Xyrica’s POV:Huling araw na para sa Foundation Day at naisipan namin ni Cyborg na manatili sa Clinic kasama si nurse Dawn. Hindi na kami nagtaka ni Cyborg noong nagtanong si nurse Dawn kung saan kami galing, kasi alam kong makakaabot sa kanya ang balita na umalis kami. At saka hula ko rin ay nilapitan siya nina Michiaki para malaman kung may alam ba siya kung saan kami nagpunta.Hinayaan ko nalang si Cyborg na sumagot sa mga tanong ni nurse Dawn, habang ako naman ay humiga sa couch at tinakpan lang ang mukha ko ng throw pillow. Bago kami nagpunta rito sa Clinic ay pinaalalahanan ko ang sarili ko na… it’s okay to treat myself without doing anything. I’m allowing myself to rest, and don’t give a crap to anyone today.“Dapat kasi sa susunod na umalis kayo… ay magpaalam kayo sa kahit na sino. Para naman hindi mag-alala ‘yung mga taong may pagmamalasakit sa inyo,” rinig kong sabi ni nurse Dawn.I don’t know the reason behind it, but every time nurse Dawn tried to lecture us— I could alway
Xyrica’s POV:Pagdating namin sa Clinic ay binigay na si Cyborg ang pagkaing nabili namin para kay nurse Dawn. Tapos pinaupo na ako ni Cyborg sa couch para makapagpahinga ulit, kasi siya na raw ang bahalang mag-asikaso sa instant noodles. Hindi na ako umangal kasi gusto ko lang namang kumain, at ayaw ko ‘yung ako pa ang maghahanda sa kakainin ko.Ilang minuto kong hinintay na dumating si Cyborg na dala ang instant noodles kaso mukhang wala pa itong plano na lumabas sa kusina. Hindi alam kung ano ang ginagawa niya roon kasi hindi ko pa siya na-check. Wala rin akong naririnig na ingay kaya umalis ako sa couch upang tignan kung kumusta na ‘yung hinahanda niyang instant noodles.“What’s taking him so long?” I mumbled.Pagpasok ko sa kusina ay biglang bumagal ang galaw ng paligid. Nakita kong dahan-dahang inayos ni Cyborg ang buhok niya habang hinihintay ang isang pot na pinagkuluan niya ng tubig. Para kaming nasa isang Korean drama, at napako sa kanya ang camera… dahilan para ma-display ‘
Xyrica’s POV:“This is it. The actual day to execute the plan,” I said while looking at my reflection in my bathroom mirror.Today is the day for the annual checkup. Students, teachers, and staff are requested to go maybe because Gangster Academy doesn’t want to become one of the most hostile places in the world. The annual checkup might be a nuisance for everyone, but this is an opportunity for people who wants to find Joy. Like nurse Dawn said, people in Gangster Academy received a notification regarding the annual checkup.Nakalagay rin sa notification ang oras at lugar kung saan gaganapin ang checkup namin. Dahil hindi kayang tanggapin ng isang hospital ang lahat ng tao na nasa Gangster Academy ay hinati kami sa mga grupo. Ang bawat grupo ay may animnapung tao, at hindi ito nakabase sa kung anong section kami o kung ano ‘yung specific house namin. Hinalo na kaming lahat para walang makaisip na may favoritism na nangyayari… mapa-teachers man o hindi.“Tapos ka na ba sa ginagawa mo?
Xyrica’s POV:Ngayon ko lang napagtanto na marami-rami pala ‘yung steps ng gagawin namin para sa annual checkup at kailangan itong matapos sa araw na ito. Tapos ‘yung last step ay para sa mental health assessment mula yata sa isang psychologist. Sa totoo lang ay nakakabigla ito kasi kayang gumastos ng pera ang Gangster Academy para sa mga tao, mula ulo hanggang paa at mula pisikal hanggang mental.Pero kung tutuusin, gumastos din naman sila ng malaki para lang ma-celebrate ng mga estudyante ang pagkapanalo ng Gangster Academy. Hindi na talaga siguro bago sa kanila ang gumastos ng malaki para lang sa mga estudyante. Tutal, malaki naman ang natatanggap nila na donasyon at pera sa mga magulang ng mga estudyante para lang masunod ang mga luho nila.Speaking of which… magkano na kaya ang nagastos ng mga magulang ni Cyborg para sa pananatili ko rito? I’m assuming that Gangster Academy is in contact with Cyborg’s parents since they never contacted me regarding bills and due date. Dapat talag
Xyrica’s POV:Cyborg, miss Ludwig, and I managed to enter the Academy without even being caught by the Combat Angels, thanks to Alver’s help. The only problem we have now is how to get to the Amborella Building because it’s where dean Steinfeld’s office locates. We need to pass a few Combat Angels on our way and hope there will be no problems inside his office.“If you went straight ahead passing Magnolia Building… you would see two Combat Angels patrolling the place.” Sabi ni Alver sa amin gamit ang earpiece.“Is there another way na pwede naming daanan?” Tanong ni miss Ludwig kay Alver.“Can you go around the building instead?” Sabi ni Alver sa amin.“Saan nga ulit ‘yung Magnolia Building?” Mahinang tanong ko kay miss Ludwig habang nagtatago kami sa likod ng malaking kahoy.“Oh my God, Xyrica. Ilang buwan ka na rito sa Gangster Academy pero hindi mo pa rin ba kabisado ang lugar?” mahinang sagot ni miss Ludwig at napahilamos sa mukha niya.“Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko?
MEANWHILE…Spencer’s POV:Narinig kong tumunog ‘yung cellphone ko. Ito na yata ‘yung hinihintay namin nina Macey, Ami, at Monique na spy application para sa cellphone ni dean Steinfeld.“Let me see,” sabi ko sa sarili ko at kinuha ang cellphone sa bulsa upang tignan.I was right, Alver texted me. Natanggap ko na ang link ng spy application na gagamitin namin. At saka nakatanggap na rin ako ng text na maaari na naming gawin ang misyon namin sa araw na ito. Mabuti nalang may number ako kay dean Steinfeld kaya maaari kong ipadala sa kanya ang link.Nagtext ako sa mga kasabwat ko para maumpisahan na nila ang plano. Sa tingin ko ay magaling umarte sina Ami, Macey, at Monique kasi kanina pa sila hindi magkasama at hindi rin nag-uusap. Kahit nga ang mga tao sa paligid namin na nakakakilala sa tatlo ay nagtataka kung ano ang meron sa kanila kasi kilala naman ang friendship nila sa lahat.Gaya ng nasa plano… umalis muna si Monique at nagpunta sa Comfort Room. Sinadya niyang magpaalam sa katabi
Xyrica’s POV:Lumipas ang isang araw at ang lahat ng tao na nasa Gangster Academy ay tapos na sa checkup na pinapagawa ng Head Doctor sa amin. Hindi naman kami nakarinig ng balita na may nanghimasok sa Academy noong umalis kaming lahat. Pero alam naman siguro ni dean Steinfeld ang insidente ng pag-hack sa system ng eskwelahan. Siguro ay inutusan na ni dean Steinfeld ang I.T team upang malaman kung sino ang may gawa… pero maaaring gusto niya munang ilihim ito sa lahat.Payapa kaming bumalik sa klase bukod kina Ami, Macey, at Monique. Binigyan kasi silang tatlo ng parusa dahil sa ginawa nilang eksena sa hospital. Napilitan kasing bumalik si dean Steinfeld sa Gangster Academy nang wala sa oras kasi napagalitan sila sa doctor na nakakita mismo sa gulo, sinama niya na rin si Spencer para matulungan siyang pumagitna sa tatlong babae.Hindi ko alam kung ano ang paliwanag na ibinigay nila kay dean Steinfeld, basta’t dalawang linggong suspension ang parusa na natanggap nila. Umuwi ang mga ito
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng insidente kaninang umaga ay hindi na ako tinigilan ng mga kaibigan ko. Unti-unti na rin silang naging abala sa misyon namin ni Cyborg. Mabuti nalang talaga at sinalo ni Cyborg ang gawain na dapat sana ay kaming dalawa ang gumagawa, kasi hindi ko basta-bastang nagagamit ang earpiece. Hindi man nakikita ng ibang tao ang earpiece na suot ko… wala rin namang kwenta ito kasi hindi ako makapagfocus sa pakikinig kay dean Steinfeld kasi palagi nalang akong kinakausap ng barkada ko.Nakatago ang earpiece na suot ko sa ilalim ng buhok kaya hindi ito madaling makita ng Akinomo Phoenix Gang. Para naman sa earpiece nina Alver at Cyborg… nakikita ito ng lahat pero hindi naman sila pinapagalitan, lalo na si Alver. Sanay na kasi ang iba na makita si Alver na parang lutang palagi pero ang totoo ay nakikinig naman talag siya sa klase.Humingi na ako ng tawad sa kanila sa pamamagitan ng pagtext sa kanila, na hindi ko muna sila matutulungan ngayon dahil nga sa mga kaibigan ko.
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na