KEYLAIlang hakbang pa lamang kami papalapit sa kanila ay hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Cherry at ganun din naman ako sa kanya. Pero syempre hindi rin naman ako papakabog sa kanya. I have my own self-confident at isa pa nasa akin din ang puso ni Thaigo. Kaya malakas ang kompyansa ko na hindi niya ako kakantihin dito.“Nakapaghanda na si Cherry ng pagkain.” Wika ng lalaking nanutok sa akin ng baril kaya sinamaan ko din siya ng tingin.“Keyla, hindi mo pa pala siya kilala. Si Victor, kanang kamay ko din siya aside kay Harvey.” Pakilala ni Thaigo sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Mabigat ang loob ko sa kanya lalo na dahil sa nangyari kagabi at hindi ko rin gusto ang kanyang aura pareho sila ni Cherry.“Pamangkin niya si Cherry.” Dagdag pa ni Thaigo kaya naman pala parehong mabigat ang dugo ko dahil iisa ang lahing pinagmulan nilang dalawa.“Ganun ba? I’m sorry sa nangyari kagabi.” Wika ko sa kanya. Pero ang totoo ay nakikisakay lang ako dahil nasa teritoryo nila ako
KEYLANanlaki ang mata ko nang ibaba nila ang isang plangana na manga sa ibabaw ng mesa. Nagpatulong na si Thaigo na manguha dahil nahirapan siyang manungkit hindi ko rin alam kung bakit sa dami ng prutas yun pa ang natakam akong kainin bukod kasi sa bubot pa ito halos kasing laki lang ito ng kiwi.“Pahinging toyo Harvey, please.” Nakangiting utos ko sa kanya.“Toyo? Soy sauce? Why?” Kunot noo na tanong ni Thaigo. Ibinigay ko sa kanya ang matalim at malinis kong patalim para maipagbalat niya ako ngunit nagulat siya dahil sa hita ko yun kinuha.“Ilan bang armas ang nasa katawan mo? Bakit kailangan mo pang maglagay nito? Paano kung magkamali ka ng galaw masugatan ka ng patalim na ito?” Inis na sabi niya sa akin.“Wag ka ngang OA, Thaigo. Highschool pa lamang ang palagi na akong may dalang ganito. Self-defense, lalo na’t may pakiramdam akong malapit lang ang kalaban.” Makahulugang sabi ko sa kanya. Sinulyapan ko ng bahagya si Cherry at si Victor na nag-uusap sa di kalayuan at panay ang s
KEYLAKagagaling lang namin kanina sa clinic ni Doctor Shane upang magpa-checkup. Confirmed na nga na buntis ako mag two months na. Akala ko tumaba lang ako dahil matagal akong natigil sa isla. Kaya naman pala nakakaramdam ako ng discomfort nitong mga nakaraang araw. Palagi rin akong ina-antok at ang pinaka-malala na siguro ay hindi ko pinatabi si Thiago kagabi sa kama. Naiinitan ako pero ayoko ng malakas ang aircon at mas gusto ko ang unan ang katabi ko. Hindi ko rin gusto ang amoy niya kahit nakatatlong paligo na siya kahapon. Ang weird ng pakiramdam dahil hindi naman ako ganito. Nakaka-awa din kasi siya dahil sa sahig siya natulog hindi kasi siya magkasya sa sofa. Ang bilis ko ding mainis kapag hindi niya ako sinusunod agad pero hindi naman siya nauubusan ng pasensya. Nang marinig namin ang heartbeat ng baby ay pareho kami ni Thaigo na nangingilid ang luha. Gustong-gusto na talaga nitong magkaroon ng anak. At natutuwa ako sa nakikitang reaksyon niya. Sana lahat ng ama ganito ang ma
KEYLA“Mag-ingat ka, at mangako ka sa akin na babalik ka.” Paalam ko sa kanya habang narito pa rin kami sa kwarto at kakatapos lang niyang mag-impake ng kanyang mga dadalhin. Humarap siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.“Don’t worry, babalik ako kapag natapos ko na ang problema. Antayin mo ako Keyla, dahil sa pagbalik ko. Gusto ko kasal na agad natin ang a-asikasuhin nating dalawa.” Sambit niya. Ayoko mang magpaiwan ditong mag-isa may tiwala ako sa kanya. May tiwala ako sa magagawa niya para mapawalang sala siya sa mga binibintang sa kanya ng TAJSO para may lakas na rin ako ng loob na humarap sa aking pamilya.“Kapag hindi ka agad bumalik. Susunod kami sa’yo ni Harvey doon.” Dagdag ko pa. Niyuko niya ako at inangat ko naman ang aking mukha. Inabot niya ang aking labi at nagpaubaya naman ako nang halikan niya ako. Pagkatapos ay pinagdikit niya ang noo naming dalawa.“I need to go, baka mahuli ako sa flight ko. Wag kang aalis dito hanga’t hindi ako dumarating okay?”Tumango ako
THIAGOMataman lang akong naghihintay sa pagdating ni Victor. Kakarating lang namin kahapon dito sa Samara Russia. Ipinatawag ko siya dahil nalaman ko na ang lahat ng kalokohan na ginagawa niya sa mga nakalipas na taon. Hindi ko akalain na pa siya pa mismo ang magta-traydor sa akin!Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha.“Ipinatawag mo daw ako?” Nagtatakang tanong niya sa akin.“Maupo ka.” Seryosong sabi ko sa kanya. Kinilatis ko ang kilos niya at naramdaman kong hindi siya mapakali. Panay din ang galaw ng mata niya na parang kinakabahan sa susunod kong gagawin.“Naalala mo pa ba ang pinagsamahan natin noon bago ako maging isang mafia?” Seryosong tanong ko sa kanya. Sinalubong niya ang matalim kong tingin sa kanya.“Naalala mo ba na sinabi ko sa inyo na kung saan man ako makarating ay dadalhin ko kayo ni Harvey hangang magkaroon din kayo ng pangalan? Nang maabot ko na ang posisyon ko bilang isa sa makapangyarihang mafia nawala sa akin ang mga mahal ko sa buh
KEYLAMaaga akong nagising dahil may inasikaso ako kagabi. Binuksan ko muna ang pinto ng veranda at lumanghap ng sariwang hangin. Medyo sumisikat na ang araw at masarap sigurong maglakad-lakad sa labas. Para kahit paano ay ma-arawan naman ako. Baka mamayang gabi pa si Thaigo makatawag sa akin kaya para hindi ako mainip ay bumaba na lamang ako.“Good morning.”Napadako ang tingin ko kay Cherry dahil sa masayang bati niya sa akin at ngayon ay nakasuot ng apron habang naghihiwa ng mga karne sa mesa. Siguro ay naghahanda na siya ng almusal. Hindi ko siya pinansin ang tumuloy ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig.“Himala ata binati mo ako ng ganyan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig sa baso.“Wala lang nagkausap na kasi kami ni Harvey, at pinagsabihan na rin niya ako. Na-realize ko din na kahit anong gawin ko alam kong hindi ako mamahalin ni Thiago.”Nasamid ako at napa-ubo sa narinig kong sinabi niya.“Ano? Na-realize mo kagabi lang na kahit anong gawin mo
KEYLA“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Cherry nang pumasok kami sa kanyang kwarto.“Kalagan niyo siya.” Utos ko sa mga tauhan ni Thiago.“Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Ms. Keyla? Nag-aalalang tanong ni Harvey. Bumaling ako ng tingin sa kanya.“Wag kang mag-alala sandali lang ito.” Nakangiting sagot ko sa kanya.Pagkatapos nilang kalagan si Cherry ay lumabas na sila gaya ng sinabi ko.“Bakit? Anong kailangan mo? Hindi ka na siguro makatiis at gusto mo na akong patayin ano?” Nang-uuyam na tanong niya. Halos tatlong oras pa lamang siyang nakakulong sa kwarto niya at nakatali.“Pasalamat ka hindi sa kulungan ng mga aso kita pinakulong dahil kung hindi baka nilalapa ka na ng mga malalaking aso na yun.” Seryosong sabi ko sa kanya.“Hindi ako natatakot sa’yo! Kung gusto mo akong patayin gawin mo na!” Singhal niya sa akin. Matalim ang matang tinignan ko siya. Humakbang ako papalapit sa kanya at umatras siya hangang sa dumikit na sa kabinet ang likod niya.“Kung tutuusin dapat tinapos ko
THIAGONagising ako at mabigat ang aking katawan ng bumangon ako. Nasa hindi pamilyar na kuwarto na ako. Maliit lang ito may isang kama isang banyo may malaking monitor ng TV. Tumingin ako sa kisame at may isang CCTV akong nakita. Mabilis akong bumaba at akmang bubuksan ang pinto ngunit tumalsik ako nang maramdaman ko ang malakas na kuryente sa pinto na ikinagulat ko. Inalala ko ang huling nangyari bago ako mapunta dito. Nakipaglaban kami kay Mandiego at naubos ang mga tauhan ko. Napatay namin siya ngunit hindi namin akalain na may panibagong kalaban na susugod sa amin. At ang huli ko na lamang naalala ay nawalan ako ng malay.“Wag mo nang subukan pang lumabas diyan. Dahil kahit anong gawin mo hindi ka makakalabas sa kwarto na yan. Binigyan ka na namin ng maayos na tutuluyan. Kaya magpahinga ka na lamang at kainin mo ang pagkain na ihahain namin sa’yo.”Napatitig ako sa malaking monitor at mukha ng lalaking hindi ko kilala ang bumungad sa akin.“Sino ka? Bakit mo ko dinala dito?!” Si