[3RD PERSON POV] "So.. Kamusta ang buntis?" Kasabay ng paglapit niya sa gawi ng babae. "Nakikita mo naman siguro. Bat kailangan mo pang tanungin?" Nakaupo siyang nakatingin sa labas ng bintana mula sa kanyang kwarto. "Kinakausap kita ng maayos." Medyo dismayadong sagot ng babaeng nakatayo. "Ano ba kasing kailangan mo? Nakuha mo na ang gusto mo diba? Bat kailangan pang magpakita. Silbi ng phone?" Sa kaniyang pananalita batid mong ayaw niya sa kausap. "Hindi ikaw ang magsasabi ng dapat sa hindi ko dapat gawin. Baka nakakalimutan mo. Hawak kita sa leeg-" Tumayo ng pabalya ang babaing naka upo. "Baka nakakalimutan mo ikaw ang nagdala sa akin dito!" Tumawa ang kaharap niya sa kanyang sinabi. "Ikaw ang may gawa nito sa sarili mo, Ingrid. Kung hindi ka naman boba-" "Ang sama mo!!" Akma niyang sasampalin ang babae pero nahawakan siya nito sa kamay. ".. Lahat ng to tandaan mo may kabayaran!" Ngumisi lang ang huli. "Handa na ko sa kahit anung singilin sakin ng universe.." Ganti niya sa
"Love.. Ano na? Kailan ko pwedeng puntahan si Bianca?" Oo nga pala at nagsabi siya rito na i aarrange ang lahat para sa nais nitong pagdalaw kay Bianca. Paano nga pala niya yun gagawin kung nawaglit na yun sa isip niya sa dami ng problema. Kahit galit siya kay Ingrid ay hindi maiwasan mag alala dahil anak pa din niya ang dinadala nito. Paano kung ma stress ang babae dahil hindi niya magawang mapagbigyang makita siya kahit sandali lamang. Kahit bilang kaibigan lang. Paulit ulit kasing humihingi ng kapatawaran ang babae para sa sitwasyung kinasadlakan nila ngayon. Masiyado siyang maawain para hindi lumambot ng kanyang puso. "Sorry, wifey. Ang dami ko kasing tinatapos na work-" "Pwede naman kasing ako na lang. Ako na lang kakausap sa piloto. Ipahanda mo na lang ang sasakyan ko." Sa isip isip niya gaano ba kahirap sa mga mayayaman bilinan o utusan ang mga tauhan nila. "Alright, love.. Right away.." Patagong huminga siya ng malalim. Kailangan niya ng gumawa ng paraan
NABUNUTAN ng tinik sa lalamunan si Darcy ng isa sa problema niya naresolba. "Akala ko matatagalan ka pa." Salubong sa kanya ni Audhrey pagkapasok ng Mansion. Isang mabilis na ngiti ang kanyang binalik saka humalik din sa asawa. "Mabilis ko lang natapos yung meeting, Wifey." Ayaw man niyang madagdagan ang mga kasinungalingan ay tila ba naging routine niya na. "Sabay na tayong kumain?" Nakangiting tanong ni Audhrey sabay kumapit sa bewang ng asawa. "You mean. Hindi ka pa nag dinner?" Napasimangot siya ng bahagya dahil sa pag aalala. "Wala akong gana. Gusto ko kasabay kita. Gusto ni baby kasabay sa table ang mommy niya." Paglalambing nito sa kanya. Napalunok siya sa guilt na nararamdaman. Hindi na siya nagsalita at dinampian na lang ng halik sa ulo ang asawa saka sila nagtungo ng dining area. "Pabalik na ng Mansion si Bianca." Nasabi niya. "T-talaga?" Takang tanong ni Audhrey. Napaisip lang siya kung bakit tila ang random naman. Parang kailan lang busy ito, madamin
NAISIPAN ni Audhrey lumabas ng Mansion dahil nababagot na siya. Ibinaba siya ng kanyang personal driver sa pinaka malapit na mall at babalikan na lamang kapag nais niya ng umuwi. Naglibot siya hanggang sa gusto niya. Napunta siya sa boutique ng mga mamahaling bag. Simula ng maging mag asawa sila ni Darcy ay hindi pa siya ni minsan gumastos mula sa pera ng asawa kahit ilan beses pang sinabi nitong ang yaman niya ay kanya din. "Gusto niyo ho ba yan?" Tanong ng saleslady. Nag angat naman siya ng ulo habang hawak ang bag na sinusuri. "Oo miss. Maganda ba ang isang to?" Nakangiting tumango ang babae. "Bagay po sa inyo ma'am." Natuwa naman siya sa sagot nito kaya hindi na nagdalawang isip kunin. "Ako na pong bahala." Sabi ng babae saka sila sabay na nagtungo ng cashier. Pagkabalot ng binili niyang bag. Saka naman dumating si Ingrid sa naturang lugar. Nainip din ito kaya nagpasama kay Bianca na kumain sa labas at para makalanghap na din ng ibang hangin. "Audhrey.." Na
***** "Hindi pwede ang gusto mo!" Giit niyang humarap sa babaing bigla na lang uli sumulpot sa kanyang lugar. "At hindi ikaw ang masusunod. Baka nakakalimot ka kung sino ang totoo at kailangan mong protektahan." Nakuyom niya ang parehong palad ng maalala ang kapatid na naka kulong sa London. Wala siyang magawa kundi ang magpatianod sa masamang balak ng babaing kaharap. Lubos mang labag sa kalooban ay nag impaki siya ng kanyang mga gamit. "Ipapasundo kita." Saka umalis ang babae at naiwan siyang mag isa. Naisip niyang sa gagawin ay tuluyan na siyang kasusuklaman ni Darcy. Hindi siya nito mapapatawad maski sa kabilang buhay. Napayuko at lunok siya habang inaayos ang mga gamit. **** "Welcome back, Bianca." Magiliw na salubong niya sa kaibigan pero payak lamang na ngumiti ito. Hindi man lang nga umabot sa tenga. "Siya nga pala may good news ako sayo." Naka sunod siya kay Bianca na papunta ng kwarto nito. "Congrats po, Madam.." Natigilan si Audhrey ng maunahan siy
ILAN SANDALI pa nga ay dumating na din sa wakas si Darcy bago pa man mag kasakitan ng dalawa. "Anong kaguluhan ito?!" Kasunod si Bianca sa kanyang paglakad papunta sa living area. "Itong babaeng to ang nagdadala ng gulo!" Agad na sagot ni Audhrey kasabay ng paglapit sa asawa. "Andito ako para sa karapatan ko!" Sagot naman ni Ingrid na ikina bahala ng husto ni Darcy. "Anong karapatang pinag sasabi mo? Ha? Talaga bang sira na ang ulo mo? Kinain na ata yang utak mo kaya hindi na nagffunction ng maayos." Nag ngangalit ang kalooban ni Audhrey. Hindi niya lubos maisip na tutuntong sa pamamahay niya ang babaing dahilan ng pag aaway at muntik na nilang paghihiwalay na mag asawa. Bumalin si Darcy kay Ingrid upang makuha ito sa mabuting usapan. "What are you doing here? You are not supposed to be here." May pakiusap sa mga titig niya sa babae. Mababatid din sa mababang tono ng boses nito. "And you seriously. talking. politely to her?? Ha? Axell??" Napalunok siya sa may diing
"Anak namin, Madam.." Nakayukong hayag niya. Napatingin ang tatlo sa kanyang gawi. "S-sorry po." 'What is she trying to do?' Tanong sa isip ni Ingrid habang salubong ang mga kilay at taimtim na nakatingin kay Bianca. 'Is this... your way... helping me? Bianca?' Bagay na tumatakbo naman sa isip ni Darcy. Blangko naman ang kay Audhrey na para bang dinaanan ng bagyo ang utak niya kaya hindi magawang mag isip. Pumikit mata siyang umiling iling saka nagdilat. "What the hell is going on here!?" Pinasadahan niya ng tingin ang lahat. 'You can't do this! You're ruining everything.' Nag uurumintado sa utak ni Ingrid. "Intersex din ako, Audhrey at anak namin ni Ingrid ang dinadala niya." Sa ipinagtapat lalong sumasakit ang ulo ni Audhrey. Paanong nangyari? Kailan nangyari? Hindi naman sila personal na magka kilala diba? Ang daming tanong sa utak niya na kailangan ng agarang sagot. Hindi niya matanggap. Ang kaibigan pa talaga niya sa mortal niyang kaaway? Uwang ang bibig
Naningkit ang mga matang napailing nanaman si Audhrey. "It doesn't make sense." Paanong may mangyayari sa dalawa kung in love si Ingrid sa kanyang asawa. Muling bumalik sa kanyang ala ala ang mga tagpong iyon na lubos niyang nais ibaon sa hukay. Ang araw na nahuli niyang magkasama ang dalawa. Nananatiling fresh lahat ng kaganapan na iyon sa kanyang utak. "Was she playing games with us?" Kunot noong tanong niya sa asawa. Hindi magtugma o umayon ng lahat sa kanyang utak. "What do you mean by that?" Takang tanong naman ni Darcy. Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi kung paano kukumbinsihin si Ingrid na manatili sa apartment na kinuha niya para rito. May dahilan na din para si Bianca ang mismong mag alaga rito. Tiwala siya kaysa ibang tao. Anak niya pa din ang dinadala ni Ingrid. **** Walang nagawa si Audhrey kundi hayaan manatili at least isang gabi lang sa pamamahay niya si Ingrid. Samantala sa guest room hindi mapirmi ni Ingrid. Kasisilip pa lang ng haring ar
—PINAG ISIPAN mabuti ni Darcy Ang sinabi ni Nathalia at buo na Ang desisyun niya. Lalo pa itong lumakas ng biglang isugod sa hospital si Audhrey dahil dinugo ito sa gitna ng kanilang pagtatalo. "I'm so sorry.." Habang dinadala nila sa ER si Audhrey. "Wait here." Sabi ng nurse at dun lang tumigil Ang paglakad niya. Bumagsak Ang parehong kamay saka napahawak sa kanyang ulo sa matinding pagka balisa at pag aalala para sa mag Ina niya. "Kasalanan mo tong lahat!" Tinitigan niya ng masama si Darcy. "Kasalanan mo din dahil cheater ka! At wag na wag mong ibabalik sakin dahil hindi Ako katulad mo .. isang cheater!" Ito Kasi Ang pinagdidikdikan niya kanina Kay Audhrey. Ang namagitan sa pagitan ni Bettina at Nathalia na pilit itinatanggi ng huli na Siyang pinaniwalaan Naman ni Audhrey. "Wala akong pakialam kung anong hugot mo pero wag mong idamay si Audhrey. Hindi niya deserve ang kagaya mo! Alam Kong Hindi mo Siya mahal. kaya tumigil ka na rin. kapag ginawa mo Yun Hindi na ko mag
"Para San ba Ang pag kontra mo? ha?" Nakabalik sila dahil sa pag Hila sa kanya ni Nathalia. "Sige. Sabihin mo sa kanya. Tingin mo maniniwala siya sayo?" Natigilan Siya. "What do you mean? Kaya ka nga andyan ka para patunayan.." "At paniniwalaan niya Ang sasabihin ko? after all? Nag iisip ka ba Darcy?" Bakit tila walang umaayon sa kanya. "So sinasabi mong itatanggi ng ex mo Ang nangyaring sex sa pagitan nyu?" "Anu pa nga ba? At Siya Ang paniniwalaan ni Audhrey.. Hindi Tayo. " "Gagu pala ng ex mo.. Tama lang na tapusin ko na Siya.. Wala akong pakialam kung Hindi maniwala sakin ni Audhrey.. bahala na Siya kung magpapakasal pa din Siya sa gagung Yun after ko sabihin lahat." Pabalik na sana ito kela Audhrey pero muling pinigilan ni Nathalia. Alam ni Nathalia na matatapos sa kanya si Bettina kapag nabunyag ang lahat at naniwala si Audhrey. "Anu bang kinatatakot mo?" tanong niya Kay Nathalia. Dahil Siya Wala ng kinatatakutan. Tutal Wala na din Naman sa kanya Ang asawa baki
—SA MULING panunumbalik ng sakit ng nakaraan Kay Audhrey ay naging mainit Ang dugo niya Kay Darcy sa tuwing makikita ito sa site. Ayaw Naman niyang Iwan sa ere si Bettina at aminin man niya o Hindi sa sariliy nais kumprontahin si Darcy sa naging trato nito Kay Ingrid na para bang Basta na lang pinabalik ng kanyang Bansa matapos buntisin. "Something is not right about her, Nathalia... " Napapaisip Siya sa naging tingin sa kanya kanina ng asawa. Napabuntong hininga si Nathalia. "What's new? Galit Siya Sayo kaya ganun Siya makatingin." Paliwanag niya sa tila bugtong sa isip ng kaibigan. "No... It's different. Para bang may nalaman Siya. Para bang may nagawa nanaman akong malaking kasalanan." Napasuklay Siya sa mahabang buhok sa frustration na nararamdaman. Hindi na Siya makatiis kaya tumayo Siya upang puntahan si Audhrey. "Hey San ka pupunta?" Akala niya mapipigil niya ito pero nagmukha Siyang invisible. "Ang kapal talaga ng mukhang magpakita pa ng harapan. Pagkausap ni Bettina
—ARAW NG LINGGO kaya free Ang schedule ni Bettina. Plano niyang ipasyal Ang kaibigan sa syudad dahil alam niyang Hindi pa ito nakaka punta rito. Pagkakataon niya ng bumawi sa pagsama nito sa kanya. "Ang aga pa, Bett.. "Pinutol ni Bettina Ang mahmbing niyang tulog para lang sabihing aalis sila. Nang idilat niya Ang mga matay tila Gabi pa. Nilihis ni Bettina Ang kurtina ng mabasa Ang nasa isip ni Audhrey. Napapikit uli ito ng masilaw sa sikat ng araw. "Okay na Sige!" tumayo Siya sa kama ng marahan upang mapag bigyan sa nais Ang kaibigan. "Saan ba Kasi Tayo pupunta?" Tanong niya Kay Bettina na Siyang nagmamaneho. Kasalukuyan na silang nasa kotse at nag bbyahe. "Relax ka lang diyan. Lilibutin natin Ang England." Sumilay Ang excitement at saya sa Mukha ni Audhrey sa narinig. Akala niya Kasi trabaho nanaman Ang sadya nila. "It's Sunday, Audh. It's our time para I enjoy Ang England okay ." Masayang hayag niya rito. "Sunday na pala ngayon. Sige gusto ko yang binabal
"Mababago ko bang nasa isip mo kapag paulit ulit Kong sinabing Wala?!" Dumaan Ang panandaliang katahimikan. Pinakatitigan niya sa mga Mata si Bettina. "Hindi. Diba?!" May lungkot sa pagkurap ng mga mata nitong tumalikod na lamang. "So anong namamagitan sa inyo?" Habol na tanong ni Bettina bago pa man niya Mai hakbang Ang mga paa. Dahang humarap si Nathalia. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko?" Para sagutin ito ng harapan sa mga mata. Pinagmasdan niyang mabuti ito upang Makita maski malalim Ang tunay na reaction nito. Napaisip Naman si Bettina. "Why don't you just try?" "Could it be worth it?" Ginantihan niya ito ng isang tanong din. "I don't know.." Gumalaw Ang mga balikat niyang sagot. Mababatid Ang pagka irita sa kanyang tinig at galaw. Basta na lamang itong umalis na nag Iwan ng kaguluhan sa utak ni Nathalia. Malalim na buntong hininga Ang pinakawalan niya. Bakit nga ba Hindi niya kinuha Ang pagkakataong iyon upang sabihin na Ang lahat Kay Bettina.—LUNCH TIME na kaya
ABALA Ang lahat sa paglilinis ng Lugar at Naki tulong na din Sina Darcy, Nathalia at Bettina. Nanatiling nakaupo sa may ilalim ng tent si Audhrey, pinagmamasdan Ang mga kasama. "Ano kaya pa?" Ng makalapit Siya Kay Darcy. Halata kasing Hindi ito sanay sa ginagawa. "Kasama ba talaga ito sa trabaho ng pagiging engineer o architect?" Habang tinatabas Ang matataas na damo. "Hindi Naman pero Kasi ito Ang magiging pundasyun. Dito magsisimula Ang lahat kaya gusto naming pagod at pawis Ang maging puhunan." Hinihingal na paliwanag niya habang patuloy din sa paglilinis ng mga ligaw na halaman sa paligid. Tumango tango si Darcy na para bang walang nagawa kundi Ang magpatianod na lamang. "W-wait. "Sambit niyang tumigil at ibinaba Ang hawak na sickle. Napatayo ng tuwid si Darcy habang Ang mga matay sinundan kung saan patungo si Nathalia. Sa kabilang Banday nakatuon din pala Ang dalawa sa kanila. Nagtungo si Nathalia sa tent na nasa lilim ng malaking Puno sa tabi kung nasaan Ang mga g
Umiling na tumalikod na lamang si Nathalia na ikina yamot Naman ni Bettina. Gusot Ang mukhang nag isip ng ibang sasabihin. "Hindi ka niya kayang paligayahin sa kama ng gaya sa'kin." Saglit lang na Natigilan Siya sa sinabing iyon ni Bettina pero muling pinalagpas ito. Nagpatuloy Siya sa pag lakad palayo sa dalaga. Dismayadong naiwan si Bettina. Panay Ang pagpapakawala ng buntong hininga. "Such a loser.." Nasabi niya sa hangin ng ma realize kung anong katangahan ng inasta niya kanina lamang sa harap ni Nathalia. Bigla tuloy Siyang nakaramdam ng pagka pahiya sa sarili. Halata Naman kasing walang naging epekto Kay Nathalia ng pangpo provoke niya rito. Naisipa niya ang nguso ng kanyang knee-high boots sa mga maliit na batong nagkalat roon kaya tumalsik ito kung saan. SAMANTALA kinuha ni Darcy Ang pagkakataon ng mamataang mag isa si Audhrey, pinagmamasdan Ang magandang view. Tumingin pa Siya sa palibot at natuwa ng makitang Wala Ang asungot. Huminga sya ng malalim bago
—UNANG araw para sa pagsasakatuparan ng IM Project. Lulan ng kani- kanilang sasakyan patungo sa location kung saan napili ng Queen ipatayo bigyan katotohanan ng kanyang pangarap ay tahimik Ang lahat. "I'm just reminding you.." Biglang nagsalita si Nathalia na gumising sa diwa ni Darcy. "..put yourself together and control your damn emotion kung ayaw mong masira-" "I know what to do, Nath.. You don't have to keep telling me.." Wala Siya sa wisyo. Naiinis Siya dahil matagal ng panahong Hindi kasama Ang asawa. Nais niya ng manumbalik sa dati upang maranasang muli Ang totoong meaning ng mabuhay sa Mundo. "Okay okay..." Saka nag iba Ang tingin upang tumuon Naman sa sarili. Siya bay handa ng Makita ulit si Bettina matapos ng naging kaganapan sa pagitan nila? Paano niya itong titignan sa mga mata. Paano Siyang makikipag trabaho ng may professionalism. Madaling sabihin Ang dapat Gawin pero kapag nasa sitwasyun ka na ay matinding paghihirap din. Napahinga na lamang ng malalim si Nat
Napatayo agad si Audhrey ng marinig ang tunog sa main door. Hindi pa man nakaka pasok ng buo si Bettina ay sinalubong niya na ito. "Nahanap na ba Siya?!" Bakas Ang pag aalala rito na agad napansin ni Bettina. "She's fine.. Stop worrying.." Umikot Ang mata nito. Napakurap Iwas Siya ng tingin. "Who's worrying.." Pagkaka ila niyang ikina iling ni Bettina. "You're not a great lier, Aud.." Lumakad Siya papuntang living area habang naglalaro sa kanyang isipan Ang mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ex. Tahimik na sumunod lang din si Audhrey na may kapanatagan na ng loob dahil nalamang ligtas si Darcy. "Bakit parang may kakaiba Sayo?" Tanong niya ng mapa upo na din sa tabi ni Bettina. Napalunok si Bettina sa tila nagdududang tanong ni Audhrey. Dapat niya bang sabihin rito Ang nangyari? Pero para San pa? "Okay ka lang ba? may nangyari bang Hindi maganda?" Dagdag pang tanong ni Audhrey. [Darcy , Nathalia] "BAKIT MO BA KO PINIGILAN?!" galit na sigaw ni Darcy Kay Nathalia n