Share

The Indecent Proposal
The Indecent Proposal
Author: Ansh Marie Toperz

CHAPTER 1

[AUDHREY SOLACE]

Halos three months na ang lumipas matapos ang naging kasal ko sa taong ni hindi sumagi sa panaginip ko na magiging asawa ko.

Panay ang lakad ko dito sa loob ng kwarto habang mahigpit na hawak ang phone.

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang lahat sa long time boyfriend ko. Siya lang sa buong buhay ko ang inibig ng puso ko.

Naka plano na ang lahat. Sa kanya ko nakita ang future ko na naghihintay sa akin sa altar.

Siya ang pinangarap kong makasama sa mga darating pang araw, buwan at taon ko dito sa mundo ng ibabaw.

Hanggang sa pag tanda, sa pag puti ng buhok, sa pag lagas ng ngipin namin at maging sa kabilang buhay.

Nagunaw lahat ng iyon ng makasal ako sa mahaderang CEO ng company kung saan isa akong empleyado.

Nung una mataas ang tingin ko sa kanya dahil hindi lang siya mayaman, maganda, matalino kundi saksakan ng bait.

Kilala siya na matulungin sa lahat ng nangangailangan. Down to earth sa kabila ng mataas na antas niya sa buhay.

Ngayon kinasusuklaman ko siya ng husto dahil sa kapalit na hiningi niya matapos niya akong tulungan maipagamot ang mama kong nag aagaw buhay, mabayaran ang utang ni papa sa isang loan shark at madala sa mental hospital ang kapatid ko.

Natigil ang pag iisip ko ng may kumatok at iluwa nito si Bianca, ang personal maid ko.

"Miss pinapatawag ho kayo ni Madam-" Bago pa niya mabanggit ang pangalan ng sinusumpa kong babae pinigilan ko na siya.

"Susunod na ako, Bianca." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Sa buong panahong nilagi ko dito sa Mansion siya lang ang tanging nakapalagayan ko ng loob kaya naman halos alam niya na ang kwento ng masalimuot kong buhay.

Tumango lang siya bago ako iniwan. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng kwarto para harapin ang mapagpanggap na babae na yun.

Oo.. pretentious dahil sa likod ng tila anghel niyang pagkatao nakatago ang mala demonyo niyang anyo.

Isinusuka ko talaga siya matapos lumabas ang sungay niya.

Naglakad ako sa hallway ng Mansion hanggang marating ko ang pintong hindi ko gugustuhing lapitan at lalo na pasukin.

After ng sakalan este kasalang naganap ngayon ko lang uli makikita ang bitch na to. Napupuno ang dibdib ko ng sari saring emosyon habang hawak ko ang seradura at nakatitig rito.

Nakailang lunok pa ako bago tuluyang sumugod sa tila giyera na naghihintay sa akin.

Talikod itong nakatayo, tila pang burol ang suot na bagay sa madilim din niyang budhi. Nakalugay ang mahaba, itim at super straight niyang buhok. Ang sarap sabunutan o di kaya kalbuhin.

"Lock the door, Audhrey." Hindi kalakasang utos niya pero ramdam mong puno ng awtoridad. Kahit sino ay tila mapapasunod na lang.

Nananatili siyang nakatingin sa labas ng wall window.

"It's been three months Audhrey. Don't you think we should sleep in the same bed?"

Muntik ng huminto ang pintig ng puso ko sa narinig. She must be dreaming.

"Hindi kahit huling araw ko na dito sa mundo na tatabi, makikisama ako sa isang katulad mo!!"

Buong tapang na inilabas ko ang nasa kalooban ko. Hindi ko nga alam kung saan ko iyon hinuhugot. Marahil gawa ng nabuong pagkamuhi sa kanya dito sa dibdib ko.

Totoo naman. Sinira niya ang tahimik kong buhay kahit pa masalimuot ito, masaya naman ako dahil nakakaraos ako, ang pamilya ko sa araw araw.

May mapagmahal akong mga magulang, kapatid at nobyo.

Hindi naman kasalanan ni Papa na sa maling tao siya nanghiram ng pera para sa mga gamot ni Mama at sa kapatid ko na rin na may sakit sa pag-iisip.

Mahirap man ang boyfriend ko lahat naman ginagawa niya para matulungan ako, iparamdam sa akin na isa siyang mabuting partner sa kahit anong sitwasyon na meron ang relasyon namin.

Dahan na humarap, lumapit ang demonyita. Napalunok ako sa malamig na dala ng presensya niya. Never kaming naging malapit noong empleyado pa ako sa company nila.

Tanaw ko lang siya palagi. Binabati kapag natyempuhan pero never nakausap. Madami lang akong naririnig na magagandang papuri sa kanya kaya nasabi kong mabait siya.

"Hindi mo magugustuhan kapag naubos ang pasensya ko."

Nanlalambot ang mga binti kong napaatras ng kaunti na lang ang natitirang pagitan sa amin.

"You are my wife, Audhrey. May responsibilidad, obligasyon ka sa akin."

Titig na titig siya sa akin na para bang lalamunin ako ng buo.

Wala na pala akong pupuntahan ng maramdaman ko ang matigas na bagay sa aking likuran.

Amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak ng demonyita. Ang mga kamay niyang nakalapat sa may pintuan, kumukulong sa akin.

Nakaka suffocate. Gusto kong masuka. Naaalibadbaran ako sa kanya. Namumuhi talaga ako.

Walang epekto ang physical niyang ganda dahil natatabunan ito ng masama niyang pagkatao.

Oo. Masama siya dahil kinulong niya ako sa isang kasal na habang buhay akong gagawing miserable, pagsisisihan ko hanggang sa huling hininga ko.

"Tumupad ka sa usapan, Darcy. Ang sabi mo hindi mo ako pipilitin sa kahit anong bagay na labag sa kalooban ko."

Tila maiiyak na ata ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

May gusto siyang sabihin pero tila napipigilan siya. Ang mga mata niya. Napupuno ng lungkot??

"Another month, Audhrey. Sa ayaw at sa gusto mo you'll be mine." Muling nanuyo ang lalamunan ko.

Anong gagawin niya? Kakaladkarin ako? Gagamitan ng dahas para makuha ang gusto niya? Ganun na ba siya kawalang puso? Babae din siya kaya dapat naiintindihan niya ako.

"Now get out!"

Napaigtad ako sa lakas ng pagkakasabi niya. Dali dali akong lumabas. Habol ang hininga kong sumandal sa pader ng bahagya akong makalayo sa pintuang iyon.

Para akong galing sa masamang panaginip bago nagising. Isang bangungot makausap ang babaeng iyon.

Anong gagawin mo ngayon Audhrey sakaling dumating ang araw na magsama na nga kayo sa iisang kwarto, kama, kumot ng demonyita na yun?

Isang masamang hangin ang pinakawalan ko sa isiping iyon.

Kung may ibang paraan lang para matakasan ang kinasadlakan ko hindi ako magdadalawang isip gawin ang bagay na yun.

Ano kaya kung patayin ko na lang siya habang mahimbing na natutulog? Fuck! Hindi ko naman kayang gawin iyon at makukulong ako.

Hindi ako mamamatay tao kundi ang babaeng iyon. Para niya na akong pinatay dahil inalisan niya ako ng buhay.

Napunta ang balin ko sa hawak kong phone ng mag vibrate ito. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba.

Mahal na mahal ko ang boyfriend ko kaya hindi ko kayang ikulong pa siya sa relasyong malabo ng may patutunguhan.

Hindi na niya ako deserve. Isang babaeng malaya ang nararapat sa kanya at hindi na ako yun pero tang ina.

Kakayanin ko bang hindi na siya makita?? Kaya ko bang hindi na siya maging parte ng buhay ko?

Kaya ko bang makita, malaman o kahit maisip man lang na magmamahal siya ng hindi ako??

Hindi ko namalayang napahawak na pala ako sa dibdib ko.

Ang bigat..

Ang bigat bigat.. Para akong sinasakal, inuunting patayin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status