Share

Chapter 5

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2023-11-22 20:30:34

DANICA

Hindi ko alam kung anong oras na dahil grabe ang sarap ng tulog ko ngayon, ikaw ba naman matulog sa napakalambot na kama at malamig na paligid. Dilat na ang mata ko at nakita ko sa bintana dahil medyo nakaawang ng kurtina maliwanag na sa labas.

Nakarinig ako ng katok pero tinatamad akong tumayo, ngunit wala yatang balak na tumigil 'yung kumakatok sa pinto at sobrang kulit niya. Walang nagawa kung hindi ang tumayo ako para buksan ang pinto, gamit ang daliri ng kamay ko ito ang ginamit ko panuklay sa magulo kong buhok.

"Ano ba? Ang kulit mo naman," sabi ko na naghikab pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko kung sino ang narito.

Sinarado ko bigla ang pinto dahil sa gulat ko nahiya na rin dahil sa itsura ko.

"Open this,"

Dinig kong sabi sa labas ng pinto at napapikit ako.

Ano ba naman 'tong lalaki na ito bigla-biglang sumusulpot.

"Sandali lang!" Malakas kong sigaw at mabilis na nagtungo ako sa banyo para maghilamos.

Pagpasok ko sa banyo ay imbes ma maghilamos 'ay naligo na lang ako para diretso na. Mabilisan nga lang ang ginawa kong pagligo at lumabas na rin ako agad.

"Naghihintay sa'yo si Mr. Deogracia sa ibaba,"

Natigilan ako sa pagpupunas ako ng buhok dahil sa pagpasok ni Clarita, okey tatawagin ko na siyang tita. Hindi ako sumagot pero napansin ko na may damit na nakalagay sa kama. Dress 'yun na kulay silver at ang lambot ng tela niya sa tingin ko pa lang, labas balikat at hindi ganun kababa sa dibdib.

"Saan naman lakad namin ngayon?" Tanong ko dahil alam ko ng may pupuntahan na naman kami.

"Sa simbahan kung saan kayo ikakasal na pinili ng amo at papa na rin ni, Mr. Deogracia.

Napatawa ako ng mahina dahil talagang ang seryoso nilang dalawa siguro talagang mag bespren sila para gawin ang bagay na 'to.

"Siya sige na magbibihis na ako," sabi ko at kinuha ko ang susuotin ko lumabas na rin si, Clarita.

Matapos ko maisuot ang damit ay napangiti ako sa itsura ko, biruin mo 'yung dating eskwater ngayon ganito na manamit. Ang bilis talaga magbago ng buhay ko sa isang iglap lang. Ang ganda ko lalo sa suot ko at talagang sosyal na akong tingnan.

Lumabas na ako at dahan-dahan lang ang kilos ko baka masira ang outfit ko, sinilip ko rin muna si mama sa kabilang kuwarto at nakita ko na nagbabasa ng libro. Pumasok ako at napalingon siya sa akin na napangiti.

"Ikaw ba 'yan anak? Napakaganda mo naman,"

"Salamat ma syempre mana sa inyo," pagmamalaki kong sabi at niyakap ko siya.

"Saan ang lakad mo ngayon?"

"aa, sa simbahan ma para sa kasal na magaganap," balewalang sagot ko.

"Alam kong hindi mo gusto ang kasal na 'yan at ginagawa mo ito para sa akin kaya pasensiya na anak," mahina ang boses na sabi niya.

"Ma huwag mo na isipin 'yun hindi naman 'to seryosohan kaya makuha lang namin ang mga kailangan namin matatapos na rin 'to," ngiti kong sagot.

Niyakap ko naman siya upang huwag na siya mag-isip pa ng kahit na ano pa.

"Aalis na ako ma baka naghihintay na 'yung mapapangasawa ko," pagbibiro ko kay mama at napangiti siya.

Lumabas na ako at nagtungo na ako sa hagdan, inayos ko pa ang lakad ko dahil akala ko nasa ibaba si Vross nag-aabang tulad sa napapanood ko pero wala siya doon.

Ang assumera ko naman

Napabuntong hininga na lang ako at bumaba na.

"Ma'am nasa labas na po si Mr. Deogracia naghihintay po sa inyo,"

"Okey," sagot ko dito sa isa sa kasambahay.

Talagang sa labas niya na ako hinintay parang wala akong importansya.

Pagdating sa labas ng pinto nakita ko ang lalaki na nakatalikod at nakapamulsa ang isang kamay at mukhang may kausap siya sa cellphone. Nakakulay gray siya na suot at ang tindig niya ang lakas ng dating, bigla siyang humarap at para bang nag-slow motion pa ang pagharap niya sa akin.

Grabe imbes na siya yung mamangha sa akin ay ako pa itong namamangha sa kaniya. Malamang 'yung kausap niya yung babae na yumakap sa kaniya may jowa pala siya.

"Come on, marami pa tayong pupuntahan." Sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse.

Napangiti naman ako ng nakakainsulto sa kaniya.

"Wow, ang gentleman mo naman ngayon may lagnat ka?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"What?" Kunot noong sabi niya.

"Hay nako," sambit ko at pumasok na ako sa loob dahil mukhang wala siyang malay sa mundo.

Nakasimangot ako habang nakaupo at sa unahan lang ako nakatingin.

"Kumain ka ba?"

Tanong niya ng paandarin niya na ang kotse.

"Paano ako kakain bigla-bigla kang dumarating," asar na sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Ok, Let's eat first."

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya at mabuti naman nakaisip siya dahil nagugutom pa naman ako. Dumaan muna kami sa restaurant at ang ganda sa pinuntahan namin ang sosyal lang at grabe ang mahal ng pagkain.

"Pumili ka na,"

Ani aniya at tiningnan ko ang menu book parang sa mga palabas lang ang eksena namin ngayon. Sa dami ng nakasulat na pagkain hindi ko alam kung alin doon ang pipiliin ko.

"Ang hirap naman pumili nagutom lang ako lalo," inis kong sabi.

Kinuha niya naman sa kamay ko ang menu book at nilapag lang sa lamesa, sumenyas siya doon sa waiter at lumapit may sinabi niya at hindi ko maintindihan 'yung pagkain na sinabi niya doon sa waiter.

Hindi ko pinahalata pero natakam ako ng husto sa mga pagkain na nakikita nang mga mata ko ngayon. Apat na plato ang narito at hindi ko alam kung sinadiya niya bang damihan ang order dahil sa hindi pa ako nagugutom. May mga panghimagas rin dito at sobrang lamig na ice tea.

"Dinamihan ko na para may pagpilian ka,"

Ngumiti lang ako at dinampot ko agad ang tinidor sabay tusok sa karne na sauce pa lang mukha ng masarap. Napapangiti ako dahil ang lambot ng karne at lasang-lasa ko ang sarap nito habang nginunguya ko.

Lahat tinikman ko at panay ang inom ko dahil sa sunod-sunod na pagsubo ko, napasulyap ako kay Vross at natigilan ako dahil seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko at pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Mukhang gutom na gutom ka." Sagot niya at napainom ng tubig.

"Oo isa pa ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap, ikaw kumain ka na rin ito kainin mo." Nilagyan ko ang plato niya at napatingin siya sa nilagay kong karne sa plato niya.

Sus, ang arte baka nandidiri siya sa nilagay ko dahil galing sa kutsura ko wala naman akong sakit at isa pa naiilang akong nakatingin lang siya habang kumakain ako.

Akmang kukunin ko ang nilagay ko ng kapitan niya ang tinidor at kutsilyo hiniwa niya 'yun tinusok ng tinidor sabay subo.

"Akala ko ayaw mo," nangingiti kong sabi pero ang arte lang may pahiwa-hiwa pang nalalaman.

"Hindi ako sanay makakita ng babae na malakas kumain na kasama ko pa,"

"Ganun? So, ngayon masanay ka na dahil lagi mo akong makakasama alam mo kasi mabilis lang ang buhay kaya dapat i-enjoy natin," sabi ko at maganang kumain muli.

"Yeah,"

Tumango lang ako at napansin ko na nagpatuloy siyang kumain pero ako halos umubos ng pagkain.

"Grabe naubos natin," natatawang sabi ko matapos kong uminom.

"Ikaw ang umubos," sagot niya.

"Oo ako nga ang hina mo kasing kumain at ikaw lang din ang lalaki na nakita ko na mahinang kumain malamang lampa ka o mahinang kumilos." sabi ko habang nagpupunas ng tissue sa bibig.

"What? Mahina at lampa?"

"Oo bakit? Huwag mo sabihing hindi mo naintindihan?" Tanong ko pero nagsalubong ang kilay niya.

"Let's go,"

Aya niya bigla sabay tayo at nagiwan lang siya ng pera sa lamesa bago tumayo ay nginitian ko pa 'yung waiter at sinundan ko na itong si, Vross.

Sakay ulit kotse ay tahimik kami hindi na ako nagtanong kung saan kami una pupunta dahil sabi niya marami. Sinilip ko ang cellphone ko wala namang message si Clarita, baka kasi mamaya may mga paalala naman siya.

Napalingon ako sa kaniya dahil huminto na ang kotse at hindi ko namalayan dahil sa nakatanaw ako sa bintana habang lumilipad ang isip. Pagtingin ko sa bintana simbahan ang nakita ko at naisip ko agad na dito kami siguro ikakasal.

Nakalabas na si Vross at nakarating agad siya dito sa puwesto ko at pinagbuksan niya ako pinto. Tahimik na lumabas ako at gumala ang mata ko sa paligid dahil ang sarap lang sa mata ng mga nakikita ko sa paligi, maraming tanim na magagandang halaman at mga bulaklak may puno rin sa gilid at falls sa may gilid at mukhang alaga ito sa pintura at napakalinis dito.

"Dito kinasal ang magulang ko at ganun rin sa magulang mo,"

Napalingon ako sa kaniya at talagang iisa ang kanilang simbahan tapos ngayon kami naman na anak nila ang gusto nilang sumunod ikasal dito.

"Naisip ko lang 'yung babae sa mall real girlfriend mo ba?" Tanong ko sa kaniya at bahagyang natigilan.

"Why you ask?"

"Bakit hindi na lang siya ang pakasalan mo? Kayo naman ang nagmamahalang dalawa," sabi ko pa.

"My dad and also your dad make this, kaya wala akong pagpipilan kung hindi sundin ang huling habilin nila."

Walang emosyon na sabi niya at napatango na lang ako sabagay dahil hindi niya makukuha ang mana niya tulad ko kapag hindi kami nagpakasal.

"Pumasok na tayo sa loob,"

Aya niya na sa akin at sumunod ako may mga ilang tao doon at kinausap siya ng isa doon. May mga pinagawa sa amin at ginawa ko na lang kahit nakakatamad pero 'yung paglapat ng kamay ni Vross sa kamay ko ay naghatid nang kakaibang kuryente sa akin, hindi naalis yung hanggang sa makasakay na ulit kami ng kotse niya.

"Next week ang kasal,"

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya at pinaandar niya ang makina.

"Hindi ako excited," walang buhay na sagot ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Natigilan naman ako dahil sa ngiting nakita ko sa kaniya.

Ang gwapo naman nitong kumag na 'to hays, Danica baka naman ma-fall ka?

"May problema ba?"

"Ha?" Sambit ko at napakurap ang mata ko at natatarantang inalis ang paningin ko sa kaniya.

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi pa naman sa bahay na lang ako kakain, saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko pero hindi ako nakatingin sa kaniya.

"Deogracia company,"

Napalingon ako dahil sa sinabi niya ibig sabihin sa kompaniya nila kami pupunta ngayon. Ano naman ang gagawin namin doon?"

Related chapters

  • The Marriage Deal   chapter 6

    VROSS DAMIEN"Congrats sir at sa mapapangasawa mo ang ganda po ni ma'am," "Oo nga sir bagay na bagay kayong dalawa," Ngumiti lang ako sa bawat papuri ng mga employee at ilang malalapit sa akin sa kompaniya ngunit nawala ang ngiti ko dahil nakatingin sa akin si, Veronica.Umiwas agad siya ng tingin at tumalikod narito kami sa isang bakante na dating opisina dito sila naghanda nang konting salo-salo at si Rusty ang may pakana nito para makilala niya ang mapapangasawa ko. Si Danica ay naroon nakaupo sa sofa habang kausap ang iba. Iniisip ko ang mga sinasabi niya baka may masabi siyang pagmulan ng pag-uusapan."Bro, hindi na masama ang mapapangasawa mo bukod sa maganda 'ay ang ganda ng katawan," "Pagdating sa babae talaga lahat sa'yo maganda at sexy," sagot ko lang at ininom ang wine na hawak ko.Tumawa naman si Rusty, sinalinan niya muli ng wine ang baso ko."Kamusta naman si Veronica?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya at napatingin kay Veronica na may kausap rin. Sekrito lang ang

    Last Updated : 2023-12-06
  • The Marriage Deal   chapter 7

    DANICA"Ginulat mo naman ako bakit nandito ka pa?" Malakas kong tanong sa kaniya at napansin ko na sa kape ko siya nakatingin.Basta na lang niya kinuha ang tasa sa kamay ko at sabay talikod naglakad papunta doon sa upuan. Napahakbang ng mabilis ang paa ko at nilapitan ko siya na prenting nakaupo na."Hoy! Ang galing mo rin e noh? Bakit hindi ka magtimpla ng kape at nan-aagaw ka ng kape na hindi naman sa'yo. Isa pa bakit nandito ka pa? Akala ko ba uuwi ka-""Huminto ka muna sa pagsasalita kahit ilang segundo lang gusto kong mag-relax pagod ako," Wow aa"Pagod ka pala dapat umuwi ka na," sagot ko at nagmamaktol na umupo sa bakante na upuan.Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya at kahit may kadiliman dito 'ay nakita ko ang seryoso niyang mukha at mukhang malalim ang iniisip niya."May pinag-usapan kami ni, Ms. Clarita, pauwi na ako nakita lang kita," mahinang sabi niya.Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kaniya dahil iba ang awra niya ngayon kaya naman parang

    Last Updated : 2023-12-06
  • The Marriage Deal   chapter 8

    DANICAIsang linggo ang lumipas simula ng mangyari 'yon ay talagang asar na asar ako at hindi maka-move on hindi ako nagpakita sa kaniya kahit pa panay ang hanap niya sa akin at ngayon nga 'ay wala na akong magagawa dahil ito na ang araw ng kasal namin.Wala ako sa mood ngayon at hindi ko feel ang magandang wedding gown na suot ko. Imbes na dahan-dahan akong maglakad dahil ito ang instructions sa akin hindi ko sinunod binilisan ko ang lakad ko habang hawak ang laylayan ng suot kong gown. Mga napatayo ang iba at hindi makapaniwala sa ginawa ko may nakangiti at panay ang kuha ng larawan sa akin."Excited na siguro siyang makasal," Yeah, excited na ako talagang matapos na itong kasal."Hindi ko alam na may ganyan palang kagandang anak si, Mr. Del Fiero.Hindi ko na pinansin ang bulong-bulungan sa paligid dahil narito na ako sa harap ng altar at natigilan ako dahil nakatingin lang sa akin si, Vross.Anyare sa kaniya? Huwag mong sabihin na nagagandahan ka ngayon sa akin o baka naman si Ve

    Last Updated : 2023-12-09
  • The Marriage Deal   chapter 9

    DANICA "Hays! Bakit ba iniisip ko 'yan dapat i-enjoy ko itong pagkain. Grabe ang sarap pala magluto ng loko na 'yun? Siya nga lagi kong paglulutuin." Natatawang sabi kong mag-isa habang nakaupo.Naisip ko uminom kaya kumuha ako ng alak at dinala dito nagsalin ako agad at ginawa kong pulutan itong niluto ni, Vross.Muli akong nagsalin ng alak sa baso at kinain ang karne na ang sarap ng lasa, talagang ninamnam ko siya. Hanggang sa tumunog ang phone ko sa bulsa ng bistida na suot ko si Mean ang tumatawag ang kaibigan ko."Bakla ka! Kamusta ka naman, anong balita bagong kasal ka na ngayon." "Oo nga ano natikman mo na ba si fafa Vross? Grabe ang hot niya sa simbahan kanina at ikaw rin diyosa sa kagandahan." "Sandali nga? Nagpunta pala kayo kanina? Bakit hindi ko kayo nakita?" Takang tanong ko."Oo kaso hindi kami makalapit sayo dami bantay bakla tapos sa reception di kami pinapasok kasi hindi kami invited." Malungkot na sabi ni Keith, hindi ko sila naimbitahan dahil lahat ng nilista ni

    Last Updated : 2023-12-09
  • The Marriage Deal   Chapter 10

    VROSS DAMIENNaunang pumasok sa loob si Danica, alam kong masama ang pakiramdam niya dahil sa nangyari sa mama niya at nasaksihan ko 'yun sa mga nagdaan na mga araw. Wala na siyang magulang at wala rin siyang kapatid. Pagpasok ko sa loob sa living room nakita ko agad siya may bote ng alak na hawak. Nilapitan ko siya at napaangat ang mukha niya sa akin. 'Kailangan ko 'to para makatulog ako agad," sagot niya.Hindi ako sumagot sa halip ay umupo ako sa tabi niya, hahayaan ko siya dahil mukhang ito ang kailangan niya."Sa isang iglap lang naging ulila ako,"Tiningnan ko lang siya at kahit nakangiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang totoong nararamdaman niya."Gusto mo ba?" Alok niya sa akin pero tumangi ako simpleng ngumiti."Bahala ka kung ayaw mo," Hindi na ako nagsalita at sinilip ko ang cellphone ko naka-silent yon may message at tawag si Veronica."Dito sa alak ito karamihan hinugot ng mga tao ang hinaing nila sa buhay at mukhang ito ang makakasama ko habang buhay." Natatawan

    Last Updated : 2023-12-29
  • The Marriage Deal   Chapter 11

    DANICANakayuko ako dahil na rin nahihilo na ako sa nangyari na gulo sa pinuntahan naming resto bar ng dalawa kong kaibigan napaaway ako."Natawagan mo na ba ang asawa niya?" Napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi nitong pulis ibig sabihin tinawagan si Vross?"Papunta na po siya hintayin lang natin," Tiningnan ko si Mean, katabi niya si Keith na parang maga ang kabilang pisngi. "Bakit pinapunta mo si Vross dito?" Sabi ko may Mean dahil ayokong makita ako ni Vross sa ayos ko ngayon."Kailangan naming makausap ang asawa mo dahil nasa hospital ngayon 'yung dalawang babae na ginulpi niyo lalo ka na kitang-kita sa cctv ang ginawa mo." "Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na yung dalawang babae na 'yon ang nauna at nambwesit sa akin," sagot ko."Kaya pinatulan mo?" "Ano naman kung pinatulan ko? Kahit naman sino kapag tamang inom ka lang tapos ganyan may mangugulo hindi mo mapapatulan sa asar?" Inis kong sabi dito sa pulis."Wala pa ba ang asawa niya? Wala akong makukuha na magandang sag

    Last Updated : 2023-12-29
  • The Marriage Deal   chapter 1

    "Doc, kamusta po ang mama ko?" "Masasabi kong unti-unti ng nanghihina ang kalusagan ng iyong ina. Kailangan na niyang ma-operahan sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi..." Napayuko ako at pilit na nilalabanan ang luhang gustong bumagsak kanina pa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng doctor at nakita ko rin sa mama ko na talagang hirap na hirap na siya. Saan ko ba hahanapin ang malaking halaga para ipang-opera sa mama ko? Magulo ang isip ko habang naglalakad pauwi ng bahay upang kumuha ng ilang gamit. Isang linggo ng mahigit simula ng isugod ko siya sa hospital katulong ang mga kaibigan ko. Ang mama ko gusto niya na isuko ko na siya pero sabi ko sa kanya huwag, dahil ayokong mawala at iwan niya ako."Ano ba, Danica? Tama na, matapang ka hindi ba? Huwag kang umiyak." Mahinang wika ko habang naglalakad dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa mainit na tubig sa magkabilaan na gilid ng mata ko. Tumingala ako upang pigilan ang luha ko."Dani!" "Danica! Bakla ka, dalian mo may

    Last Updated : 2023-11-15
  • The Marriage Deal   chapter 2

    AN: Happy afternoon po sa inyong lahat at sa mga nagbabasa nito. ❤ Kakatapos ko lang maligo kaya ito mag-update ako. 😘-----------Maluha-luha ako habang nililipat na sa private room ang mama ko dahil succesful ang naging operasyon niya. Wala akong pasidlan ng tuwa at pasasalamat sa panginoon dahil tinupad niya ang panalangin ko na mailigtas ang nag-iisang tao na mahalaga sa akin. "Danica, anak." "Ma." Nakangiting sagot ko at hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa pisngi ko."Salamat dahil talagang gumawa ka ng paraan, pero hindi ko na tatanungin kung ano ang ginawa mo dahil alam kong nagsakrepisyo ka para sa akin." "Ma, huwag mo sabihin 'yan. Sasabihin ko rin po sa inyo kapag talagang magaling na kayo. Sa ngayon kailangan mo magpalakas." Wika ko at hinalikan ko ang kamay niya."Dani, hello nanay Rosita." Napangiting nilingon ko ang dalawang kaibigan ko na dumamay sa akin sa mga problemang dumating sa amin ng mama ko. "Nay kamusta na po kayo?" Bati ni Mean katabi nito si, Keth

    Last Updated : 2023-11-15

Latest chapter

  • The Marriage Deal   Chapter 11

    DANICANakayuko ako dahil na rin nahihilo na ako sa nangyari na gulo sa pinuntahan naming resto bar ng dalawa kong kaibigan napaaway ako."Natawagan mo na ba ang asawa niya?" Napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi nitong pulis ibig sabihin tinawagan si Vross?"Papunta na po siya hintayin lang natin," Tiningnan ko si Mean, katabi niya si Keith na parang maga ang kabilang pisngi. "Bakit pinapunta mo si Vross dito?" Sabi ko may Mean dahil ayokong makita ako ni Vross sa ayos ko ngayon."Kailangan naming makausap ang asawa mo dahil nasa hospital ngayon 'yung dalawang babae na ginulpi niyo lalo ka na kitang-kita sa cctv ang ginawa mo." "Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na yung dalawang babae na 'yon ang nauna at nambwesit sa akin," sagot ko."Kaya pinatulan mo?" "Ano naman kung pinatulan ko? Kahit naman sino kapag tamang inom ka lang tapos ganyan may mangugulo hindi mo mapapatulan sa asar?" Inis kong sabi dito sa pulis."Wala pa ba ang asawa niya? Wala akong makukuha na magandang sag

  • The Marriage Deal   Chapter 10

    VROSS DAMIENNaunang pumasok sa loob si Danica, alam kong masama ang pakiramdam niya dahil sa nangyari sa mama niya at nasaksihan ko 'yun sa mga nagdaan na mga araw. Wala na siyang magulang at wala rin siyang kapatid. Pagpasok ko sa loob sa living room nakita ko agad siya may bote ng alak na hawak. Nilapitan ko siya at napaangat ang mukha niya sa akin. 'Kailangan ko 'to para makatulog ako agad," sagot niya.Hindi ako sumagot sa halip ay umupo ako sa tabi niya, hahayaan ko siya dahil mukhang ito ang kailangan niya."Sa isang iglap lang naging ulila ako,"Tiningnan ko lang siya at kahit nakangiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang totoong nararamdaman niya."Gusto mo ba?" Alok niya sa akin pero tumangi ako simpleng ngumiti."Bahala ka kung ayaw mo," Hindi na ako nagsalita at sinilip ko ang cellphone ko naka-silent yon may message at tawag si Veronica."Dito sa alak ito karamihan hinugot ng mga tao ang hinaing nila sa buhay at mukhang ito ang makakasama ko habang buhay." Natatawan

  • The Marriage Deal   chapter 9

    DANICA "Hays! Bakit ba iniisip ko 'yan dapat i-enjoy ko itong pagkain. Grabe ang sarap pala magluto ng loko na 'yun? Siya nga lagi kong paglulutuin." Natatawang sabi kong mag-isa habang nakaupo.Naisip ko uminom kaya kumuha ako ng alak at dinala dito nagsalin ako agad at ginawa kong pulutan itong niluto ni, Vross.Muli akong nagsalin ng alak sa baso at kinain ang karne na ang sarap ng lasa, talagang ninamnam ko siya. Hanggang sa tumunog ang phone ko sa bulsa ng bistida na suot ko si Mean ang tumatawag ang kaibigan ko."Bakla ka! Kamusta ka naman, anong balita bagong kasal ka na ngayon." "Oo nga ano natikman mo na ba si fafa Vross? Grabe ang hot niya sa simbahan kanina at ikaw rin diyosa sa kagandahan." "Sandali nga? Nagpunta pala kayo kanina? Bakit hindi ko kayo nakita?" Takang tanong ko."Oo kaso hindi kami makalapit sayo dami bantay bakla tapos sa reception di kami pinapasok kasi hindi kami invited." Malungkot na sabi ni Keith, hindi ko sila naimbitahan dahil lahat ng nilista ni

  • The Marriage Deal   chapter 8

    DANICAIsang linggo ang lumipas simula ng mangyari 'yon ay talagang asar na asar ako at hindi maka-move on hindi ako nagpakita sa kaniya kahit pa panay ang hanap niya sa akin at ngayon nga 'ay wala na akong magagawa dahil ito na ang araw ng kasal namin.Wala ako sa mood ngayon at hindi ko feel ang magandang wedding gown na suot ko. Imbes na dahan-dahan akong maglakad dahil ito ang instructions sa akin hindi ko sinunod binilisan ko ang lakad ko habang hawak ang laylayan ng suot kong gown. Mga napatayo ang iba at hindi makapaniwala sa ginawa ko may nakangiti at panay ang kuha ng larawan sa akin."Excited na siguro siyang makasal," Yeah, excited na ako talagang matapos na itong kasal."Hindi ko alam na may ganyan palang kagandang anak si, Mr. Del Fiero.Hindi ko na pinansin ang bulong-bulungan sa paligid dahil narito na ako sa harap ng altar at natigilan ako dahil nakatingin lang sa akin si, Vross.Anyare sa kaniya? Huwag mong sabihin na nagagandahan ka ngayon sa akin o baka naman si Ve

  • The Marriage Deal   chapter 7

    DANICA"Ginulat mo naman ako bakit nandito ka pa?" Malakas kong tanong sa kaniya at napansin ko na sa kape ko siya nakatingin.Basta na lang niya kinuha ang tasa sa kamay ko at sabay talikod naglakad papunta doon sa upuan. Napahakbang ng mabilis ang paa ko at nilapitan ko siya na prenting nakaupo na."Hoy! Ang galing mo rin e noh? Bakit hindi ka magtimpla ng kape at nan-aagaw ka ng kape na hindi naman sa'yo. Isa pa bakit nandito ka pa? Akala ko ba uuwi ka-""Huminto ka muna sa pagsasalita kahit ilang segundo lang gusto kong mag-relax pagod ako," Wow aa"Pagod ka pala dapat umuwi ka na," sagot ko at nagmamaktol na umupo sa bakante na upuan.Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya at kahit may kadiliman dito 'ay nakita ko ang seryoso niyang mukha at mukhang malalim ang iniisip niya."May pinag-usapan kami ni, Ms. Clarita, pauwi na ako nakita lang kita," mahinang sabi niya.Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kaniya dahil iba ang awra niya ngayon kaya naman parang

  • The Marriage Deal   chapter 6

    VROSS DAMIEN"Congrats sir at sa mapapangasawa mo ang ganda po ni ma'am," "Oo nga sir bagay na bagay kayong dalawa," Ngumiti lang ako sa bawat papuri ng mga employee at ilang malalapit sa akin sa kompaniya ngunit nawala ang ngiti ko dahil nakatingin sa akin si, Veronica.Umiwas agad siya ng tingin at tumalikod narito kami sa isang bakante na dating opisina dito sila naghanda nang konting salo-salo at si Rusty ang may pakana nito para makilala niya ang mapapangasawa ko. Si Danica ay naroon nakaupo sa sofa habang kausap ang iba. Iniisip ko ang mga sinasabi niya baka may masabi siyang pagmulan ng pag-uusapan."Bro, hindi na masama ang mapapangasawa mo bukod sa maganda 'ay ang ganda ng katawan," "Pagdating sa babae talaga lahat sa'yo maganda at sexy," sagot ko lang at ininom ang wine na hawak ko.Tumawa naman si Rusty, sinalinan niya muli ng wine ang baso ko."Kamusta naman si Veronica?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya at napatingin kay Veronica na may kausap rin. Sekrito lang ang

  • The Marriage Deal   Chapter 5

    DANICAHindi ko alam kung anong oras na dahil grabe ang sarap ng tulog ko ngayon, ikaw ba naman matulog sa napakalambot na kama at malamig na paligid. Dilat na ang mata ko at nakita ko sa bintana dahil medyo nakaawang ng kurtina maliwanag na sa labas.Nakarinig ako ng katok pero tinatamad akong tumayo, ngunit wala yatang balak na tumigil 'yung kumakatok sa pinto at sobrang kulit niya. Walang nagawa kung hindi ang tumayo ako para buksan ang pinto, gamit ang daliri ng kamay ko ito ang ginamit ko panuklay sa magulo kong buhok."Ano ba? Ang kulit mo naman," sabi ko na naghikab pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko kung sino ang narito.Sinarado ko bigla ang pinto dahil sa gulat ko nahiya na rin dahil sa itsura ko."Open this," Dinig kong sabi sa labas ng pinto at napapikit ako.Ano ba naman 'tong lalaki na ito bigla-biglang sumusulpot."Sandali lang!" Malakas kong sigaw at mabilis na nagtungo ako sa banyo para maghilamos.Pagpasok ko sa banyo ay imbes ma maghilamos 'ay naligo na lang ako

  • The Marriage Deal   chapter 4

    AN: Isang mainit na panahon po sa mga nag-aabang ng update ko. Sana'y may comment rin kayo para naman ganahan si author. ❤😘----------VROSS"Damien!" Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa biglang dating ni Veronica at mahigpit na yakap. "Kausap lang kita kanina." Tanging nasabi ko lang habang nakahawak ang kamay ko sa likod niya. "Yeah, but i want to surprise you." Nakangiting sabi niya at lumayo na sa pagkakayakap sa akin. Bigla ko naman naalala si Danica at hinanap agad siya ng mga mata ko, nakita kong medyo malayo na siya dahil sa mabilis na lakad niya. "Danica!" Tawag ko ngunit hindi ito lumingon nagpatuloy lang ito sa paglalakad.What the? "Anything problem? So, where's you're fianceè?" Nabalik ang atensyon ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya."Kailangan ko siyang puntahan hindi siya puwedeng umuwing mag-isa." Seryoso na sabi ko sa kanya."Ha? I-It's ok, go on." Nakangiting sagot niya."I'm so sorry." Marahan na pinisil ko ang kamay niya at binitawan na. Tumalikod n

  • The Marriage Deal   chapter 3

    AN: Maraming salamat po sa mga nagbabasa na nito sana'y hindi kayo magsawa na abangan ang bawat update ko. Alam ko pong magugustuhan niyo ito. Pasensya na rin po kung matagal ang update medyo busy po kasi ako. ❤-------------"Anak, kailangan ba talaga nating lumipat doon sa bahay ng mga Del Fierro?"Nilingon ko si mama habang inaayos ko sa bag ang ilang gamit na dadalhin ko sa mansyon. "Ma, mas maganda na doon na tayo at isa pa bahay 'yon ni papa. May karapatan tayo saka para naman mas lalo ka pang gumaling na dahil maayos at maganda ang titirahan natin." Paliwanag ko kay mama. "Sige nauunawaan kita." Sagot lang nito at muling pinagpatuloy ang pagliligpit. "Dani, girl!" Nakita ko si Keth kasama si Mean at mga nakaporma sila kaya naman napatawa ako. "Let's go na, I'm ready na sa bagong valur niyo." Ngiting-ngiti na wika nito at nag-pose pa sa gilid ng pader namin. Nakamaong ito na short at medyo maluwag na t-shirt na black, may sling bag ito. "Ewan ko sa'yo mukhang mas excited k

DMCA.com Protection Status