Share

Chapter 231

Xyrica’s POV:

Dahil sa suntok na natamo ng lalaki sa mukha ay napabitaw ito sa babae. Sapo nito ang namumulang pisngi— at muntikan pa itong mapaupo. Kung hindi siguro ako nakahawak sa braso niya ay baka nga kanina pa siya nakaupo sa sahig. Hindi ko rin naman inaasahang gagawin iyon ng babae e.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na tumukas. Hinila ako ng babae at sabay kaming tumakbo papalayo sa lalaki. Bumalik lang kami sa dinaanan ko kanina na siyang madilim na eskinita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta— at saka hindi ko rin alam kung bakit siya hinahabol kanina ng lalaking iyon.

“Nasaan ka ba, Xyrica?” Rinig kong tanong sa akin ni Cyborg. Dahil sa pagtakbo namin ng kasama ko ay nakalimutan kong hinahanap nga pala ako ni Cyborg.

Para masagot ko ng maayos ‘yung tanong ni Cyborg ay pinahinto ko muna ‘yung babae sa pagtakbo. Mabuti na lang at hindi ako pinilit ng babae na tumakbo pa kaya binigyan ko ng segundo ang aking sarili na habulin ‘yung hininga ko. At saka ko sinagot ‘yung tano
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status