Xyrica’s POV: It’s been a while, but I’m back. After coming home, the caretaker said goodbye then we went out to go home. Cyborg and I were the only ones left in this huge mansion. It was a good idea that the caretaker turned all of the lights— unlike the last time I visited this place. It’s creepy to tour at night when it’s dark. “Finally, I’m home. Pumasok na tayo,” masayang sabi ko kay Cyborg na siyang nagbitbit sa kahon na puno ng impormasyon. “Won’t the caretaker misunderstand what’s happening?” Tanong ni Cyborg, dahilan para magulat ako. “Ano ang ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ko pabalik sa kanya. I know it was impolite to answer a question with a question, but I can’t help but wonder what he was talking about. Cyborg needs to explain more, so we can see eye to eye. “Your caretaker has seen us a couple of times going in and out of this house. We’re people of the opposite gender, so I’m worried that other people might think something is between us,” Cyborg’s face lo
Xyrica’s POV: Pag-alis namin sa Kentia Building ay marahan akong hinawakan ni Michiaki sa braso— dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Pipigilan na sana ni Cyborg si Michiaki, pero naunahan kong pigilan si Cyborg sa gagawin niya. Ayaw ko kasing mag-away silang dalawa para lang sa kaunting pag-uusap na gustong mangyari ni Michiaki. “Mauna ka na sa Cafeteria baka kasi nagugutom ka na, Cyborg. Puwede bang ikaw na rin ang kumuha ng maiinom ko?” Nakangiting humingi ako ng pabor kay Cyborg. Napansin kong nag-alinlangan si Cyborg na iwan kaming dalawa kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko muna ‘yung kamay ni Michiaki na nakahawak sa braso ko. Tapos nagsalita, “I’m fine, Cyborg. Michiaki won’t hurt me because he’s my friend.” “G-gusto ko lang namang makausap si Xyrica. Ang tingin mo ba sa akin ay kaya kong magpasakit ng isang babae?” Medyo naiinis na depensa ni Michiaki sa sarili niya. Napabuntong-hininga si Cyborg, at saka siya naglakad papunta sa Cafeteria. Mabuti na lang at pinili niy
Xyrica’s POV: Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa Clinic upang kausapin si nurse Samson. Siya raw kasi ang nagtatrabaho sa Clinic simula noong hindi na bumalik si nurse Dawn. Baka may alam siya kung nasaan si nurse Dawn ngayon. Pagpunta namin sa Clinic ay kaagad naming nakita si nurse Samson na natutuloy sa couch— kung saan kami palaging umuupo. Nagkatitigan pa kami ni Cyborg kung tutuloy pa ba kami, kasi mukhang pagod na pagod ito. Nahihiya tuloy kaming pumasok sa Clinic noong narinig namin itong humihilik ng mahina. “Bukas ng umaga na lang kaya tayo bumalik dito?” Pabulong na tanong sa akin ni Cyborg. “Mabuti pa nga. Nakakahiya namang disturbuhin si nurse Samson. Ang himbing kasi ng tulog niya,” pabulong naman na sabi ko kay Cyborg. Napagdesisyonan na sana naming umalis kaso may biglang nagsalita, “S-sandali lang! Huwag kayong umalis.” Sabay kaming lumingon ni Cyborg, at nakita namin ang gising na si nurse Samson pero puyat ang mukha. Pinahiran nito ang mga mata niya t
Xyrica’s POV: From the looks of Cyborg, I can feel that he’s disappointed by what he heard— nothing came out of his mouth but a loud sigh. Then, he hugged me tight as if there was no tomorrow. It was all that I needed, to be honest. I hugged him back while almost crying. Then I said, “I need to say sorry to nurse Dawn.” “Masasabi mo rin iyan sa personal, Xyrica. Sa ngayon ay hanapin na muna natin si nurse Dawn. Pero sa tingin ko ay matatagalan tayong hanapin siya— kasi wala man lang tayong lead hindi gaya noong hinahanap natin si Joy,” napabuntong-hiningang sabi niya ulit— tapos humiwalay na kami sa yakap. “Imposible namang malinis talaga ‘yung silid ni nurse Dawn. Tignan kaya natin sa mga CCTV?” Sabi ko sa kanya. “Paano? Hindi nga natin puwedeng lapitan ang Security Department e,” naiiling na sabi nito. Oo nga pala. Kinailangan pa namin ‘yung tulong ni Alver noong una para lang ma-hack ‘yung system ng Academy. Hindi nga pala kami basta-bastang nakakapasok, lalo na’t hindi namin
Xyrica’s POV: Ilang araw matapos kaming mag-usap ni Michiaki ay parang narinig ng Panginoon ‘yung pag-uusap namin. Kasi nakita ko ulit ‘yung lalaki na nabangga ko noon— papasok ito sa Parking Area. Alas diyes na ng gabi, kakalabas pa lang namin sa Kentia Building at siya kaagad ‘yung nahagip ng mata ko. Tinuro ko pa kina Cyborg at Michiaki ang kinaroroonan ng lalaki, at nagdesisyon sana akong sundan ito. Kaso kaagad akong pinigilan nina Michiaki. Hindi ko raw kasi alam kung ano ‘yung pinapasok ko o sino ‘yung binabangga ko. “Hindi ko naman sinasabing lalapitan ko siya at itatanong sa kanya kung nakita niya ba si nurse Dawn,” napabuntong-hiningang sabi ko tapos napakamot na lang sa braso. “Eh, ano ang gagawin mo? Susundan mo lang siya na parang stalker? Paano kung magkagulo pa?” Michiaki stated his concerns. “Let’s say, may kukunin din ako sa sasakyan kaya ako pupunta sa Parking Area. Hindi naman siguro iyon stalking, hindi ba? At saka hindi ko na palalampasin ang gabing ito— baka
Xyrica’s POV: Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni dean Steinfeld, pero base sa ekspresyon nilang dalawa ni Dexter ay parang alam ko na kung sino ang ibig nilang sabihin. Magpapanggap na lang ba akong walang alam o ibibigay ko sa kanila ang rason kung bakit ko tinulungan si Joy? “See? She can’t even deny everything. Tama nga ‘yung hinala ko,” Dexter snapped his hand as if he won a lottery ticket. “Ang ibig bang sabihin nito ay tapos na ako sa trabaho ko?” May pinagkasunduan ba sina Dexter at dean Steinfeld? Hindi naman siguro magtatanong si Dexter sa kanya kung wala, hindi ba? “Dexter, will you shut up for a minute? Kailangan kong makausap si miss Dela Vega ng maayos. Kasi kung hindi ka lang sana tanga sa trabaho mo— edi sana nakasama ko na si Joy ngayon,” naiinis na sabi ni dean Steinfeld at nagbabanta ang mga titig nito. Mukhang wala yata siya sa mood ngayon. Napailing ako sabay sabing, “Sa totoo lang ay hindi ko po alam kung ano ang sinasabi ninyong dala
Xyrica’s POV: Nakapagdesisyon sina Michiaki at Cyborg na ipaalam kina miss Ludwig, Spencer, at Joy ang tungkol sa pag-uusap namin ni dean Steinfeld. Wala naman akong magagawa kasi nagpumilit ang dalawa na humingi raw kami ng opinyon sa iba. Kaya pagkatapos ng paglilinis namin sa Kentia Building ay nakipagkita kaagad kami nina miss Ludwig at Spencer. Sasakyan ni Cyborg ‘yung ginamit namin— kung sakali kasing may susunod man sa amin ay hindi makakapag-isip na sa bahay kami nina Spencer pupunta. Huminto rin kami sa iba pang lugar habang binabantayan ang mga sasakyan na posibleng nakasunod sa amin. Pagdating naman namin sa bahay nina Spencer ay sinalubong kami ni Joy. Hindi niya nga akalaing makikita niya si Michiaki ngayon e, at masaya ito. Ang nakakalungkot nga lang ay mapapawi ko rin ‘yung ngiti niya— sa oras na malaman niya ‘yung rason ng ipinunta namin dito. Pati sina miss Ludwig at Spencer ay walang alam kung bakit namin naisipang makipagkita kay Joy. Mas mabuti na ‘yung magkasama
Xyrica’s POV: Bumalik kami nina Michiaki at Cyborg kagabi sa Gangster Academy na wala man lang kahit ni-isang plano na nagawa. Wala naman kasing nakakaalam kung saan dinala ni dean Steinfeld si nurse Dawn— at hindi naman kami pumapayag na basta-basta na lang ibigay si Joy sa kanya. Dahil wala namang petsa na sinabi si dean Steinfeld ay may panahon pa ako para makaisip ng plano. Kailangan ko lang talaga matawagan si nurse Dawn, pero mukhang malabo itong mangyari. “Have you guys tried calling nurse Dawn again?” Tanong ko kina Michiaki at Cyborg pagkatapos ng klase. “Nasubukan ko na kagabi pagkatapos nating umuwi galing sa bahay ni King. Pero gaya ng dati ay wala pa ring sumasagot sa cellphone niya,” napabuntong-hiningang sagot ni Michiaki. Tinignan naman namin si Cyborg upang marinig ‘yung sagot niya, pero kinuha lang nito ang cellphone tapos sinubukang tawagan si nurse Dawn. Ilang segundo lang ay binaba niya na rin ang tawag sabay sabing, “Gaya pa rin ng dati. Parang naka-turn on ul