“MAG-IINGAT ka dito, ha. Kapag may kailangan ka o merong problema ay magtext ka agad sa akin. Kung pwede nga lang na huwag na akong magtrabaho para bente-kwatro oras kitang kasama ay ginawa ko na…”
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Monica sa sinabi ni Martin nang nasa tapat na sila ng pintuan ng kanilang bahay. Umaga na at sa oras na iyon ay paalis na si Martin upang pumasok sa trabaho. Sa Montealta Beach Resort and Hotel ito nagtatrabaho. Kagabi lang nito iyon sinabi.
Sa pagkakaalam niya ay doon dati nagtrabaho si Milagros at siya ang nagmamay-ari no’n. Ayon kay Valentina ay siya ang dating may-ari no'n ngunit simula nang inakala ng lahat na patay na siya ay nalipat na ang buong pagmamay-ari niyon sa business partner niyang si Ambrose Walters. Pagkadinig niya noon sa pangalan ni Ambrose ay may pumitik sa isip niya na parang marami silang alaala ng naturang lalaki. Ang sabi ni Val
HINDI na namalayan ni Monica na masyado na siyang napalayo sa may security guard kaya nang paglingon niya sa likuran ay hindi na niya alam kung paano pa siya makakabalik sa may entrance ng beach resort. Napunta na siya sa mismong beach dahil buhangin na ang kaniyang nilalakaran at nasa harapan na niya ang asul at napakalinaw na dagat. May ilang nagsu-swimming at may iba na nagsasagawa ng iba’t ibang water activities na meron ang resort.Siguro noong si Monica pa siya ay grabe ang pagmamahal niya sa beach resort na iyon dahil nararamdaman niya sa puso niya ang pagkagusto niya sa dagat. Lalo na ang mabining paghampas ng alon sa dalampasigan—ang sarap pakinggan ng tunog no’n. Nakakalma ng puso. Nakaka-relax nang sobra.Ipinikit pa niya ang mga mata upang namnamin ang masarap na hangin mula sa dagat. “Ang sarap…” Bulong ni Monica.Maya maya ay nagmulat na siya dahil tila napapa
“PASENSIYA ka na nga pala kanina kung medyo hindi naging maganda ang mga nasabi ko sa iyo. Nag-alala lang kasi ako na baka kung ano na naman ang mangyari sa iyo. Natatakot na akong maulit na mawala ka ulit nang matagal,” turan ni Martin kay Milagros habang naghahapunan sila.Adobong baboy na may itlog ang ulam nila ng gabing iyon. Si Milagros ang nagluto. Kahit na matagal itong nawala ay hindi pa rin nagbago ang lasa ng luto nito. Marahil ay may mga bagay talaga na kahit matagal na nawala ay ganoon pa rin kapag nagbalik at mananatili pa rin hanggang sa katapusan. Kagaya ng pagmamahal niya sa kaniyang asawa.“Wala `yon. Naiintindihan kita. Kasalanan ko rin kasi umalis ako na dapat ay hindi. Salamat sa pag-aalala mo.” Matapos magsalita ni Milagros ay tumitig ito sa kaniya na tila meron pa itong nais na sabihin. “May itatanong ako. Boyfriend ba talaga ni Sir Ambrose si Monica?”
TUMIIM ang bagang ni Valentina matapos ang pag-uusap nila ni Monica. Nangangamba siya na baka ngayong alam na nito na meron itong nobyo noon ay maging mabilis na ang pagbalik ng memoryang nawala rito. Malaking bahagi ng buhay ng anak niya si Ambrose at napakaraming alaala na meron ito na kasama ang lalaking iyon. Kaya iniiwasan niya talagang malaman ni Monica kung sino talaga si Ambrose sa buhay nito.Paano kung hindi pa iyon ang maging huling pagkikita ng dalawa? Paano kung ma-curious si Monica at patuloy itong makipagkita kay Ambrose at tuluyan na nitong maalala ang lahat? Paniguradong magwawala ito at isusumpa siya kapag nalaman nito ang mga pinagawa niya rito.Gusto na niyang matapos nang maaga ang pagpapanggap ni Monica bilang si Milagros. Kailangan na niyang planuhin ang pag-exit nito sa buhay ng mga taong nakapaligid kay Milagros bago mahuli ang lahat. Ngunit paano nga ba ang gagawin niya? Alam niya na ang gag
“WOW! Ang akala ko ay doon pa rin ikaw nakatira sa bahay ng nanay ni Martin. Hindi ko in-expect na may sarili na pala kayong bahay ng hubby mo!” Humahanga na sambit ni Apple nang nasa loob na ito ng bahay ni Martin.Hindi napigilan ni Monica ang mapangiti sa pagkamangha nito. “Kahit ako ay hindi ko inasahan na may bahay na pala kami pagbalik ko. Ang sabi ni Martin, habang wala ako ay nag-ipon siya ng pera at unti-unti niyang ipinatayo ang bahay na ito. Naniniwala kasi siya na babalik ako. Para kapag bumalik na ako ay meron na kaming sariling bahay. Meron na kaming privacy,” sagot niya.Sinundot ni Apple ang tagiliran niya at bahagya siyang napaigtad. “Sabagay! Hindi kayo makakabuo ng baby kung may iba kayong kasama sa bahay. Atleast dito ay kayong dalawa lang, `di ba? Anytime, anywhere!” Humagikhik ito na akala mo ay kinikiliti ang singit.Namula ang buong mukha ni Monica na
“GUSTO mong magtrabaho?” Umayos si Martin ng pagkakaupo at ibinigay niya ang buong atensiyon kay Milagros. “Kaya ko naman na mag-ipon nang mag-isa sa kailangan natin para rito sa bahay pero kung naiinip ka at gusto mo ng pagkakaabalahan ay baka gusto mong bigyan na lang kita ng puhunan. Mag-negosyo ka. Gamitin mo ang husay mo sa pagluluto.”“Hindi ko gusto na magnegosyo, Martin. Ang gusto ko ay trabaho talaga. `Yong kagaya ng sa iyo. Okay lang ba?”Sandaling nag-isip si Martin. Nagulat kasi siya sa kagustuhan ni Milagros na magtrabaho. Kung siya kasi ang papapiliin ay mas nais niya na sa bahay lang ang kaniyang asawa upang pag-uwi niya ay palagi niya itong makikita agad. Saka may takot pa rin siya na baka maulit iyong nangyari rito o kaya ay mawala ulit ito nang matagal. Bumabawi pa rin siya sa mga taon na nawala si Milagros at mababawasan ang oras nil
“KUMUSTA pala ang pag-a-apply mo sa Montealta?”Napahinto sa pagsubo ng kanin si Monica sa tanong ni Martin. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Ibinaba muna niya ang hawak na kutsara’t tinidor. “Okay naman. Feeling ko ay perfect ko `yong exam saka nakasagot ako nang maayos sa interview. Medyo kinabahan nga lang ako.” Matapat na tugon ni Monica.“Anong sabi sa iyo no'ng nag-interview sa iyo pagkatapos?” “Ihanda ko na raw ang mga requirements kasi anumang araw ay tatawag sila para sa pagpapasa ko no'n. Kapag siguro naipasa ko na ang mga requirements ay malapit na akong magsimula. Tama ba?”“Hmm.” Matipid at tila walang ganang sagot ni Martin.Naramdaman niya ang lungkot sa mukha ng lalaki. Ramdam niya na hindi sang-ayon ng buo si Martin sa pagtatrabaho niya at hindi niya matukoy ang totoo nitong dahilan.“Martin, magtapat
PAGKAUWI ni Ambrose sa kaniyang malaking bahay ay sinalubong siya ng isa sa tatlo niyang kasambahay. Sinabihan niya ito na hindi na siya magdi-dinner at dalhan na lang siya ng isang bote ng wine sa kaniyang office room na nasa third floor.Ang bahay na iyon sana ang magiging tahanan nila ni Monica kapag naikasal na sila. Matagal na niya iyong lihim na naipagawa at isang malaking sorpresa sana niya iyon kay Monica ngunit hindi na iyon mangyayari dahil sa wala na ito. Tuluyan na siya nitong iniwanan. Kaya nakakalungkot na tumitira siya sa bahay na iyon nang hindi niya ito kasama.Marahil, kung naikasal na sila noon ay baka sa kasalukuyan ay may anak na sila. Puno na siguro ng tawa at iyak ng bata ang bahay na iyon. Nakakalungkot isipin na hindi na iyon mangyayari.Sumaglit lang si Ambrose sa kaniyang silid-tulugan upang magpalit ng damit na pambahay. Sa kaniyang kwarto ay nakasabit sa dingding ang isang napakala
“SIX months ang duration ng contract na ito pero kapag maganda ang performance mo ay ire-renew ka namin. Na kay Sir Ambrose and decision about that kasi sa kaniya ka magtatrabaho. Siya ang makakakita at makakapagsabi ng performance mo. Pero since na nakapagtrabaho ka na pala rito sa same position ay naniniwala ako na magagawa mo nang maayos ang trabaho mo sa kaniya. Ang starting salary mo ay thirty thousand pesos per month at meron ka ring health card.”Hindi makapaniwala si Monica sa mga sinabi ni Anggie sa kaniya nang ipinaliwanag nito ang nilalaman ng kontrata. Para siyang nananaginip nang malaman na thirty thousand pesos ang sweldo niya kada-buwan at starting pa lamang iyon at ayon kay Anggie ay pwede pang madagdagan kapag na-renew siya.Malaking tulong na iyon para sa pag-iipon nila ni Martin para sa bahay.Teka, bakit ba niya iniisip ang bahay ni Martin? Hindi naman talaga siya si Milagros at
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy