"Puwede ba, bakit ba 'yung lalaki na 'yon ang pinag-uusapan natin? Ang mabuti pa umalis na tayo." Wika ko na lang at mga nakasimangot silang dalawa habang nakasunod sa akin.

Sakay na kami ng taxi, mas pinili kong hindi na magpasundo dahil gusto kong pumunta sa mansyon na walang sundo. Matapos ang pagkikita namin ng pamilya ng mapapangasawa ko 'ay napag-usapan namin ang pagtira na namin sa bahay at syempre kasama ang mama ko. Sinama ko ang dalawang kaibigan ko dahil gusto raw nila makita ang bagong bahay na titirahan namin ni mama.

"Bakla, ang bongga ng valur niyo pang rich talaga. Ikaw na talaga  si Danica Del Fiero." Wika ni Keth habang manghang-mangha sa pagpasok namin sa malaking gate.

"Be, grabe hindi ako maka-move on. Ngayon lang ako tatapak sa ganito kaganda at kalaki na bahay." Sabi naman ni Mean habang umiikot ang mata sa paligid.

"Maligayang pagdating po, ma'am Del Fierro."

Natigilan kami lahat sa nagsalita, isang may kaedaran na babae at tatlong babae na parehong naka-uniform.

"Salamat." Sagot ko lang at naglapitan ang tatlong babae, kinuha ang mga dala namin.

"Dadalhin na po namin ito sa inyong kuwarto." Wika ng isa at naglakad na sila papasok sa loob ng pinto.

"Wow a, mala prinsesa lang peg." Pabulong na sabi ni, Keth.

"Ako nga pala si, Ms. De Vera ang mayordoma dito." Nakangiting wika nito sa amin.

"Magandang umaga sa'yo, ako ang mama ni, Danica. Salamat sa pagsalubong sa amin," nakangiting sabi ni mama.

"Tara na ma pasok na tayo sa loob." Sagot ko at hindi pinansin itong mayordoma.

"Ay taray girl a? Snob mo si mayordoma." Hagikgik ni Mean habang papasok kami sa loob.

"Hayaan mo siya." Wika ko at masayang nilibot ko ang mata ko dito sa loob.

Dinala ko muna si mama sa kuwarto nito dahil hindi siya puwedeng mapagod ng husto dahil kagagaling lang niya sa operasyon.

"Ngayon hindi na kayo mahihirapan pa ng mama mo, Dani."

Napatingin ako kay Mean at Keth na biglang naging seryoso ang mukha nito. Nandito kami banda sa may swimming pool. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita.

"Tama kayo, ang dami na rin naming paghihirap. Ito sa isang iglap biglang mababago ang buhay namin, kaya nagpapasalamat ako sa inyong dalawa dahil nandiyan kayo lagi sa tabi ko." Naiiyak na wika ko at nag-group hug kaming tatlo.

"Oo naman bakla kahit m*****a ka love ka namin."

Nagtawanan kaming tatlo dahil talagang may ganon akong ugali, alam ko naman na hindi ako mabait talaga pero alam ko sa sarili ko na mabuting tao naman ako.

"Nandito ka na pala."

Naghiwalay kami bigla ng marinig ang boses at tiningnan itong si Clarita na talaga namang mukhang yayamin dahil sa magarang suot nito.

"Sandali dito ka rin ba nakatira?" Tanong ko dito.

"Yes, lalo pa at kailangan mo ang tulong ko." Kampante na sagot nito. "At sino naman sila?" Nakaangat ang kilay na tanong nito kila Keth at Mean.

"Mga kaibigan ko sila, sinama ko lang sila dito para alam nila kung saan kami nakatira ngayon.

"Ok, anyway. Kailangan niyong magkita ngayon ni Mr. Deogracia para  magpasukat ng wedding gown, susundoin ka niya dito kaya kailangan mo ng mag-ayos."

"Ngayon na? Kararating ko lang." Reklamo na sagot ko.

"Ipadadala ko sa kuwarto mo ang mga damit na pinamili ko." Sagot lang nito at tinalikuran na kami.

"Alam mo parang hindi ko feel ang babae na 'yon, ang plastik lang girl." Wika ni, Keth.

"Tama ka bakla, mukhang siya ang makakatapat mo dito Dani." Wika rin ni, Mean.

"Alam ko pero hindi siya uubra sa Danica Del Fierro." Nakataas ang kilay na sabi ko.

"Tama 'yan, kung mataray siya mas mataray ka dapat. Pero mas excited ako dahil magkikita kayo ulit ni mapapangasawa mo, talagang hindi kami papayag na hindi siya makita." Kinikilig na wika ni, Keth.

"Ikaw talaga kapag lalaki para kang may bulate sa tiyan hindi ka mapakali." Natatawang sabi ko. "Oo nga pala, may lakad ba kayo? Papabantayan ko sana si mama muna, kasi siya lang nandito." Sabi ko sa kanila.

"Oo naman diba, Mean? Alam mo naman dakilang tambay pa kami ngayon wala pang maipapaninda." Sabi ni bakla at muli nagyakapan kaming tatlo.

Umakyat na kami sa kuwarto ni mama at nagpaalam ako na aalis muna ako. Alam na rin naman ni mama dahil kinuwento ko na sa kanya ang lahat bago kami lumipat dito sa mansyon ng Del Fierro.

Matapos kong maligo ay nakita ko sa malaking kama ko ang ilang piraso na damit. At napalingon ako sa biglang pumasok.

"Ma'am, Danica. Pasensya na po, dinala ko lang po itong ilang sandals para pagpilian niyo. Lalabas na po ako." Wika nitong babae na sa tingin ko ay kasambahay dahil sa unifom nito.

Tumango lang ako dito at lumapit sa kama, pinagmasdan ko ang damit na at kung alin doon ang pipiliin ko. May fitted na pantalon na nag-iisa lang dito at ang ilan ay mga dress, pantalon ang napili ko at bigla kong naalala ang crop top ko na damit na kulay itim. Kahit mumurahin 'yon alam ko namang bagay na bagay 'yon sa akin.

Matapos kong isuot ang damit ay sinuot ko na ang medyo mababa na sandals. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko, napangiti ako dahil sa itsura ko.

Ano kaya magiging itsura ng mapapangasawa ko kung ganito ang ayos ng kasama niya? Labas ang pusod?

Natawa ako sa naisip ko at umikot flat naman ang bewang ko kaya malakas ang loob ko mag-crop top.

"Hala siya? Wow a, ang sexy lang." Natatawang puna ni Mean na pumasok dito.

"Bagay ba?" Nakangiting sabi ko at umikot pa ulit.

"Parang model lang a, may papusod si mayora. Ewan ko lang kung hindi uminit mata ng mapapangasawa mo diyan sa pusod mo." Natatawang sabi ni, Keth.

"Bahala siyang maglaway." Natatawang sagot ko.

"Mapapa sana all ka na lang talaga sa katawan ng babae na 'to." Ngiting wika ni Mean. Dahil sabi nila sa akin noon puwede raw akong maging model.

"Ma'am, Danica. Nandiyan po na si, Mr. Deogracia."

"Oh my god! Bakla dali dalian mo na diyan na si fafa Deogracia. Apelyido pa lang ang pogi na." Impit ang tiling sabi nito.

"Ok, sabihin mo sandali lang." Wika ko at muling tumingin sa salamin, naglagay ako ng pulang lipstick dahil paborito ko ito. Konting make up lang ang nilagay ko dahil baka mas gumanda ako.

Lumabas na ako at nagpaalam muna ako kay mama. Matapos 'yon ay naglakad na ako papunta sa hagdan, nasa kalahati na ako ng hagdan ng makita ang papasok na lalaki mula sa pinto. Natigilan ako nang huminto ito, naka sunglass ito kaya naman hindi ko nakita ang mata niya. Nakakulay silver ito na suit na nakabukas at panloob na kulay puti. Ang lakas ang dating niya habang nakatingin sa direksyon ko, hanggang sa inalis nito ang salamin na mas lalo nakadagdag lakas ng dating niya.

Nagsalubong ang mata namin, umiwas ako bigla dahil parang hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Kinalma ko ang sarili ko.

Danica huwag mo sabihin na na-aattract ka sa kanya? Bakit hindi ba puwede? Bakit naman kasi may paganitong epek pa siya.

Umayos ako habang naglalakad pababa hangga sa nasa harapan ko na si, Vross. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Ano tara na? Saan ba tayo pupunta?" Kinakabahan na sabi ko at nauna akong maglakad, pero natigilan ako dahil hinawakan niya ako sa braso.

"Magpalit ka ng suot mo."

Napatingin ako sa kanya at hinawi ko ang kamay niya sa braso ko.

"Magpalit? Ano bang mali sa suot ko? Ito ang gusto ko kaya wala kang pakialam, sabi mo walang pakialamanan." Inis na sagot ko, pero ginawa nito sinuot ulit ang salamin niya at naunang maglakad sa akin.

Aba't? Tingnan mo ang gago na 'yon bigla akong iniwan.

Asar na naglakad ako palabas at nakita ko ang itim na kotse na mukhang naghihintay sa akin. Bumukas ang bintana at nakita doon ang gagong si Vross. Ako na ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko dahil alam ko naman na hindi niya ako pagbubuksan.

Tahimik na kami ng simulan niya nang paandarin ang kotse, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hanggang sa huminto na 'yon hindi naman ganun kalayo ang pinuntahan namin, hindi ko alam kung saan kami nagpunta basta sumusunod lang ako, pagpasok namin sa building lahat ng nadaraanan namin ay napapatingin sa aming dalawa ni, Vross.

Magkasabay lang kami maglakad at binabalewa ang mga nakatingin sa amin. Napatingin naman ako kay Vross na nahuli kong nakatingin sa akin habang naglalakad pero agad din yon inalis. Hanggang sa pumasok kami sa isang shop at doon ko lang napansin na mga wedding gown ang mga naka-display doon.

"Good morning, Mr. Deogracia." Bati ng babae na mukhang may ari ata nitong shop.

"Yes, good morning. I'm with my fiancée,"sagot ni, Vross.

"Nice to meet you." Masayang bati nitong babae sa akin.

Tumango lang ako at naupo si Vross sa mahabang sopa, umupo rin ako at malayo sa kanya. Pero hinatak niya ako palapit sa tabi  niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Bakit ba hatak ka nang hatak sa akin?" Naiinis na sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Inalis niya ang salamin niya at may inabot sa akin.

"Pumili ka na ng wedding gown na gusto mo para matapos na tayo," Seryoso litanya niya.

Umirap ako at binuklat ko na ito para mamili, medyo hindi ako mapakali dahil bigla akong nilamig. Napapahimas ako sa braso ko dahil sobrang lamig dito. Pero natigilan ako ng may lumapat na tela sa balikat ko, napatingin ako kay Vross na hinubad nito ang suot niyang coat.

"Malamig dito." saad niya at tumayo ng biglang may tumunog na cellphone. "May kakausapin lang ako." Paalam niya.

Nakatingin lang ako kay Vross habang nakatalikod siya dahil may kausap sa phone, napatingin ako sa coat niya na hinubad at nakapatong ngayon sa balikat ko.

Wow aa, dapat na na na ako kiligin? Parang kdrama lang.

Napapangiti ako sa naisip ko at binalik ko na ang atensyon ko sa pagpili hanggang sa bumalik na sa tabi ko si, Vross.

"May napili ka na?"

"Ha?" Napakurap ako at napaawang ang bibig ko dahil sa medyo malapit ang mukha niya sa akin. Bigla akong tumayo. "Meron na." Sagot ko at umikot ang mata ko sa paligid.

Tumingin-tingin ako sa mga naggagandahan na mga pares ng sandals. Napatingin sa taas dahil may nakaagaw ng atensyon ko, balak ko sana itong abutin pero may mas naunang umabot doon.

"Gusto mo ba isukat?"

Napaharap ako bigla sa kanya at para akong biglang matutumba pero nahawakan niya ako sa bewang at para akong napaso ng dumampi ang kamay niya sa balat ko. Umalis ako agad sa harap niya at muling naaupo sa sopa. Nakayuko ako dahil ang lakas  ng tibok ng puso ko.

Natigilan ako ng hubarin ni Vross ang sandals ko at ipalit ang sandals na kinuha niya kanina. Titig na titig ako sa ginawa niya at hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko.

"Ayoko nito hindi pala maganda."sabi ko at inalis agad ang sinuot niya sa akin. Muli kong sinuot ang sandals ko at tumayo. "Tara, ok nama na nakapili na ako." sabi ko at binalik ko na ang damit sa kanya.

Pansin ko na nakatingin lang siya sa akin ng ibalik ko na ang coat niya, tumalikod na ako dahil ayoko itong nararamdaman ko. Nauna na akong lumabas sa kanya ng shop.

"Hey, any problem?" Kunot noong tanong niya.

"Problema? Wala, gusto ko ng umuwi para magpahinga." Sagot ko lang dito at tinalikuran siya.

"Damien."

Natigilan ako at napaharap muli at hindi ako nakagalaw ng makita kong may yumakap kay Vross na babae at talaga namang sobrang higpit ng yakap nito. Hindi ko alam pero kusang humakbang ang paa ko at naglakad na.

Narinig ko pa na tinatawag ako ni Vross pero hindi ako lumingon dahil gusto ko ng umuwi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amira@ysabelle
nice ... author.. naexcite lng ako ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Marriage Deal   chapter 4

    AN: Isang mainit na panahon po sa mga nag-aabang ng update ko. Sana'y may comment rin kayo para naman ganahan si author. ❤😘----------VROSS"Damien!" Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa biglang dating ni Veronica at mahigpit na yakap. "Kausap lang kita kanina." Tanging nasabi ko lang habang nakahawak ang kamay ko sa likod niya. "Yeah, but i want to surprise you." Nakangiting sabi niya at lumayo na sa pagkakayakap sa akin. Bigla ko naman naalala si Danica at hinanap agad siya ng mga mata ko, nakita kong medyo malayo na siya dahil sa mabilis na lakad niya. "Danica!" Tawag ko ngunit hindi ito lumingon nagpatuloy lang ito sa paglalakad.What the? "Anything problem? So, where's you're fianceè?" Nabalik ang atensyon ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Kailangan ko siyang puntahan hindi siya puwedeng umuwing mag-isa." Seryoso na sabi ko sa kanya."Ha? I-It's ok, go on." Nakangiting sagot niya."I'm so sorry." Marahan na pinisil ko ang kamay niya at binitawan na. Tumalikod n

  • The Marriage Deal   Chapter 5

    DANICAHindi ko alam kung anong oras na dahil grabe ang sarap ng tulog ko ngayon, ikaw ba naman matulog sa napakalambot na kama at malamig na paligid. Dilat na ang mata ko at nakita ko sa bintana dahil medyo nakaawang ng kurtina maliwanag na sa labas.Nakarinig ako ng katok pero tinatamad akong tumayo, ngunit wala yatang balak na tumigil 'yung kumakatok sa pinto at sobrang kulit niya. Walang nagawa kung hindi ang tumayo ako para buksan ang pinto, gamit ang daliri ng kamay ko ito ang ginamit ko panuklay sa magulo kong buhok."Ano ba? Ang kulit mo naman," sabi ko na naghikab pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko kung sino ang narito.Sinarado ko bigla ang pinto dahil sa gulat ko nahiya na rin dahil sa itsura ko."Open this," Dinig kong sabi sa labas ng pinto at napapikit ako.Ano ba naman 'tong lalaki na ito bigla-biglang sumusulpot."Sandali lang!" Malakas kong sigaw at mabilis na nagtungo ako sa banyo para maghilamos.Pagpasok ko sa banyo ay imbes ma maghilamos 'ay naligo na lang ako

  • The Marriage Deal   chapter 6

    VROSS DAMIEN"Congrats sir at sa mapapangasawa mo ang ganda po ni ma'am," "Oo nga sir bagay na bagay kayong dalawa," Ngumiti lang ako sa bawat papuri ng mga employee at ilang malalapit sa akin sa kompaniya ngunit nawala ang ngiti ko dahil nakatingin sa akin si, Veronica.Umiwas agad siya ng tingin at tumalikod narito kami sa isang bakante na dating opisina dito sila naghanda nang konting salo-salo at si Rusty ang may pakana nito para makilala niya ang mapapangasawa ko. Si Danica ay naroon nakaupo sa sofa habang kausap ang iba. Iniisip ko ang mga sinasabi niya baka may masabi siyang pagmulan ng pag-uusapan."Bro, hindi na masama ang mapapangasawa mo bukod sa maganda 'ay ang ganda ng katawan," "Pagdating sa babae talaga lahat sa'yo maganda at sexy," sagot ko lang at ininom ang wine na hawak ko.Tumawa naman si Rusty, sinalinan niya muli ng wine ang baso ko."Kamusta naman si Veronica?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya at napatingin kay Veronica na may kausap rin. Sekrito lang ang

  • The Marriage Deal   chapter 7

    DANICA"Ginulat mo naman ako bakit nandito ka pa?" Malakas kong tanong sa kaniya at napansin ko na sa kape ko siya nakatingin.Basta na lang niya kinuha ang tasa sa kamay ko at sabay talikod naglakad papunta doon sa upuan. Napahakbang ng mabilis ang paa ko at nilapitan ko siya na prenting nakaupo na."Hoy! Ang galing mo rin e noh? Bakit hindi ka magtimpla ng kape at nan-aagaw ka ng kape na hindi naman sa'yo. Isa pa bakit nandito ka pa? Akala ko ba uuwi ka-""Huminto ka muna sa pagsasalita kahit ilang segundo lang gusto kong mag-relax pagod ako," Wow aa"Pagod ka pala dapat umuwi ka na," sagot ko at nagmamaktol na umupo sa bakante na upuan.Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya at kahit may kadiliman dito 'ay nakita ko ang seryoso niyang mukha at mukhang malalim ang iniisip niya."May pinag-usapan kami ni, Ms. Clarita, pauwi na ako nakita lang kita," mahinang sabi niya.Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kaniya dahil iba ang awra niya ngayon kaya naman parang

  • The Marriage Deal   chapter 8

    DANICAIsang linggo ang lumipas simula ng mangyari 'yon ay talagang asar na asar ako at hindi maka-move on hindi ako nagpakita sa kaniya kahit pa panay ang hanap niya sa akin at ngayon nga 'ay wala na akong magagawa dahil ito na ang araw ng kasal namin.Wala ako sa mood ngayon at hindi ko feel ang magandang wedding gown na suot ko. Imbes na dahan-dahan akong maglakad dahil ito ang instructions sa akin hindi ko sinunod binilisan ko ang lakad ko habang hawak ang laylayan ng suot kong gown. Mga napatayo ang iba at hindi makapaniwala sa ginawa ko may nakangiti at panay ang kuha ng larawan sa akin."Excited na siguro siyang makasal," Yeah, excited na ako talagang matapos na itong kasal."Hindi ko alam na may ganyan palang kagandang anak si, Mr. Del Fiero.Hindi ko na pinansin ang bulong-bulungan sa paligid dahil narito na ako sa harap ng altar at natigilan ako dahil nakatingin lang sa akin si, Vross.Anyare sa kaniya? Huwag mong sabihin na nagagandahan ka ngayon sa akin o baka naman si Ve

  • The Marriage Deal   chapter 9

    DANICA "Hays! Bakit ba iniisip ko 'yan dapat i-enjoy ko itong pagkain. Grabe ang sarap pala magluto ng loko na 'yun? Siya nga lagi kong paglulutuin." Natatawang sabi kong mag-isa habang nakaupo.Naisip ko uminom kaya kumuha ako ng alak at dinala dito nagsalin ako agad at ginawa kong pulutan itong niluto ni, Vross.Muli akong nagsalin ng alak sa baso at kinain ang karne na ang sarap ng lasa, talagang ninamnam ko siya. Hanggang sa tumunog ang phone ko sa bulsa ng bistida na suot ko si Mean ang tumatawag ang kaibigan ko."Bakla ka! Kamusta ka naman, anong balita bagong kasal ka na ngayon." "Oo nga ano natikman mo na ba si fafa Vross? Grabe ang hot niya sa simbahan kanina at ikaw rin diyosa sa kagandahan." "Sandali nga? Nagpunta pala kayo kanina? Bakit hindi ko kayo nakita?" Takang tanong ko."Oo kaso hindi kami makalapit sayo dami bantay bakla tapos sa reception di kami pinapasok kasi hindi kami invited." Malungkot na sabi ni Keith, hindi ko sila naimbitahan dahil lahat ng nilista ni

  • The Marriage Deal   Chapter 10

    VROSS DAMIENNaunang pumasok sa loob si Danica, alam kong masama ang pakiramdam niya dahil sa nangyari sa mama niya at nasaksihan ko 'yun sa mga nagdaan na mga araw. Wala na siyang magulang at wala rin siyang kapatid. Pagpasok ko sa loob sa living room nakita ko agad siya may bote ng alak na hawak. Nilapitan ko siya at napaangat ang mukha niya sa akin. 'Kailangan ko 'to para makatulog ako agad," sagot niya.Hindi ako sumagot sa halip ay umupo ako sa tabi niya, hahayaan ko siya dahil mukhang ito ang kailangan niya."Sa isang iglap lang naging ulila ako,"Tiningnan ko lang siya at kahit nakangiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang totoong nararamdaman niya."Gusto mo ba?" Alok niya sa akin pero tumangi ako simpleng ngumiti."Bahala ka kung ayaw mo," Hindi na ako nagsalita at sinilip ko ang cellphone ko naka-silent yon may message at tawag si Veronica."Dito sa alak ito karamihan hinugot ng mga tao ang hinaing nila sa buhay at mukhang ito ang makakasama ko habang buhay." Natatawan

  • The Marriage Deal   Chapter 11

    DANICANakayuko ako dahil na rin nahihilo na ako sa nangyari na gulo sa pinuntahan naming resto bar ng dalawa kong kaibigan napaaway ako."Natawagan mo na ba ang asawa niya?" Napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi nitong pulis ibig sabihin tinawagan si Vross?"Papunta na po siya hintayin lang natin," Tiningnan ko si Mean, katabi niya si Keith na parang maga ang kabilang pisngi. "Bakit pinapunta mo si Vross dito?" Sabi ko may Mean dahil ayokong makita ako ni Vross sa ayos ko ngayon."Kailangan naming makausap ang asawa mo dahil nasa hospital ngayon 'yung dalawang babae na ginulpi niyo lalo ka na kitang-kita sa cctv ang ginawa mo." "Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na yung dalawang babae na 'yon ang nauna at nambwesit sa akin," sagot ko."Kaya pinatulan mo?" "Ano naman kung pinatulan ko? Kahit naman sino kapag tamang inom ka lang tapos ganyan may mangugulo hindi mo mapapatulan sa asar?" Inis kong sabi dito sa pulis."Wala pa ba ang asawa niya? Wala akong makukuha na magandang sag

Latest chapter

  • The Marriage Deal   chapter 3

    AN: Maraming salamat po sa mga nagbabasa na nito sana'y hindi kayo magsawa na abangan ang bawat update ko. Alam ko pong magugustuhan niyo ito. Pasensya na rin po kung matagal ang update medyo busy po kasi ako. ❤-------------"Anak, kailangan ba talaga nating lumipat doon sa bahay ng mga Del Fierro?"Nilingon ko si mama habang inaayos ko sa bag ang ilang gamit na dadalhin ko sa mansyon. "Ma, mas maganda na doon na tayo at isa pa bahay 'yon ni papa. May karapatan tayo saka para naman mas lalo ka pang gumaling na dahil maayos at maganda ang titirahan natin." Paliwanag ko kay mama. "Sige nauunawaan kita." Sagot lang nito at muling pinagpatuloy ang pagliligpit. "Dani, girl!" Nakita ko si Keth kasama si Mean at mga nakaporma sila kaya naman napatawa ako. "Let's go na, I'm ready na sa bagong valur niyo." Ngiting-ngiti na wika nito at nag-pose pa sa gilid ng pader namin. Nakamaong ito na short at medyo maluwag na t-shirt na black, may sling bag ito. "Ewan ko sa'yo mukhang mas excited k

DMCA.com Protection Status