Xyrica’s POV:Pagdating namin sa lugar kung saan tinuro ng kausap ni dean Steinfeld na nagtatago si Joy— ay hinanap pa namin kung nasaan talaga siya nakita. Maliit lang naman ang lugar na pinagtataguan ni Joy, at sa tingin ko ay hindi siya mahirap hanapin. Ang problema ay baka mauna pa si dean Steinfeld sa paghahanap sa anak niya dahil may tao siyang sumusunod kay Joy.“Hindi man lang ba sinabi ng lalaking iyon kung saang lugar niya nahanap si Joy? Nakatulong naman ‘yung address na binigay niya, pero gusto ko sanang malaman ang exact location. Hindi naman puwedeng magtanong tayo sa mga tao— baka kasi makita tayo rito ni dean Steinfeld,” napabuntong-hiningang sabi ko.“Tamang-tama, baka kasi naghihintay na sila sa text natin. At saka baka kasama na rin nila si Alver,” sagot ni miss Ludwig at kinuha ‘yung cellphone niya.Sinuot na ni miss Ludwig ang isang wireless earpiece, tapos tinawagan sina Macey. Matapos sagutin nina Macey ang tawag ay kaagad na nagtanong si miss Ludwig kung kasama
Xyrica’s POV: Dahil sa suntok na natamo ng lalaki sa mukha ay napabitaw ito sa babae. Sapo nito ang namumulang pisngi— at muntikan pa itong mapaupo. Kung hindi siguro ako nakahawak sa braso niya ay baka nga kanina pa siya nakaupo sa sahig. Hindi ko rin naman inaasahang gagawin iyon ng babae e. Nagkaroon kami ng pagkakataon na tumukas. Hinila ako ng babae at sabay kaming tumakbo papalayo sa lalaki. Bumalik lang kami sa dinaanan ko kanina na siyang madilim na eskinita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta— at saka hindi ko rin alam kung bakit siya hinahabol kanina ng lalaking iyon. “Nasaan ka ba, Xyrica?” Rinig kong tanong sa akin ni Cyborg. Dahil sa pagtakbo namin ng kasama ko ay nakalimutan kong hinahanap nga pala ako ni Cyborg. Para masagot ko ng maayos ‘yung tanong ni Cyborg ay pinahinto ko muna ‘yung babae sa pagtakbo. Mabuti na lang at hindi ako pinilit ng babae na tumakbo pa kaya binigyan ko ng segundo ang aking sarili na habulin ‘yung hininga ko. At saka ko sinagot ‘yung tano
Xyrica’s POV:The way Max, the guy I have seen in the CCTV footage of the flower shop, describes the appearance of the girl who asked for a favor is the same as Joy’s appearance I saw just now. Maybe the hair grew a little longer than what Max said, but it’s the same color. Joy’s complexion became paler than the last time I saw her. It was like she was sick.“I’m sorry you had to go through it alone,” Spencer comforted his girlfriend. He caressed her back while the inner corner of his eyebrows pulled together.Joy looked even more pitiful when she pursed her lips without replying to her boyfriend’s words. Maybe she couldn’t find the right words to use to appease his boyfriend’s worry. Instead, she smiled as if she was telling herself not to cry in front of everyone. I can sense that she’s glad to see all the familiar faces.“Joy, kahit maikli na ‘yung buhok mo ay bagay pa rin sa ‘yo. Hindi ba’t iyan ‘yung hairstyle na naisipan nating gawin noon? Sadyang hindi lang natin nagawa kasi na
Xyrica’s POV:Habang nag-uusap kami nina Joy tungkol kay dean Steinfeld ay napag-alaman naming ayaw pala sa akin ng dad niya. Hindi naman alam ni Joy kung bakit, basta’t palagi raw kasi siyang inihahalintulad sa akin. Pakiramdam daw ni Joy ay parang gusto ni dean Steinfeld na makipagkompetensya sa akin si Joy. Iyon din siguro ang rason kung bakit tinawag ni dean Steinfeld ‘yung pangalan niya sa Survival Game noon.Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang kasalanan kay dean Steinfeld para magalit siya sa akin. Siguro naging bastos ako noong una naming pagkikita, pero hindi naman siguro iyon basehan para idamay niya ‘yung anak niya. At saka kung totoo nga ang sinasabi ni Joy… edi sana pinaalis niya na lang ako sa Gangster Academy noong nilabag namin ang isa sa mga patakaran. Pero bakit pinalinis niya lang kami?Tapos bumalik kami sa pag-uusap tungkol sa pagtakas niya sa Boot Camp. Lahat kasi kami ay nagtataka kung paano niya natakasan si Director Rivero, napaka-strict pa naman ng
Xyrica’s POV:“Maaari bang maiwan na muna ninyo kami rito ni Xyrica para makapag-usap? Mukhang importante kasi ‘yung sasabihin niya lalo na’t ayaw niya na may kasama,” nakangiting sabi ni Joy kina Spencer, miss Ludwig, at Cyborg.Spencer, miss Ludwig, and Cyborg immediately agreed without giving a fuzz. Then the three of them went inside, leaving Joy and me alone. Her expression looks calm as if she’s been waiting for me to approach her. She flashed a sweet smile that even the corner of her eyes creased.I smiled back while thinking, “Finally, I can feel a sigh of relief tonight. It hasn’t been easy for me to balance everything I had on my plate. Pero ngayong nakita na namin si Joy… at saka alam naming nandito siya sa bahay ni Spencer ay malaya ko ng maipagpapatuloy ‘yung paghahanap kina mama at sa taong may paka nito.”“You know what, Xyrica? I’m still curious as to why you’re still calling Van with her last name. Ilang buwan na kayong magkasama sa Gangster Academy… pero hindi pa rin
Xyrica’s POV:Dahil nahanap na namin si Joy ay nagpatuloy naman kami ni Cyborg sa unang plano namin kahit may parusa pa kaming hinaharap. Itinigil na rin nina miss Ludwig ang paggamit sa mga listening devices. Pero hindi pa namin nakausap sina Teresa na kunin ang mga devices sa opisina ni dean Steinfeld. Ako kasi mismo ang kumausap kina miss Ludwig at Spencer na huwag muna ipatanggal. Noong tinanong nila ako kung bakit— ay sinabi ko na lang na baka magamit pa namin iyon sa susunod. Pumayag naman sila sa gusto ko. Pagkatapos mahanap si Joy ay Gangster Academy at bahay ni Spencer lang ang tanging pinupuntahan nina miss Ludwig, Macey, Ami, Monique, at Spencer. Hindi naman kami makapunta ni Cyborg kasi pagkatapos ng klase ay naglilinis kami ng banyo sa Kentia Building. Inaalis pa rin namin ang mga nakasulat sa pader, at sa tingin ko ay sa bagay lang na ito nagiging masaya si Bryan. Si Bryan ‘yung in-charge sa amin, ‘yung napagalitan noon ni Teresa.“Tama na ‘yan. Baka mamaya ay magsumbong
Xyrica’s POV: It’s been a while, but I’m back. After coming home, the caretaker said goodbye then we went out to go home. Cyborg and I were the only ones left in this huge mansion. It was a good idea that the caretaker turned all of the lights— unlike the last time I visited this place. It’s creepy to tour at night when it’s dark. “Finally, I’m home. Pumasok na tayo,” masayang sabi ko kay Cyborg na siyang nagbitbit sa kahon na puno ng impormasyon. “Won’t the caretaker misunderstand what’s happening?” Tanong ni Cyborg, dahilan para magulat ako. “Ano ang ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ko pabalik sa kanya. I know it was impolite to answer a question with a question, but I can’t help but wonder what he was talking about. Cyborg needs to explain more, so we can see eye to eye. “Your caretaker has seen us a couple of times going in and out of this house. We’re people of the opposite gender, so I’m worried that other people might think something is between us,” Cyborg’s face lo
Xyrica’s POV: Pag-alis namin sa Kentia Building ay marahan akong hinawakan ni Michiaki sa braso— dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Pipigilan na sana ni Cyborg si Michiaki, pero naunahan kong pigilan si Cyborg sa gagawin niya. Ayaw ko kasing mag-away silang dalawa para lang sa kaunting pag-uusap na gustong mangyari ni Michiaki. “Mauna ka na sa Cafeteria baka kasi nagugutom ka na, Cyborg. Puwede bang ikaw na rin ang kumuha ng maiinom ko?” Nakangiting humingi ako ng pabor kay Cyborg. Napansin kong nag-alinlangan si Cyborg na iwan kaming dalawa kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko muna ‘yung kamay ni Michiaki na nakahawak sa braso ko. Tapos nagsalita, “I’m fine, Cyborg. Michiaki won’t hurt me because he’s my friend.” “G-gusto ko lang namang makausap si Xyrica. Ang tingin mo ba sa akin ay kaya kong magpasakit ng isang babae?” Medyo naiinis na depensa ni Michiaki sa sarili niya. Napabuntong-hininga si Cyborg, at saka siya naglakad papunta sa Cafeteria. Mabuti na lang at pinili niy
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na