THIAGONagising ako at mabigat ang aking katawan ng bumangon ako. Nasa hindi pamilyar na kuwarto na ako. Maliit lang ito may isang kama isang banyo may malaking monitor ng TV. Tumingin ako sa kisame at may isang CCTV akong nakita. Mabilis akong bumaba at akmang bubuksan ang pinto ngunit tumalsik ako nang maramdaman ko ang malakas na kuryente sa pinto na ikinagulat ko. Inalala ko ang huling nangyari bago ako mapunta dito. Nakipaglaban kami kay Mandiego at naubos ang mga tauhan ko. Napatay namin siya ngunit hindi namin akalain na may panibagong kalaban na susugod sa amin. At ang huli ko na lamang naalala ay nawalan ako ng malay.“Wag mo nang subukan pang lumabas diyan. Dahil kahit anong gawin mo hindi ka makakalabas sa kwarto na yan. Binigyan ka na namin ng maayos na tutuluyan. Kaya magpahinga ka na lamang at kainin mo ang pagkain na ihahain namin sa’yo.”Napatitig ako sa malaking monitor at mukha ng lalaking hindi ko kilala ang bumungad sa akin.“Sino ka? Bakit mo ko dinala dito?!” Si
KEYLAPapalabas na ako ng mansyon bitbit ang mga armas na nakalagay sa attaché case nang marinig ko ang paparating na chopper. Hindi ako nangamba dahil pamilyar ito. Iisa lang kasi ang pagkakakilanlan nito at katulad ito ng pulang chopper na sumundo sa amin sa bundok upang dalhin sa secret headquarters ng TAJSO. Nasisiguro kong ako ang pakay nila rito.“Ibaba niyo ang mga baril niyo!” Utos ko sa kanila dahil naging alerto sila sa pagdating ng hindi kilalang chopper. Sinunod naman nila ako at mabilis akong lumapit sa kung saan lalapag ang chopper.“Miss Keyla sandali!”Napalingon ako ng marinig ko ang tawag ni Harvey. Bihis na bihis na rin kasi ito gaya ko at may bitbit na rin itong mataas na kalibre ng baril. Kumunot ang noo ko dahil sigurado akong sasama rin siya sa pagpunta ko sa hideout ni Kyosawa. Kung saan ako kinidnap at ibinenta kay Naokimoto.“Sino sila?” Nagtatakang tanong niya sa akin.“Ang TAJSO…” Seryosong sambit ko sa kanya na ikinagulat niya.“Huhulihin niyo na ba kami?
THIAGO“Keyla!”Nagtangis ang bagang ko nang makita ko kung paano siya binigwasan ni Manuel kaya napaupo siya sa upuan. Nakatali ang buong katawan at may nakababang panyo sa kanyang leeg na sa tingin ko ay busal sa kanyang bibig. Binalingan niya ako at tinukan niya ako ng baril.“Buhay ka pa ha! Goodbye Thiago!” Nakangising sabi niya sa akin. Bumitaw ang isa kong kamay at lumipat ako sa kabilang dulo ng landing skids.“Thiago!” Narinig kong sigaw ni Keyla.Natigil ang pagpapaputok niya at naririnig ko na may nangyayaring hindi maganda sa loob kaya sinubukan kong muli na umakyat.Nakita ko din ang pagkakahulog ng armas na hawak ni Manuel.“Boss! Nandyan pa siya!” Paalala ng piloto pero huli na dahil naka-akyat na ako. Ay mabilis kong hinila ang damit ni Manuel dahil kasalukuyan niyang sinasakal si Keyla sa upuan. Hindi nakaligtas sa akin ang duguang labi niya na labis kong ikinabahala at ikinagalit. Pabalagbag ko siyang nahiga sa sahig ng chopper at dinaganan.“Damn it! I’ll kill you!
KEYLA“Anak, puwede ka naman magpahinga kami na muna ni Mommy mo ang magbabantay sa kanya. Baka makasama sa’yo ang ginagawa mo.” Paki-usap ni Dad sa akin. Kanina pa sila pabalik-balik dito sa kuwarto ni Thiago kung saan siya nakaratay. Nasa ICU pa kasi siya at hindi pa rin bumubuti ang lagay niya. Pangalawang araw na namin dito sa hospital at nanatili lang ako sa tabi niya.Tumayo ako sa upuan at hinarap ang nag-aalalang si Daddy.“Dad, kaya ko po. Huwag po kayong mag-alala ni Mommy. Malakas po ako, gusto ko pong gawin ito para sa kanya. Ayoko po siyang iwan dahil sigurado akong kapag nagising siya ako agad ang hahanapin niya.”Napabuntong-hininga si Mommy sa tabi niya. Kaya kinuha ko ang kamay niya.“Mom, diba ganito din kayo noon kay Dad? Buntis na kayo noon sa triplets kong kapatid pero hindi niyo rin iniwan si Dad. Makakaya din namin ito ni Thiago.” Pilit ang ngiting sabi ko sa kanya. Pero sa loob-loob ko nangangamba na rin ako na baka hindi na siya magising pa. Ngunit pinanghahaw
KEYLAPagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Harvey ay kaagad na niyang inasikaso ang lugar kung saan namin siya dadalhin. Hindi kasi maari sa Cristal de Galyo namin siya dalhin dahil malayo ito sa hospital. Kailangan naming makahanap ng lugar malayo sa mga buildings or properties. Nang sa ganun ay safe pa rin si Thiago.“Bakit hindi na lang sa probinsya namin?” Tanong ni Harvey sa akin.“May sarili akong bahay bakasyunan doon malapit sa bahay ng mga magulang ko.” Dagdag pa niya. “No.” Tutol ko sa kanya.“Why? Thirty minutes lang ang byahe patungo sa hospital. At paniguradong safe si Thiago doon. Isasama na rin natin si Doc. Alvin.” Pamimilit niya sa akin.“Ayokong madamay ang pamilya mo kung sakaling masundan tayo ni Tanita.” Seryosong sagot ko sa kanya.“Wala na akong magulang dalawang binatang kapatid ko na lamang na lalaki at isang dalagang babae ang nakatira sa bahay namin. Malayo naman ang tirahan nila sa bahay bakasyunan ko. Malapit kasi yun sa ilog. Maganda rin ang tanawin
KEYLAHalos tatlong minuto pa ang ibinyahe namin papasok at paakyat sa bundok kung nasaan ang rest house na sinasabi ni Harvey.Malayo pa lamang kami ay tanaw ko na ang malaking bahay na napapalibutan ng matataas na punong kahoy.Bukas ang lahat ng ilaw kaya kita ang kabuohan ng bahay kahit madilim pa rin. Hindi kami nahirapan dahil semento naman ang daan.Tumigil kami sa harapan ng bahay at bumaba na rin kami. Naunang pumasok si Harvey sa loob at pinagtulungan nilang ibaba ang stretcher kung saan nakahiga ang wala pa ding malay na si Thiago.“Ipasok niyo na si Thiago.” Utos niya sa mga medical team na kasama din namin bukod kay Doc Alvin.Hinayaan ko munang magmasid sa paligid si Nara at Isaiah dahil sinigurado ko munang maayos ang kuwarto na pagdadalhan sa kanya.Yun din kasi ang dahilan kung bakit sila narito. Ang alamin kung safe ba ang lugar at magkabit na rin ng mga CCTV’S sa buong lugar.Hindi na kami nahirapan na i-akyat siya sa hagdan dahil may elevator ang bahay ni Harvey. S
THIAGO Naghihintay ako sa pagpasok ni Harvey para sa mahalaga kong ipapagawa sa kanya. Mabuti na lang at kinailangan din ni Keyla na lumabas muna upang ihanda ang pagkain ko.“Sigurado ka na bang okay na ang pakiramdam mo?”Napa-angat ako ng tingin kay Doc. Alvin. Sa totoo lang hindi pa gaanong okay ang pakiramdam ko. Kaya lang kailangan kong maging malakas at gumaling kaagad. Nag-aalala ako para sa mag-ina ko. Hindi ko sila puwedeng iwan at pabayaan. Lalo pa ngayon na nagbalik na si Tanita!“Wag muna akong alalahanin. Basta ibigay mo ang gamot na kailangan ko para gumaling ako kaagad.” Seryosong sabi ko sa kanya.“Thiago, narinig ko kay Harvey ang tungkol kay Tanita. Pero sa kundisyon mo ngayon. Baka hindi mo kayaning labanan siya. At isa pa nagdadalang tao si Keyla. Kapag gumawa ka ng hakbang ng hindi niya alam. Hindi siya basta na lamang pipirmi sa isang lugar. Alam mo ba noong pinagtangkaan ang buhay mo nag-desisyon kaagad siyang ilayo ka. At kung sakaling hindi tumigil ang babae
KEYLA“Oh, bakit parang kasing haba ng ilong ni Pinocchio yang nguso mo? Kanina lang ang saya mo ah?” Nagtatakang tanong ni Nara nang masalubong niya ako pagbaba ko ng hagdan.“Wala, disappointed lang ako. Nagpaganda pa naman ako bago pumasok sa kuwarto niya pero hindi ko nararamdaman na namimiss niya ako. Isa pa sa tingin ko may gumugulo sa isip niya.” Nakasimangot kong sagot sa kanya.“Baka naman dahil kay Tanita.”Napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko naman na inaalala niya ng husto ang tungkol sa babaeng yun eh. Kaya nga lalo akong naiinis kasi imbis na ako lang dapat ang laman ng isip niya may kahati pa akong babae na hindi ko parin alam kung ano ang itsura.“Nara, pagbalik mo ng Manila puwede mo ba akong ihingi ng tulong kay Xandro? Diba Mafia din yun? Baka may alam siya na maaring makapagbigay sa amin ng impormasyon tungkol kay Tanita.”Halatang napa-isip siya sa sinabi ko. Matagal na silang magkaibigan at nakasama na rin namin si Xandro nang iligtas namin ang asawa ng kaibigan