KULANG na lang ay lumipad si Monica sa bilis ng kaniyang pagtakbo. Wala na siyang oras para lumingon pa dahil ang tanging nasa utak niya ay ang makaalis sa lugar na iyon. Walang tigil ang ingay ng sirena ng police car sa paligid. Wala siyang ideya kung nasaan na ang mga pulis ngunit hindi pa rin dapat siya huminto.
Hinding-hindi kita mapapatawad sa pagtraydor mo sa akin, Ambrose! Gigil na turan ng utak ni Monica.
Tuloy lang sa pagtakbo si Monica hanggang sa natanaw na niya ang kotse nila ni Milagros. Kaunti na lang. Malapit na siyang makaalis sa lugar na iyon. Pagkalapit niya sa sasakyan ay agad niyang binuksan ang pinto sa tabi ng driver’s seat at mabilis na pumasok sa loob.
WALANG pagsidlan ang kabang nasa dibdib ni Milagros habang nasa loob ng kotse at hinihintay ang pagbalik ni Monica. Hindi siya humihinto sa pagdarasal na sana ay makuha nito ang per
“PATAY na at hindi na makilala dahil nasunog ang buong katawan nang matagpuan ang suspek sa pagpatay kay Erika Salumbides na si Monica Montealta. Ayon sa mga pulis ay nakahinto sa gilid ng Zigzag Road sa Pagbilao, Quezon ang kotse ni Miss Montealta kaninang madaling araw. Wala sa tamang lane ang kotse kaya isang truck ang sumalubong at bumangga sa kotse ni Miss Montealta na naging dahilan para mahulog ito sa bangin at magkaroon ng pagsabog na siyang naging sanhi ng kamatayan nito. Sa ngayon ay dinala na sa isang punerarya ang bangkay ni Miss Montealta at ang nais ng kaniyang ina na si Valentina Montealta ay ipa-cremate na agad ang katawan ng namayapa niyang anak. Inaalam pa rin ng pulisya ang kinaroroonan ng babaeng kasama ni Miss Montealta na kinidnap niya. Ang babaeng ito ay nagngangalan na Milagros Perante.”Ang balitang iyon ang agad na bumungad kay Ambrose pagkabukas niya ng telebisyon sa umaga na
MAKALIPAS ang ilang sandali ay nagawa ni Martin na kumalma. Si Noel ang unang lumapit sa kaniya at humingi ito ng tawad sa kaniya. Minsan daw talaga ay hindi nito naiisip nang maayos ang mga sinasabi at aminado ito na mali ang nasabi nito. Humingi rin ng pasensiya si Martin kay Noel dahil naging bayolente ang reaksiyon niya at muntik pa niya itong mapatay.Naging okay na ang lahat sa pagitan nila ni Noel at importante iyon dahil sa magkatrabaho silang dalawa. Hindi maganda na meron silang hidwaan tapos palagi silang nagkikita dahil sa trabaho. Maganda na agad na naplantsa ang gusot sa pagitan nilang dalawa.Napakabagal ng pag-usad ng oras para kay Martin ngunit siniguro pa rin niyang maayos niyang nagagawa ang kaniyang trabaho. Sa tuwing mababakante ang utak niya ay si Milagros ang agad na pumapasok doon. Nababahala siya sa kung ano na nga ba talaga ang totoong lagay nito at kung nasaan na ba ito. Hiling niya na sana
ANG totoo, hindi nagbalik si Valentina sa kaniyang silid upang magpahinga at hindi rin totoo na pagod siya dahil inasikaso niya ang cremation ni Monica. May mga tao siyang inutusan upang gawin ang bagay na iyon. Kinailangan niya na magpunta na sa kaniyang silid dahil napapagod na siyang umarte at magpanggap na nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang anak.Kung pwede nga lang sana na huwag na niya iyong gawin ngunit hindi maaari. Magtataka ang mga tao kapag hindi siya nakitang umiiyak at kailangan niya rin ang exposure na iyon para sa nalalapit na pagiging governor niya ng Plaridel.Dapat isang mabuting ina ang maging tingin ng lahat sa kaniya upang sa mga susunod pang eleksiyon ay kuhang-kuha niya pa rin ang puso at boto ng nakakarami. Ang dapat niyang isipin ay ang long term na mapapakinabangan niya. Kailangan niya na magkaroon ng mataas na posisyon sa pulitika upang mabigyan niya ng mas malakas na proteksiyon ang kani
MARAHANG bumukas ang mga mata ni Valentina nang bumalik na sa kasalukuyan ang kaniyang diwa. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may pinagsisisihan ba siya sa kaniyang ginawa. Wala. Walang-wala. Para sa kaniya ay ginawa lamang ng isang ina ang dapat nitong gawin upang maprotektahan ang kaniyang anak. Lalo na’t nag-iisa niyang anak si Monica.Oo, kulang siya sa oras dito at aminado siyang hindi siya naging isang ina rito. Ngunit sa pagkakataon na ito ay naisip niya na ito na ang chance niya upang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya kay Monica.Tinapos na ni Valentina ang pagbabad niya sa bathtub. Nagbanlaw na siya at nagsuot ng bath robe bago lumabas ng bathroom. Humarap siya sa malaking vanity mirror at matiim na tiningnan ang sarili sa salamin.Napatulala na lang siya habang nagpatuloy sa utak niya ang mga kadugtong ng mga pangyayari kung paano nila nailigtas ni Rico si Monica…
TALAGANG pinagkaguluhan ng mga reporter ang pagdating ni Valentina ngunit nakiusap ito sa mga reporter na huwag muna siyang guluhin at ang kasama nitong lalaki na hindi alam ni Martha kung driver o bodyguard ba nito iyon. Naintindihan naman ng mga reporter si Valentina at hindi na nangulit ang mga ito na interviewhin ang susunod na governor ng kanilang bayan.Ngunit patuloy pa rin ang mga camera sa pag-video at picture kay Valentina na simula nang dumating ay hindi na naalis ang malaking ngiti. Si Martha na tuloy ang nangangalay para rito.“Kayo talaga… Hindi ko na nga ipinaalam kahit kanino itong lakad kong `to pero nalaman niyo pa rin. Ang galing-galing niyo talaga!” Nagbibirong sabi ni Valentina sa mga reporter.Ano kayang ginagawa ng babaeng ito rito? Tanong ni Martha sa sarili.Ang totoo ay hindi niya gusto si Valentina dahil mas gusto niyang manalo bilang governor ang d
MAG-ISANG naglalakad si Valentina sa gitna ng sementeryo ng gabing iyon. Malamig ang hangin na yumayakap sa kaniya at nanunuot ang lamig sa kalamnan niya dahil manipis na pulang pantulog lamang ang kaniyang suot. Wala siyang sapin sa paa kaya alam niyang basa ang bermuda grass na nilalakaran niya. Hindi niya alam kung umulan ba roon kanina o dahil iyon sa hamog.Wala siyang ideya kung bakit siya naroon sa lugar na iyon at kung paano siya napunta roon. Patuloy lang si Valentina sa paglalakad hanggang sa may napansin siya sa hindi kalayuan na isang hukay.Nagkaroon siya ng kagustuhang malaman kung anong meron doon kaya tinungo niya ang hukay at nagulantang siya nang makita sa hukay si Martha at naghuhukay gamit ang mga kamay! Halos maligo na ito sa lupa at putik. Ang mas nakakagulat pa ay nang may hinila itong kamay at mula sa ilalim ng lupa ay hinugot nito ang bangkay ni Milagros na naaagnas na.
MAKALIPAS ang tatlong taon at ilang buwan…“Martin! Sandali! Makakalimutan mo na naman `tong baon mo!”Palabas na sana si Martin ng bahay nang marinig niya ang pagsigaw ng kaniyang nanay. Paglingon niya ay papalapit ito sa kaniya na dala ang lagayan ng baon niya sa trabaho. Agad niya iyong kinuha rito at nagpatuloy na sa pag-alis matapos na muling magpaalam sa kaniyang ina.Sa loob ng tatlong taon ay marami na rin ang nangyari ngunit ang puso at isip niya ay hindi pa rin tumitigil sa pag-asam na mahahanap pa rin nila si Milagros. Bagaman at tila huminto at sumuko na ang kapulisan sa paghahanap sa kaniyang asawa ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-asam na isang araw ay bigla na lang bubulaga si Milagros sa bahay nila. Hangga’t nararamdaman ng puso niya na buhay pa si Milagros ay hindi mapapatay ang pag-asa na meron siya.Sa loob ng tatlong taon ay wala
NAGTAASAN ang balahibo ni Valentina sa sobrang kilabot na naramdaman niya nang makita niya na kuhang-kuha ni Monica ang mukha ni Milagros. Maging ang kulay ng balat nito ay kagayang-kagaya sa babaeng iyon. Hindi tuloy nakakapagsisisi na naglabas siya ng ilang milyong piso para lamang makuha niya ang ganoong resulta.Sa labis na pagkamangha ay hindi niya napigilan ang sarili na lumapit sa anak at hawakan ang mukha nito. “Walang mag-aakala na hindi ikaw si Milagros!” bulalas niya.“Kamukha ko na ba talaga si Milagros, mama?” tanong ni Monica.Tumango siya habang nakanganga. “O-oo! Ikaw na ikaw siya!” Dumako ang tingin niya kay Dr. Perez. “Great job, Dr. Perez! Pinahanga mo ako at ng team na kinuha mo para magaya ang mukha ni Milagros. Dahil diyan ay bibigyan ko kayo ng malaking bonus!”“My pleasure, madam! Hayaan mo at makakarating ang mga sinabi mo sa
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy