Share

CHAPTER 6

LUMIPAS ang wala pang dalawang linggo at nagamay ko nga ang pagiging assistant ng magaling kong asawa.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba akong inisin dahil hanggang sa trabaho magkasama kami.

Ang daming posisyon sa kumpanya o di kaya pwede namang ibalik na lang niya ako sa dati kong trabaho pero assistant pa talaga niya?

Nakaka imbyerna makita, makasama siya 24 hours. Hindi na talaga ako makahinga. Kahit saan andoon siya. Parang anino ko na ngang maituturing.

"Who told you to change my fucking rules??!!" Galit na galit ito ng makarating dito sa table ko sa labas ng kanyang office.

"Anong sinasabi mo??" Pinag taasan ko din siya. Ano siya lang pwede?

"Did Zylvia forget to remind you that I'm available anytime?" Medyo kumalma na siya. Natauhan ata.

"Kahit oras ng lunch?? Ano mauubusan ka ba ng kayamanan kung mabawasan ang oras mo sa trabaho?"

Mukhang nakarating na sa kanya yung pang aaway ko sa isang assistant. 12 noon kasi ang hinihinging appointment ng boss niya sa boss ko.

Hindi ako pumayag sa unang pagkakataon dahil palagi na lang hindi kumakain sa tamang oras si Axell.

"What are you trying to say, Dhrey?"

Sasabihin ko ba na gusto ko lang naman kumain siya ng lunch? Sinabihan kasi ako ni mama na maging mabuting asawa.

Eh hindi ko naman talaga siya asawa!!! Haist!!

"I'm asking you, Dhrey." Dinadaan nanaman niya ako sa bagsik niya. As if matatakot pa ako. Sanay na to ulol!

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tumayo ako at hinila siya. "Where are we going?" Bahala ka sa buhay mo.

Nagpatuloy lang ako sa paghila, parang kaladkad na nga eh, hanggang makapasok kami ng elevator hindi ko siya binibitawan.

"Did a cat ate your tongue? Talk to me!" Still deadma pa din ako.

Nakaka agaw attention na nga kami sa mga madaanan naming empleyado. Wala akong pakialam.

Away mag asawa to. Bakit ba.

Dinala ko siya sa malapit na restaurant. Pwedeng lakarin mula sa kumpanya niya.

"Sit!" Kasabay ng pagpapaupo ko sa kanya ng makapili ako ng table.

Naupo na din ako sa harapan niya. Tinaas ko ang kamay ko para lapitan kami ng waiter.

"Good afternoon po." Magalang na bati ng lalaki sa amin ng may pagtango.

"Pwede sa akin ka tumingin?" May bakas ng pagkairitang saad ko sa lalaki. Tila natakot naman ito at sa akin bumalin.

"Wag sa asawa ko." Dagdag ko pa na parang ikinabigla niya.

Sinabi ko kung anong order namin. Parehas na rice meal kahit hindi ko alam kung kakainin ba yun ni Axell dahil mukhang hindi ito ngkakanin.

Matapos kong umorder binalingan ko ang magaling kong asawa. Kanina pa ito titig na titig sa akin kahit hindi ako sa kanya nakatingin.

Sinandal ko ang parehas kong siko sa table at pinaglapat ang mga palad ko.

"Paano ka nakakapag trabaho ng walang laman ang tiyan?" Panimula ko.

Tahimik pa din siya at hindi nababali ang tingin sa akin. Tila ang lalim na ng iniisip niya. Hindi ko mabasa kung galit pa ba siya o ano.

"Why are you doing this?" Kumunot din ang noo ko kagaya niya. Ano bang ginagawa ko? Kakain lang naman kami.

"Gutom na ko." Sagot ko sabay iwas ng tingin.

"You can eat exactly 12 noon, Dhrey. You don't have to drag me with you."

Napasinghal na lang ako. Seryoso ba talaga siya? Naiinis ako. Bakit nya ba ko pinakasalan. Ganito ba kami sa buong pagsasama namin?

She's not doing anything para kunin ang loob ko. Para kahit papaano ay magkasundo kami at hindi puro bardagulan.

Nakakapagod din ang ganun. Tinanggap ko ng asawa ko na siya at siya ang makakasama habang buhay. Pero hindi ko kaya ang ganitong set up namin.

"Bakit mo ko pinakasalan?" Gusto ko talagang malaman. Lalong nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko.

"Anong kinalaman nun dito?"

Ang bobo niya. Bwisit. Nakakainis.

"Fine.. Go ahead. You can leave.." Sabi ko saka tumingin sa ibang direksyun.

Hindi ko makuha yung point kung bakit pinilit pa niya akong makasal sa kanya.

Hindi ba dapat kagaya ng mga napapanood ko sa mga movie, aamuhin niya ako at kukunin ang tiwala, loob at puso ko?

Kabaliktaran kasi lahat. Bwisit na bwisit lalo ako sa kanya.

"Naka order ka na at nandito na ko. Then let's eat." Patago akong ngumiti. Magpapaubaya din naman pala ang dami pa niyang arte.

"I guess my wife wants my attention." Bigla akong napalipat ng tingin sa kanya.

"Sorry.. Wag kang feeling. Gusto ko lang kumain ka. Palagi ka na lang nagpapa lipas."

Natahimik ito pero hindi nakaligtas sa akin na umangat ng bahagya ang mga dulo ng labi niya.

Kinikilig ba siya??

Wala pa din siyang pinag bago. Kagaya noong mga bata pa lang kami nakakalimutan niyang kumain sa kakalaro namin.

Dadating na lang sa puntong sinisigaw na ng yaya niyang kakain na. Ako naman kasi madalas wala talagang makain sa hirap ng buhay.

Tinapay lang sa tanghalian.

"Sorry if I raised my voice to you earlier."

Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita. Pabalik na kami. Kasalukuyan kaming naglalakad.

Ngayon lang siya nag sorry.

"Sanay na ko."

Tanging naging sagot ko. Muli akong nilamon ng pagka bigla ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa kamay ko.

Napatingin ako sa pinagsaklop niyang mga kamay namin. Hindi ko mahanap sa sarili ko ang dapat iakto hanggang hinayaan ko na lang.

"Your hand is so soft."

Is she complementing me? First-time ulit yun. Simpleng lunch meal lang naman ang kinain namin. Bakit tila bumait siya??

Kagaya ng palaging nangyayari naiwan nanaman si Axell, subsob sa trabaho.

"Good evening, Miss Audhrey." Bati sa akin ni Bianca ng dumating ako ng mansion.

"Audhrey na lang. Wala namang tao." Tugon ko rito. Kinuha niya ang dala ko.

"Hindi mo ulit kasabay ang asawa mo?" Napa ngisi na lang ako. May bago ba dun.

Nauuna siyang umalis kaysa sa akin tapos nahuhuli naman siyang umuwi.

Ganun ba talaga ang mga mayayaman? Mayaman na nga lalo pang nagpapayaman? Mas masipag pa sila kumpara sa mga naghihirap. Real talk lang.

Kung sino pang walang kaya sa buhay madalas sila pa yung tambay. Inuubos ang oras sa kung saan saang walang kwentang bagay.

Katatapos ko lang maligo ng maisipan kong ipili ng maisusuot si Axell para bukas.

Ayoko ng mga suot niya sa totoo lang. Masyadong revealing kaya nakaw mata siya palagi.

Ayokong pinagtitinginan siya na para bang hinuhubaran na siya sa mga mata ng mga empleyado sa kumpanya.

Nakaka imbyerna lang. Ewan. Lately ganun ang nararamdaman ko.

Naiinis lang kasi ako. Hindi ba nila alam na nakakabastos yung paraan nila ng pagtingin kay Axell?

Ang babaeng yun naman parang patay malisya lang. Unbothered masyado. Kainis.

After kong maihanda ang kay Axell bumalin naman ako sa mga damit ko.

Teka.. Wala na ang mga naunang nakita ko. Meron na ding skirt at hindi na puro long sleeve. Napansin niya bang hindi ko ginagamit ang mga napili niyang outfit para sa akin? Hmmmm..

Mabuti naman napagtanto niya.

Natuwa ako sa mga bagong damit. Napangiti tuloy ako at nakaramdam ng kung ano sa kaibuturan ng aking puso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status