Share

The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms
The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms
Author: Helena Price

Prologue

Author: Helena Price
last update Last Updated: 2021-10-18 10:50:27

PROLOGUE

Dumadanak ang dugo, nagliliwanag ang kalangitan dahil sa pamilyar na mga kapangyarihan. Nakabibingi ang bawat palahaw ng mga taong nadamay sa kaguluhan.

"Loriana!" Dinig kong sigaw ng isang hindi pamilyar na tinig.

Nasaan ako? Paano ako napunta sa gitna ng hindi pang-karaniwang gyerang ito?

"Loriana!" Muling sigaw ng tinig ng lalake. Baritono ang kanyang boses at tila puno ng pag-aalala.

Humarap ako sa pinanggagalingan ng tinig ngunit masyadong mapula ang buwan at kakarampot ang liwanag na mayroon upang maaninag ko ang kanyang mukha.

Ang boses niya. Hindi ko kilala ang boses niya pero nararamdaman ng puso ko...kilala ko ang taong iyon.

Huminto siya sa pagtakbo nang makitang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil bukod sa kadiliman ng lugar, masyadong mahaba ang hood na suot niya. Natatakpan nito ang kanyang noo at natatabingan ng anino ang kalahati ng kanyang mukha.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang tagilirang sapo-sapo niya. Umaagos ang dugo mula roon na tila malalim na sugat ang tinamo niya. Sa kanyang kanang kamay ay isang nagliliwanag na bagay.

Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang taong ito... Pero bakit parang hindi ko siya matandaan? Saan ko siya nakita?

Hindi ko alam. Hindi ko maalala.

He took another step until he's finally less than a meter away from me. Hinawakan niya ang aking kamay saka ito inilapat sa kanyang pisngi. Napalunok ako nang makaramdam ng kakaibang kuryente...ngunit nang pumatak ang luha niya sa aking balat, biglang nabalot ng lungkot ang dibdib ko.

"You are worth the pain..." He mumbled before letting my hand go. Itinapat niya ang kamay niyang may hawak na nagliliwanag na bola paharap sa lupa.

Napatitig ako sa kanyang asul na mga mata. Kahit na madilim, kahit na hindi ko makita ng maayos ang kabuuan ng mukha niya...ramdam ko ang matinding lungkot niya.

"Olympus will rise again. I will do everything to fulfill our promises to them." He mumbled before flashing a broken smile at me. "It's time for you to go...my keeper."

Pagkasabi niya noo'y tuluyan niyang binitiwan niya ang bola. Nang mabasag ito'y lumikha ito ng kakaibang liwanag na unti-unting bumalot sa akin. Naramdaman ko na lamang ang katawan kong umangat sa lupa at tila hinigop patungo sa ibang dimensyon. Nang maramdaman kong para akong nahuhulog, tuluyan akong napatili ng napakalakas.

"Fuck! Fuck!" Sigaw ko bago bumagsak sa malamig na semento. Habol-habol ko ang aking hininga at halos mabingi ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

Tahimik ang paligid ngunit ramdam kong hindi ako nag-iisa. Madilim ngunit naaninag ko ang pares ng mga paang humahakbang palapit sa akin.

A familiar man knell down in front of me. His well-trimmed brows furrowed as his eyes narrowed at me.

"Miss Wrights? How was your nap during my class? Did you enjoy your wet dreams?" He mumbled.

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa narinig. Doon ko lang narealize kung nasaan ako. Oh God. I fell asleep...again...and worse, I cursed, twice.

Oh, Loriana Wrights. You are so dead...again.

Dali-dali akong tumindig at inayos ang makapal kong salaming wala ring silbi. My condition is rare. May salamin man, hindi ko pa rin magawang makakita ng malinaw. Blurred pa rin ang paningin ko kahit ang pinaka-mataas na na grado ang ipasuot sa akin.

"Pasensya na prof. Pagod lang talaga ako kaya ako nakakatulog." Dahilan ko.

Sumimangot ang bading na professor. "Next time, kung hindi mo naman pala kayang pagsabayin ang mga ginagawa mo sa gabi at pag-aaral, huwag ka nang pumasok sa klase ko." Mataray niyang sabi saka ako tinalikuran.

Namulang parang kamatis ang mukha ko. Bumalik ako sa upuan ko at pilit tinago ang mukha sa makapal na aklat ng mythologies. This is really embarrassing.

"Now, where are we? Ah, yes. Zeus..." He mumbled.

-

Natapos ang klase ko na napaka-init ng pagmumukha ko. Pakiramdam ko nilalagnat na ako dahil sa kahihiyan. Nang marinig ko ang bell, dali-dali kong dinampot lahat ng gamit ko at dumiretso sa locker para itago ang mga librong hindi ko na gagamitin.

Nakakainis. Bakit ba palagi na lang akong inaantok sa klase niya? Baka this time, matanggalan na talaga ako ng scholarship kapag nakakuha ako ng tres sa klase ni Sir Vite. Kung kailan naman kaunti na lang ang minor subjects ko saka pa ako matatanggalan ng scholarship.

Bumuntong hininga ako at kinuha at tuluyang sinara ang pinto ng locker. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko saka ako naglakad patungo sa student assistants' quarters.

Naabutan ko sa loob si Mariz na mukhang kararating lang din. Inaayos niya ang hair cup niya habang nakaharap sa salamin. Nang makita niya ako'y mabilis siyang ngumiti.

"Hi, Ria! Balita ko nakatulog ka na naman sa klase ni Madam Vite?" Nakangisi niyang tanong.

Napairap ako sa kawalan saka tamad na binagsak ang katawan sa lumang sofa. "Oo. Ano pa bang bago? Ang boring naman kasi ng klase niya."

Napailing siya. "Sinabi mo pa."

Inilapag ni Mariz ang lagayan niya ng hair pins saka siya nakahalukipkip na humarap sa akin.

"Ano nga pala ang plano ngayong gabi?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Plano?"

"Uh-huh?" She nodded. "Girl, twenty-first birthday mo ngayon, remember? Dapat i-celebrate naman natin 'yan. Noong debut mo hindi na tayo nagcelebrate kasi na-stop ka sa pag-aaral. Dapat ngayon, magcelebrate na tayo."

Bumuntong hininga ako. "Pambili nga no'ng workbook na kailangan ko sa isang major subject wala ako panggastos pa sa handa?"

Sumimangot siya. "Wala ka talagang tiwala sa mga friends mo." Pabulong niyang sabi saka ako tinalikuran.

Itatanong ko pa sana kung ano ang sinabi niya nang biglang pumasok ang head SA. Tinaasan kaagad niya ako ng kilay nang makita niyang hindi pa ako bihis.

"Anong oras mo balak kumilos, Ria? Overtime na naman si Fritz dahil sayo." Inis nitong sabi.

"Sorry. Magbibihis na ako." Untag ko saka ako naglakad patungo sa locker ko. Kinuha ko ang uniporme ko saka ako dumiretso sa banyo para magbihis.

Napabuga ako ng hangin nang tuluyang sumara ang pinto. Nilapag ko ang mga damit ko sa sink saka ko sinimulang alisin ang butones ng uniporme ko.

Nakakasawa na ang takbo ng buhay ko. From seven in the morning until six in the evening, nag-aaral ako. Pagpatak ng six-thirty, kailangan ko namang magtrabaho sa school para wala akong bayarang tuition. Ang hirap ng walang suporta ng mga magulang. Ang bata ko pa pero parang pasan ko na ang mundo sa hirap ng buhay ko.

Humugot ako ng malalim na hininga saka pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. "Sana naman magbago na ang takbo ng buhay ko." Wala sa sarili kong hiling.

-

"Fritz, ako na rito. Magagalit na naman si Vienna kapag nakita kang nag-oovertime eh." Untag ko saka inagaw ang pamunas sa kanya ngunit mabilis niya itong itinaas sa ere para hindi ko makuha.

"Boring din naman sa boarding house. Hintayin ko na kayo ni Mariz. Pabayaan mo si Vienna." Untag niya saka siya naglakad patungo sa kabilang shelf na may takip na salamin. Nagsimula siyang mag-spray ng tubig saka ito pinunasan para linisin ang salamin.

Napakamot ako ng ulo. "Pag-iinitan na naman ako no'n. Alam mo namang mainit ang dugo no'n sa akin."

Ngumisi siya. "Selos lang 'yon dahil mas gusto ko kayong kasama ni Mariz."

Sumimangot ako. "'Yon na nga. Hindi ba dapat mas kabahan ako dahil diyan? Malakas siya sa ilang admin."

Umiling si Fritz. "Katulad din natin si Vienna. Wala siyang karapatang siraan kayo ni Mariz. Basta pabayaan niyo na lang siya. Magtrabaho na tayo nang makauwi na. Magsi-celebrate pa tayo ng birthday mo. Hindi pwedeng matapos ang araw na 'tong hindi tayo nakakapagsaya."

Umismid ako. "Anong pagsasaluhan natin, lugaw?"

Ngumisi siya. "Bakit hindi?"

Mahina akong natawa. "Ewan ko sayo, Fritz."

Tinalikuran ko siya ng may ngisi sa labi ko. Kinuha ko ang mga libro sa mesa saka ako nagsimulang maglakad patungo sa dulong shelves para ibalik ang mga ito sa tamang lagayan. Ang ilang aklat ay may kataasan ang pinagkuhanan. Kailangan ko pang gumamit ng hagdan para maibalik ito.

Niyapos ko ang dalawang makapal na aklat ng political science saka ako nagsimulang umakyat sa ladder ngunit nang nasa ikalimang baitang na ako, parang bigla na lang may gumalaw sa hagdan. Nawalan ako ng balanse. Napatili ako ngunit walang tinig na lumabas sa bibig ko. Mariin akong napapikit sa pag-aakalang babagsak ako sa sahig ngunit tila isang malambot na bagay ang sumalo sa akin.

Everything seem surreal. Parang nagslow motion ang lahat at milagrong nakababa ako sa sahig na walang iniindang sakit.

Napamulat ako. Nang mabaling ang tingin ko sa kabilang dulo ng shelf, nakita ko ang isang lalakeng may kulay abong jacket. Natatakpan ng hood ng ang kalahati ng mukha niya ngunit kitang-kita ko kung paanong umigting ang panga niyang tila hindi natutuwa sa nakikita.

Mabilis siyang humakbang paalis dahilan para taranta akong mapatayo. Sumunod ako sa direksyong tinungo niya ngunit tila para siyang bulang bigla na lang naglaho.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala talaga ang taong hinahanap ko. Nasapo ko ang aking noo. Namalik-mata yata ako.

Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina nang sa pagtalikod ko sa direksyong pinuntahan ko, isang maliit at kristal na kahon na ang nasa sahig.

Kumunot ang noo ko nang makita ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kahon saka ito dinampot.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang nakasulat.

It's time...Loriana Wrights. Sa baba ng pangalan ko ay isang simbolong hindi ko pa nakita noon. Nakasulat sa ginto ang mga letra habang asul naman ang simbolo.

"Ria anong nang-"

Natigil ang sinasabi ni Fritz nang makita niya ang hawak ko. Napahinto siya sa paghakbang at napalunok. Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha.

Binuksan ko ang kahon. Lalo akong binalot ng pagtataka nang makita ang salamin sa matang may pilak na kulay. Kinuha ko ito saka ko hinubad ang salaming suot ko. Kung sinomang nagregalo nito, pwes mukhang alam na alam niya ang problema ko. Malapit nang bumigay ang salamin ko. I should thank whoever gave this one.

Isinuot ko ito saka ako tumingin muli kay Fritz ngunit gano'n na lang ang pagtataka ko nang sa ilang pagkurap na ginawa ko'y unti-unting luminaw ang mga mata ko...ang tipo ng linaw na hindi ko naranasan noon.

Inalis ko ang salamin sa pag-aakalang dahil lang ito sa gradong mayroon ito ngunit nang tignan kong muli si Fritz, halos mabitiwan ko ang hawak ko.

"Oh my gosh!" I exclaimed. Natutop ko ang bibig ko at makailang ulit na ikinurap ang mga mata ko nang makitang napakalinaw na ng paningin ko.

Nagtubig ang gilid ng mga mata ko dahil sa sari-saring emosyon. "Fritz! Ang mga mata ko!"

Tinignan ako ni Fritz na may lungkot sa mga mata niya. Hindi siya sumagot ngunit isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"He was right...it was you." He mumbled in a disappointed tone.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Magtatanong sana ako sa kanya nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako sa direksyong iyon at nakita si Mariz.

Natigilan ako nang makita ang bagay na nasa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan itong mabuti.

Apoy?!

"Oh my God! Mariz, nasusunog ang dibdi--" Natigil ang paghihisterikal ko nang takpan bigla ni Fritz ang bibig ko. Hinila niya ako palayo kay Mariz saka niya ako dinala sa dulong shelf.

"Calm down, Ria!" He muttered. Niyugyog niya ng bahagya ang mga balikat ko.

"P-Pero si Mari--"

"Don't mind her! Ikaw ang nasa panganib!" Untag niyang puno ng pag-aalala.

Nalukot ang aking noo sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?"

Umawang ang bibig ni Fritz. He was about to say something when we both heard footsteps. Tila ba batalyong naglalakad palapit sa aming direksyon.

"Shit!" Asik niya at bigla na lamang may dinukot na chakong nakaipit sa likod niya. Lalo akong binalot ng pagtataka. Wala iyon kanina...

Ang chako na hawak ni Fritz...bakit... Bakit parang umaapoy?!

Tinago ako ni Fritz sa likuran niya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aming mga puso. Panay ang paglingon ni Fritz sa paligid na tila may inaabangan. Pati ako ay hindi na magawang mapalagay. May hindi tama...

Mayamaya'y tuluyan akong napatili nang tila may sumipa sa mga naglalakihang book shelves. Para itong domino na nagsitumbahan.

Napatakbo kami ni Fritz paalis sa pagitan ng dalawang shelves para hindi maipit ngunit sa aming paglabas ay sumalubong ang anim na lalakeng may itim na mga mukha at itim na hood.

Napatili ako nang ibuka ng isang lalake ang kanyang bibig. Bakit may asul na apoy sa bibig niya?! Anong nangyayari?! Panaginip na naman ba 'to?!

"Ria takbo!" Sigaw ni Fritz saka hinarap ang anim na misteryosong lalake ngunit hindi ko nagawang tumakbo. Napako ang mga paa ko sa kinakatayuan ko habang hindi magawang iproseso ng utak ko ang nangyayari.

Mayamaya'y naramdaman ko na lang na may malamig na kamay na humawak sa akin. Napatili ako ng pagkalakas-lakas at pilit nagpumiglas ngunit hindi ko nagawang makatakas. Kinaladkad ako ng lalakeng kasamahan ng anim patungo sa isang liwanag na tila lagusan ngunit bago niya pa ako maipasok, isang nagliliwanag na boomerang na ang tumama sa kanyang braso. Naputol ang braso ng lalake at unti-unting naging abo ang katawan nito.

Napatili ako ng pagkalakas-lakas dala ng matinding takot. Muntik na akong bumagsak sa sahig dala ng panlalambot ng mga tuhod ko ngunit bago pa ako mawalan ng balanse, isang pamilyar na bulto na ang sumalo sa katawan ko.

Nilingon ko siya ng may takot sa mga mata ko. Kitang-kita ko kung paanong umigting ang panga niya nang makita ang matindi kong takot.

He removed his hood, revealing his touseled ash brown hair. His deep-set blue eyes pierced me with fury. Pakiramdam ko'y tingin pa lamang niya ay kaya na niya akong patayin.

"You are such a useless Ordane." He hissed before pulling me closer. His arm wrapped around my waist as he started shooting the hooded men.

He threw a glowing ball on the ground. Lumabas ang nakakasilaw na liwanag mula roon. I felt our bodies lifted and the next thing I knew, we're already standing in front of a century-old looking capitol surrounded with rose bushes.

Binitiwan niya ako't pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok habang supladong nakatitig sa akin. Umigting ang panga niya at naningkit ang mga mata niya sa akin. "What did I do to deserve a keeper like you?" He mumbled in a disappointed tone.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya ako tinalikuran. "By the way, I'm Jiro Venild. You are not so welcome to Santicus, you useless Ordane."

S-Santicus? O-Ordane? What the hell is going on?!

Related chapters

  • The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms   Chapter 1

    LORIANA Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Madilim na ang kalangitan at dama ko ang malakas na ihip ng hangin. Ang kapitolyo ay tila hango sa mga disenyo ng ancient Greece. The architecture of the Greek culture is everywhere. Maging ang mga simbolo at estatwang nasa palibot ng kapitolyo ay halatang hango sa kultura ng sinaunang Greece. Natigil ang pagmamasid ko nang lumabas muli ng kapitolyo ang lalakeng nagdala sa akin sa lugar na ito. Ano na nga ulit ang pangalan niya? Nakasimangot siya at masama ang tingin sa akin habang nakabulsa sa jacket niya ang mga kamay niya. Sa kanyang pantalon, nakita kong nakasukbit ang isang hindi pangkaraniwang pistol na kulay puti at may gray lining. Sa kabilang bahagi ng pantalon niya ay ang pamilyar na boomerang.

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms   Chapter 2

    LORIANA I heard murmurs of familiar and unfamiliar voices. Tila ba nasa malapit lang sila at ang ilan ay bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita. "Sino ba kasing nagsabing maglaro kayo ng weapons sa labas ng kwarto ng Keeper?" Dinig kong sabi ng isang lalake. "Ito kasing si Newt! Hindi mapakali kaka-repair lang ni Jules ng sapatos niya paikot-ikot na naman sa paligid." Asik ng panilyar na tinig ng babae. "The heck? Ako na naman? I saved her from your arrow, Devorah." Depensa ng lalake "As if I'll let my arrow hit her? Tanga ba ako?" Devorah hissed. "Enough. Ang daldal niyo." Naiinis na suway ng pamilyar na b

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms   Chapter 3

    LORIANA "Kidding!" Devorah chuckled. "Oh! You should've seen your face!" Bigla akong marahas na napabuga ng hangin. Nahilamos ko ang palad ko sa aking mukha saka ako tumango-tango. "Nice. Doon pa lang nanlambot na ako paano pa kaya kung totoong laban na." "Don't worry. Ramdam namin." Tumawa si Newt saka tumayo. "Dibale, Loriana. Malakas ang team natin." Kumunot ang aking noo. "Team? Anong team?" "Well," Clover murmured. "Ordanes are grouped into teams. Each team needs a tracker, you got Fritz. He takes care of wide range tracking and navigating jobs. A messenger and trickster, you got Newt. He's pretty fast so I must say you got the best messenger. Devorah is your primary defens

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms   Chapter 4

    Loriana Nakatayo kaming lahat sa tapat ng isang higanteng metal door na may greek character markings sa gitnang bahagi, at mula sa labas ay hindi ko nadidinig ang ingay na nagmumula sa loob kung hindi pa sabay na tinulak ni Jiro at Newt ang pinto. The moment the rust-colored giant door opened, my lips went in awe as my eyes wandered at the stuff inside the room. Ang ingay ng mga makina sa loob maging ang iba pang ingay na nililikha ng iba't-ibang kakatwang bagay na naroon ang pumuno sa aking tainga, habang ang halimuyak ng nasusunog na bakal ay naglaro sa aking ilong. Fritz looked at me as the others finally went in. "Ito ang workshop ni Jules. He spends almost all of his time in this place kaya hindi siya gaanong naaasahan sa mga labanan pero napakalaki ng ambag niya sa

    Last Updated : 2021-10-18
  • The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms   Chapter 5

    Loriana "I made some changes on the Vexen. Once it connects with your Algans, it will block everything else, so Phantoms won't be able to pass through once you open the portal." Ani Jules na ang tinutukoy ay ang bagay na ginamit ni Jiro at Fritz para makarating kami rito. Tinaas ko ang aking kamay upang magtanong. "What's an Algan?" Jules put the Algan back on the box. "Algan is the power running through our veins. It serves as the source or fuel for the Vexen, and the other gears and weapons to work. By the way you don't have to raise your hand if you got something to ask. We're not in a classroom anyway." Ngumisi siya. "And I hate classrooms. Masyadong masikip." Natawa ang ilan naming kasama maliban kay Jiro na nanatilin

    Last Updated : 2021-10-18

Latest chapter

  • The Last Soul Keeper 1: Rise Of The Phantoms   Prologue

    PROLOGUEDumadanak ang dugo, nagliliwanag ang kalangitan dahil sa pamilyar na mga kapangyarihan. Nakabibingi ang bawat palahaw ng mga taong nadamay sa kaguluhan. "Loriana!" Dinig kong sigaw ng isang hindi pamilyar na tinig. Nasaan ako? Paano ako napunta sa gitna ng hindi pang-karaniwang gyerang ito? "Loriana!" Muling sigaw ng tinig ng lalake. Baritono ang kanyang boses at tila puno ng pag-aalala. Humarap ako sa pinanggagalingan ng tinig ngunit masyadong mapula ang buwan at kakarampot ang liwanag na mayroon upang maaninag ko ang kanyang mukha. Ang boses niya. Hindi ko kilala ang boses niya pero nararamdaman ng puso ko...kilala ko ang taong iyon.

DMCA.com Protection Status