"Hikaru, dito ka lang, babalik agad ako, ikukuha kita ng makakain."
Mahinang ungol lamang ang narinig ni Dane dito, nagmamakaawa na isama sya. "Mukhang ayaw nya humiwalay sayo, Dane" sabi ni Frea.
Nagpaalam sina Head master Regina at pumunta sa mga kani - kanilang mga kwarto.
Umatras ang lahat ng kalaban nila nang napansin nila na wala na si Luna.
Natigil na rin ang pag ulan sa syudad. Tinulungan ng mga charmers ang mga sibilyan na sugatan at ang ilang mga dayuhan na nawala na sa kapangyarihan ni Luna.
Natagalan pa si Dane bago nya naalala si Zele, baka may sagot ito sa mga katanungan nya. Pumikit sya at binulong ang pangalan ni Zele. Maliit na liwanag ang lumabas mula sa kanyang braso, kung nasaan ang summoning seal para kay Zele.
Nakita ni Frea ang maliit na fairy na lumabas malapit sa kanila. "Ano?" Tanong ni Zele
Napakamot na muna ng ulo si Dane bago s'ya nakatugon kay Zele, "Si Hikaru, ayaw magpaiwan dito."
Napatawa ng mahina si Zele habang nakatingin kina Dane at Hikaru.
"Haaaay nako, Dane. Sige... Makinig ka, kahit saan ka pumunta hinding hindi sya hihiwalay sayo, kahit naliligo ka o hindi, kahit nasaan ka naroon sya. Hindi sya lalayo ng dalawang metro sayo. Ganun silang mga gryphus. Pasalamat ka at hindi Kentaurus ang lumapit sayo. Dahil walang pakielam kadalasan ang mga iyon."
Lumapit si Zele kay Dane. Sa bawat kumpas ng kanyang pakpak ay may nahuhulog na pink pixie dusts sa kanya.
"Akin na ang mga palad mo..." sabi ni Zele at kahit nag aalinlangan ang binata, ay iniabot pa rin nya iyon.
Pinakita nya ang mga palad kay Zele. Hinawakan iyon ng mga maliliit na kamay ni Zele at may lumabas na libro. Manipis lamang iyon, lahat tungkol sa mga Gryphus.
"Salamat, Zele." ngumiti si Dane sa fairy, at biglang namula ang mga pisngi ng fairy.
"'kay. "ang tanging nasagot nito habang nakaiwas ng tingin, bigla bigla ay naglaho na sya.
"Mukhang magtatagal ako saglit dito." Sambit ng binata habang lumalapit sya kay Hikaru.
Masaya naman ang Gryphus habang tinatabihan sya ni Dane.
"Sasamahan kita dito. Kukuha na muna ako ng pagkain ninyo. Hintayin mo ko dito, ha" sabi ni Frea.
Tumango lang si Dane, humiga malapit sa kanya si Hikaru.
Binasa ni Dane ang librong ibinigay sa kanya ni Zele.
Ang mga Gryphus ang pinakamagandang beast na mapupunta sa isang summoner, tapat ito at ang sino mang mangahas na manakit sa summoner nito ay kadalasang pinapatay agad.
May tatlong klase ang mga Gryphus. Ang Gaea, ang Aqua Marine, at ang Lucullanus. Bawat type ay may kanya kanyang attitude. Konti lamang ang impormasyon tungkol sa mga gryphus, dahil bilang lang ang mga naging summoner nila.
Kaunti lamang ang bilang nila hindi gaya ng mga Kentaurus.
Ang Gryphus ay may ulo, pakpak at kalahati ng katawan nito ay sa agila, habang ang kalahati hanggang buntot ay sa isang leon. Ang mga paa ng mga gryphus ay kagaya ng sa leon pero mahahaba, matatalim at may kakaibang lason ang mga kuko nito.
Ang Gaea na isang earth type ay mas hasa sa combat. May kulay abo itong pakpak at halos buong katawan nito ay gawa sa matigas na lupa, na nagmimistulang barrier nya.
Ikalawa ang Aqua Marine, hindi sila mga water based, kulay aqua marine sila at wala pa ni sino ang nababalitaang nagkaroon nito, sa lahat ng gryphus ito ang pinakamahirap amuhin, independent ang mga ito at bihira sumunod sa kanyang summoner. Kung mapapasunod ng isang summoner ang isang aqua marine ay ito ang magiging pinakamalakas.
Ang huli ay ang Lucullanus, sa lahat ng gryphus ito ang pinakakaiba. Hindi ito naaapektuhan ng kahit anong mahika maliban sa mahika ng kanyang summoner.
Ito ang pinakaprotective na gryphus, gusto nila na nakikita nila palagi ang summoner nila. Kung sasailalim sa training , ito ang maituturing na pinakamalakas sa lahi nila.
Ang tanging kahinaan ng gryphus ay ang kamatayan ng summoner nila. Mayroon na lamang isang libong gryphus sa loob at labas ng Rimiera.
Wala pang nakakaalam paano mag summon ng gryphus, tanging swerte lamang ang nagkakaroon ng ganitong beast.
Sinara na nya ang libro at lumingon kay Hikaru, "Isa ka sa mga lucullanus" bulong nito.
Dumating si Frea kasama si Ms. Grethel. May dala silang pagkain, ang isa ay isang malaking pinggan na para naman kay Hikaru.
"Sakto, salamat. Gutom na ko" masayang sabi ni Dane. Nasa balikat ni Ms. Grethel si Dhirma, nakatingin sa gryphus. Umalis agad si Grethel, naiwan si Dhirma at Frea.
***
Frea's POV
Ilang araw ko ng nararamdaman ang sakit ng likod ko, parang sinasaksak. Hindi ko pa itinatanong kay Dhirma ito.
Speaking of, ilang araw na ring tahimik si Dhirma. Kasama ko lang sya dito sa terrace ng academy. Mabilis na naubos nina Dane ang pagkain.
BLAG!
"Hikaru, bumangon ka dyan! Ang bigat mo" reklamo ni Dane, tila nakatulog si Hikaru sa tabi nya, pagkatapos kumain. Ang pakpak nito ay bumagsak naman sa kanya.
Nangiti kami ni Dhirma sa kanya, aakalain mo kasi na wala kaming problema.
Napatingin sa akin sina Dane, nagliliwanag ang paligid ko. Lalo na sa likod ko. Wala akong ideya, bigla namang napatulala si Dhirma at lumuhod sa harap ko.
"Teka ano ba ang nangyayari!?" Sambit ko.
"F-Frea... may fairy wings ka." Sabi ni Dane na nakalabas na sa pakpak ni Hikaru.
Napalingon ako at kakaiba ang mga ito kumpara sa mga fairies na nakita ko. Nagliwanag din ang noo at braso ni Dane.
"Istorbo ka talaga kahit kai..." naputol na sabi ni Yajima habang nagpupunas ng mukha.
"S- Siya ang..." nang hihina ang tono ni Zele
"Unmask" mahinang sabi ni Lucent
Nagliwanag ang buong paligid, nakakasilaw. May kung anong mahika ang tumama sa akin. May mga mabibilis akong yabag na naririnig, paakyat ang mga iyon.
Ramdam ko na naroon silang lahat, pero wala akong nakikita.
"Memoire" boses ni Lucent ang narinig ko. Unti unti akong may nakikita...
"Mama? Papa?"
Madilim ang paligid. Panaginip lang ba ang pagkakakilala ko kina Dane?Nakita ko sina mama, papa at ilang kamag anak ko na nasa kusina at palapit sa akin, nakangiti sila. May dala silang cake at mga regalo."Frea hija, happy birthday""Ito ang mga regalo namin sa’yo""May maganda kaming surprise gift sayo Frea.""Ano yun, mama?"Nagkatinginan sila nina papa, hindi mapagsidlan ang kanilang kaligayahan. Nakangiti silang nakatingin sa akin."Magiging ate ka na, Frea."Unti - unting naglaho sina mama at dumilim saglit ang paligid.Nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa lugar at nagbago ang paligid, pagdilat ko nasa ibang lugar na ako."Mama? Papa?""Sorry Frea, wala na ang mama at papa mo. Kailangan nyo ng umalis dito." Tugon ng matandang babae na umaalalay sa
Dane’s POVBiglang lumaki si Hikaru, alam ata ng mahika na nasa labas na sya. Bumalik sya sa pagiging gryphus. Paglapit ko sa gate ng academy ay ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan ni Luna.May umaatake sa barrier ng Charm City, tinawag ko si Zele. "Zele, magagawan mo ba ng paraan para ilikas ang mga tao dito?"Hindi sya sumagot. "Kami na ang bahala sa mga tao, Dane." Sabi ng ilang charmers.Napabilis ang paglikas sa mga tao dahil sa kapangyarihan ng ilan na nagtatransport.Yumanig ang lupa, "Masama ito, Dane!" wika ni Zele."Tawagin mo si Lucent,sa pagkakataong ito matutulungan ka nya." pinakatitigan ko sya at kitang kita ang pag aalala at takot nya, naglaho sya agad.Sabay ng pagyanig ng lupa ang bawat hampas sa barrier, tinungo ko iyon mula sa pintuan papunta
"Sheena! Handa ka na bang makita si Rhei?"Pagkarinig nya ng pangalan ng binata ay nabuhayan sya, pero alam nya ang gagawin ni Luna sa kaniyang summoner. Matagal na syang sunud – sunuran kay Luna.Lalo na at nasa kanya si Gray. Pinapalakas ni Gray ang kapangyarihan ni Luna.Yumuko na lamang si Sheena, pinipigil ang mga luha nya.Malungkot na sumagot si Sheena kay Luna, "Handa na ako, Luna.""H'wag ka ng malungkot, narito ako. Hindi kita iiwan." sabi ni Luna. Pagkatalikod ni Luna ay ngumiti ito ng nakakaloko. "Panahon na para malaman kung sino ang pinuno.""Sheena, sasama ka mamaya sa akin. Pupuntahan natin ang Forgotten Island.""B-balak nyo po bang…""Tama ka, gigisingin natin ang Island Beast."Kinilabutan si Sheena sa plano ni Luna. Ang Island beast ang pinakamah
Third person's POVSugatan ang Island Beast matapos matamaan ng mahika ni Luna. Maya maya ay naglalaho ito, at naging crsytal orb.Lumapad ang ngiti ni Luna at nagwika, "Susunod ka sa lahat ng aking iuutos" Umilaw lang ito habang sinasabi nya iyon."Gray dito ka na sa balikat ko. Aalis na tayo." hawak lang ni Luna ang orb ng Island Beast.Bumalik sila sa dinaanan nila, pabalik sa kanilang lugar sa Raven Domain."Magpagaling ka Sheena." bulong ni Luna sa sarili. Kahit ganon pa man sya ay marunong din pala syang mag alala sa kaniyang mga tauhan.Pagkabalik nila sa Raven domain ay naihanda na ng mga Colossians ang mga gagamitin sa muling pagsalakay sa Charm City."Oras na maisagawa ng tama ang mga plano, mapapasakamay natin ang Leviathan.""Magiging makapangyarihan
Rhei's POVHindi ko alam anong problema ni Frea kay Lucent, ang tanging nakita ko na lamang ay patay na ang halaman at mga puno sa paligid. Kumakawala ang itim na aura kay Frea.Heto ako ngayon tumatakbo papunta kay Headmaster.Hindi na ako kumatok dahil nasa panganib si Lucent.Kahit hingal na hingal ako ay nasabi ko pa rin kay headmaster ang kalagayan sa timog na bahagi ng syudad."Iniwanan mo si Lucent kay Frea? Nasa matinding panganib ang diwata na iyon. Tawagin mo rin sina Grethel."nataranta sya bigla sa kaniyang nalaman, ganun ba katindi ang kapangyarihan ng isang special fairy?Isama mo na rin si Dane. Dagdag ni headmaster."Masusunod p
Sheena's POVHanggang kailan pa kayo ko maghihintay rito. Wala kong mapagsabihan ng mga plano ni Luna.Hindi rin ako makaalis dito dahil panigurado ko na sasaktan nya ang aking mga magulang. Ayokong may masamang mangyari sa kanila.Tahimik lang ako sa isang sulok habang tuluy tuloy ang kasiyahan dito sa palasyo. Hindi ko magawang magsaya dahil sa mga nangyayari na alam kong ikakapahamak nina Rhei.Sana ay mapatawad nila ko. Matagal na kong kontrolado ni Luna. Nalalabanan ko lang pero simula noong binantaan na nya ko, iniwan ko si Rhei ng walang pasabi."Mamayang hatinggabi ay bibisita tayo sa Charm City!" Sigaw ni Luna"Dadakpin natin ang Leviathan,at gagawin natin syang alipin."Lahat ay nahiyaw sa tuwa.Umal
Dali dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto, upang maghanda ng mga kagamitang kakailanganin ko sa magaganap na paglusob.Pagkatapos kong ayusin ang mga kakailanganin ko ay pumunta ako kay Headmaster Regina.Kada hakbang ko nararamdaman ko ang bigat sa aking dibdib, inaalala ko pa rin ang makulit at maingay na diwata na iyon.Nakarating na ako sa harap ng kwarto ni Headmaster.Unti unting umangat ang aking kamao. Tatlo, tatlong malalakas na pagkatok ang narinig sa pinto ng kanyang kwarto, gumawa iyon ng echo na narinig sa pasilyo.Pumasok ka na tugon ng babae, nagmumula iyon sa loob ng kwarto.Dahan dahan kong ibinukas ang pintuan, tumambad sa akin ang grupo ng tao sa kaniyang kwarto.Yumuko ako saglit para bumati sa kanila, isa rin itong palatandaan ng paggalang sa kanila.Tinignan ko muna siya bago ako tuluyang nakapagsalita.
Rhei's POVMalayo layo pa ang aking lalakarin para matungo ang bahay ni Grethel. Nakita ako ng kapatid ni Frea."Kuya Rhei, totoo po ba ang balita tungkol kay ate Frea?" Nangingilid na ang kaniyang luha.Lumuhod ako para maging kapantay ko na si Nicholas. Hinawakan ko sya sa balikat, tinignan nya ko sa mata, isang ngiti ang isinagot ko sa kanya bago ako tumugon, "Huwag ka mag alala sa ate mo. Sasabihin ko sa kanya na bisitahin ka."Niyakap ko sya ng mahigpit, alam kong nangungulila sya ngayon. Pareho lang kaming nangungulila. Sya sa kapatid at ako naman ay sa summon ko.Alam kong pinipigil lang nya ang kaniyang pag iyak, "Kung gusto mong umiyak, Nic. Narito ako, iiyak mo lang sa akin."Hinimas ko ang kaniyang likod, saka sya tuluyang umiyak. Halos isubsob nya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Idinantay ko ang aking ulo sa kanya habamg patuloy lang ang p
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce
Ang Charm City ay may higit dalawang daang charmers na nahahati sa iba’t ibang klase. May nullifying class, attack, defend at rare class. Ang headmaster na si Regina ay nahahanay sa rare class. Bibihira ang mga nasa rare class gaya ni Timmy, ang anak ni Esther.Si Timmy Seigfrid ay isa sa maituturing na pinakamatandang charmer na nakatira sa Charm City. Inilayo sya ni Esther sa ama nito na isang Elder Charmer, pero ang sabi ng iba ay anak ni Pietro si Timmy kaya may dugo itong Leviathan.Lahat ng elder charmer ay nakatira sa pinakaliblib na lugar sa Charm city, sila ang huling nakausap ni Headmaster Regina.Maraming kakayahan si Timmy na wala si Dane. Isa rito ang telepathy at ang pinakarare ang pagkakaroon nya ng Godlike Allure.Siya rin ay half Leviathan kaya nagkaroon sya ng Esther’s Tattoo..Si Travis Wursch ang isa sa mga na-train ni Timmy. Matalino ito at madaling turuan pero pagdating sa academics ay tu
Parehong napabalikwas sina Dane at Frea tila galing ang matinding pagsabog sa gitna ng academy. Patayo na sana si Dane pero pinigil sya ni Frea, “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Dane. Hindi ka pa magaling. Matindi ang mga natamo nyong sugat ni Yajima.”Itinulak ng mahinahon ni Frea ang binata pabalik sa pagkakahiga nito.Lumingon si Dane kay Hikaru, “Samahan mo siya, protektahan mo sya gaya ng pagprotekta no sa akin.”Alam ni Dane na magiging labag iyon kay Hikaru pero sumunod naman iyon. Lumipad iyon sa balikat ni Frea. Tinignan nya ang dalawa at ngumiti, “Mag iingat kayo.”Binalot sina Frea ng mga talulot at unti unting naglaho.“Zele…” bulong ni Dane at lumabas ito agad.Imbes na kumustahin ang summoner ay pinagalitan nya ito. “Huwag mo ng balakin, Dane”Lumabas si Lucent kahit hindi tinatawag ni Dane, lumitaw sa paanan ni Dane ang isa pa nyang summon.“Mukhang nakalimutan mo
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari