Share

+ IKALAWA +

Author: loveloce
last update Huling Na-update: 2021-10-07 14:42:13

¶ The Mafia and Citizens ¶

II. IKALAWA

Josie Ocampo's PoV

Alam kong lubusan pa ring nagtataka si Valerie sa sinabi ko kanina lang no’ng magkasama kami. Ang alam niya kasi, ayaw na ayaw ko na muling laruin ang larong ‘yon. Sa kadahilanang, may napapahamak na tao kapag nilaro namin ito at nasa game ang mapapahamak. Pero hindi siya naniniwala kasi hindi naman kami napahamak kahit na nasa loob kami ng game. 

Ngunit, iba pa rin ang pakiramdam ko sa nagawa ng krimen. Alam kong may plano siya kaya hindi niya muna kami ginalaw o pinatay ni Valerie no’ng mga oras na ‘yon. Even Morgan na isa pala sa nakasama ni Valerie sa laro. 

Alam kong limang taon na ang nakalipas ng paslangin niya ang mga kaklase kong kasama sa game. At sa matagal na panahon na ‘yon walang nakuha ang mga pulis dito. Gusto ko man magsalita sa mga oras na ‘yon, panigurado na pagtatawanan lang ako ng mga kapulisan. 

Dahil aminin na natin, sarado ang mga utak nila sa mga opinyon o karanasan ng mga bata. Hindi sila naniniwala sa mga bata. Mga utak pugo!

At sa nararamdaman ko ngayon nagmamasid pa rin siya at inaalam niya kung lalaruin pa ba namin ito o hindi. At simula nang makita kong muli si Morgan, bigla ko na lang rin naisip ang game na ‘yon at sumagi sa isip ko kung muli ko itong ibabalik at lalaruin. Ngunit naghintay ako ng sign no’n, at ang usapan nga namin iyon ni Morgan ang nagsilbing sign sa akin.

Tila may pakiramdam rin ako na doon siya lalabas kapag muli namin itong lalaruin. At isa pang nararamdaman ko na nais niya talagang laruin muli namin ang game sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi lang dahil gusto niya pumatay muli, alam kong may iba pang rason na dapat kong malaman habang wala pa siyang pinapatay. Gusto ko lang na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga dati kong kaklase. Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko ang lahat.

Muli ko na namang naabutan ang pinsan ko na nakaupo sa sofa at nanonood ng series sa N*****x. Lumingon lang siya saglit at muling binalik ang paningin niya sa television na nasa harap niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.

"Kumain ka na lang diyan, may hapunan na sa mesa. Tapos na ako kumain," sambit niya na ikinagulat ko ng kaunti.

Hindi ko naman na s’ya sinagot. Saka ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Nasa province 'yong mga magulang ko. Samantalang nasa business ang mga magulang ng pinsan kong ito. Dito muna ako pinatira ng mga magulang ko, sa bahay ni Tita na kapatid ni Mama since before ako maging Freshman student. Kaya halos limang taon rin kaming magkasama ng pinsan kong 'to, pero hindi kami close. As in. Halata naman diba. 

Matapos magbihis, bumaba ako agad para kumain. Ngunit nagtaka naman ako dahil hindi ko naabutan sa sala ang pinsan ko na nanonood. Pero, nakabukas pa rin 'yong television at nakahinto naman ito. 

Lumapit naman ako sa pwesto ng pinsan ko kanina sa may sofa. Nahagip naman ng dalawang mata ko ang phone niyang nakailaw pa rin at saktong nasa message pa rin ito. Kinuha ko naman kaagad ang phone niya at binasa ang naroon sa message. 

Unknown number na mukhang sa rider galing at pinick-up lang niya ang order niya. Nang makita ko na ay ibinalik ko na ito sa dating pwesto dahil alam kong sasabog ‘yon kapag nalaman niyang ginalaw ko ang gamit niya. 

Papunta na sana ako sa kusina para kumain nang marinig ko ang malakas na sigaw ng pinsan ko na si Ali at nanggagaling ito sa labas ng bahay. Dali-dali naman akong tumakbo palabas at naabutan ko itong kasalukuyang nanghihina na nakasandal sa kotse niya na naka-park pa sa tapat ng bahay. 

Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko na sobra ang pagdurugo ng braso niya kahit nakatapal na ang kaliwang kamay niya. 

“The heck, Josie!? Alam kong hindi tayo magkasundo, pero takte kumilos ka naman at ‘wag mo lang ako lakihan ng mata diyan!” inis na sigaw niya sa akin.

Kahit kailan talaga, gusto niya talaga na matapang pa rin siya kahit siya 'naman ang may kailangan ng tulong. 

"Hindi kita matutulungan, takot ako sa dugo!" sigaw ko pabalik sa kaniya at nanatiling nakatingin lang sa mga tumutulong dugo sa paahan niya.  

"Bilisan mo na Josie,” pagmamakaawa niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya base sa hitsura na nakikita ko sa kanya. 

“Tak

“Bibilhan kita ng kumpletong libro, cd’s at poster ng Harry Potter!” malakas niyang sigaw na ikinatigil ko. 

Tila nagalak ako sa sinabi niya kaya inalis ko agad sa isip ko ang takot ko sa dugo. Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang inalalayan papasok sa bahay at inupo siya sa sofa na kanina niyang inupuuan. 

Kahit maganda ang binigay na kondisyon ni Ali ay hindi maiwasan ng mga kamay ko na manginig dahil sa nakikita kong malakas na pagtagas ng dugo sa kanang braso ni Ali.

"Ano ba!? Bakit nakatulala ka lang diyan!? Tulungan mo na ako dito, bilis! Yung first aid kit nasa kwarto nila Mama!" sigaw niya na naman muli sa akin. 

Napabalikwas naman ako sa sigaw niyang 'yon. Patakbo naman akong pumunta sa kwarto nila Tita para kuhain ang first aid kit na sinasabi niya. Dumiretso naman ako sa drawer na katabi ng kama nila. Binuksan ko naman ito agad at nang makita ko ito ay agad ko itong kinuha. 

Bigla namang nagawi ang tingin ko sa labas ng bahay sa may bintana nila Tita dahil tila may nararamdaman akong nakatingin sa akin. At tama nga ang pakiramdam ko, nakatayo lang ito sa labas at hindi ko mawari ang kasarian niya. Sapagkat puro itim ang suot nito at hindi man lang nakikita ang mukha niya. 

Malakas ang pakiramdam ko na siya ang gumawa no’n kay Ali. At siya rin ang pumaslang kay Xavier at sa iba kong pang mga kaklase. Tila nawalan ako ng lakas at kinain ko sa loob ko ang mga sinabi ko kanina lang. 

Napalunok ako nang malalim at hindi ko inalis ang dalawang mata ko sa pagtitig sa taong iyon. Ganoon rin ito sa akin, ramdam ko kung paano tumagos sa akin ang maririin niyang titig na tunay na nakakapagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. 

Narinig ko naman ang malakas na sigaw ng pinsan ko sa baba dahil sa nakabukas na pintuan ng kwarto nila Tita. 

Hindi ko na sana ito papansinin, ngunit napatigil ako nang ipinakita niya sa akin ang isang matalas na kutsilyo na may mga dugo at iwinagayway ito na parang nang-aasar at tila sinasabi niya na ito ang ginamit niyang panaksak sa braso ni Ali. Saka niya dinilaan ang dugo na nasa mismong kutsilyo na tila laruan lang ang hawak nito. 

Natauhan naman ako sa ginawa niyang ‘yon kaya dali-dali akong bumaba para puntahan si Ali. Sinarado ko lahat ang mga pintuan at bintana bago ko tapatin muli si Ali. 

“A-anong nangyayari s-sa’yo?” nagtatakang tanong ni Ali at halata sa boses niya na nagtitiis sa sakit. 

“Siya ba ‘yon? N-na halos puro itim ang suot?” tanong ko rito habang hindi mapakali ang mga mata ko na tumitingin sa labas. 

Nagsalubong ang dalawang kilay nito. "G-gamutin mo muna ako!" malakas na sigaw niya.

Sumigaw ako pabalik sa kanya, “Hindi ko naman kayang gamutin niyan! Dadalhin na lang kita sa Hospital!” 

Kapag talaga kami ang nag-uusap hindi pwedeng walang sisigaw sa aming dalawa.

“Argh!” impit nito.

“H-hindi pwede, p-papatayin niya tayo,”  dugtong nito.

"Sinong niya?" takang tanong ko.

"Pwede ba Josie!? Mamaya ka na magtanong? Mauubusan na ako ng dugo!”  malakas niyang sigaw sa akin. 

“Pwede mo naman akong sagutin Ali kung gusto mong tulungan kita!” Nakita ko naman ang malalim niyang paghinga.

“Oo, siya ‘yong sumaksak sa ’kin na puro itim ang suot pero hindi mo malaman ang kasarian niya,” kalmado niyang tugon.

Hindi ko naman na siya sinagot pagkatapos no’n. Kinuha ko ang makapal na tela na nasa first aid kit saka ako malalim na huminga habang nakatingin sa malaking hiwa na nasa kanang braso ni Ali.  

Kaya mo 'to Josie, it's just blood. Meron ka rin nito. 

Nang matapos kong palakasin ang loob ko. Tila hindi pa rin maiwasan ng mga kamay ko na manginig habang iniikot ko ang tela sa kanang braso niya para matigil kahit papaano ang pagdurugo nito. 

Nakahinga ako nang maluwag matapos kong gawin iyon. 

"Natigil ko na kahit papaano ang pagdurugo, pumunta na tayo ng hospital." Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin. 

"Hindi pwede." Napahawak naman ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya. 

"Anong hindi pwede? Sabihin mo nga," kalmado kong saad. 

"Wala siyang sinabi kung bakit, ang sabi niya lang ‘wag ko raw subukan na pumunta sa hospital dahil mas pupuruhan niya ako," kwento nito.  

Napapikit ako nang mariin kasabay ang malalim na paghinga dahil sa mga nakakatangang sagot nitong pinsan ko. Kapag hindi ko siya dinala sa hospital, hindi magagamot ang sugat niya. Hindi pwedeng nakatali lang habang-buhay ‘yong sugat niya. 

Napakaduwag ng gumawa nito sa kanya, hindi marunong lumaban ng harapan. Ano pa bang aasahan ko? Masyado siyang pa-mysterious pumatay, lalo na sa mga kaklase ko noon. 

Tumingin naman ako sa kaniya at kasalukuyang nakatagilid ang mukha nito at dinarama ang sakit. 

"Pupunta tayong hospital!” buong desisyong saad ko sa harapan niya.

"Hindi nga pwede Josie," sagot niya at nanatiling nakaupo. 

"Mananahimik ka o hahayaan na lang kita diyan?” kondisyon ko sa kanya. 

Hindi naman siya nakasagot kaya kinuha ko ang tiyempo para patayuin siya. Inalalayan ko naman ang likuran niya habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanang braso niya na may tela. Wala naman siyang nagawa dahil tuluyan ko na siyang naalalayan.

"Bilisan mo nga!" asik ko sa kanya. 

“Hindi porke kailangan ko ng tulong mo ngayon, gaganyanin mo na ako. Nakikita mong hirap ako eh, pabibilisan mo pa!” reklamo niya. 

Hindi ko na siya sinagot pero para mapabilis marahan ko siyang tinutulak upang lumaki ang mga hakbang niya. 

Nang makalabas kami, nagmasid muna ako sa paligid kung naroon pa siya. Pero wala naman akong nakita na bakas niya. O baka sakaling nakatingin siya sa amin at hindi namin ‘yon nakikita. Wala akong pakialam kung hindi man nasunod ni Ali ang gusto niya basta magamot lang siya dahil ayoko na namang masisi ako.

Inalalayan ko muna siyang pasakayin sa passenger seat saka ako umikot papunta sa driver seat. Pagkapasok ko ay ini-start ko agad ang engine at lumisan agad sa bahay. 

Mabilis naman kaming nakarating sa hospital at sinalubong agad siya ng nga nurses at tinanong ako kung ano ang nangyari. Sinabi ko naman ang totoo, sinaksak siya ng taong hindi namin kilala. 

Nakaupo lang ako sa mga upuan na nasa tapat kung nasaan na room ang pinsan kong si Ali.  Tiningnan ko ang oras at maga-alas dies na rin ng gabi. Inaantok na ako at papikit na rin ng mga mata ko. Buti na lang at walang assignments na pinagawa ngayon kaya hindi ako masyadong mamomoblema.

"Hey, Josie." 

Kaugnay na kabanata

  • The Mafia and Citizens   + IKALAWA + (2.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ II. IKALAWA (2.1) Josie Ocampo's PoV "Josie, right?" pagsisigurado niya. Tumango naman ako bilang sagot, “Anong kailangan mo?” walang gana kong tanong rito. Hindi makapaniwala ang mukha nito. "Seriously?! You didn’t know me?" “Hindi eh, hindi rin naman kailangan na kilala kita.” Nakita ko naman ang malaking pagngisi niya sa sinabi ko patungkol sa kanya. “Oh... kakaiba,” komento niya.

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKATLO +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO Ali Rivera's PoV Halos magi-isang oras na rin nang makaalis si Josie. At mabuti na lang na umalis na siya dahil naiirita ako sa presensya niya. Alam naming dalawa na ayaw namin sa isa’t isa, kaya kahit simpleng pansinan hindi namin magawa. Hindi ko rin naman matanggap na pinsan ko siya, kaya nga gano’n ko na lang siya binalaan na ‘wag sasabihin kung ano ang koneksyon naming dalawa. Sigurado rin ako kanina na wala talaga siyang balak na tulungan ako kung hindi ko pa siya bibigyan ng kondisyon. Gumawa pa siya ng dahilan niya na takot siya sa dugo, ako pa ang niloko niya. Hindi naman talaga siya mabait, sa harapan lang ng mga magulang ko lalo na kay Mama. Kasi sigurado ako kapag ipinakita niya ang totoong kulay niya wala na siyang

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKATLO + (3.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO (3.1) Ali Rivera’s PoV It's so dark, cold, the room is stinky and full of trash. I don’t have any idea where I am right now. The only thing that I remembered is I was just waiting for my Mom to fetch me, and suddenly a lady kidnapped me. And of course, she brought me here. I feel so lonely and scared. I miss my Mom and Dad already, I am really sure that they are worrying about me. Kinuha ko ang school bag ko na nasa gilid at halatang basta itinapon na lang ito nang pinasok ako dito sa kwartong ‘to. Kinuha ko ang dala kong tumbler na nasa school bag ko dahil sobra ng nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko rin alam kung ilang oras na ako nandirito sa kwartong ‘to.

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKATLO + (3.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO (3.2) Ali Rivera’s PoV Nagising ako ng puno ng pawis sa katawan dahil muli ko na namang napanaginipan ang nakaraan ko no’ng bata ako. Halos hindi ako makausap ng matino ng mga magulang ko. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako at hawak pa rin ako ng babae na ‘yon. Tila sinusundan ako ng karanasan ko na ‘yon na pati sa pagtulog ko ay hindi ako nito iniiwan. At sa tuwing kinakausap ako ni Dad, lagi niya sa akin pinapaalala na ‘wag ko sabihin kay Mom ang totoong nangyari o patungkol mismo sa babae. Alam kong ayaw na ng gulo ni Dad at ayaw niyang masira ang pamilya na binuo nila. Pero, hanggang ngayon ay dala-dala ko ang nakaraan. May mga araw na kapag nakakausap ko si

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT Josie Ocampo’s PoV Naalimpungatan ako dahil tila naramdaman kong wala akong kasama sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang dalawang mata ko at agad na umayos ng upo at dumiretso ako ng tingin sa higaan ni Ali. At tama nga ang pakiramdam ko, wala akong kasama dito sa loob at iniwan ako ng timang na Ali na ‘yon. Hindi ko naman maisip kung sa’n siya maaaring pumunta. Tiningnan ko ang orasan at 5am na rin ng madaling araw, nakita ko pa na may unread messages ako na agad kong binuksan para basahin. Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko ang message ni Tita sa akin na malapit na siya sa Hospital, at sigurado akong nandirito na siya ngayon at hinahanap ang kwarto ni Ali.

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT + (4.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.1) Josie Ocampo’s PoV Hindi pa ako nakakahanap ng susunod kong sasabihin ay agad na itong binaba ni Crimson. Bukod sa kahit gano’n ang tono ng boses niya, alam ko naman kung gaano siya ka-seryoso patungkol sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung pa’no ko nalalaman, pero ayon ang nararamdaman ko. Bumalik ako sa loob ng fast food na pinasukan namin kanina. Hindi naman agad nahanap ng mga mata ko si Tita, mabuti na lang at kumaway ito sa akin. “Sino ‘yong tumawag? Is it important?” tanong ni Tita nang makaupo ako.

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT + (4.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.2) Josie Ocampo’s PoV “You can stay at my house,” biglang ani nito. Natawa naman ako sa sinabi niya, “Wow ha, paano mo nasasabing wala akong matutuluyan ngayon?” nakangising tugon ko rito. Nagkamot naman ito sa batok niya saka naglakad papalapit sa akin. “Ano ba ‘yang mga dala mo? Mga gamit mo, diba? Wala namang show ngayon para magdala ka ng mga props,” natatawang sambit nito. Inirapan ko naman siya, “Kanya-kanyang trip lang ‘to,” tugon ko naman sa kanya.

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • The Mafia and Citizens   + IKAAPAT + (4.3)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IV. IKAAPAT (4.3) Josie Ocampo’s PoV Nakita ko kung gaano naging aligaga si Sean sa pagbukas niya pa lang ng pintuan ng kotse niya. Muntikan niya pa akong maiwan sa sobrang pagmamadali. Nasa loob na kami ng kotse ngayon, hindi ko mabasa ang nasa utak ni Sean ngayon, basta hindi maaliwalas ang mukha nito hindi gaya sa nakikita ko kanina lang. “Shit!” malutong na mura nito at malakas na pinalo ang manibela. Nagulat naman ako do’n at napatingin ako sa harapan ko. Tumigil ang sasakyan na nasa harapan namin, tiningnan ko ang oras at maga-alas nuwebe na rin ng gabi. Huwag sa

    Huling Na-update : 2021-10-07

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia and Citizens   + IKASAMPU + (10.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU (10.1)Josie Ocampo’s PoVKasalukuyang nasa hapag-kainan ako ngayon kasama ang pamilya ni Valerie maliban sa Papa niya na maaga lagi ang pasok kaya madalas ay hindi na naabutan pa ni Valerie sa umaga. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya after ng mga nangyari, buong akala ng Mama ni Valerie ay nasira ang pagkakaibigan namin nito sa kadahiilanang halos dalawang araw rin akong hindi dumaan sa kanila.“Bakit ang aga niyo pa rin gumising ngayon, anak? Wala naman kayong pasok diba? Linggo ngayon,” ani ni Aling Marites. “Mayroon kaming practice, Ma. Kaya nga late na po ako nakauwi kagabi,” sagot naman ni Valerie habang nanguya ng kinakain niya. “Gano’n ba? Kailan lang ‘tong dumating si Josie? Hindi mo naman siya kagabi na umuwi,” tanong muli nito. “Tulog na po kayo kagabi ‘non kaya hindi niyo siya naabutan,” muling tugon ni Valerie. Hindi ko naman magawang umimik sa usapan nila dahil wala naman rin akong balak magsalita. Lalo na’t sobrang nagtat

  • The Mafia and Citizens   + IKASAMPU +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU Josie Ocampo’s PoVMalayang bumabagsak ang mga tubig mula sa katawan ko habang nakatayo ako at kasama na roon ang sobrang daming iniisip lalo na ang mga nangyari kanina. Hindi ko rin naman ginusto na matalo ‘non si Morgan, at hindi ko rin inaasahan na kaming dalawa ang matitira sa game. Sa pinaka-loob ko, gusto ko siyang samahan para alam kong ligtas siya at walang mangyayari sa kaniya pero kung gagawin ko ‘yon baka isipin niyang pinapatawad ko na siya. Masakit pa rin sa akin ang ginawa niyang pagpatay sa nakababata kong kapatid na si Mesie, kaya malabong mapatawad ko siya agad. Sa kadahilanang, hindi naman siya ang nagdurusa ng ilang taon ngunit ako na wala ng halos na pamilya ngayon. Lumabas na ako ng banyo nang matapos akong magbabad sa tubig, halos magda-dalawang oras rin ang ginugol ko sa loob sa sobrang daming iniisip. Kasama na rin doon na aalis na ako dito sa bahay nila Sean kahit na nakaka-dalawang araw pa lang ako, hindi ko talaga ma

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM + (9.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶IX. IKASIYAM (9.2)Levi Salazar’s PoVKasalukuyan lang akong nakasunod kay Hope at Morgan sa kanilang likuran, pababa na rin kami muli sa exit ng building na ito. Pagkatapos ng ginawang pag-text sa aming lahat ni Crimson ay ito namang pag-alis naming lahat dahil hindi naman namin nakuha ang pinaka-punto ng sinabi niya. Hindi ko naman na magawang pigilan si Hope sa gusto niyang gawin kay Morgan sa pagsabay nito sa kanya para lang maging safe ito. Hindi ko rin naman magawang iwanan ito dahil ayoko rin namang uuwi siya ng mag-isa kaya wala akong choice kundi ang samahan sila pareho. “Okay na talaga ako Hope, hindi mo na ako kailangang ihatid sa ‘min,” rinig kong ani ni Morgan sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa exit na pala kami sa sobrang pag-iisip. “Hindi ‘yon okay Morgan, kasama naman natin si Levi,” pamimilit pa rin ni Hope.“Hindi na talaga Hope, naiintindihan kita na gusto mo lang akong tulungan. Pero ayoko naman ng dahil sa ‘kin ay madadamay pa kayo.

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM + (9.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IX. IKASIYAM (9.1) Levi Salazar’s PoV Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa adviser namin lalo na kay Ali na kasalukuyang may benda ang braso. Sinundan ko lang ng tingin si Ali hanggang sa maupo ito sa tabi ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Sobrang laki ng pagtataka ang namumuo sa isipan ko, magulo na nga ang nangyayari ngayon mas lalo pang pinapagulo ng susunod na nangyayari. “A-anong g-ginagawa mo d-dito?” takang tanong ko dito at hindi na maiwasan ng boses ko na mautal. Tanging pagkunot lang ng noo ang ibinigay nito sa akin. Ito talaga ang ayaw niya na nasa kanya ang atensyon ng lahat pero wala siyang magagawa dahil lahat naman kami ay naghihintay ng sagot niya. Kaya wala naman itong nagawa. “I also knew Crimson, at itong benda sa braso ko ngayon siya ang may gawa nito. So here I am, joining this shit because I don’t have any choice,” napilitang paliwanag nito. “Pero hindi ako sasali sa performance na ginagawa niyo, nandito lang

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IX. IKASIYAM Levi Salazar’s PoV Itinabi ko sa gilid ang ginamit kong motor papunta dito sa building kung saan dito kami magsisimula mag-practice ng gagawin naming performance ng mga kagrupo ko. Dinaanan ko muna ang kaibigan kong si Ali sa Hospital bago ako dumiretso dito, ngayon ko lang rin nalaman na nasa Hospital siya kaya pala dalawang araw na siyang wala sa klase. Buong akala ko ay nagkasakit lang, usually kasi hindi rin siya nagsasabi kapag may nangyari sa kanya pero medyo na-disappoint lang ako nang hindi niya sabihin ang sitwasyon niya ngayon na kaya pala siya nando’n ay dahil nasaksak siya nang hindi niya kilala. Nagulat rin ako na nando’n si Tita, pero dapat lang na nando’n siya dahil wala namang ibang mag-aalaga kay Ali kasi wala naman rin siyang ibang kaibigan o girlfriend man lang. Hindi rin naman ako, dahil ayokong mag-alaga sa masungit na ‘yon. Tiningnan ko ang oras at may kinse-minutos pa naman bago magsimula ang lahat. Nagtataka rin ako

  • The Mafia and Citizens   + IKAWALO + (8.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶VIII. IKAWALO (8.1)Hope Bautista’s PoVHalos magmadali ako sa pagtapos ng mga assignments na ginawa ko dahil dadaan pa ako ng presinto bago ako dumiretso ng school para ibigay ang ginawa kong assignments sa mga seniors na nagpagawa sa akin. Wala kaming pasok ngayon, pero ngayon ang araw na mag-uumpisa kaming mag-practice gaya nang napag-usapan at ngayon rin namin mismo sisimulan ang game. Inilagay ko naman ang mga gamit ko sa bag ko bago ako nagpaalam sa kapatid ko na kasalukuyang maliligo pa lang.“Aalis na ako, Ervin ha. Mamaya pa akong alas-kwatro ng umaga makakauwi, ikaw ng bahala dito sa bahay. Laging magsara ng pintuan, at kapag pupunta ‘yong mga kaibigan mo siguraduhing sasabihin mo muna sa akin, mahabang paalala ko rito. “Oo, Ate. Alam ko na po ‘yon, mag=iingat ka ha, maliligo na rin ako,” tugon naman nito saka dumiretso na sa banyo. Umalis naman na ako sa bahay at agad kong tinawag ang tricycle na saktong dumaan sa harapan ko. Tiningnan ko ang o

  • The Mafia and Citizens   + IKAWALO +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶VIII. IKAWALOHope Bautista’s PoVNapatingin ako sa nakahimlay na katawan ni Jesse sa sofa namin. Kasalukuyan itong mahimbing na natutulog na may mga pasa sa mukha nito. Agaw pansin naman lalo ang pasa sa bandang mata niya na nakita kong sinuntok kanina ng isang lalaki na may balak pa akong galawin.Napahawak ako sa sentido ko nang maisip na naman ang nangyari kanina lang. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito na nakadagdag sa mga iniisip ko. Bukod sa may nakaalam ng trabaho ko, nakita ko pa harap-harapan ang pagpatay ni Crimson. Halos hindi ako makapaniwala kanina sa nakita ko, akala ko katapusan na rin ng buhay ko.“Ate? Sino siya

  • The Mafia and Citizens   + IKAPITO + (7.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO (7.1) Jesse Villanueva’s PoV Halos tulala ako at diretso lang ang tingin ko habang naglalakad papunta sa bar na pinapasukan ko sa kadahilanang sa napag-usapan naman ni Crimson kani–kanina lang. Ang hirap man aminin, pero lahat ng sinabi niya kanina ay may point na talaga namang ikinaatras ko. Nakarating ako sa bar at agad akong nagsuot ng uniform ko. Dumiretso naman ako sa pwesto ko kung saan ang VIP Area, mismong si Brady ang naglagay sa pwesto kong ‘to dahil gusto niyang ako ang gagawa ng iinumin niya. Hindi ko naman siya naabutan ngayon sa pwesto, marahil mamaya pa ‘yon pupunta dito at may dala na namang babae. Walang araw na hindi naman ‘yon nagpupunta dito sa mismong bar niya at laging may kasa-kasama na babae. Mabait si Brady kung tutuusin, pero hindi ko na rin mabilang kung ilan ang nadala niya na dito na babae. Hindi niya rin maisip ang tungkol kay Crimson dahil siguro ay hindi pa siya nito inaatake kaya gano’n na lang rin siya u

  • The Mafia and Citizens   + IKAPITO + (7.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ VII. IKAPITO (7.1) Jesse Villanueva’s PoV Hindi ko naman na magawang bumalik muli sa klase, hinintay ko na lang na magbreaktime sa pamamagitan ng pagtulog dahil halos araw-araw rin naman talaga na kulang akong sa tulog. Nang magising ako, bumili muna ako ng makakain ko sa canteen at ramdam at rinig ko na agad ang mga bulungan nila tungkol sa akin. At nangunguna nga doon ang boses ni Lauren, na hindi ko naman na binigyang-pansin gaya ng nakasanayan ko. Akala niya siguro gusto siya ng mga nakakasama niya, masyado kasing uhaw sa atensyon. Dumiretso naman na ako sa rooftop habang ngumunguya ng binili kong pagkain. Mayroon daw ka

DMCA.com Protection Status