"V!" Malayo pa man kami ay rinig na namin ang sigaw ni Oceanie na tuwang tuwa na makita si Hivo. Nasa likuran niya si Agatha na nakangiti sa amin.
"Kamusta ang biyahe?" tanong niya sa amin.
"Tiring," ikling sagot ko. Humalik si Hivo sa pisngi ni Agatha at lumapit naman sa 'kin si Oceanie.
"Hello baby girl," sabi ko dito at yumuko para mahalikan niya sa pisngi.
"Hello po tita Ri."
Hindi na kami hinintay ng dalawang bata at agad na nagtutumakbo papasok sa loob ng bahay.
"What happened? I received your text last night," nag-aalalang tanong ni Agatha sa 'kin.
"Pag-usapan nalang natin sa loob. Sila Divine, wala pa ba?" tanong ko dito.
"On the way na raw ang tatlo," sagot nito.
Nang makapasok kami sa loob ay busy ang lahat sa paghahanda. Wala ang presensya ng asawa ni Agatha dahil may pinuntahan daw saglit so basically kami lang ang nandito at mga katulong. Hindi kami lagi nagkaka-abutan ni Kael. Agatha's husband.
"What happened? Spill it Ri," hindi na makapaghintay si Agatha na ikwento ko ang tungkol sa nangyari kahapon kaya sinimulan ko na ang pag ki-kwento ko sa nangyari sa airport at sa pagdating ni Hannah.
(Nangyari sa hotel)
Hannah waited me dahil inasikaso ko pa ang bata. Pinalitan ko nang damit saka pinatulog. Hindi na nagtanong masiyado about Hannah ang anak ko dahil inaantok na rin so wala na siyang kamalay-malay anong nangyayari sa paligid niya. Kung hindi ito inaantok, kanina pa niya for sure dinadaldal si Hannah.
"He looks exactly like kuya at kung magsalita siya o kumilos ay parang si kuya," sabi niya habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog. I must to agree with her dahil sa dalawang Linggo na paninilbihan ko kay Steven ay minsan natutulala ako pagnakatingin sa kaniya dahil parang ang nakikita ko ay ang mature na version ng anak ko.
"Ilang taon na siya?" tanong niya.
"5" sagot ko.
"I see. Pero bakit?" I know what she means bakit. Bakit ko tinago ang bata? Bakit ko nilayo ang bata? Bakit hindi ko siya pinakilala sa kapatid niya.
"Because hindi naman matandaan ng kuya mo ang nangyari sa ‘min 6 years ago. Kaya magugulat siya kung malaman niya na may anak siya sa ‘kin bigla lalo na't one night stand lang ang nangyari sa 'min before," paliwanag ko.
"Really? Doubt that. Natatandaan ko pa nga itsura mo kahit na bata pa ako no'n," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"What do you mean by that?" tanong ko.
"Kasama ako ni kuya that time sa bar. I excused myself for a while dahil nagbanyo ako and when I came back, nag-uusap na kayo so hindi nalang ako lumapit pa at hinayaan kayo. Kaya nga malakas ang loob ko na lumapit sa inyo kanina dahil sa kamukhang kamukha ng kapatid ko si Hivo at ang fact na nagsama kayo for one night. Kaya hindi malabo na anak ng kapatid ko ang anak mo."
Literal akong napanganga sa sinabi niya.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,"
"Besides, may girlfriend na siya. Isa pa, nitong buwan ko lang nalaman na sa Pilipinas siya nakatira. Akala ko kasi ay taga Canada siya kaya hindi ko siya mahanap. It was my friend ang nagsabi sa 'kin ng tungkol sa kaniya. At for the same reason, dahil kamukha daw ng anak ko si Steven, naghinala sila na baka nga siya ang ama ni Hivo."
Natawa si Hannah sa sinabi ko. Napaka ano naman kasi na dahil lang sa kamukha ng anak ko kaya nakumpirma nila na siya ang ama ni Hivo. I can't blame them tho. dahil totoo naman. Hindi na daw kailangan ng DNA, ika pa nila. Mga abnormal.
"Well. Yeah, kamukha nga naman talaga ni Kuya. Ang weird nga lang nang basehan," sabi niya.
"Hivo wants to meet his dad. As his mother, gusto kong masiguro na mabuting ama ang daddy niya. Baka kasi itakwil niya ang anak ko lalo na ng may girlfriend siya ngayon. Pumasok ako bilang katulong sa kuya mo para kilalanin siya, kung tama ba na ipakilala ko ang bata sa kaniya o hindi," tapat na sabi ko kay Hannah.
"I don't like that bitch!" Sabi pa niya.
"It's not my right na manghimasok sa decision mo sa buhay. At tama ka naman na dapat kilalanin mo si kuya. Hindi porke kapatid ko siya e susuportahan ko siya. He's an ass so he needs to change first. Pero mabait naman siya minsan. I can guarantee you with that," nakangiting aniya.
"Thank you," sabi ko. She's nice, malayo sa ugali ng kapatid niya.
"What is your name by the way?" natawa siya. Oo nga naman, kanina pa kami nag-uusap pero heto at hindi pa niya ako kilala.
"Rialyn. Just call me Ri o Ria," sagot ko.
"It's nice meeting you, Ria. Anyway, gusto ko lang e clarify sa 'yo regarding sa sinasabi mong girlfriend ni kuya. That bitch, Amanda, kini-claim niya na si kuya ang ama ng pinagbubuntis niya. Kuya denied it pero mapilit pa rin ang bruha kaya we don't have a choice kun’di kupkopin siya para after delivery, pwede na kaming mag pa DNA test. Ayaw namin nang scandalo." Sabi niya na puno ng panggigigil. Oh so ‘yong girlfriend na lagi niyang kausap ay buntis pala. Ipupush ko ba na ipakilala ang anak ko? O hindi nalang?
"Kinukulit na nga nina mama at papa si kuya para sa bagong taga pagmana pero ayaw ko namang galing sa bruhang ‘yon ang magmamana nang legacy namin. Kahit ganoon si kuya, hindi naman niya tinatakbuhan ang responsibilidad niya. Matagal na silang wala ng Amanda na ‘yon kaya nang sabihin niya na hindi kaniya ang bata ay naniniwala ako sa kaniya." Dagdag pa niya saka tumayo at lumapit sa anak ko.
"But I guess, hindi nako dapat na ma stress pa. Your son is the first born of kuya so dapat lang na siya ang tagapagmana niya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Please huwag mo munang sabihin. Hindi ko hinangad ang kayamanan ni Steven. Kaya kong buhayin ang anak ko. Ang gusto ko lang ay lumaki siya na malayo sa gulo," sabi ko. Ayaw kong makisawsaw sa kaguluhan nila.
Ayaw kong madamay ang anak ko.
"I respect your decision Ri. Hindi ko rin sasabihin kay kuya kahit hindi ka makiusap sa 'kin. Kailangan ko munang makita na responsable na siya sa buhay niya." Sabi niya at ngumiti.
"Mas gusto kita maging sister in law," sabi niya na ikinapula ko. Nakakahiya! Hindi naman sumagi sa isip ko na maging kami ng ama ng anak ko. Ang gusto ko lang ay mapagbigyan ang anak ko sa kagustuhan niyang makilala ang ama niya.
"Maaari ko bang dalawin ang bata sa ‘yo? Maari ba akong magpakilala bilang tita niya? Pwede ko ba siyang hiramin kahit sandali lang? Promise, mag-iingat ako," sabi niya na puno ng pagsusumamo.
Natawa ako sa tinuran niya. Ewan ko pero kahit bago palang kami nagkausap e pakiramdam ko, ilang dekada na kaming magkakilala.
"Ayos lang sa 'kin. Pero dapat ka muna niyang makilala at dapat masanay siya sa ‘yo. Sandali lang kami dito sa Canada, uuwi rin kami ng Pinas sa susunod na lingo." Sabi ko na ikinatuwa niya.
"Sige. Can I have your address doon? And your number as well. If okay lang naman."
"Sure," sabi ko at ibinigay sa kaniya ang address at cellphone number ko saka siya nagpaalam para umalis.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nararamdaman ko na namang gising na rin 'tong anak kong 'to na nasa tabi ko.
"Good morning mama," masiglang bati ng anak ko na halos mapunit ang bibig sa laki ng ngiti.
"Good morning anak," sabi ko at hinalikan siya sa magkabilang pisngi na tinawanan niya.
"Mama, where's the beautiful lady last night?" agad na pumasok sa isip ko si Hannah. Kung ganoon, nakita siya ni Hivo kagabi.
"Nasa room niya anak but magkikita tayo later sa kaniya. Sasabay siya sa atin sa breakfast."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Hivo at nagtutumalon sa tuwa. Agad naming ginawa ang morning rituals namin dalawa saka kami bumaba para e meet si Hannah. Kompleto ang facilities dito sa hotel at may something like resto sila dito and well-accomodated lahat that's why I like it. Simple yet cozy.
"Oh! Hi darling," sabi ni Hannah nang makalapit kami sa kaniya sa table. Bahagya siyang lumuhod para pantayan ang tangkad ng anak ko na nakatingin sa tita niya.
"Hello po," medyo nahihiya na bati ni Hivo.
"Hi Hivo. Do you know me?" tanong ni Hannah.
"No po but I saw you last night in our room. I wasn't able to talk to you because I'm sleepy. I'm sorry po.."
Aw! My baby is so adorable! Nakakaproud maging ina niya.
"It's okay darling. By the way I am your tita Hannah."
"You're so pretty po tita Hannah. My name po is Hivo," masiglang sagot ng anak ko at nang mapatingin ako kay Hannah ay nakatingin na siya sa akin.
"Hello Hivo. C'mon, let's eat. I already order the food," sabi ni Hannah at umupo kami sa round table na hindi naman spacious para sa aming tatlo.
Magkadikit si Hannah at Hivo and it seems fine to me. I know this is sounds weird but wala akong choice kung hindi maki get along kay Hannah. Isa pa, she's nice and kind so I hope na hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan siya.
Afterall kapatid niya si Steven and naniniwala ako na blood is thicker than water.
"Say bye to tita Hannah, anak." Sabi ko sa anak ko dahil tutungo na kami sa bahay ni Agatha.
"Bye po tita Hannah," magiliw na sabi ni Hivo kay Hannah na ngayon ay naiiyak dahil gusto pang makasama ang anak ko.
"Sama niyo nalang kaya ako Ri," sabi ni Hannah na tinawanan ko lang. Sumimangot siya at kinarga ang anak ko.
"Tangi. May e me-meet kang producer diba?" sabi ko at mas sumimangot pa siya. Yun kasi ang sabi niya kanina kaya nandito siya sa Canada ngayon.
"Sama niyo ako baby Iv," pa cute na kausap niya sa anak ko. Lumingon sakin si hIvo na tila nanghihingi nang tulong kung paano sagutin si Hannah.
"Kasi tita Hannah, mama and I, will go to the house of tita Agatha po and after that, we will find my papa po," napabuntong hininga ako at alanganing ngumiti kay Hannah. Hivo didn't know na kapatid ng ama niya si Hannah. Hindi naman pinaalam ni Hannah ang kaugnayan niya sa ama nito kaya nagpapasalamat ako dahil doon.
"Do not worry baby Iv. For sure kung nasa'n man si papa mo ngayon, love na love ka niya. Besides, andito si mommy mo at ako para sa ‘yo," sabi nito at hinalikan ang anak ko sa magkabilaang pisngi. Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami sa kaniya at dumiretso sa bahay ni Agatha.
Pagkatapos kong mag kwento kay Agatha ay literal din siyang napanganga.
"What a small world," sabi pa niya.
"Indeed!"
Hindi kami nagtagal sa Canada at agad na bumalik sa Pinas. Ngayon ay nasa bahay ulit ako ni Steven para mag trabaho. Wala si aleng Lourdes dahil naka leave ito kaya ako lang ang mag-isa dito dahil dalawa lang naman kaming katulong sa bahay ni Steven. "Good morning sir. Breakfast is ready," sabi ko nang makita siyang hubad barong naglalakad papasok sa kusina. Namula ako bigla at nag iwas ng tingin nang lantad sa harapan ko ang katawan niyang walang saplot. Tanging isang piraso lang sa ibaba ang suot niya. "Sige po sir," sabi ko at iiwan sana siya sa kusina pero tinawag niya ko bigla. "Where are you going?" tanong niya. "Maglilinis lang po sa labas sir," magalang na sagot ko. "You'll stay here tonight," sabi niya na ikinagulat ko. "Po?" hindi pwede ‘to. Hahanapin ako ng anak ko, ng anak namin. "Yes. Dahil walang magbubukas sa ‘kin ng gate mamaya. Manang Lourdes is on leave so stay in ka sa bahay hangga't hindi pa bumabalik si manang." Sagot niya at kumain. Nanghihinang napa-s
Kinagabihan ay nasa mansion pa rin ako at nakatuon ang attention sa amo na kung makatingin sa akin ay tila ba isa akong pagkain na minsan lang maihain sa hapag-kainan. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagpunas ng mga mamahaling kagamitan niya sa bahay. Hinuha ko ay sobrang mahal ng mga ito kaya nakakatakot pag mabasag ko ito. Sumulyap ulit ako kay Steven at agad ring nag-iwas nang makitang taimtim pa rin itong nakatingin sa'kin habang may baso ng alak na hawak sa kaliwang kamay. 'Gosh! Ano ba namang lalaking to' nasabi ko sa sarili ko. Agad kong tinapos ang ginagawa ko at umalis sa harapan niya. Past 8 na ng gabi so matutulog na ko dahil tatawagan ko pa ang anak ko na tatlong araw ko nang hindi nakikita. Nakatuwad ako dahil pinapasok ko sa loob ang mga gamit panglinis pero dahil sa maraming nakalagay doon ay nahihirapan ako. "Ang siki
Nasa sasakyan niya kami ngayon at patungo sa grocery store. Tinignan ko muna ang mga sinulat ko sa isang pirasong papel at saka sinilip ang ngayon ay ang nakasimangot na driver ko. Kung umasta to parang bata e. "What?" naiinis na turan nito nang makita na nakatingin ako sa kaniya. Ang sungit! "Ang gwapo mo po" sabi ko at natawa nang makitang pinipilit niyang hindi mangiti sa sinabi ko kahit na yung labi niya ay umaangat ng kusa. Kilig yan? Haha. "Marami ang bibilhin mo ngayon?" pag-bubukas niya ng usapan. "Opo" ikling sagot ko habang tinitext ang anak ko kung kamusta na ito. Uwi na raw ako sabi niya dahil miss na niya ko at ganoon din naman ako pero wala rin akong choice dahil kailangan ko ring gawin ito para sa kaniya. Malapit nang makuha ni Steven ang tiwala ko. Siguro soon, ipapakilala ko na ang anak namin sa kaniya. "What are you doing?" tanong nito kaya nag-angat ako ng tingin at nakitang nakakunot na naman ang noo. Tinago ko ang cellphone ko dahil mukha'ng hindi niya nagust
Agad ko siyang tinulak at binalikan ang mga pinamili namin. He's being irrational. Wala namang kami at isa pa, last time I check, hindi siya ganoon sakin. What's wrong with him? Wala na si Rex nang balikan ko ang cart. Probably umalis na ito nang hindi ko napansin. Nasa counter nako nang dumating si Steven. Tahimik lang siya at hinihintay na ma pack lahat ng binili namin. Kahit yung mga babaeng nag pa-pack ay tila hindi magawang kiligin kahit na ubod nang gwapo nitong kasama ko. Mahahalata kasi sa kaniya na wala ito sa mood, na dapat ay wag niyo siyang kausapin. Binitbit ko ang iba at kinuha naman niya yung malalaking pack. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa sasakyan niya. Nang makarating sa bahay ay ganoon pa rin siya, tahimik lang. Nalagay ko na lahat ng pinamili namin kanina sa
Nagising si Steven sa gitna ng gabi at agad na tinignan ang babaeng katabi niya. Ang babaeng nakakuha ng attention niya mula ng dumating ito sa bahay niya. Wala siyang ideya na isang babaeng napaka ganda pala ang papalit sa katulong na nag resign kamakailan. Wala siyang alam tungkol kay Ria na pumalit na kasambahay dahil kaibigan lang naman niya ang pinaasikaso niya tungkol dito. Unang araw palang nang pumasok ito sa bahay niya na si Ria, dala nito ang isang maliit na bag na naka-tayo sa harapan niya habang uminom naman siya ng kape ay napatitig na agad ito sa mukha ng dalaga. Para kay Steven, si Ria ang pinaka magandang babae na nakita niya. Pero ang dalaga ay tila mailap at naiilang sa kaniya na ikinainis niya sa hindi niya malamang dahilan. Sinusungitan niya ito pero pali
Nagising ako na umaga na. Kinapa ko si Steven pero wala na ito sa tabi ko kaya nagmulat ako at sinuyod nang tingin ang buong silid para hagalapin siya.'San na kaya yun?' tanong ko sa kawalan. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa at pinulot ang bag ko na nasa sahig pati na rin ang mga damit ko. Hinanap ko kung nasan na ang panty ko pero hindi ko na ito makita. Hindi ko alam saan tinapon ni Steven yun kagabi. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Steven sa baba pero hindi ko rin siya mahagilap. Bumalik ako sa silid ko para makapagligo muna saka ko tawagan ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit umalis si Steven. Nagka emergency ba sa kompanya niya? Bakit hindi siya nagpaalam? Pero bakit naman siya magpapa-alam sakin? Ano ba kami? Para maalis ang mga negatibong yun sa isipan ko ay napagpasiyahan ko ng maligo na. Just like the usual, madali lang akong natapos maligo so tinawagan ko na ang anak ko. I miss him so much. Unang ring pa
7 a.m pa lang ng umaga at hindi pa rin gising si Steven hanggang ngayon. Nakapagluto na'ko dahil balak kong ayain sana siya kung sasama ba siya sa'kin sa Tagaytay. Hindi ko rin alam kung naaalala pa niya ang mga sinabi niya sa'kin kahapon pero sa ngayon, buo na ang desisyon ko na sabihin sa kaniya ang katotohan tungkol sa anak namin. Nag ring ang phone ko at nakita ko si Hannah na tumatawag. Tumingin muna ako sa itaas para tignan kung gising na ba si Steven bago ko sagutin ang tawag. Nang masiguro na ligtas na sagutin ang tawag ay sinagot ko na ito. "Han?" Tawag ko sa dalaga sa kabilang linya. "My soon to be sister in law. Nasa bahay ka pa ba ni kuya?" Tanong nito. Natawa ako ng bahagya sa tawag niya sa'kin. Maloko talaga, parang kuya niya lang minsan. "Oo bakit? Wala pa kasi si Aleng Lourdes e kaya stay in ako dito." Sagot ko. "Naku okay lang yan sister-in-law. Kahit na tumira ka na diyan forever e ayos lang," dahil sa sinabi niya ay tumawa n
Nakarating kami sa tagaytay ng ligtas. Ang bahay na pinuntahan namin ay galing sa kay lola ko na ipinamana sa'kin. Ang bahay na ito na lang ang natitirang ala-ala ko kay lola kaya kahit na hirap ako sa pera ay hindi ko pa rin ito ibinenta. "Babe bakit nga ba dinala mo ako dito aside sa gusto mo ko masolo? May plano ka bang gawin dito kasama ako?" Puno ng kamanyakan na sabi ni Steven. "Naku! ikaw'ng lalaki ka huwag mo 'kong simulan." Natatawang sabi ko sa kaniya pero parang hindi naman umobra ang pananakot ko dahil tinawanan niya rin ako. "Seryoso babe, bakit mo nga ba ako dinala dito? May problema ba? May gusto ka bang sabihin sa'kin?" Kinakabahan man pero pinilit ko pa rin ngumiti. 'Ito na ba? Sasabihin ko na ba? Tama ba 'tong gagawin ko o mali?' Tanong ko sa sarili ko. "Ano Steven pwede bang ano mamasyal muna tayo sandali? Sulitin muna natin ang araw na ito. Gusto rin kasi kitang makasama. Gusto kitang makilala. Pwede ba yun?" Bakas sa m
“Pa, namiss kita,” sabi ko habang nakatingin sa libingan nila ni mama. “Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo ah?” mahinahong sabi ko. “Sila po ba si lolo at lola, papa?” ang maliit at mahinhing boses ni Snow sa likuran. Lumingon ako sa kanila ni Yenro. “Hali ka anak, pakilala kita kay lolo at lola mo,” ang sabi ko. First ni Snow makasama sa amin dito sa puntod ni mama at papa. Hindi namin siya inaalis ni Yenro sa isla noon dahil hinuhuli pa nila ang mga iilang galamay ni Lia. Kung makalabas man siya ng isla, sobrang bantay sarado at limited lang ang mapupuntahan niya. Lumapit silang dalawa ng ama niya sa akin. Ngumiti ako kay Yenro at hinarap muli si mama at papa. “Ma, pa, this is my daughter and— “Her husband ma, pa,” pagtatapos ni Yenro sa sasabihin ko sana. Natatawa akong yumakap sa kaniya ng patagilid habang sa si Snow naman ay lumapit sa puntod ng lolo at lola niya. “If wala ka, baka kasama ko na sila ngayon.” Sabi ko. Dinungaw niya ako at bahagyan
10 years later, Masaya na ako no'ng makasama ko ang anak ko at si Yenro ng payapa pero mas sumaya ako no'ng nahuli na si Lia sa pamamagitan ni Ria. Masiyadong maganda ang plot twist na hindi pala pangkaraniwang tao si Ria. Kaya ayun, nahuli si Lia at nasa kalalagyan niya ngayon na ni sinag ng araw ay hindi niya makikita. Masaya akong masaya na si Steven ngayon, at masaya ako sa piling ni Yenro. Masaya akong hindi lang kami ang narito sa isla kundi halos lahat ng mga magbabarkada. Dito na namin pinili manirahan sa Isla. "Ate," napatingin ako kay Hannah na ngayon ay, maayos na. Sa awa ng Diyos ay maayos na ang buhay niya. Minsan lang, napapangiwi ako sa ate niya pero sobrang saya ko na maayos na kami. No'ng may pinagdadaaanan siya, hindi ako nagdalawang isip na aalagaan siya. Ako ang naiiwan sa kaniya habang busy sila sa laban kay Lia. Tapos na ang paghihirap ko. Ngunit na ipasa sa kanila ang lahat ng sakit na dinanas ko. "Hindi pa nga pala ako nagpapasalamat," aniya habang sum
“Kamusta naman ang buhay kasama ni Yenro mo?” tanong ni Chichi habang nilalantakan namin ang langka na natira mula sa kinuha ni Yenro kahapon. “Ayos lang naman,” sagot ko ng nakangiti. Masaya talaga ako at ang gaan gaan ng pakiamdam ko ngayon na kasama ko si Chichi. Masaya na ako na wala na akong iisipin pang Lia. Masaya rin ako na kasama ko si Yenro. At mas sumayo ako na kahit papaano, ang itinuring kong kapatid ay narito kasama ko. “Si Arman nga pala, kamusta na siya?” namiss ko rin kasi siya dahil medyo matagal na kaming hindi nagkikita. Isa din iyong kuya ko e. Kasal man kami, ang turingan namin sa isa’t-isa ay hindi lalagpas bilang isang kapatid. “Ayun, masaya sa boyfriend niya,” natatawang sabi niya. Alam kong masaya na siya sa kalagayan ni Arman ngayon. At matagal na rin namang pinag-isipan ni Arman na pumunta ng Thailand para sa jowa niya. “Kamusta nga pala ang buhay mo sa Thailand?” tanong ko kasi alam kong nasa Canada na ang buhay niya. Kung hindi dahil sa akin, baka nas
"I'll give this p*ssy to you, 5 to 9, 9 to 5!" Napapikit ako at naririndi na dahil pang ilang ulit na iyang kinanta ni Yenro. Kanina pa ako nagising at nasa sala ako para mag unat unat. Pagka gising ko palang narinig ko ng kinakanta niya yan. At halos hindi ko na mabilang na sa loob ng 20 minutes, inulit ulit niyang kantahin yan. "Hindi ka ba talaga titigil? Pang ilang ulit mo ng kinanta yan?"Nakita ko ang paglingon niya sa akin at pagkagat niya sa pang ibabang labi niya para pigilan na huwag matawa sa mukha kong nakabusangot. Hubad baro siya ngayon at pakiramdam ko ay feel na feel talaga niya ang moment.Hindi ko alam kung ano pero may plano yata si Yenro na mag-apply bilang bouncer sa bar. Bakit ba siya nakahubad? Ano? Flex lang niya katawang lupa niya? "Good morning, baby. Bakit hindi ka nakangiti ngayon?"Pinandilatan ko siya ng mata. Hindi ko alam kung nanti-trip ba siya o seryoso. Mukha talaga siyang engot sa harapan ko ngayon at kita na ngang bad trip ako, mas babadtripin
"Yenro," tawag ko sa kaniya."Love?" busy siya ngayon sa laptop niya. Feeling ko ay minomonitor niya ang drone na nakapalibot sa amin. Lumapit ako sa gawi niya at sinalubong naman niya ako ng haIik. Umupo ako sa tabi niya. Hirap na ako sa tiyan ko. Ang laki na e."Kamusta si Steven?" ang tanong ko."He's fine." Ang sagot niya. Tumingin ako sa mata niya na ayaw niyang iharap sa akin.Napabuntong hininga ako. Alam kong hindi. He must be suffering now. I know it kasi iyong ang nararamdaman ko. Hindi niya pa rin alam nasaan ang mag-ina niya ngayon and nakikiplastikan pa siya kay Lia na lantaran ng nagpapapansin sa kaniya. "Nakakaawa siya." Ang sabi ko.Kinuha niya ang ulo ko at isinandal sa kaniya. "He'll be fine. Ang mahalaga, dito ka lang sa bahay."Peke kaming ikinasal ni Steven para lang palabasin na kasal na siya sa akin at galitin si Lia. At ngayon nga, si Lia, ginagaya si Ria. Nakikipapel na siya sa buhay ni Steven. I know how hard it is for him dahil araw araw siyang nakikipag
“Amanda, this is my mother, Sonya,” pagpapakilala ni Lia sa ina niya na siyang nag-alaga daw kay Ria. Ilang buwan ng nagta-trabaho si Ria kay Steven at wala na akong ibang ginawa kun’di ang maging kontrabida sa buhay niya. Lagi kong pinagpipilitan ang sarili ko sa buhay ni Steven kahit harap-harapan niya akong tinataboy. Kada pamam@ldita ko sa kanila, double din ang sakit na nararamdaman ko. Rinig na rinig ko kung paano gamitin ni Lia ang mga tao sa paligid niya makuha lang si Steven. Ganoon siya ka desperada. Kahit mama niya na gusto lang bumawi sa kaniya ay gagamitin niya. Umiiyak na ako sa kwarto dahil wala na akong mahahawakan pa. Nagkulong na ako dito ng ilang araw. Noong una, sabi ko bahala na pero hindi ko pala kaya madamay ang anak namin ni Yenro. Nalala ko sa resto, kita ko ang pagkamuhi sa mata ni Ria. Pero sobrang saya ko ng hindi niya hihiwalayan si Steven kahit pa mama na niya ang nagsabi na hiwalayan niya ito. Iniisip niya siguong ako ang anak ng mama niya. Hindi
“She’s here again? Can you tell her to leave?” matigas na sabi ni Steven nang papasok ako sa loob ng bahay niya. Pumasok pa rin ako at ngumiti sa harapan niya. “Ano ba Amanda! I said, leave. Hindi nga kita papanagutan!” Ang sabi niya. I am pregnant. Pero si Yenro ang ama. I am 2 months old pregnant. Akala ko si Steven lang mag-isa sa bahay niya, nagulat ako nang makita si Yenro na nanlalaki ang mata nang makita ako at ang tiyan ko. After naming mag-usap matapos non ay umalis na siya at hindi nagpakita. Ngayon pa kami nagkitang muli. Nakakainis at nakakaiyak dahil alam ko sa sarili ko na hinahanap ko siya pero alam rin ng utak ko na hindi pwede. “Steven, bakit hindi? Anak mo ito!” Sigaw ko. “Anong anak? Ni hindi ko nga maalala na may nangyari sa atin no’ng magsama tayo. How can I be the father?” Hindi nagsalita si Yenro. Pero alam kong igting ang panga niya at doon sa baso niya na may alak ang tingin. “Kung hindi ka aalis sa bahay ko, ako ang aalis!” “Your mom approved aboou
“Nasa labas pa ba si Yenro?” tanong ko kay Ben. “Yes,” sabi ni Ben sa akin. Mahigit sampung minuto ng nag do-doorbell si Yenro sa labas ng bahay ni Ben. “Open the fvcking door Ben or I’ll crush it!” nagsimula na siyang sumigaw. Umakyat na nga siya sa gate na nakasara tas ngayon, may balak pa siyang magwala. “Dito ka lang at huwag ka ng lumabas. Ako na ang bahala sa kaniya,” sabi ni Ben. Pagbukas ng pintuan, agad iyong sinara ni Ben para hindi makapasok si Yenro. “Open that fvcking door. Dammit! She’s hiding inside your house!” “Sino bang tinutukoy mo?” rinig tanong ni Ben. “Steven told me na magkasama kayo ni Amanda nang pumunat doon sa gulfing niyo!” “Nagkita lang kami. So? Anong problema mo?” “TABI! KUKUNIN KO SIYA!” “You can’t! That’s trespassing.” “THEN SUE ME! FVCK YOU!” Nakagat ko ng mariin ang labi ko. Sobra na ang galit ni Yenro para murahin niya ang kaibigan niya. “AMANDA! GET OUT!” He’s really certain that I am here. May kumalampag sa pintuan. Nang sumilip ako
Napadaing ako nang magising ako dahil kay Yenro na busy na naman sa kakahaIik sa katawan ko. "Yenro, pagod ako," paungol na sabi ko. Hindi siya nakinig. Hinarap niya ako sa kaniya at nang magtagpo ang paningin namin, nasalubong ko ang mabibigat niyang tingin. "I want more," bulong niya. Tumingin ako sa baba at nakitang nakatayo na naman yun. "Hindi ba yan napapagod?" kunot noong tanong ko. Imbes na sagutin ay siniil niya ako ng haIik sa labi. Akala ko ba Amanda pagod ka? Bakit nagpapadala ka sa mga haIik ng lalaking ito? Nababaliw na rin yata ako dahil agad ko ring ipinulupot sa kaniyang leeg ang kamay ko. At nangyari na naman ng pa ulit ulit ang pagiisa ng aming katawan. Kinaumagahan, akala ko mauuna akong magising kay Yenro ngunit pagmulat ko ay wala na siya sa tabi ko. May nakahanda na ring pagkain sa mesa. Napangiti ako sa ginawa niya ngunit nagtataka ako kung saan siya nagpunta. Akala ko matatapos ang araw na ito na good mood ako, pero nagkamali ako. Dahil biglang pu