Ang akala ko ay mabilis lang kaming makakarating sa north wing pero nagkamali ako!
Naglakad lang kasi kami. Kapag daw ginamit ang sasakyan ay mataas ang possibility na mawalan kami ng gas at hindi naman namin pwedeng iwan ang sasakyan. Kaya iniwan nila sa garahe ng lumang bahay ang sasakyan at iba pang gamit at siniguradong hindi makikita ng mga hunters. Nakita ko ang paglock nila no'n at sinisiguro akong walang makakanakaw do'n.
Sa paglalakbay ay unti-unti ko silang nakilala.
"Sa taas..." Mahinang usal ni Pisces na nasa gitna namin. Kaagad na bumaril si Cedrick sa taas na parte ng kagubatan. Alerto ang lahat ngunit hindi naiiwasan ang pakikipagbiruan.
"Naaalala ko pa 'yung huling cartoon na napanood ko bago magsimula ang zombie apocalypse na ito," natatawang sabi ni Max. "Tungkol siya sa planong pagsakop ng mundo."
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw nang barilin ni Celine sa ulo ang isang zombie. Kahit na medic siya ay napaka-asintado.
"Oh, anong nangyari sa cartoon?"
"Namatay yung bida at mga kaibigan niya."
"What?!" Celine shrieked. "Anong klaseng cartoon 'yan?"
"Kakaiba nga e. Puro kabrutalan at patayan lang. Hindi yata pambata 'yon."
Kapag napapagod ay nagpapahinga. Tahimik lang kami dahil ayaw naming mabulabog ang mga zombies. May halong kaba palagi sa dibdib ko dahil isang maling galaw ay maaari kaming mapahamak.
Sa paglalakbay ay unti-unti ko silang nakilala. Masyadong misteryoso si Pisces. There is something in him that I can't point out but my gut says it is dangerous. Celine, on the other hand, looks like a jolly person but then when she told me her story, I saw the sadness in her eyes. She's not genuinely happy.
"Malayo pa tayo sa east wing pero maghanda na kayo para sa mas maraming zombies," sabi ni Nate habang may kinukuha sa bag niya.
Isang yapak sa mga tuyong dahon ang pumukaw sa aming pansin. Napatingin ako sa palagid ngunit wala namang tao. Sinundan pa ito ng isa. At isa pa. Pabilis nang pabilis. Lahat kami ay naalerto at nakatutok ang mga baril sa paligid. Patingin tingin kung saan dahil baka sa isang iglap ay may bumungad na zombies.
"Maghanda kayo..." bulong ni Cedrick.
Isang lalaki ang sumulpot sa harapan ni Cedrick kaya agad niya itong pinaputukan.
"Ah!" Hiyaw ng lalaki. "Easy!" Ilang mura ang pinakawalan nito dahil sa sakit. Tinamaan ito sa left bicep. Napaupo ito sa mga tuyong dahon habang iniinda ang sakit.
Dumanak ang dugo nito at makailang beses pang napamura.
"Sacred..." tawag ni Pisces sa lalaki.
"Shit. Shit. Shit!" The guy winced in pain.
"Sacred," tawag ulit ni Pisces.
"Kilala mo siya?" tanong ni Cedrick kay Pisces.
Napatingin ang lalaking nagngangalang Sacred kay Pisces habang iniinda ang sakit.
Ilang segundo itong nanlaki ang mga mata pero paglipas n'on ay kita na ang galit sa mga mata nito.
"Tsk, mga pahamak," inis na sabi ni Sacred. Kaagad na inangat ni Max at Cedrick ang mga baril nila at itinutok kay Sacred.
"Anong sabi mo? Baka gusto mong pasabugin ko ang bungo mo?" Halatang nag-iinit na si Max.
"Tss. Go ahead! As if I care." Lumingon si Sacred sa kaliwang bahagi niya habang iniinda ang sakit.
Halatang nainis si Max kaya hinawakan niya nang maigi ang baril. Ang tulalang si Pisces ay mahinahon na ibinaba ang nakatutok na mga baril ng mga kasama.
"Gamutin mo siya, Celine." Iyon ang utos ni Pisces sa nakatungangang si Celine. Kaagad naman itong tumango at lumapit kay Sacred pero itinulak ito ng binata palayo.
Nakatunganga lang ako sa mga pangyayari at wala akong maintindihan. Halata namang kilala ni Pisces si Sacred pero hindi ko maintindihan ang biglaang galit sa mga mata ni Sacred.
Payat lang ang binata at may sugat sa noo, braso, binti at pisngi.
Nang lumapit si Celine ay kaagad siyang itinulak ni Sacred.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Tila batang nag-aamok ito.
"Aba!" Kaagad na sumugod si Cedrick kay Sacred at itinulak ito sa magkabilang balikat kaya naman napahiga ito sa damuhan.
"Tumigil nga kayo!" awat ni Pisces sa kanila. "Wag ka nang magmatigas, Sacred! Nasugatan ka!"
Umupo si Sacred mula sa pagkakahiga at tumingin sa malayong dulo.
"Celine, gamutin mo ang mga sugat niya," utos ni Pisces. "Max, Nate, Cedrick at Collier. Magpahinga na kayo ro'n."
Naupo kami sa malayong dulo at rinig na rinig namin ang mga palahaw ni Sacred.
"Ah! Dahan-dahan naman! Masakit kaya!" inis na inda niya.
"Nanggigigil na ko sa batang 'yan. Kung sigawan niya si Celine, parang wala lang," asik ni Cedrick. "Ako nga, hindi ko masigawan 'yon!"
"Hayaan mo na..." Kanina pa nagmamasid si Nate.
"Ang yabang-yabang..." Uminom ng tubig si Max. "I can break all his bones in just a minute!"
"Tss, isa ka rin e," sabi ulit ni Nate.
Tahimik kaming kumain at nagpahinga.
"Mukhang magkakakilala sila..." bulong ni Nate habang nakatingin sa tatlo.
Napatingin ako kina Pisces. May kaba sa mga mata niya kagaya ng kabang mayroon kay Celine. Inis at galit naman ang makikita sa mga mata ni Sacred.
"Pamilyar siya pero..." Nakakunot ang noo ni Cedrick habang nakatingin kay Sacred. "Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita."
Nang malinis ang sugat ni Sacred ay kaagad siyang tumayo.
"Wag mong isiping ayos na tayo, Morrigan," mariin niyang sabi. Tinitigan niya lang si Celine atsaka umigting ang panga. "Kayo rin naman ang may kagagawan nito."
"Sacred, bakit ka naggagala? Delikado rito. May mga kasama ka ba-" naputol ang sinasabi ni Pisces ng barahin siya ni Sacred.
"Wag ka ngang umasta na parang magkabati tayo! Wag-"
"Pwede kang sumama samin para maging ligtas ka." Si Celine naman.
Nakita ko ang gulat kay Cedrick.
"What?!" He shrieked. "What is she talking about? Ano ba kasing nangyayari? Anong pinagsasasabi nila?"
"Shhh." Si Nate.
"Hindi ko kailangan ng tulong niyo, Rae. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa sumama sa inyo," seryosong sabi ni Sacred.
Tumango si Pisces. "Kung 'yan ang gusto mo."
Umambang aalis na si Sacred nang magtanong si Pisces.
"Kumusta na ang mga kapatid mo? Si Tita, kumusta na?"
Nagulat ako nang biglang kwelyuhan ni Sacred si Pisces.
"Ang lakas naman ng loob mong magtanong." His jaw tightened.
Matinding galit ang nakita ko kaya pati ako ay kinabahan rin. Itinutok nina Max ang baril nila kay Sacred.
Hinugot ni Sacred ang baril sa pantalon ni Pisces at itinutok sa ulo ni Pisces.
"Ibaba mo 'yan!" sigaw ni Max pero parang walang narinig si Sacred.
Napapikit ako nang pinaputok ni Sacred ang baril. Sinundan pa ito ng isa. At isa pa. Inasahan kong puro dugo at bangkay ang paligid ko pero pagdilat ko ay nakita kong nakatayo pa rin si Pisces at matamang nakatingin kay Sacred.
Nakatutok ang baril sa gilid ng ulo ni Pisces at may mga nakahigang zombies sa likod nito. Ang buong akala ko ay papatayin niya si Pisces pero mali ako. Binaril niya ang mga zombies na papalapit kay Pisces.
Inihulog ni Sacred ang baril sa lupang maraming tuyong dahon at walang buhay na umalis.
"Patulugin sana kayo ng konsensya niyo." Ang iniwan niyang salita ang nagpagulat kay Pisces at Celine.
Naglakad na kami kanina pa pero parang lutang parin si Pisces at Celine. Walang naglalakas-loob magsalita.
"Who is he, Celine?" Not until now. Napatingin ako kay Cedrick na seryosong nagtatanong.
"Gabi na, magpahinga na tayo rito," sabi ni Pisces. Saktong may malaking puno ang nahintuan namin.
"Tara, magpahinga na tayo." Si Max naman.
Nang umupo kami ay inulit ni Cedrick ang tanong. "Who is he?"
Walang buhay ang tingin ni Celine.
"Ex mo ba?" Cedrick concluded.
"Hindi."
Kumuha kami nina Nate ng kahoy sa paligid pero rinig pa rin namin ang usapan nila.
"Sino siya? Sabihin mo nalang."
Nilagay namin sa gitna ang mga tuyong kahoy at sinindihan.
"Siya ang pinsan ni Astra Aquino." Si Pisces ang nagsalita. Nagulat si Celine. Pati ang tatlo ay nagulat.
"Astra Aquino? Y-Yung napatay mo sa ZU Academy?" Tanong ni Max.
"Hindi niya siya pinatay!" pagtatanggol ni Cedrick kahit gulat rin.
Nagulat ako. 'Yon ba 'yung ikinwento sa akin ni Celine? She didn't exactly tell me that she killed Astra but I think it was her!
"H-Hindi ko sinasadya..." bulong ni Celine. Nakatingin lang siya sa apoy kaya kita ko ang hindi pa nalalaglag na mga luha.
Napatingin si Celine kay Pisces at kinunutan ito ng noo. "Hindi mo ba sasabihin kung sino si Sacred Aquino sa buhay mo?"
Huminga nang malalim si Pisces. "Kapatid ni Sacred si Iris..."
Bawat rebelasyon ay nagugulat ang lahat maliban sakin dahil hindi ko naman sila kilala.
"I-Iris Aquino..."
"Let's stop this topic. Kilala na natin si Sacred. Magpahinga na tayo," biglang usal ni Cedrick.
Sandali ko pa lamang silang nakakasama ay mas lalo na akong naguguluhan. After the mention of the name Iris Aquino, the team decided to rest.We created a small tent using leaves and trunk of trees. Sa labas nito ay ang sigang hindi parin nawawala."Pahangin lang ako," saad ni Nate kahit wala namang nagtatanong kung saan siya pupunta. Hindi siya pinansin ng apat at ako lang ang napatingin sa kanya.Ramdam ko ang pagod dahil sa mahabang paglalakbay pero kahit anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Dahil siguro sa alam kong anumang oras ay maaaring may sumulpot na zombies dito.Nakahiga na kaming lahat at si Nate na lang ang gumagala. Sana lang ay maging safe siya.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Celine habang pilit na nagpupumiglas.Dalawang lalaki ang nakahawak sa kanya. Isang babae at si Bubble Joe naman ang nakatutok ang baril sa amin.Nakatutok din ang baril namin sa kanila."My, my, such a pretty lady. Magkano kaya ang halaga mo sa market?" My forehead creased."I thought you were a member of Fascists?" I asked them.The slutty girl laughed so hard as if something was funny."Oh, did you see our Jeepney? Ang cool ng design 'no? Parang Fascist talaga. Para dagdag takot syempre.""Bitawa
A man with a thick pair of reading glasses welcomed us as we entered the room. He slightly resembles this Nazi party leader Adolf Hitler because of his serious aura, wrinkled skin and a moustache covering his philtrum. "Cerberus Squad..." He gently bowed but he remained with his serious facade and creased forehead as if examining us."I am Yohann, A+ tier merchant of Fascist Market. It means mahahalagang tao lang ang maaaring ibenta sa akin. How may I help you?" He clasped his own hands at the top of the table covering his jet black moustache. Sandaling naagaw ng atensyon ko ang mga ulo ng zombies na nakasabit sa pader. Parang usa na nasa wood frame na isinasabit sa dingding. Napalingon din siya roon nang mapansin ang mga tingin namin doon.
"Bibili muna ako ng makakain. Ikaw Arthur, bantayan mo ang sasakyan. Samahan mo siya, Rick. Pero bumalik ka para ihatid dito yung mga beef jerky. Bubble Joe, humanap ka ng possible buyer para mapabilis ang pag alis natin dito sa market." Lumingon si Sasha kay Kira. "Ikaw, dahil wala ka namang kwentang medic, bantayan mo na lang 'tong bitch na 'to." Nakayuko lang ako habang pinipilit na takpan ang katawan ko. I'm hopeless. I can feel the involuntary shaking of my body. Wearing a little piece of cloth makes me anxious. But the thought of someone buying me to be his or her sex slave is making me sick. "Hindi ba pwedeng ako nalang ang magbantay dito?" Dumidila-dila pa si Bubble Joe habang nakatingin sa akin. "Shit, ang puti ng legs. Ako nalang ang magbabantay dito, Sasha!"
Nakarating kami sa malayo at bumungad sa amin ang iika-ikang si Celine. Kahit hirap tumakbo ay pinilit niyang lumapit sa akin para yakapin ako. Hindi ko siya niyakap pabalik pero hinayaan kong hagkan niya ako. Pagtapos niya akong hagkan ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.Tumingin siya sa mga mata ko."Ayos ka lang ba? I'm sorry, Collier. Anong ginawa nila sa 'yo? Patawarin mo 'ko, please." Parang malapit na siyang umiyak. Niyakap niya ulit ako at isiniksik ang ulo sa balikat ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko."Wala kang kasalanan..." walang buhay kong usal. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kay Kira. Hindi ko nakita kung paano siya binaril dahil tinakpan kaagad ni Pisces ang mga mata ko. I didn't even heard her groan in pain. Maybe she die
I have to think critically. They were all sorry for what happened. Syempre maliban kay Pisces. Lahat sila, hindi ginusto ang nangyari. Pati naman siguro si Pisces. Pero nangyari na ang mga nangyari. Hindi ko na naman maibabalik pa. Besides, kailangan ko sila para makarating sa pamilya ko. 'Yon ang goal ko. Ang makita sila. Para maging maayos na ang buhay ko. Kung mag-isa akong maglalakbay dahil sa galit ko kay Pisces, malamang ay mamatay ako sa gutom, makuha ng ibang squad, o maging zombie. I have no food to eat, water to drink, clothes to wear and weapons to defend myself. But my anger towards Pisces is just too much. I can't even fathom his reasons and way of thinking. Uunahin ko pa ba ang galit ko?
"Nope, I want to sleep." Pisces immediately popped Celine's bubbles."Ang kill joy mo naman, leader." Angal ni Celine. Kunot-noo siyang tumingin kay Pisces. "Just for tonight, wag kang maging KJ, please?" Nagpaawa pa siya kay Pisces e halata namang hindi gagana."No.""Fine! But promise me! Next time mag-oopen forum tayo!""Whatever."Kahit natatakot ay nagawa kong makatulog no'ng gabing 'yon. Siguro ay dahil alam kong kahit papaano naman ay ligtas kami kumpara sa labas."Malapit na tayo sa north."Pagod na pagod na ako sa paglalakad
I'm sure I didn't hear it right."P-Po?""Ang sabi ko ay umalis ka sa bahay ko!" Ulit niya pa, mas mariin at mas galit."D-Dad..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Bakit niya ako pinapaalis? Ang akala ko ay matutuwa sila sa pagbalik ko. Na hindi na nila ako kailangang hanapin dahil ako na ang kusang dumating."Paano ka nakarating dito?" Nanliliit ang mga mata ni Mom habang mariing nakatitig sa akin."S-Sinamahan po ako ng mga kaibigan ko papunta rito. I woke up in a building and I can't remember anything-""Napakaswerte mo naman kung gano'n! Na wala kang maalala sa kahit na ano!" sigaw ni D
Dan. Meow-Meow. Carrot. Bolt. Huwanie. Zyrah. This story is for you. --- After three years of hardwork, we finally reached the end. I would like to thank all of those people who supported me. It took me a lot of time to finish this because deep inside myself, I never want this story to end. I want to cherish every moment with my very first story. I want to cherish all the lessons that I've learned throughout this journey. I would like to thank you for reaching this part. You made it. I hope I made an impact with your life. I hope that you've learned something from Collier and her friends. If ever you feel like there's no hope for you, always remember that living is really hard... Life is really unfair... Live through it and be happy. I love you so much.
They said that dying is easier than living. I used to think before that I never wanted to die too early. Everyone count on me and I am their only hope.Reminiscing those memories of the past... Those people that I lost... I think that dying for them could be peace.Yumuko ako para tingnan ang puntod niya. It’s been four years but the wounds are still fresh. I learned to forgive myself but I don’t think I’ll ever forgive fully.“Bago pa man magsimula ang lahat, kinaiinisan ko na siya... Hindi ko gusto ang aura niya.” Cedrick was beside me while holding a bouquet of flower. He is smiling but his eyes were never happy. “Makaka-move on kaya tayo?”I chuckled a little. “Hindi na yata.”
Tinuloy ko ang paglalakad. Every step I take feels so nostalgic. It’s as if I was back to the nightmare I entered... Just like before, I was the one who enter it to my doom.Nakarinig ako ng pag-uusap sa gitnang parte ng arena. Naaalala ko pang ito ‘yong parte ng arena na madamo. Tiningnan ko ang inaapakan at tuyong damo lang ang mga natatapakan ko. This place is a mess.“Aalis na ako, Sir. Nagawa ko na ang trabaho ko.” Mababa ang boses ng lalaki pero nakapaninindig ng balahibo.“Walang aalis! Sama-sama tayo rito! You entered Fascist and there’s no turning back!”“Hindi ko pa ho gustong mamatay, kung gusto niyo pong mamatay, hindi ako ang tamang tao na dapat niyong idamay.”
“We have no time for this...” Napaupo ako kahit na nanghihina. “Sabi niya ay pasasabugin niya ang buong bansa! We know his capabilities!”Kunot ang noo ni Apollo habang malalim na nag-iisip.“Matagal nang inihinto ang land bomb project dahil self-destruct ang plano na iyon kaya paanong-” Nanlaki ang mga mata niya sa iniisip na posibilidad.“He’s purposely doing it to self-destruct. Na kung mamatay man siya ay damay ang buong Coventry,” wika ni Nate sa isang malalim na boses.“We have to stop him, Harem.” Puno nang pag-aalala ang boses ko. Ang mga taong umaasa sa pag-uwi namin ay hindi ko maaaring biguin.Sumakay kami sa sasakyan namin upang ihanda na ang
I really don’t know what gotten into him but after that realization, he helped us... He probably thinks that he doesn’t want Celine to really die in vain.He told us all the possible places. Nakakagulat na sobrang dami niyang alam na kahit pasikot-sikot ay alam niya. Of course, it’s his job!There are three possible hideouts. First, his unit just near La Serpienta. His oil company on Sky Town, and the last one is their vacation mansion on the Isla Corvientos. Some of our men headed to his unit and some went to Sky Town. Kaming lima ay nagpasyang magtungo sa Isla Corvientos dahil iyon ang pinakamalayo.“Hindi kagaya sa Coventry, dito sa Naion ay may signal. Tawagan niyo kami sa kung anong balita. Ganoon din ang gagawin namin,” paalala ni Harem. Sila ang team na pupunta sa unit. Sina Apol
“He’s two cities away from Azteria. Ayaw niya rin talagang bumibisita ako dahil may naaalala raw siya. Kaya tinanong ko rin kayo kung sure ba talaga kayo... Lalo na si Collier...” Malapit na kami sa probinsiya ng La Serpienta at mas nadadagdagan lang talaga ang kaba ko sa tuwing maaalala kung kanino kami patungo.“Sigurado naman akong alam niya ang buong Naion dahil mahilig daw mamasyal ang mga amo niya,” dugtong pa ni Nate.Nagkabati rin sila ng fiancée niya kagabi. Nagselos lang daw dahil akala yata ay kinausap ako para sabihing mahal pa ako. Na kaya raw ako umiyak ay dahil mahal ko rin talaga si Nate kaso lang ay hindi na kami pwede. Gusto kong maiyak lalo sa katatawa pero alam ko ang pakiramdam ng nagseselos kaya hindi ko na ginawa pa.Kaya rin busangot kagabi si
I couldn’t believe it... Magician na siya? Agad akong tumakbo patungo sa kung saan nagkukumpulan ang mga tao at doon ko tuluyang nakita ang dating kaibigan. I almost cried and felt nostalgic to see Max right in front of me pero hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon.“Puntahan natin siya!” tawag ko kay Pisces.“He’s still performing... We don’t want to let this people get mad at us for ruining his performance.”“B-baka umalis siya...” wika ko habang patuloy na pinagmamasdan ang kaibigan.He changed a lot... mas tumangkad siya at mas nag-mature. Sa ganda ng ngiti niya ay para bang payapa na ang utak laban sa mga trahedyang pinagdaanan. I suddenly felt embarassed... dahil pumunta kami rito para lang
I never knew that I’ll be able to go to the Naion. Hindi ko iyon naisip kailanman at nadagdagan pa nga ang takot ko na pumunta roon nang malamang nadi-discriminate ang mga taga-Coventry dahil sa lumalaganap na zombie virus outbreak. Malamang ay kung malaman nila na ako ang pinakanaunang maging zombie ay hindi na sila mag-aksaya pa ng panahon para paalisin ako. They would probably stone me to death for the mischief I brought and what I can bring to their country.Well, that should be the least of my priority. Takot lang din siguro talaga ako dahil alam ko kung sino ang pupuntahan namin doon. Ang taong pinagkakasalaan ko ng malaki. Hindi ko alam kung handa na ba ako na makita sila dahil hanggang ngayon ay ikinahihiya ko pa rin ang nangyari dati.“Don’t worry... I know them.” Napansin yata ni Pisces ang kaba ko nang nasa eroplano na kami pa
After a long journey of searching for the remains of those people inside the helicopter, we found out that it was Vos Rockefeller, Crimson and Velvet Benchers’.Nahirapan pa kaming ma-identify and mga bangkay dahil sunog na sunog na ang mga ito but the accessories and jewelries gave it all.I’m happy that we eliminated three of them but still unsatisfied since Sid Rockefeller is still at large.“His first hideout would probably be Naion since they can enter it back and forth without any permission from the government.”Ngayong iniisip naming kung paano mapababagsak si Sid nang walang nasasaktan na taga-ibang bansa, alam ko na agad na mahihirapan kami. We don’t want to cause any bad image and the team wants to do it secretly.