"Sheena! Handa ka na bang makita si Rhei?"
Pagkarinig nya ng pangalan ng binata ay nabuhayan sya, pero alam nya ang gagawin ni Luna sa kaniyang summoner. Matagal na syang sunud – sunuran kay Luna.
Lalo na at nasa kanya si Gray. Pinapalakas ni Gray ang kapangyarihan ni Luna.
Yumuko na lamang si Sheena, pinipigil ang mga luha nya.Malungkot na sumagot si Sheena kay Luna, "Handa na ako, Luna."
"H'wag ka ng malungkot, narito ako. Hindi kita iiwan." sabi ni Luna.
Pagkatalikod ni Luna ay ngumiti ito ng nakakaloko. "Panahon na para malaman kung sino ang pinuno."
"Sheena, sasama ka mamaya sa akin. Pupuntahan natin ang Forgotten Island."
"B-balak nyo po bang…"
"Tama ka, gigisingin natin ang Island Beast."
Kinilabutan si Sheena sa plano ni Luna. Ang Island beast ang pinakamahirap na nilalang para mapasunod. Pero mukhang madali lamang iyon kay Luna dahil sa kapangyarihan nya.
Ang Forgotten Island ay may kalayuan sa Raven domain, nasa ilalim iyon ng karagatan ng mga Ceruleans.
Ang Island beast ay may pagkakahalintulad sa mystic dragon, pero kumikilos ito sa sarili nito, ayaw nya na isinasailalim sya sa kapangyarihan.
Kulay silver ito at may ilang bakas ng ginto. Kaya nyang mag anyong tao. May kakayahan din syang lumipad pero limitado ang tagal nito.
Nakaupo lamang si Luna habang ipinapaayos ang mga kakailanganin nya sa pag alis. Hindi mabura sa kanya ang ngiti, palihim syang tinitignan ni Sheena. Si Gray ay nakaupo lamang sa balikat ni Luna.
May kumatok sa malaking pinto na kulay indigo. Mataas iyon at gawa sa kakaibang kahoy, kung titignan ay mapapaisip ka kung gaano kabigat iyon para itulak.
"Nakahanda na po ang lahat." sabi ng isang kawal habang nakayuko.
"Magaling, makakaalis ka na."
Tumayo na sya at lumabas, nasa likuran nya si Sheena. Nasa harap sila ng isang gate, "Mag ingat po kayo sa kanya mahal na reyna." sabi ng tagabantay.
Tinignan nya lamang ito, at dahan dahang binuksan ang gate na may teleportation seal.Tumambad sa kanila ang entrance ng isang kweba. Madilim doon at nakakatakot, idagdag pa ang mainit na klima sa loob. Lumakad na sila, "Sheena, gawan mo ng paraan ang dilim na ito?" utos ni Luna habamg naniningkit ang mata, at nakatanaw sa madilim na kweba.
Bago pa makagawa ng liwanag si Sheena ay may mga flaming orbs na lumitaw, "Magaling Sheena!" bulalas ni Luna, pagkalingon nito ay namumutla na ang diwata.
Hindi pinahalata ni Luna ang pagkabigla.
Nanlilisik at kulay pula ang malalaki nitong mata, halos hindi nila napansin ang kapangyarihan nito. "Hiningahan nito si Sheena at naglaho, A-anong ginawa mo sa kanya?" sabi ni Luna, pagkabigla ang maririnig sa tono ng babae habang unti unting umaatras. Nagamit bigla ni Gray ang pakpak upang lumipad at lumayo sa kanila.
Hindi sya sinagot nito bagkus ay nilapitan sya bigla ng Island Beast. Hindi maitago ni Luna ang pagkatakot at pagkabahala nya.
Tinitigan nya ang Island Beast at ginagawang kontrolin ito, nakipagtitigan din ang beast sa kanya. Hindi natinag ang beast, huminga ito bigla at napaatras si Luna. Naglaho din si Gray.
"Hindi tatalab sa akin ang kapangyarihan mo bigkas nito at tuluyang naglaho."
"Ano ang ginawa mo sa…"
"Kung saan sila ligtas."
Umalingawngaw sa buong kaeba ang nakakatakot na tawa ng Island Beast.
Napaupo si Luna sa panlulumo, kadiliman lamang ang nakikita nya. Sa isang iglap ay nakaramdam sya ng sakit ng katawan, hindi na nya napansin na may tumama sa kanya dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan nya.
Kasunod nito ay patilapon syang bumangga sa isang bato, habang nakahiga sa mga bato ay may tumatawag sa kanya.
"Luna…"
"Gumising ka na..."
Luna’s POV
"Kuya…tulungan mo ko."
"Buti naman at kilala mo pa ako, gumising ka na. Hindi ito ang mundo mo."
"Kuya…"
"Luna, hanapin mo ang kahinaan ng mundong ito, igalaw mo ang iyong mga daliri…"
Napabalikwas ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Nakita ko sina Sheena at Gray, bakas sa mukha ni Sheena ang pag aalala.
"Magpahinga ka muna, Luna." bigkas ni Gray , as usual wala talaga syang emosyon, na kabaligtaran kay Sheena.
Pumikit ako at inaalala ang mga nangyari, ilusyon ba lahat ng iyon.? Hindi ko man lang namalayan. Pero ang kirot at sakit ng katawan ko ay totoo, "Luna, dumilat ka na." boses ng kuya ko ang naririnig ko.
Pinatamaan ko ang buntot ng Island beast. Halos naputol iyon, at tila nalusaw ang barrier na nakapalibot sa akin. Nakangisi ang beast, sinubukan kong muli na gamitan sya ng mahika ko. Nagbagong anyo ito. Nag anyong tao. "K-kuya…"
"Kaya mo nga ba akong kontrolin, mahal kong kapatid?" wika nya na may ngiti sa labi
Hindi na ako makagalaw, natulala ako sa kanya. Maya maya pa ay may tumama sa kanya, isang mahika.
"Pull yourself together, Luna!"sigaw ni Gray habang tuloy tuloy lang ang pag atake sa Island Beast.
"Enclose!" binalutan ni Sheena ng barrier ang beast.
"Mahina, napakahina nyo!" umalingawngaw ang boses ng island beast sa kweba. Sabay nito ay ang nakakatakot nyang halakhak.
Napatakip kami ng aming mga tenga sa sobrang lakas nyang tawa na ume-echo doon.
"Salamat sa pagpaslang mo kay Shinoe, Luna." matapos nun ay tumawa sya ng tumawa.
Namatay si kuya dahil sa akin? Binato ako ni Sheena ng mahina ng mahika nya.
Naalala ko na maaaring ginagamit nanaman ako ng Island beast. Tumabi muli si Gray sa akin, "Handa na ako." pumikit ako at nagconcentrate, ngayon ko lang ito gagawin ulit.
Inipon ko ang lahat ng mahika na mayroon ako, ramdam ko na lumalabas iyon papunta sa mga palad ko.
Lumalamig ang pakiramdam ko, rinig ko ultimo ang pinakamahihinang tunog : ang paghinga naming tatlo sa loob ng kweba, at ang kakaibang paghinga ng Island Beast. Nang matunton ko ang lugar nito at alam kong tama na ang lakas na nasa aking palad, ay mabilis ko syang pinatamaan ng itim kong mahika.
Lumikha ng barrier si Sheena pero dahil sa lakas ng pagsabog ay nabasag ito, tumilapon kami sa mga bato.
Nakita kong nanghihina na si Sheena, unti unti syang nagfa-fade, ibig sabihin ay pabalik na sya sa Forest of Levi.
Nagkaroon ako ng kalahating summoning seal ni Sheena. Nangisi ako dahil maaari ko na syang tawagin.
Nakita ko na natamaan ko ang Island Beast.
Third person's POVSugatan ang Island Beast matapos matamaan ng mahika ni Luna. Maya maya ay naglalaho ito, at naging crsytal orb.Lumapad ang ngiti ni Luna at nagwika, "Susunod ka sa lahat ng aking iuutos" Umilaw lang ito habang sinasabi nya iyon."Gray dito ka na sa balikat ko. Aalis na tayo." hawak lang ni Luna ang orb ng Island Beast.Bumalik sila sa dinaanan nila, pabalik sa kanilang lugar sa Raven Domain."Magpagaling ka Sheena." bulong ni Luna sa sarili. Kahit ganon pa man sya ay marunong din pala syang mag alala sa kaniyang mga tauhan.Pagkabalik nila sa Raven domain ay naihanda na ng mga Colossians ang mga gagamitin sa muling pagsalakay sa Charm City."Oras na maisagawa ng tama ang mga plano, mapapasakamay natin ang Leviathan.""Magiging makapangyarihan
Rhei's POVHindi ko alam anong problema ni Frea kay Lucent, ang tanging nakita ko na lamang ay patay na ang halaman at mga puno sa paligid. Kumakawala ang itim na aura kay Frea.Heto ako ngayon tumatakbo papunta kay Headmaster.Hindi na ako kumatok dahil nasa panganib si Lucent.Kahit hingal na hingal ako ay nasabi ko pa rin kay headmaster ang kalagayan sa timog na bahagi ng syudad."Iniwanan mo si Lucent kay Frea? Nasa matinding panganib ang diwata na iyon. Tawagin mo rin sina Grethel."nataranta sya bigla sa kaniyang nalaman, ganun ba katindi ang kapangyarihan ng isang special fairy?Isama mo na rin si Dane. Dagdag ni headmaster."Masusunod p
Sheena's POVHanggang kailan pa kayo ko maghihintay rito. Wala kong mapagsabihan ng mga plano ni Luna.Hindi rin ako makaalis dito dahil panigurado ko na sasaktan nya ang aking mga magulang. Ayokong may masamang mangyari sa kanila.Tahimik lang ako sa isang sulok habang tuluy tuloy ang kasiyahan dito sa palasyo. Hindi ko magawang magsaya dahil sa mga nangyayari na alam kong ikakapahamak nina Rhei.Sana ay mapatawad nila ko. Matagal na kong kontrolado ni Luna. Nalalabanan ko lang pero simula noong binantaan na nya ko, iniwan ko si Rhei ng walang pasabi."Mamayang hatinggabi ay bibisita tayo sa Charm City!" Sigaw ni Luna"Dadakpin natin ang Leviathan,at gagawin natin syang alipin."Lahat ay nahiyaw sa tuwa.Umal
Dali dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto, upang maghanda ng mga kagamitang kakailanganin ko sa magaganap na paglusob.Pagkatapos kong ayusin ang mga kakailanganin ko ay pumunta ako kay Headmaster Regina.Kada hakbang ko nararamdaman ko ang bigat sa aking dibdib, inaalala ko pa rin ang makulit at maingay na diwata na iyon.Nakarating na ako sa harap ng kwarto ni Headmaster.Unti unting umangat ang aking kamao. Tatlo, tatlong malalakas na pagkatok ang narinig sa pinto ng kanyang kwarto, gumawa iyon ng echo na narinig sa pasilyo.Pumasok ka na tugon ng babae, nagmumula iyon sa loob ng kwarto.Dahan dahan kong ibinukas ang pintuan, tumambad sa akin ang grupo ng tao sa kaniyang kwarto.Yumuko ako saglit para bumati sa kanila, isa rin itong palatandaan ng paggalang sa kanila.Tinignan ko muna siya bago ako tuluyang nakapagsalita.
Rhei's POVMalayo layo pa ang aking lalakarin para matungo ang bahay ni Grethel. Nakita ako ng kapatid ni Frea."Kuya Rhei, totoo po ba ang balita tungkol kay ate Frea?" Nangingilid na ang kaniyang luha.Lumuhod ako para maging kapantay ko na si Nicholas. Hinawakan ko sya sa balikat, tinignan nya ko sa mata, isang ngiti ang isinagot ko sa kanya bago ako tumugon, "Huwag ka mag alala sa ate mo. Sasabihin ko sa kanya na bisitahin ka."Niyakap ko sya ng mahigpit, alam kong nangungulila sya ngayon. Pareho lang kaming nangungulila. Sya sa kapatid at ako naman ay sa summon ko.Alam kong pinipigil lang nya ang kaniyang pag iyak, "Kung gusto mong umiyak, Nic. Narito ako, iiyak mo lang sa akin."Hinimas ko ang kaniyang likod, saka sya tuluyang umiyak. Halos isubsob nya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Idinantay ko ang aking ulo sa kanya habamg patuloy lang ang p
Rhei's POVNang napansin nya ang lugar at ang Fountain of Verity nawala ang ngiti nya.Hinawakan nya ako sa kamay, "Rhei..."Wala na akong marinig, halos kabog na lamang ng aking dibdib ang naririnig ko.Nakakabingi. Nakatitig ang kanyang mapupungay na mata sa akin, pakiramdam ko ay kami na lamang ang nilalang sa paligid. Lumiliwanag ang paligid namin dahil sa hindi ko napigilan ang kapangyarihan ko na nagliliyab sa paligid namin.Ngayon ko lang napag alaman na dumedepende ang kulay ng apoy sa aking nararamdaman.Mala-rosas ang kulay nito at hindi namin maramdaman ang init, hawak ko ang kanyang kamay. Sa tagal naming magkasama ay ngayon ko lang nakasama si Sheena na ganito ang anyo.Katabi na namin ang fountain, tinignan ko sya sa mata saka sinulyapan ang tubig sa fountain...Laking mangha at gulat k
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari
Parehong napabalikwas sina Dane at Frea tila galing ang matinding pagsabog sa gitna ng academy. Patayo na sana si Dane pero pinigil sya ni Frea, “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Dane. Hindi ka pa magaling. Matindi ang mga natamo nyong sugat ni Yajima.”Itinulak ng mahinahon ni Frea ang binata pabalik sa pagkakahiga nito.Lumingon si Dane kay Hikaru, “Samahan mo siya, protektahan mo sya gaya ng pagprotekta no sa akin.”Alam ni Dane na magiging labag iyon kay Hikaru pero sumunod naman iyon. Lumipad iyon sa balikat ni Frea. Tinignan nya ang dalawa at ngumiti, “Mag iingat kayo.”Binalot sina Frea ng mga talulot at unti unting naglaho.“Zele…” bulong ni Dane at lumabas ito agad.Imbes na kumustahin ang summoner ay pinagalitan nya ito. “Huwag mo ng balakin, Dane”Lumabas si Lucent kahit hindi tinatawag ni Dane, lumitaw sa paanan ni Dane ang isa pa nyang summon.“Mukhang nakalimutan mo
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce
Ang Charm City ay may higit dalawang daang charmers na nahahati sa iba’t ibang klase. May nullifying class, attack, defend at rare class. Ang headmaster na si Regina ay nahahanay sa rare class. Bibihira ang mga nasa rare class gaya ni Timmy, ang anak ni Esther.Si Timmy Seigfrid ay isa sa maituturing na pinakamatandang charmer na nakatira sa Charm City. Inilayo sya ni Esther sa ama nito na isang Elder Charmer, pero ang sabi ng iba ay anak ni Pietro si Timmy kaya may dugo itong Leviathan.Lahat ng elder charmer ay nakatira sa pinakaliblib na lugar sa Charm city, sila ang huling nakausap ni Headmaster Regina.Maraming kakayahan si Timmy na wala si Dane. Isa rito ang telepathy at ang pinakarare ang pagkakaroon nya ng Godlike Allure.Siya rin ay half Leviathan kaya nagkaroon sya ng Esther’s Tattoo..Si Travis Wursch ang isa sa mga na-train ni Timmy. Matalino ito at madaling turuan pero pagdating sa academics ay tu
Parehong napabalikwas sina Dane at Frea tila galing ang matinding pagsabog sa gitna ng academy. Patayo na sana si Dane pero pinigil sya ni Frea, “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Dane. Hindi ka pa magaling. Matindi ang mga natamo nyong sugat ni Yajima.”Itinulak ng mahinahon ni Frea ang binata pabalik sa pagkakahiga nito.Lumingon si Dane kay Hikaru, “Samahan mo siya, protektahan mo sya gaya ng pagprotekta no sa akin.”Alam ni Dane na magiging labag iyon kay Hikaru pero sumunod naman iyon. Lumipad iyon sa balikat ni Frea. Tinignan nya ang dalawa at ngumiti, “Mag iingat kayo.”Binalot sina Frea ng mga talulot at unti unting naglaho.“Zele…” bulong ni Dane at lumabas ito agad.Imbes na kumustahin ang summoner ay pinagalitan nya ito. “Huwag mo ng balakin, Dane”Lumabas si Lucent kahit hindi tinatawag ni Dane, lumitaw sa paanan ni Dane ang isa pa nyang summon.“Mukhang nakalimutan mo
“Kuya, tignan mo to oh.” Masiglang sabi ni Faye sa kakambal habang pinapakita ang kakaibang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga palad.Tahimik lang na nanunuod si Dane, bakas ang inggit sa kaniyang mukha. Dahil wala syang ganoong kapangyarihan. Pinilit lang ngumiti ni Dane at maging masaya para sa kapatid nya.Hindi kalayuan sa kanilang puwesto ay nakamasid ang kanilang mga magulang na kausap ang matandang leviathan, si Chief Pietro.Natarantang tumakbo ang kanilang ama nang makita nitong palapit na ang mga palad ni Faye kay Dane.Bago pa man ito nakalapit sa kanila ay biglang naglaho ang kanyang mga anak.Gulat at pagtataka ang naipinta sa mukha ng kanilang ama.“Dane! Faye! Nasaan na kayo?” Tawag ng kanilang ama, pero walang sagot ang maririnig.“Papa, narito lang kami.” Tugon ni Dane sabay ang hagikgik ni Faye.“Papa, may kakaibang nangyari