Share

+ IKAUNA +

Author: loveloce
last update Last Updated: 2021-10-07 14:36:26

¶ The Mafia and Citizens ¶

I. IKAUNA

Valerie Reyes PoV

Naghahanda ako ng sarili ko dahil papasok na ako sa school. Maaga ang pasok ko dahil nasa last year na ako ng senior high school. 

Napatigil ako sa pagbubutones ng uniporme ko nang marinig ko ang vibration ng phone ko sa mesa. Kinuha ko naman ito at hindi na ako nagtataka na ang kaibigan ko ang natawag sa akin na si Josie. 

"Nasaan ka na? Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo," ani ni Josie sa kabilang linya. 

"Ito na, malapit na. Hintayin mo na lang ako diyan," tugon ko sa kaniya. Ako naman na ang kusang bumaba ng linya. 

Ibinalik ko naman ang phone ko saka ko ipinagpatuloy ang pagbubutones. Pagkatapos ay kinuha ko naman na ang bag at payong ko sa may higaan saka ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si Mama na katatapos lang ihanda ang baunan ko na may lamang pagkain.

Lagi niya akong binabaunan ng pagkain kapag napasok ako. Madalas kasi hindi ko na sila masabayan sa pagkain tuwing almusal at tanghalian. Gabi na rin kasi nakakauwi si Papa galing sa trabaho niya bilang security guard.  

"Salamat dito, Ma. Alis na po ako, naghihintay na si Josie sa akin sa may tapat ng bahay natin," sambit ko kay Mama. 

Lumapit naman sa akin si Mama saka niya inayos ang kwelyo ng uniporme ko. Hindi ko napansin na naipit pala ang kwelyo ko sa may bag na dala ko. 

"Bakit laging sa may tapat ng bahay natin naghihintay 'yang kaibigan mo na si Josie? Bakit hindi na lang siya pumasok dito sa loob?" tanong ni Mama. 

"Hindi ko alam sa utak do'n, Ma. Alam mo naman ‘yon, napakatahimik,” tugon ko kay Mama. 

Napatango na lang si Mama sa sinagot ko. "O siya sige, pumasok na kayo. Mag-iingat kayo ha," nakangiting ani ni Mama. 

Tumango naman ako saka ako nakangiting nagpaalam kay Mama. Naabutan ko nga doon si Josie na nakasuot ng earphone niya at prenteng nakaupo lang sa may hagdan namin at napapasayaw rin ang ulo nito. 

Mukhang maganda ang pinakikinggan niya ah? 

Nakatalikod ito na pwesto sa labasan ng pintuan namin. Tinuhod ko naman ang likuran niya para malaman niya na nandito na ako. 

"Aray naman!" komento niya sa ginawa kong pagtuhod.

“Tagal mo kasi makiramdam,” natatawang saad ko. 

Nauna naman na ako maglakad sa kaniya. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Josie sa paglalakad. Kinuha ko naman ang dala kong payong sa bag saka ito binuksan.

"Mukhang may napili na akong kanta para sa magiging performance natin." Napataas naman ang kilay ko roon. 

"Ayan na ba 'yon?" Tumango naman siya bilang sagot saka niya pinarinig sa akin ang kanta. 

Napasayaw na rin ang ulo ko gaya kay Josie kanina. Maganda nga ang kanta, at saktong-sakto sa performance na dapat naming gawin. Sasayaw kasi kami ng Hiphop, at by group ang grade no’n. Kaya balak kong maghanap ng members mamaya.

"Sino kaya willing sumali sa grupo natin?” Paunti-unti namang umiindak ang aking ulo. 

Nagkibit-balikat lang naman ito. “Let’s see it later.” 

Nagpatuloy lang naman kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami sa tinitirhan naming subdivision. Agad naman kaming sumakay sa linya ng tricycle na nakaabang papunta sa school na pinapasukan namin. Naghintay pa kami ng ibang estudyante para tuluyan nang lumarga ito.

Nang tuluyan nang lumarga ito, nag-isip lang naman ako ng mga pwede naming kuhain mamaya para maging kagrupo namin. Sa loob kasi ng lima o anim na taon, kaming dalawa lang talaga ni Josie ang magkaibigan. Kaya ang iniisip ko ay baka wala akong makuha na mga members. Nakikipag-usap naman ako sa iba, ito lang talagang si Josie ang hindi palakaibigan, mukha niya pa lang kasi ay nananakot na. 

Nagtataka rin ako bakit ayaw niya nang laruin ang game na nalaman naming dalawa. No'ng tinanong ko siya dati, wala naman siyang maisagot na rason. Basta raw huwag na naming subukan na laruin ulit. 

Pero base sa nararamdaman ko, ang totoong rason kung bakit ayaw niya na muling laruin ang game dahil namatay si Xavier dahil dito. 

Nagulat kaming lahat na magka-kaklase sa sinapit ni Xavier. Nabalitaan namin na nabaril ito sa mismong ulo, at ang mga pulis ay walang makita na kahit anong ebidensya. Hindi rin nila matukoy kung ano ang motibo kung bakit binaril itong si Xavier. Hindi naman daw pwedeng na-holdap ito dahil wala namang nakuha na kahit ano sa gamit ni Xavier. Pero, ang iniisip ko na kaya binaril si Xavier ay dahil wala nga siyang naibigay na kahit ano sa holdaper.

Nung maka-isang buwan ng patay si Xavier saka ko napagdesisyunan na laruin ulit ang game na 'yon pero hindi na namin isinali si Josie. Palihim kaming naglaro no’ng araw na ‘yon. Yung mga dating players pa rin ang kasali sa game, may dalawang nadagdag dahil transferee ito at ang isa naman ay galing sa ibang section. 

Ang galing nga ng estudyanteng galing sa ibang section dahil pangalawang accusation pa lang ay nahulaan niya agad ang Mafia which is ang kaklase naming babae na si Iris.

Pero, laking gulat namin nang may mabalitaan na naman kami kinabukasan pagkapasok namin sa school. 

Patay na raw si Iris, 

At hiwa ang leeg nito. 

Pinauwi rin kami ng maaga ng principal dahil nga dalawang estudyante na ang namatay na nag-aaral sa school namin at kaklase pa namin ang mga ito. 

Nagulat nga ako nang bigla akong sigawan ni Josie no’n, at unang beses ko lang siyang nakitang galit na galit kaya natakot ako sa kanya no’ng mga oras na ‘yon. Tinanong niya sa akin kung nilaro ba namin ulit ang game, wala akong magawa kundi ang umamin.

Binalaan niya ako na huwag na muling laruin ‘yon. Napagdesisyunan niya kasing hindi na kami muling magiging magkaibigan pa sa muling pagsuway ko sa kanya. 

No’ng  araw na hindi na kami muling naglaro. Nagulat kami kinabukasan dahil may nabalitaan na namatay ang dalawa naming kaklase kahit na hindi na namin nilaro ang game. Bawat araw, may namamatay at dala-dalawa na ito.

Napagtanto ko na ang mga namamatay ay ang mga kabilang sa game, natigil lang ito nang mawala na sila. Pero, labis akong nagtataka bakit hindi kami namatay? Isa naman kami ni Josie sa mga naglaro o nagpasimuno ng laro. Kaya imposibleng dahil ‘yon sa ginawa naming game kaya namatay ang mga kaklase namin.

"Hoy, Valerie!" Napabalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Josie. 

"Nandito na tayo, bumaba ka na diyan," saad niya.

Isinukbit ko naman muli ang bag na dala ko saka ako bumaba na sa tricycle. Naglakad naman na kaming dalawa ni Josie papasok sa school. 

Nakarating na kami sa loob ng room at dumiretso na kami sa kanya-kanya naming upuan. May seating arrangement na ngayon, hindi ko alam kung bakit nagkaroon na ng ganito sa school. Since Reyes ako nasa bandang likod ako at si Josie naman ay medyo nauna sa akin since Ocampo siya. 

Pagkalapag ko ng bag ko naisipan ko na agad na mag-recruit ng mga members. Nilapitan ko naman agad ang dalawa kong kaklase na bagong dating. Agad ko naman silang hinarangan. 

"May kagrupo na kayo sa pinapagawa sa ’ting performance?" masayang tanong ko. 

"Actually, wala pa nga eh," sagot ng lalake. 

"Talaga?! Dito na lang kayo sa amin nila Josie!" excited kong tugon.

"Sure!" sagot naman ng lalake. 

"Ayun sige! Anong names niyo?” Inilabas ko naman ang phone ko at dumiretso ako sa notes ko sa phone para doon na lang ilista ang mga pangalan nila. 

"I'm Levi Salazar," sagot ng lalaking may magagandang ngiti. 

"Okay. Ikaw naman?" tanong ko sa kasama nito na tahimik lang.

Hindi niya naman ako inimik at nagpatuloy lang ito maglakad sa pwesto niya. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa kanya dahil sa ipinakita niyang attitude sa harap ko. 

Feeling cool, pwe!

"Pasensya ka na doon sa kaibigan ko ha?" Napalingon naman ako sa kaniya na nasa harapan ko.

"Gano'n ba talaga ang ugali no’n?" pagsisigurado ko.

"Ah, oo eh. Pagpasensyahan mo na. Ali Rivera pala ang name ng kaibigan ko," tugon niya.

"Okay, salamat sa pagsali sa amin ha. Kuhain ko na lang ang number mo kung pwede para mainform ko kayo sa practices or meetings for the performance," saad ko kay Levi.

Dinikta niya naman ang number niya, "Nasa kalagitnaan na tayo ng pasukan hindi mo pa rin kami kilalang mga classmates mo?" nagtatakang sambit ni Levi. 

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oo eh,” simpleng tugon ko. 

"I see. But, I knew you. Kayo ng kaibigan mong si Josie,”  sagot nito na hindi ko na  ikinabigla.

“Hindi na rin ako magtataka, lagi ba naman kami natatawag ng mga teachers,” nakangising tugon ko kay Levi. 

"Kaya nga nagulat ako nang lumapit ka sa amin at ayain kaming dalawa ng kaibigan ko na maging kagrupo niyo,” nakangising saad nito.

"Baliw,” natatawang tugon ko. 

Sakto rin na dumating na ang adviser namin kaya wala kaming magawa kundi bumalik sa sari-sarili naming upuan. 

Wala naman ibang ginawang kakaiba, kundi discussion lang. Sa mga susunod na subjects pa naman ang ibang activities na sinabi kong gagawin namin. 

Nauna namang bumaba si Josie sa canteen para bumili ng makakain namin at para makakuha rin agad ng upuan. Nagpahuli ako dahil magre-recruit pa ako ng ibang mga members para sa grupo. Masaya naman ako dahil nakahanap ako. Lumabas naman na ako sa room para dumiretso sa canteen para kumain.

Isang babae na lang ang kulang.

Nakarating naman na ako sa canteen at naabutan ko nga doon si Josie na kumakain na. 

"Ano, okay na ba ang members?" tanong ni Josie. 

"Oo, okay na. Isa na lang ang kulang," nakangiting sagot ko. 

Tinaasan niya naman ako ng kilay at saka kinuha ang hawak kong phone kung saan naroon ang mga names ng members.

"Okay na ‘yan," aniya nang makita ang members.

Napaisip naman ako. Saka ako sumang-ayon na ayos na nga ang dami ng members.

Limang babae,

Lima ring lalake,

Sakto na nga.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang may biglang lumapit sa mesa namin ni Josie.

"Uhm, hello..." bati ng isang babae. 

Mukhang mahiyain siya. "Hi?" bati ko pabalik. 

"C-classmate niyo ako, pwede pa ba akong sumali sa grupo niyo? W-wala pa kasi akong ka-grupo eh." Sasagot na sana ako nang inunahan ako ni Josie ng sagot. 

"Hindi na pwede. Sakto na kami, sa iba na lang. Mukha namang mayroon pa ang mga kaklase natin na pwede pang salihan,” naiiritang saad nI Josie. 

Sinipa ko naman ang paa ni Josie sa ilalim ng mesa. Taka naman siyang tumingin sa akin, tumingin lang naman ako sa babae na nasa harapan namin ngayon. 

"Huwag ka diyan makinig sa kasama ko. Oo naman, pwedeng-pwede ka sumali," nakangiting tugon ko. 

Napapalakpak naman ito sa tuwa, "Talaga?! Salamat! Salamat ng marami!" nakangiting tugon niya. 

“Kunin ko lang 'yong name at number mo," nakangiting saad ko.

“Ako si Morgan Torres," sagot niya at saka niya binigay ang number niya.

Tumango naman ako saka ko inilagay sa notes ang pangalan niya. 

"Maraming salamat talaga!" masayang saad ni Morgan. 

Nakita ko naman sa peripheral view ko ang masamang titig ni Josie kay Morgan. 

"Sige, mauuna na ako. Bye!" paalam niya at tuluyan nang umalis. 

Nagpatuloy naman na kami sa pagkain at hindi muna pinansin ang bawat isa. Bumalik na kami sa room after ng breaktime namin. Saka kami nagtungo sa gagawin naming activity. By individual ‘yon, at kami na namang dalawa ni Josie ang nakakuha ng mataas na scores. 

Uwian na namin at naglakad na kami palabas sa may school at agad na ring sumakay sa nakalinyang tricycle sa may tapat ng school.

Mabilis naman kaming nakarating sa mismong subdivision namin at naglakad na muli papasok sa loob. Nagtataka naman ako kung bakit tahimik si Josie. 

Well, normal naman ito. Pero ngayon parang ang lalim nang iniisip. 

"Huy! Ba't ang tahimik mo naman?" Hinabol ko pa siya dahil nauuna siyang maglakad. 

"Nag-iisip lang ako ng steps para sa performance," simpleng sagot niya. 

Hindi naman ako nakumbinsi o naniwala sa sinagot niya. "Sus, hindi ka naman gan'yan mag-isip," pangungulit ko. 

Hindi naman siya nagsalita. Mukhang nag-iisip nga talaga ng steps? 

"Uhm, Josie." Taka naman siyang tumingin sa akin. 

“Bakit?" takang tanong niya. 

"Yung Morgan." Napataas naman ang kilay niya nang marinig niya ang pangalan ni Morgan. 

"Oh bakit? Anong meron sa kanya?" tanong niya saka siya nagpatuloy sa paglalakad. 

"Sa tingin ko siya 'yong galing sa ibang section no’ng Freshman tayo. Nakasali na rin siya sa game at siya ‘yong sinasabi kong mabilis nakahula ng Mafia," pagkwento ko.

“Halos lahat ng kaklase natin na kasama sa game ay namatay, maliban sa atin at sa babaeng ‘yon na si Morgan,” dagdag ko pa. 

Nagulat naman ako sa biglang pagtigil ni Josie sa paglalakad. "Oh, bakit napatigil ka?" taka kong tanong. 

"Let's play the game again." 

Related chapters

  • The Mafia and Citizens   + IKALAWA +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ II. IKALAWA Josie Ocampo's PoV Alam kong lubusan pa ring nagtataka si Valerie sa sinabi ko kanina lang no’ng magkasama kami. Ang alam niya kasi, ayaw na ayaw ko na muling laruin ang larong ‘yon. Sa kadahilanang, may napapahamak na tao kapag nilaro namin ito at nasa game ang mapapahamak. Pero hindi siya naniniwala kasi hindi naman kami napahamak kahit na nasa loob kami ng game. Ngunit, iba pa rin ang pakiramdam ko sa nagawa ng krimen. Alam kong may plano siya kaya hindi niya muna kami ginalaw o pinatay ni Valerie no’ng mga oras na ‘yon. Even Morgan na isa pala sa nakasama ni Valerie sa laro. Alam kong limang taon na ang nakalipas ng paslangin niya ang mga kaklase kong

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKALAWA + (2.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ II. IKALAWA (2.1) Josie Ocampo's PoV "Josie, right?" pagsisigurado niya. Tumango naman ako bilang sagot, “Anong kailangan mo?” walang gana kong tanong rito. Hindi makapaniwala ang mukha nito. "Seriously?! You didn’t know me?" “Hindi eh, hindi rin naman kailangan na kilala kita.” Nakita ko naman ang malaking pagngisi niya sa sinabi ko patungkol sa kanya. “Oh... kakaiba,” komento niya.

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKATLO +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO Ali Rivera's PoV Halos magi-isang oras na rin nang makaalis si Josie. At mabuti na lang na umalis na siya dahil naiirita ako sa presensya niya. Alam naming dalawa na ayaw namin sa isa’t isa, kaya kahit simpleng pansinan hindi namin magawa. Hindi ko rin naman matanggap na pinsan ko siya, kaya nga gano’n ko na lang siya binalaan na ‘wag sasabihin kung ano ang koneksyon naming dalawa. Sigurado rin ako kanina na wala talaga siyang balak na tulungan ako kung hindi ko pa siya bibigyan ng kondisyon. Gumawa pa siya ng dahilan niya na takot siya sa dugo, ako pa ang niloko niya. Hindi naman talaga siya mabait, sa harapan lang ng mga magulang ko lalo na kay Mama. Kasi sigurado ako kapag ipinakita niya ang totoong kulay niya wala na siyang

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKATLO + (3.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO (3.1) Ali Rivera’s PoV It's so dark, cold, the room is stinky and full of trash. I don’t have any idea where I am right now. The only thing that I remembered is I was just waiting for my Mom to fetch me, and suddenly a lady kidnapped me. And of course, she brought me here. I feel so lonely and scared. I miss my Mom and Dad already, I am really sure that they are worrying about me. Kinuha ko ang school bag ko na nasa gilid at halatang basta itinapon na lang ito nang pinasok ako dito sa kwartong ‘to. Kinuha ko ang dala kong tumbler na nasa school bag ko dahil sobra ng nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko rin alam kung ilang oras na ako nandirito sa kwartong ‘to.

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKATLO + (3.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO (3.2) Ali Rivera’s PoV Nagising ako ng puno ng pawis sa katawan dahil muli ko na namang napanaginipan ang nakaraan ko no’ng bata ako. Halos hindi ako makausap ng matino ng mga magulang ko. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako at hawak pa rin ako ng babae na ‘yon. Tila sinusundan ako ng karanasan ko na ‘yon na pati sa pagtulog ko ay hindi ako nito iniiwan. At sa tuwing kinakausap ako ni Dad, lagi niya sa akin pinapaalala na ‘wag ko sabihin kay Mom ang totoong nangyari o patungkol mismo sa babae. Alam kong ayaw na ng gulo ni Dad at ayaw niyang masira ang pamilya na binuo nila. Pero, hanggang ngayon ay dala-dala ko ang nakaraan. May mga araw na kapag nakakausap ko si

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT Josie Ocampo’s PoV Naalimpungatan ako dahil tila naramdaman kong wala akong kasama sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang dalawang mata ko at agad na umayos ng upo at dumiretso ako ng tingin sa higaan ni Ali. At tama nga ang pakiramdam ko, wala akong kasama dito sa loob at iniwan ako ng timang na Ali na ‘yon. Hindi ko naman maisip kung sa’n siya maaaring pumunta. Tiningnan ko ang orasan at 5am na rin ng madaling araw, nakita ko pa na may unread messages ako na agad kong binuksan para basahin. Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko ang message ni Tita sa akin na malapit na siya sa Hospital, at sigurado akong nandirito na siya ngayon at hinahanap ang kwarto ni Ali.

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT + (4.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.1) Josie Ocampo’s PoV Hindi pa ako nakakahanap ng susunod kong sasabihin ay agad na itong binaba ni Crimson. Bukod sa kahit gano’n ang tono ng boses niya, alam ko naman kung gaano siya ka-seryoso patungkol sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung pa’no ko nalalaman, pero ayon ang nararamdaman ko. Bumalik ako sa loob ng fast food na pinasukan namin kanina. Hindi naman agad nahanap ng mga mata ko si Tita, mabuti na lang at kumaway ito sa akin. “Sino ‘yong tumawag? Is it important?” tanong ni Tita nang makaupo ako.

    Last Updated : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT + (4.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.2) Josie Ocampo’s PoV “You can stay at my house,” biglang ani nito. Natawa naman ako sa sinabi niya, “Wow ha, paano mo nasasabing wala akong matutuluyan ngayon?” nakangising tugon ko rito. Nagkamot naman ito sa batok niya saka naglakad papalapit sa akin. “Ano ba ‘yang mga dala mo? Mga gamit mo, diba? Wala namang show ngayon para magdala ka ng mga props,” natatawang sambit nito. Inirapan ko naman siya, “Kanya-kanyang trip lang ‘to,” tugon ko naman sa kanya.

    Last Updated : 2021-10-07

Latest chapter

  • The Mafia and Citizens   + IKASAMPU + (10.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU (10.1)Josie Ocampo’s PoVKasalukuyang nasa hapag-kainan ako ngayon kasama ang pamilya ni Valerie maliban sa Papa niya na maaga lagi ang pasok kaya madalas ay hindi na naabutan pa ni Valerie sa umaga. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya after ng mga nangyari, buong akala ng Mama ni Valerie ay nasira ang pagkakaibigan namin nito sa kadahiilanang halos dalawang araw rin akong hindi dumaan sa kanila.“Bakit ang aga niyo pa rin gumising ngayon, anak? Wala naman kayong pasok diba? Linggo ngayon,” ani ni Aling Marites. “Mayroon kaming practice, Ma. Kaya nga late na po ako nakauwi kagabi,” sagot naman ni Valerie habang nanguya ng kinakain niya. “Gano’n ba? Kailan lang ‘tong dumating si Josie? Hindi mo naman siya kagabi na umuwi,” tanong muli nito. “Tulog na po kayo kagabi ‘non kaya hindi niyo siya naabutan,” muling tugon ni Valerie. Hindi ko naman magawang umimik sa usapan nila dahil wala naman rin akong balak magsalita. Lalo na’t sobrang nagtat

  • The Mafia and Citizens   + IKASAMPU +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU Josie Ocampo’s PoVMalayang bumabagsak ang mga tubig mula sa katawan ko habang nakatayo ako at kasama na roon ang sobrang daming iniisip lalo na ang mga nangyari kanina. Hindi ko rin naman ginusto na matalo ‘non si Morgan, at hindi ko rin inaasahan na kaming dalawa ang matitira sa game. Sa pinaka-loob ko, gusto ko siyang samahan para alam kong ligtas siya at walang mangyayari sa kaniya pero kung gagawin ko ‘yon baka isipin niyang pinapatawad ko na siya. Masakit pa rin sa akin ang ginawa niyang pagpatay sa nakababata kong kapatid na si Mesie, kaya malabong mapatawad ko siya agad. Sa kadahilanang, hindi naman siya ang nagdurusa ng ilang taon ngunit ako na wala ng halos na pamilya ngayon. Lumabas na ako ng banyo nang matapos akong magbabad sa tubig, halos magda-dalawang oras rin ang ginugol ko sa loob sa sobrang daming iniisip. Kasama na rin doon na aalis na ako dito sa bahay nila Sean kahit na nakaka-dalawang araw pa lang ako, hindi ko talaga ma

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM + (9.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶IX. IKASIYAM (9.2)Levi Salazar’s PoVKasalukuyan lang akong nakasunod kay Hope at Morgan sa kanilang likuran, pababa na rin kami muli sa exit ng building na ito. Pagkatapos ng ginawang pag-text sa aming lahat ni Crimson ay ito namang pag-alis naming lahat dahil hindi naman namin nakuha ang pinaka-punto ng sinabi niya. Hindi ko naman na magawang pigilan si Hope sa gusto niyang gawin kay Morgan sa pagsabay nito sa kanya para lang maging safe ito. Hindi ko rin naman magawang iwanan ito dahil ayoko rin namang uuwi siya ng mag-isa kaya wala akong choice kundi ang samahan sila pareho. “Okay na talaga ako Hope, hindi mo na ako kailangang ihatid sa ‘min,” rinig kong ani ni Morgan sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa exit na pala kami sa sobrang pag-iisip. “Hindi ‘yon okay Morgan, kasama naman natin si Levi,” pamimilit pa rin ni Hope.“Hindi na talaga Hope, naiintindihan kita na gusto mo lang akong tulungan. Pero ayoko naman ng dahil sa ‘kin ay madadamay pa kayo.

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM + (9.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IX. IKASIYAM (9.1) Levi Salazar’s PoV Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa adviser namin lalo na kay Ali na kasalukuyang may benda ang braso. Sinundan ko lang ng tingin si Ali hanggang sa maupo ito sa tabi ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Sobrang laki ng pagtataka ang namumuo sa isipan ko, magulo na nga ang nangyayari ngayon mas lalo pang pinapagulo ng susunod na nangyayari. “A-anong g-ginagawa mo d-dito?” takang tanong ko dito at hindi na maiwasan ng boses ko na mautal. Tanging pagkunot lang ng noo ang ibinigay nito sa akin. Ito talaga ang ayaw niya na nasa kanya ang atensyon ng lahat pero wala siyang magagawa dahil lahat naman kami ay naghihintay ng sagot niya. Kaya wala naman itong nagawa. “I also knew Crimson, at itong benda sa braso ko ngayon siya ang may gawa nito. So here I am, joining this shit because I don’t have any choice,” napilitang paliwanag nito. “Pero hindi ako sasali sa performance na ginagawa niyo, nandito lang

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IX. IKASIYAM Levi Salazar’s PoV Itinabi ko sa gilid ang ginamit kong motor papunta dito sa building kung saan dito kami magsisimula mag-practice ng gagawin naming performance ng mga kagrupo ko. Dinaanan ko muna ang kaibigan kong si Ali sa Hospital bago ako dumiretso dito, ngayon ko lang rin nalaman na nasa Hospital siya kaya pala dalawang araw na siyang wala sa klase. Buong akala ko ay nagkasakit lang, usually kasi hindi rin siya nagsasabi kapag may nangyari sa kanya pero medyo na-disappoint lang ako nang hindi niya sabihin ang sitwasyon niya ngayon na kaya pala siya nando’n ay dahil nasaksak siya nang hindi niya kilala. Nagulat rin ako na nando’n si Tita, pero dapat lang na nando’n siya dahil wala namang ibang mag-aalaga kay Ali kasi wala naman rin siyang ibang kaibigan o girlfriend man lang. Hindi rin naman ako, dahil ayokong mag-alaga sa masungit na ‘yon. Tiningnan ko ang oras at may kinse-minutos pa naman bago magsimula ang lahat. Nagtataka rin ako

  • The Mafia and Citizens   + IKAWALO + (8.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶VIII. IKAWALO (8.1)Hope Bautista’s PoVHalos magmadali ako sa pagtapos ng mga assignments na ginawa ko dahil dadaan pa ako ng presinto bago ako dumiretso ng school para ibigay ang ginawa kong assignments sa mga seniors na nagpagawa sa akin. Wala kaming pasok ngayon, pero ngayon ang araw na mag-uumpisa kaming mag-practice gaya nang napag-usapan at ngayon rin namin mismo sisimulan ang game. Inilagay ko naman ang mga gamit ko sa bag ko bago ako nagpaalam sa kapatid ko na kasalukuyang maliligo pa lang.“Aalis na ako, Ervin ha. Mamaya pa akong alas-kwatro ng umaga makakauwi, ikaw ng bahala dito sa bahay. Laging magsara ng pintuan, at kapag pupunta ‘yong mga kaibigan mo siguraduhing sasabihin mo muna sa akin, mahabang paalala ko rito. “Oo, Ate. Alam ko na po ‘yon, mag=iingat ka ha, maliligo na rin ako,” tugon naman nito saka dumiretso na sa banyo. Umalis naman na ako sa bahay at agad kong tinawag ang tricycle na saktong dumaan sa harapan ko. Tiningnan ko ang o

  • The Mafia and Citizens   + IKAWALO +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶VIII. IKAWALOHope Bautista’s PoVNapatingin ako sa nakahimlay na katawan ni Jesse sa sofa namin. Kasalukuyan itong mahimbing na natutulog na may mga pasa sa mukha nito. Agaw pansin naman lalo ang pasa sa bandang mata niya na nakita kong sinuntok kanina ng isang lalaki na may balak pa akong galawin.Napahawak ako sa sentido ko nang maisip na naman ang nangyari kanina lang. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito na nakadagdag sa mga iniisip ko. Bukod sa may nakaalam ng trabaho ko, nakita ko pa harap-harapan ang pagpatay ni Crimson. Halos hindi ako makapaniwala kanina sa nakita ko, akala ko katapusan na rin ng buhay ko.“Ate? Sino siya

  • The Mafia and Citizens   + IKAPITO + (7.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO (7.1) Jesse Villanueva’s PoV Halos tulala ako at diretso lang ang tingin ko habang naglalakad papunta sa bar na pinapasukan ko sa kadahilanang sa napag-usapan naman ni Crimson kani–kanina lang. Ang hirap man aminin, pero lahat ng sinabi niya kanina ay may point na talaga namang ikinaatras ko. Nakarating ako sa bar at agad akong nagsuot ng uniform ko. Dumiretso naman ako sa pwesto ko kung saan ang VIP Area, mismong si Brady ang naglagay sa pwesto kong ‘to dahil gusto niyang ako ang gagawa ng iinumin niya. Hindi ko naman siya naabutan ngayon sa pwesto, marahil mamaya pa ‘yon pupunta dito at may dala na namang babae. Walang araw na hindi naman ‘yon nagpupunta dito sa mismong bar niya at laging may kasa-kasama na babae. Mabait si Brady kung tutuusin, pero hindi ko na rin mabilang kung ilan ang nadala niya na dito na babae. Hindi niya rin maisip ang tungkol kay Crimson dahil siguro ay hindi pa siya nito inaatake kaya gano’n na lang rin siya u

  • The Mafia and Citizens   + IKAPITO + (7.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO (7.1) Jesse Villanueva’s PoV Hindi ko naman na magawang bumalik muli sa klase, hinintay ko na lang na magbreaktime sa pamamagitan ng pagtulog dahil halos araw-araw rin naman talaga na kulang akong sa tulog. Nang magising ako, bumili muna ako ng makakain ko sa canteen at ramdam at rinig ko na agad ang mga bulungan nila tungkol sa akin. At nangunguna nga doon ang boses ni Lauren, na hindi ko naman na binigyang-pansin gaya ng nakasanayan ko. Akala niya siguro gusto siya ng mga nakakasama niya, masyado kasing uhaw sa atensyon. Dumiretso naman na ako sa rooftop habang ngumunguya ng binili kong pagkain. Mayroon daw ka

DMCA.com Protection Status