Share

Chapter 72

Isang masamang tingin ang naging tugon ni Laverna. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya ni Nicholas lalo na at kitang-kita niya ang ngisi nitong tila aabot na sa langit. Nais man niyang sipain ito palayo pero pagtitimpi lamang ang kaniyang magagawa.

“I appreciate the gesture pero hindi ko kailangan ang anumang bagay mula sa‘yo,” sumbat ni Laverna.

May masama rin kasi siyang kutob sa laman ng malaking kahon na naka-fancy wrap pa. Natatakot siya na pagkabukas niya roon ay sasabog ang isang bomba o ‘di kaya’y kahit anong bagay na magdudulot ng gulo sa kasal niya.

Ayaw niya no’n ngunit nanindig ang mga buhok niya sa katawan nang natawa si Nicholas.

“Huwag kang mag-alala. Hindi iyan bomba o ulo ng pinsan mong si Clarrisse. That’s the gift which I promised to you before,” saad ng lalaki.

“No, thanks.” Akmang tatawagin ni Laverna ang atensyon ng isa sa mga tauhan ni Caesar para ilayo ang kahon sa kaniya ngunit napatigil ito nang muling magsalita si Nicholas.

“It’s also something you w
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status