May ngiti sa labi ni Leigh habang naglalakad na siya pauwi ng bahay ni Wayne. Wala siyang pamasahe kaya naglakad lang siya ulit, pero okay lang ‘yun dahil masaya naman siya sapagkat natanggap siya sa trabaho. At dahil masaya siya at malaki rin ang pasasalamat niya kay Pio dahil ito ang tumulong sa kaniya na makahanap nang mapapasukan na work kaya tinawagan niya agad ito para ibalita ‘yon.“Hello, Pio?” May ngiti sa labi ni Leigh nang mag-activate na ang tawag niya.[Oh, Leigh. Napatawag ka? Anong balita? Natanggap ka ba?]“Oo. Natanggap ako, at salamat ‘yun sa’yo?”[Talaga? Masaya ako na malaman ‘yan.]“Ang bait rin ng boss ko, si Ma’am Sammie.”[Oo, mabait talaga ‘yan. Siya ‘yung tinutukoy ko sa’yo na naghahanap nga ng empleyado sa kaniyang maliit na restaurant. So, kamusta, nagsimula ka na ba kanina?]“Hmm. Tumulong lang ako ng konti sa pagse-serve kanina pero hindi talaga server ‘yung vacant nila kaya hindi ‘yun ‘yong trabaho na nakuha ko,” sagot ni Leigh.[Eh ano pala?]“Delivery
Kasalukuyan lang na ini-init ni Leigh ang pagkain na niluto ni Manang para sa kanilang dinner para sa gabing ‘yon. Wala na sana siyang balak na kumain dahil pasado 11 na nang gabi, kaya lang hindi naman siya makatulog dahil sa gutom. Habang hinahalo niya ang nilagang baboy na ulam, hindi niya maiwasan na isipin ang mga nangyari kanina. Bakit nga kaya atat na atat si Denise na magpakasal na si Wayne? At sa kabila no’n, bakit nga ba ayaw pa ni Wayne na pumasok sa isang relasyon? Dahil ba masyado talaga siyang busy sa kaniyang trabaho? Pero tama rin naman kasi ang sinabi ni Wayne kanina, bakit iispin ng ate niya ang pagpapakasal niya at ang pagkakaroon niya ng relasyon kung maging ito ay wala ring karelasyon. Ang gulo naman nilang magkapatid. Alam kong may part na hindi ko maiintindihan ang sitwasyon na ‘to dahil wala naman akong kapatid. Wala namang taong pwedeng mag-alala sa akin dahil nag-iisa lang ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya na sana siyan
Sakto sa napag-usapan ay dumating na nga si Wayne at si Leigh sa cafe kung saan sila magkikita-kita. Pormal na pormal ang itsura ni Wayne habang nakasunod sa may likuran niya ang dalaga. Nandoon na rin ang kanilang ka-meeting na nakatingin na rin nang diretso sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Leigh ang nakataas agad na kilay ng matandang babae. “Don’t get triggered by her look,” pasimpleng bulong ni Wayne kay Leigh. Nakikita rin kasi niya kung paano tumingin ang matandang babae sa direksyon ni Leigh. “Sanay na ako sa mukha niyan ‘no. Wala namang pinagbago,” bulong din pabalik ni Leigh na ikinangiti ng lihim ni Wayne. Hindi nagtagal ay nakarating na nga sila sa lamesa kung saan ay ‘yung abagado ng matanda ang agad na tumayo. “Nice to see you again, Attorney Ferrer,” bati ni Khalil kung saan ay walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito habang nilalahad ang kamay. ‘Wow! Siya ‘yung attorney ng matandang babae na ‘to? In fairness huh, ang gwapo niya. Mukhang magkasi
“So, what now? This is a win-win situation for the all of us para hindi na matuloy pa ang kaso.” Huminga muna nang malalim si Leigh bago siya nagsimulang magsalita, “Magkano naman ang makukuha ko?” “Huwag kang umasa na malaki, dahil sa laki ng utang ng ama mo… baka wala na ring matira sa’yo. Maliit lang din naman ang lupa na ‘yon. Walang masyadong halaga.” Mataray naman na sagot ni Ms. Cruz. Umirap si Leigh sa narinig. “Maliit na nga eh, pero pinag-iinteresan mo pa ng sobra.” “Ang mga kalapit na lupa ng lupa niyo ay pagmamay-ari ko na. ‘Yun na lang ang natitira at ang sakit na ng mata ko na makita ang sira at lumang bahay na nakatayo doon. May balak akong ipatayo sa parte na ‘yon, kaya kung ako sa’yo, pumayag ka na lang. Kailangan mo ng pera ‘di ba?” Sasagot pa lang sana si Leigh kaya lang natigilan siya nang mahagip ng kaniyang mata ang kamay ni Wayne sa may bandang hita niya na parang sumenyas ito ng ‘tama na’. Buti na lang at naintindihan niya ‘yon agad kaya naman nagsalita na
Habang nagmamaneho si Wayne ay hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ang tahimik ni Leigh sa tabi niya kaya naman nagsalita siya. “Sa tingin ko ay malakas ang laban natin sa kaso mo. I just found out na meron talaga siyang ibang intensiyon kaya niya gustong makuha sa’yo ang lupa. It’s like, she’s not really interested to get paid from your father’s debts. Gusto niya lang talaga na makuha ang lupa niyo.” “Hindi ko alam kung magandang balita ba ‘yan o hindi,” mahinang saad ni Leigh na para bang wala ito sa sarili. “Ano bang nangyayari? May problema ba?” “Wala,” sagot na lang ni Leigh sa kaniya. “Gutom ka na siguro. Let’s eat.” “Wala akong gana. Umuwi na lang tayo.” At nakita na nga ni Wayne sa gilid ng kaniyang mata na itinuon na lang ni Leigh ang atensyon niya sa labas ng bintana. Hindi na lang nakinig si Wayne sa sinabi ni Leigh at imbes na umuwi ay ibang daan ang pinupuntahan nila ngayon. Alam niyang hindi makakahindi si Leigh sa pagdadalhan niya ngayon sa dalaga. “Teka, hind
Sa sobrang tagal na umiyak ni Leigh matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan na si Cattleya ay nakaramdam naman siya ng uhaw. Ipagpapabukas na lang sana niya ‘yon at hindi papansinin, kaya lang hindi naman siya makatulog. Doon ay nagpasya na nga siyang lumabas muna ng kaniyang silid. Pahid-pahid niya ang kaniyang luha ay naglakad na nga siya. Ngunit, awtomatiko siyang natigilan nang mapadaan siya sa nakasaradong pintuan ng silid ni Wayne. May naririnig siyang umu-ungol mula sa loob.Kumunot ang noo ni Leigh.“Ano kaya ‘yun? Gising pa kaya si Wayne?” tanong ni Leigh sa kaniyang sarili. “Hindi naman ‘yon simpleng ungkol lang, dahil kung tama ang pagkakarinig ko… ungol ‘yun nang may iniindang sakit. May nararamdaman kayang masakit si Wayne? Ano kayang nangyayari sa kaniya sa loob? Kakatukin ko kaya siya?” sunod-sunod na tanong pa rin niya dahil bigla siyang nakaramdam nang pag-aalala.Ipinagsawalang bahala muna ni Leigh ang uhaw na kaniyang nararamdaman sapagkat na
Buong kalahating araw ay tinulungan ko lang si Mama na maglaba. Pagsapit ng tanghalian ay nagluto muna ako ng lunch namin tapos nagpatuloy na ulit ako sa pagtulong. Mga bandang alas-tres ng hapon ay nagsasampay na ako ng mga damit sa likod ng bahay. Actually nawala na nga sa isip ko ang oras dahil itinuon ko lang talaga sa ginagawa ko ang buong atensyon ko. At habang abala nga ako sa pagsampay ng mga damit na nilabhan namin ay biglang narinig ko naman si Mama na tinatawag ang pangalan ko sa harapan ng bahay.“Bakit po, ma? May ginagawa pa ako eh,”sigaw ko dahil nasa likod nga ako ng bahay habang nasa harapan naman si Mama.“Pumunta ka muna dito, bilisan mo.”“Opo. Nandiyan na.”At iniwan ko muna ang ginagawa ko saka nagpunta na sa may harapan ng bahay. Agad akong natigilan nang makita ko si Wayne na nasa harapan ni Mama. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kotse niya na nakaparada sa labas ng gate namin. Bitbit niya sa kabilang kamay niya ‘yung bag ko habang nap
Kahit na hindi nakatulog ng maayos si Leigh noong gabi dahil sa mga iniisip niya, idagdag pa na sinisilip-silip din niya ang lagay ni Wayne sa kabilang kwarto, ay nagawa niya pa rin na gumising ng maaga kinabukasan.Medyo madilim pa ang paligid nang gumising siya. Pagdaan niya sa harapan ng kwarto ni Wayne ay sumilip pa siyang muli roon upang makita kung mahimbing pa rin ba na natutulog ang binata. Kinusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata ng bahagya niyang binuksan ang kwarto ni Wayne.Doon ay nakita niya na natutulog pa nga si Wayne. Dahan-dahan niya nang sinado’ ng muli ang pintuan at dumiretso na sa may kusina. Sa pagkakaalam niya ay tuwing alas-otso pa ng umaga dumarating si Manang Fracia. Naisip niya na kailangan na ring uminom ng gamot ni Wayne pagkagising nito kaya naman siya na ang nagkusa na magluto.Pinili niya na lang na lutuin ay ‘yung madadali lang. Kailangan niya na rin kasi na magmadali lalo na at may trabaho pa siya.Nagluto siya ng ready to mix na panc
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na p
“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sof
Napuno nang inis ang umaga ko nang maaga akong magising habang naghahanda na sa pagpasok ko sa restaurant. Halos ibato ko na sa vanity table ang suklay na ginagamit ko ngayon. Dala-dala ko pa rin ‘yung inis na nakatulugan ko kagabi. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi natuloy ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne, kundi dahil napagtanto ko na, kagabi pa lang, kung sino ba ‘yung tumawag sa kaniya.Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na ‘yun. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yung matapobreng babae sa charity ball. Siya ‘yung sinamahan ni Wayne noong gabi na naging dahilan kung bakit dineny niya ako.“Argh! Nakakainis! Kung nalaman ko lang kaagad na ‘yun pala ‘yung babaeng ‘yon… eh di sana pala, gumawa ako ng paraan para pigilan si Wayne,” saad ko sa sarili ko.Bumuga na lang ako nang isang malalim na hininga at nagpasya na nga na tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Baka ma-late na ako sa restaurant kung uunahin ko pa ang inis na nararamdaman ko.Pagkababa ko, awtomatikong
Walang lingon-lingon akong bumaba ng sasakyan ni Wayne nang makapag-park na siya ng kotse niya. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang sarili kong sling bag nang dumiretso ako sa pagpasok ng bahay niya. Ramdam ko ang bawat kabog ng puso ko. Gusto ko sanang lingunin siya upang makumpirma kung sinusundan niya ba ako, o hindi… pero mas pinili ko na lang na ‘wag nang gawin ‘yun at mas lalong bilisan na lang ang paglalakad.“Kailangan kong makapasok agad sa kwarto ko,” bulong ko pa sa aking sarili.Katulad nang inaasahan, wala na si Manang Fracia nang makapasok na ako sa may sala. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng dahil doon. Mabilis na akong umakyat ng hagdan, kung pwede ko nga lang na hakbangin ng tig-tatlo ang baitang, baka ginawa ko na, para lang makaakyat ako agad.Napangiti ako ng lihim nang marating ko na ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko nang inabot ang doorknob noon, pipihitin ko na sana upang mabuksan, kaya lang may i
LEIGH’s POV Ramdam ko ang pagkawala ko sa aking sarili habang nakaupo lang ako rito sa may dulo ng jeep kung saan ay papunta na ako ngayon sa restaurant. Nakahawak pa ako sa handle, pero nakatulala lang ako. Hindi ko akalain ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne.Kung pwede ko lang na pukpukin ang sarili kong ulo ngayon, baka ginawa ko na. Kaya lang, pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi lang naman ako ang pasahero ngayon.Sana lang talaga ay hindi makita ng mga tao na nasa harapan ko ang pamumula ng mukha ko ngayon. Ramdam ko kasi na nag-iinit ang dalawang pisngi ko lalo na at tandang-tanda ko pa ang nangyari matapos ‘yung nangyari sa kotse. PAKIRAMDAM KO, sa mga bisig pa lang ni Wayne habang buhat-buhat niya ako patungo sa kwarto ko ay medyo naka-idlip na ako ng ilang segundo. Nang dahan-dahan niya na akong inilalapag sa malambot na kama ay doon pa lang ako medyo naalimpungatan.Rinig ko ang mahina at medyo paos na boses niya nang bumulong siya sa akin, “Ju
Hinimas-himas ni Wayne ang kaniyang hita, paatas at pababa, habang diretso pa rin na nakatingin sa kaniyang mata.“Please, tell me na hindi ka na magtatrabaho. I’m offering you a secretarial position on my firm. Why can’t you just accept it, huh?”Napakakagat si Leigh sa pang-ibaba ng kaniyang labi dahil sa init na kaniyang nararamdaman sa ginagawa ni Wayne, ngunit pinigilan niya. Pinigilan niya ang kabilang sistema ng kaniyang pagkatao upang magawang sagutin ang binata.“A-ano ba, Wayne—”At hindi naituloy ni Leigh ang balak na sabihin nang biglang sinunggaban siya ng halik ni Wayne. Sobrang nabigla si Leigh ng mga sandaling ‘yon, hindi siya makapaniwala na mauuwi sa paghahalikan ang usapan nila. Ngunit nang mapansin niya na nakapikit na ang mga ni Wayne habang ninanamnam ang pagdidikit ng kanilang mga labi, kusa na rin na napapikit ang kaniyang mga mata.“Hmmm.” Hindi man sinasadya pero napa-ungol na si Leigh. Patuloy pam rin kasi ang paghimas ni Wayne sa kaniyang hita kasa
Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing ‘yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.“Oh? Aalis ka na agad?” tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling ‘yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi… ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis