Share

CHAPTER 3

Kasunod kong pumasok ng kotse si Darcy. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at sa kanya nilabas ang lahat lahat.

"Soon.. Everything will be fine, my dear wife."

Niyakap niya ako pabalik at wala man lang akong naramdamang pagkaalangan.

Tila nakakatulong ang yakap niya para mabawasan ang sakit. Naisantabi bigla lahat ng muhi ko sa kanya.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang hinahaplos niya ang likuran ko.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pag gising ko wala na kami sa kotse at.. At andito na ako sa kwarto?

Pero hindi ko to kwarto... Asan ako??

"You're awake." Agad akong napasulyap sa pinang galingan ng boses. Naka cross ang mga paa at kamay nitong prenteng nakaupo ng couch.

Tanging malaking t shirt ang suot??

"Are you hungry? Gusto mo bang magpadala ako ng pagkain?" Dibale na lang. Wala akong gana.

"Anong ginagawa ko dito?"

"You are my wife. Dito ka dapat sa kwarto ko. Kwarto natin."

"May isang buwan pa ko, Darcy. Please..." Wag ka ng dumagdag sa pinag dadaanan ko ngayon.

"Don't worry.. I won't touch you. Unless you say so."

Tumayo siya saka umupo sa tabi ko. Inayos niya lang ang buhok kong humaharang sa mukha ko.

"I can still wait until you're ready. Na antay nga kita ng mahabang panahon."

Naguluhan ako bigla sa sinabi niya.

Two years pa lang ako sa company nila. Anong mahabang panahon? Hindi naman namin kilala personally ang bawat isa.

Malabong kilala nga niya ako dahil sa dami naming empleyado nila. Isa pa siya ang CEO. Sa mga matataas lang din siya nakikipag usap.

Isa lang akong empleyado na nasa ibaba.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at muling binagsak ang katawan ko sa kama.

"Gusto mo bang bisitahin ang mama mo?" Nabuhayan ako bigla. Napabangon.

"Totoo? Pwede ko ng makita si mama?" Buong kasabikang turan ko.

Binawalan niya kasi ako nung hindi ako pumayag magpakasal.

Hindi ko na din nagawang magpakita kay mama after ng kasal dahil baka makadagdag lang ako kay mama. Alam kong kailangan niyang magpagaling.

Paniguradong hindi ko maitatago sa kanya ang nararamdaman ko at hahagulgol ako ng iyak sa harapan niya.

Sinabi din naman ni Darcy na may private nurse ito sa hospital. Si papa naman ay dumadalaw din.

Hindi ko nga lang alam kung ano na bang nangyari dahil huling usap namin ni papa nung araw na umalis ako ng bahay para tumupad sa kasal namin ni Darcy.

Ayokong malaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Darcy dahil malamang mag aalala sila. Ayokong pati ako problemahin pa nila.

"Magbihis kana. Aalis tayo."

Yun lang at nawala na siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung san siya nagpunta pero hindi naman siya lumabas ng kwarto.

Ang lawak kasi nitong kwarto niya. Malaki pa to sa bahay namin.

Nagpunta pa ako ng kwarto ko para makapag palit pero wala ng laman ang cabinet ko. Bumalik tuloy ako ng kwarto niya baka andun na ang mga gamit ko.

Agad akong tumalikod ng makapasok ako.

Wala kasi siyang saplot pang itaas.

"Don't be shy, my dear wife. It's all yours.."

Katawan niya ba ang tinutumpok niya.

Straight ako noh!

"Pwede bang magbihis ka na."

Nasabi ko na lang. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Marunong pala siya nun.

Halatang bagong ligo siya dahil amoy na amoy ko. Ang bango.

"Meron ka din naman nito, Audhrey. So what's the point?"

Sira ba siya? Di porket parehas kaming babae ay okay lang. Hello..

Haist.. Nababaliw na ata ang babaeng to.

Agad kong niyakap si mama ng makita ko siya. Naiyak naman siya agad at ganun din ako.

"Iha.. Ikaw pala." Napaalis ako sa pagkakayakap kay mama. Nakatingin siya sa kasama ko.

"Kamusta po ang pakiramdam niyo Tita?"

Magkakilala din sila?

"Okay na okay na, Iha. Salamat sa palaging pagdalaw mo sa akin. Ngayon at naisama mo pa ang anak ko."

Napatingin sa akin si mama bago bumalik sa kausap.

"Ma.. Kilala mo siya?"

Nagtatakang tanong ko kay mama. Kinuha ko ang kamay niya para halikan.

"Oo naman anak. Siya ang asawa mo hindi ba?"

Ano? Alam niya? O-okay lang sa kanya? Oo alam kong ayaw ni mama kay Lian dahil hindi daw ako nito mapakilala sa mga magulang.

Pero sa babaeng ito?? Ahhh!! Anong nangyayari? Anong na missed ko?

"Kailan niyo pa po alam, ma?"

Ngumiti lang si mama. Lumapit naman si Darcy sa kanya para magmano at humalik din ito sa noo ni mama.

Teka.. Bakit parang close sila?

"Pasensya ka na sa anak ko, Iha. Pinahihirapan ka ba niya?"

Napa atras ang isa kong paa sa tinuran niya.

"Ma-"

Hindi ko na natuloy pa dahil baka makasama sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na ako ang pinahihirapan ng demonyita na yan.

"Salamat sa lahat lahat ng tulong mo, Iha. Napakabuti mo mag mula pa noong inalagaan kita."

Nakita ko ang pag silay ng ngiti sa mukha ng demonyita sa pangalawang pagkakataon.

At teka. Inalagaan? Kailan yun? Ano daw?? Bakit ba parang ang dami kong hindi alam?

Kilala niya si Lian. Ngayon naman si mama? Si papa ba kilala din siya? Eh ang kapatid ko kaya?? Nahihiwagaan na tuloy ako.

Sino ba talaga tong babaeng to? Bakit parang mas madami siyang alam sa buhay ko kaysa ako sa mismong sarili ko.

"Anak.. Hindi mo na ba talaga natatandaan o namumukhaan man lang si Darcy?"

Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ni mama?

"Hindi kita maintindihan ma." Gulong gulo ako.

"Kayo ang madalas na magkasama noon, anak. Naglalaro pa nga kayo ng kasal kasalan tapos bahay bahayan. Ang sabi mo pa pag laki mo pakakasalan mo siya."

Umuwang na lang ang labi ko habang nalulunod sa pag iisip.

Inaalala ang mga sinasabi ni mama. May ganung pangyayari nga pero ngayon ko na lang naalala.

Binaon ko na kasi yun sa limot. Matagal na.

"I-ikaw yun?"

Bigla akong bumalin kay Darcy. Parang ang layo naman niya sa batang tinutukoy ni mama.

"Iyak ka pa nga ng iyak noon nung bigla na lang umalis ang buong pamilya ni Darcy."

Tama. Hindi siya nagpaalam sa akin.

Wala na siya ng puntahan ko siya sa bahay nila. Silang lahat wala na. Bahay na lang talaga ang natira at naka padlock na ang gate nila.

"Sorry.. I have to take this. Tita.. My dear wife."

Humalik siya sa pisngi ko bago lumabas. Para akong ewan na napahawak na lang sa nilapatan ng labi niya.

Natawa naman si mama ng bahagya.

"Ma.. Magkwento ka nga. Kailan pa kayo nagkita ulit ni Axell?" Yun kasi ang tawag ko sa kanya.

Una ko kasi siyang makita sa bahay kung saan naglalabada noon si mama may hawak itong axe. Ginawa ko lang na Axell.

Magsasalita na sana si mama pero dumating ang asawa ko.

Teka sinabi ko bang asawa ko?? No way!! I will never ever consider her as my fucking wife.

"I have to go, wifey.. Mauna ka ng umuwi, okay."

Tumango lang siya kay mama pero bago umalis isang bagay ang hindi ko inasahang gagawin niya.

Fuck!! She stole a kiss from me!

A kiss from a girl!! That was first!

Malalim na halik dahil saktong uwang ang labi ko ng dumampi ang kanya.

Muli nanaman natawa ng bahagya si mama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status