Dane’s POV
Biglang lumaki si Hikaru, alam ata ng mahika na nasa labas na sya. Bumalik sya sa pagiging gryphus. Paglapit ko sa gate ng academy ay ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan ni Luna.
May umaatake sa barrier ng Charm City, tinawag ko si Zele.
"Zele, magagawan mo ba ng paraan para ilikas ang mga tao dito?"Hindi sya sumagot. "Kami na ang bahala sa mga tao, Dane." Sabi ng ilang charmers.
Napabilis ang paglikas sa mga tao dahil sa kapangyarihan ng ilan na nagtatransport.
Yumanig ang lupa, "Masama ito, Dane!" wika ni Zele.
"Tawagin mo si Lucent,sa pagkakataong ito matutulungan ka nya." pinakatitigan ko sya at kitang kita ang pag aalala at takot nya, naglaho sya agad.Sabay ng pagyanig ng lupa ang bawat hampas sa barrier, tinungo ko iyon mula sa pintuan papunta sa kubo , maririnig ang hampas sa barrier.
Ang barrier namin ni Esther. Biglang umukit muli ang apoy sa braso ko. Nanghihina man ako ay mabilis kong tinawag si, " L-Lucent!"
Bago pa tumama ang apoy sa seal nya ay natawag ko sya. Nakita agad iyon ni Lucent at ginawan ng seal ang kanyang marka sa braso ko, gayundin ang kay Yajima at Zele.Nakikita nya na kumakalat ang itim na apoy, "Dane tiisin mo ang pagkalat nyang tattoo sa iyo. Mukhang handa ka na sa pagdating nya."
Narinig mula sa pintuan ang pagkabasag ng barrier. "Dane!" Narinig ko ang boses ni Frea
Frea’s POV
Huli ang pagkadating ko sa lugar kung saan inaatake ang barrier ng Charm City.
Bumagsak si Dane at nawalan ng malay, nasalo naman sya agad ni Hikaru gamit ang pakpak nito. Sa pagkasalo nya kay Dane at nagbago ang anyo si Hikaru.
Mukhang sa pagkawala ng malay ni Dane ay nawala rin si Lucent, at sa pagkakataong na iyon ay may malakas na hampas ang narinig. Nasa loob ng crystal sphere si Dane.
Nabasag na ng tuluyan ang barrier na sina Dane at Esther ang gumawa. Humanda kaming lahat sa mangyayari.
Lumitaw ang isang minotaur, sa likod nito ay isang batang babae. Na nasa sampu ang edad, kulay rosas ang buhok at lila ang mga nanlilisik na mata. Kakaiba rin ang mga ngiti nya.
Sa kamay nya ay may isang orb. Inoobserbahan ko sya nang biglang humangin ng malakas. Malayo kami sa academy at tiyak ko na mamamatay muna kami bago siya makapunta roon.
Hwag kayong papalinlang. Wala kayong pagkakatiwalaan sa mga oras na ito. Sabi ni Timmy gamit ang kanyang telepathy.
Ilang saglit lang ay may naglabasang mga clone namin. Ginawa iyon ng batang babae. Galing sa hawak nyang orb ang kanyang kapangyarihan. Nagaya nya ang halos lahat maliban kay Dane na nasa loob ng crystal sphere at pinoprotekahan ngayon ni Hikaru.
Wala kayong pagkakatiwalaan sa mga oras na ito paulit ulit iyon sa isipan ko.
Pero may kakaiba akong nararamdaman. Hindi kami inaatake ng minotaur. Sa pagkakataong iyon, sinubukan ko iyong asintahin ng charm ko na modification sa bata. Rinig ang pagkainis nito.
Napangisi ako, ugaling bata, mabilis mainis at mahina pag nagamitan ng tamang charm. Sa hula ko ay taga Raven sya, dahil sa dark element ang kapangyarihan nya.
Agad namang nawala ang mga clone dahil sa pag-atake ko sa kanyang kapangyarihan. Devour sabi ng bata. Bumaba sya sa minotaur , nagsimula iyon umatake.
Nag summon pa ang bata ng ilang beast. Isa na ang Kentaurus. Kailangan kong makalapit sa batang iyon.
Frea, wag mong lalapitan ang bata, mapanganib. Pakikipag-ugnay ni Timmy sa akin
Gamitin mo ang modification charm mo sa kanya sa distanyang iyan, aalalayan ka ni Rhei. Grethel gamitin mo ang body manipulation mo sa lahat ng beast. Rhei balutan mo ng fire barrier si Frea. Frea magfocus ka sa kapangyarihan ng bata, wag sa apoy ni Rhei. Ako na ang bahala sa iba sabi ni Timmy
Okay tipid kong sagot gamit ang isip ko.
Ginawa ko ang sinabi ni Timmy. Nakita ko ang barrier na ginawa ni Rhei. Pumikit ako at nagfocus sa batang babae. Habang dumadaloy sa mga palad ko ang charm ko ay may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko, pero hindi ko na muna iyon napansin.
Aaaahhhh! Napadilat ako sa sigaw ng bata.
Nawalan ito ng kapangyarihan, pati ng malay. Naglaho lahat ng sinummon nyang beast, parang nabasag na salamin naman ang minotaur, pira piraso iyon.
Nilapitan ako ni Grethel, Frea… tugon nya habang nakatingin sa likod ko.
Fairy wings, makulay iyon. Hindi gaya sa iba na iisa ang kulay. Kahit ako ay nabigla sa mga nakikita ko. Nilapitan ni Timmy ang bata. Naglagay sya ng nullifying spell sa batok at orb nito.
Mukhang nilabas na ni Lucent ang kapangyarihan mo. Lilitaw na rin ang tunay mong anyo mamaya. Sabi ni Timmy
Tunay na anyo? Nagtataka kong tanong
Conceal rinig namin na sinabi ni Rhei. Napalibutan ng itim na apoy ang paligid ng bata.
Nagbagong anyo ito, naging blond ang kulay rosas na buhok nya.
Mama… nananaginip iyon. Makikita sa kanya ang sobrang lungkot, nagsimula na rin syang umiyak habang natutulog.
Antayin natin silang magising. Sana ay ayos lang si Dane sambit ni Grethel
Umupo si Timmy sa isang sulok at tila may kausap
Hindi ko namalayan na lumilipad na pala ako. Nasabi ko na kay Regina ang nangyati dito. Pati ang kay Dane at sayo Frea sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
Out of the blue lumitaw si Travis at Dhirma. Matatawag mo ba si Lucent, Dhirma?
Hanggat walang malay si Dane at wala syang order kay Lucent ay wala tayong kakayahang tawagin ito
Ibig sabihin, pag nawala si Dane lahat ng na summon nya ay maglalaho? Tanong ni Travis
Maglalaho ang seal nila sa kanya, makakalimutan sya ng mga ito. Sabi ni Dhirma
Umupo muna kami sa isang puno na malapit, isang greatwood. Iba na ang kulay nito. Sa pagkakahawak ko sa katawan ng puno ay naging berde iyon, nanatiling pareho ang mga dahon nito.
Frea alam mo ba ang nangyayari sa’yo? Tanong ni Dhirma
Napailing ako bilang sagot. Nag anyo syang charmer na kasintangkad namin. Hinawakan nya ang palad ko at tinignan ako.
Ang huli kong naaalala ay may parang tumama sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.
***
Third Person’s POV
Bago pa may makasalo kay Frea at pinigilan sila ni Dhirma.
Walang hahawak kay Frea, anuman ang mangyari.
Kumuha ng bato si Dhirma at hinagis sa lugar ni Frea. Bigla iyong naging pulbos, nagulat ang lahat.
Iyan ang kanyang kapangyarihan, Restore and Protect. Ang kanyang kapangyarihan ay kakaiba, kahit halughugin mo ang Forest of Levi wala kang makikitang gaya nya. Sya ang pipili ng magiging summoner nya. Hindi gaya namin na kami ang pinili. May sumpa rin sa kanya na hindi sya maaaring magmahal, magkapamilya at mamuhay ng normal. Maaring napansin nya iyon simula ng nabuhay sya. Paliwanag ni Dhirma sa lahat
Nilapitan nya si Dane, tinapik nya ng tatlong beses ang crystal sphere, nawala iyon, kasabay ang tila pag uunat ni Hikaru.
Nagising si Dane. Isang bagong Dane ang nasa harapan nila. Puti at ginto na ang kulay ng kanyang buhok, asul na asul ang kanyang mga mata at mas malinaw na ang tattoo sa kanyang braso. Dragon seal na ang naroon, hindi na lamang iyon basta nasunog na braso. Nasira na ang marka ni Esther.
Ang marka na ng mystic dragon ang makikita sa braso ni Dane.
"Sheena! Handa ka na bang makita si Rhei?"Pagkarinig nya ng pangalan ng binata ay nabuhayan sya, pero alam nya ang gagawin ni Luna sa kaniyang summoner. Matagal na syang sunud – sunuran kay Luna.Lalo na at nasa kanya si Gray. Pinapalakas ni Gray ang kapangyarihan ni Luna.Yumuko na lamang si Sheena, pinipigil ang mga luha nya.Malungkot na sumagot si Sheena kay Luna, "Handa na ako, Luna.""H'wag ka ng malungkot, narito ako. Hindi kita iiwan." sabi ni Luna. Pagkatalikod ni Luna ay ngumiti ito ng nakakaloko. "Panahon na para malaman kung sino ang pinuno.""Sheena, sasama ka mamaya sa akin. Pupuntahan natin ang Forgotten Island.""B-balak nyo po bang…""Tama ka, gigisingin natin ang Island Beast."Kinilabutan si Sheena sa plano ni Luna. Ang Island beast ang pinakamah
Third person's POVSugatan ang Island Beast matapos matamaan ng mahika ni Luna. Maya maya ay naglalaho ito, at naging crsytal orb.Lumapad ang ngiti ni Luna at nagwika, "Susunod ka sa lahat ng aking iuutos" Umilaw lang ito habang sinasabi nya iyon."Gray dito ka na sa balikat ko. Aalis na tayo." hawak lang ni Luna ang orb ng Island Beast.Bumalik sila sa dinaanan nila, pabalik sa kanilang lugar sa Raven Domain."Magpagaling ka Sheena." bulong ni Luna sa sarili. Kahit ganon pa man sya ay marunong din pala syang mag alala sa kaniyang mga tauhan.Pagkabalik nila sa Raven domain ay naihanda na ng mga Colossians ang mga gagamitin sa muling pagsalakay sa Charm City."Oras na maisagawa ng tama ang mga plano, mapapasakamay natin ang Leviathan.""Magiging makapangyarihan
Rhei's POVHindi ko alam anong problema ni Frea kay Lucent, ang tanging nakita ko na lamang ay patay na ang halaman at mga puno sa paligid. Kumakawala ang itim na aura kay Frea.Heto ako ngayon tumatakbo papunta kay Headmaster.Hindi na ako kumatok dahil nasa panganib si Lucent.Kahit hingal na hingal ako ay nasabi ko pa rin kay headmaster ang kalagayan sa timog na bahagi ng syudad."Iniwanan mo si Lucent kay Frea? Nasa matinding panganib ang diwata na iyon. Tawagin mo rin sina Grethel."nataranta sya bigla sa kaniyang nalaman, ganun ba katindi ang kapangyarihan ng isang special fairy?Isama mo na rin si Dane. Dagdag ni headmaster."Masusunod p
Sheena's POVHanggang kailan pa kayo ko maghihintay rito. Wala kong mapagsabihan ng mga plano ni Luna.Hindi rin ako makaalis dito dahil panigurado ko na sasaktan nya ang aking mga magulang. Ayokong may masamang mangyari sa kanila.Tahimik lang ako sa isang sulok habang tuluy tuloy ang kasiyahan dito sa palasyo. Hindi ko magawang magsaya dahil sa mga nangyayari na alam kong ikakapahamak nina Rhei.Sana ay mapatawad nila ko. Matagal na kong kontrolado ni Luna. Nalalabanan ko lang pero simula noong binantaan na nya ko, iniwan ko si Rhei ng walang pasabi."Mamayang hatinggabi ay bibisita tayo sa Charm City!" Sigaw ni Luna"Dadakpin natin ang Leviathan,at gagawin natin syang alipin."Lahat ay nahiyaw sa tuwa.Umal
Dali dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto, upang maghanda ng mga kagamitang kakailanganin ko sa magaganap na paglusob.Pagkatapos kong ayusin ang mga kakailanganin ko ay pumunta ako kay Headmaster Regina.Kada hakbang ko nararamdaman ko ang bigat sa aking dibdib, inaalala ko pa rin ang makulit at maingay na diwata na iyon.Nakarating na ako sa harap ng kwarto ni Headmaster.Unti unting umangat ang aking kamao. Tatlo, tatlong malalakas na pagkatok ang narinig sa pinto ng kanyang kwarto, gumawa iyon ng echo na narinig sa pasilyo.Pumasok ka na tugon ng babae, nagmumula iyon sa loob ng kwarto.Dahan dahan kong ibinukas ang pintuan, tumambad sa akin ang grupo ng tao sa kaniyang kwarto.Yumuko ako saglit para bumati sa kanila, isa rin itong palatandaan ng paggalang sa kanila.Tinignan ko muna siya bago ako tuluyang nakapagsalita.
Rhei's POVMalayo layo pa ang aking lalakarin para matungo ang bahay ni Grethel. Nakita ako ng kapatid ni Frea."Kuya Rhei, totoo po ba ang balita tungkol kay ate Frea?" Nangingilid na ang kaniyang luha.Lumuhod ako para maging kapantay ko na si Nicholas. Hinawakan ko sya sa balikat, tinignan nya ko sa mata, isang ngiti ang isinagot ko sa kanya bago ako tumugon, "Huwag ka mag alala sa ate mo. Sasabihin ko sa kanya na bisitahin ka."Niyakap ko sya ng mahigpit, alam kong nangungulila sya ngayon. Pareho lang kaming nangungulila. Sya sa kapatid at ako naman ay sa summon ko.Alam kong pinipigil lang nya ang kaniyang pag iyak, "Kung gusto mong umiyak, Nic. Narito ako, iiyak mo lang sa akin."Hinimas ko ang kaniyang likod, saka sya tuluyang umiyak. Halos isubsob nya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Idinantay ko ang aking ulo sa kanya habamg patuloy lang ang p
Rhei's POVNang napansin nya ang lugar at ang Fountain of Verity nawala ang ngiti nya.Hinawakan nya ako sa kamay, "Rhei..."Wala na akong marinig, halos kabog na lamang ng aking dibdib ang naririnig ko.Nakakabingi. Nakatitig ang kanyang mapupungay na mata sa akin, pakiramdam ko ay kami na lamang ang nilalang sa paligid. Lumiliwanag ang paligid namin dahil sa hindi ko napigilan ang kapangyarihan ko na nagliliyab sa paligid namin.Ngayon ko lang napag alaman na dumedepende ang kulay ng apoy sa aking nararamdaman.Mala-rosas ang kulay nito at hindi namin maramdaman ang init, hawak ko ang kanyang kamay. Sa tagal naming magkasama ay ngayon ko lang nakasama si Sheena na ganito ang anyo.Katabi na namin ang fountain, tinignan ko sya sa mata saka sinulyapan ang tubig sa fountain...Laking mangha at gulat k
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce
Ang Charm City ay may higit dalawang daang charmers na nahahati sa iba’t ibang klase. May nullifying class, attack, defend at rare class. Ang headmaster na si Regina ay nahahanay sa rare class. Bibihira ang mga nasa rare class gaya ni Timmy, ang anak ni Esther.Si Timmy Seigfrid ay isa sa maituturing na pinakamatandang charmer na nakatira sa Charm City. Inilayo sya ni Esther sa ama nito na isang Elder Charmer, pero ang sabi ng iba ay anak ni Pietro si Timmy kaya may dugo itong Leviathan.Lahat ng elder charmer ay nakatira sa pinakaliblib na lugar sa Charm city, sila ang huling nakausap ni Headmaster Regina.Maraming kakayahan si Timmy na wala si Dane. Isa rito ang telepathy at ang pinakarare ang pagkakaroon nya ng Godlike Allure.Siya rin ay half Leviathan kaya nagkaroon sya ng Esther’s Tattoo..Si Travis Wursch ang isa sa mga na-train ni Timmy. Matalino ito at madaling turuan pero pagdating sa academics ay tu
Parehong napabalikwas sina Dane at Frea tila galing ang matinding pagsabog sa gitna ng academy. Patayo na sana si Dane pero pinigil sya ni Frea, “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Dane. Hindi ka pa magaling. Matindi ang mga natamo nyong sugat ni Yajima.”Itinulak ng mahinahon ni Frea ang binata pabalik sa pagkakahiga nito.Lumingon si Dane kay Hikaru, “Samahan mo siya, protektahan mo sya gaya ng pagprotekta no sa akin.”Alam ni Dane na magiging labag iyon kay Hikaru pero sumunod naman iyon. Lumipad iyon sa balikat ni Frea. Tinignan nya ang dalawa at ngumiti, “Mag iingat kayo.”Binalot sina Frea ng mga talulot at unti unting naglaho.“Zele…” bulong ni Dane at lumabas ito agad.Imbes na kumustahin ang summoner ay pinagalitan nya ito. “Huwag mo ng balakin, Dane”Lumabas si Lucent kahit hindi tinatawag ni Dane, lumitaw sa paanan ni Dane ang isa pa nyang summon.“Mukhang nakalimutan mo
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari