HUWAG kang haharap, Milagros. Huwag na huwag... Piping turan ni Milagros sa kaniyang sarili. Kulang na nga lang ay maihi siya sa takot nang mapagtantong nasa likuran na niya ang kinakatakutan niyang nanay ni Monica.
“Ano ba iyang bisita mo, Monica? Napakabastos! Hindi niya yata ako nakikilala!” singhal ni Valentina.
“Milagros, just greet mama at pwede ka nang umalis,” ani Monica.
Dahil sa boss na niya ang nag-utos ay wala na siyang choice kundi ang sumunod. Kaya kahit labag sa kalooban niya ay marahan siyang humarap kay Valentina. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mukha niya. Akala mo ay isa itong ahas na manunuklaw.
“Magandang gabi po, madam.” Bahagya pa siyang yumuko sa pag-aakalang maitatago niya ang mukha sa kinatatakutang babae.
“You again?! Dios mio! How can I forgot! Alalay ka nga pala ni Monica kaya ka nandito!” sin
NARAMDAMAN ni Ernesto ang paghinto ng sasakyan na pinagsakyan sa kaniya ng mga hindi niya kilalang tao. Narinig niya ang pagbukas ng pinto van at kasunod no’n ay ang malakas na pagtulak sa kaniya palabas. Nawalan siya ng balanse nang makababa siya at napaluhod siya sa lupa. Napaigik siya sa sakit nang maramdaman ang pagtama ng tuhod niya sa bato. Ngunit ang sakit ay hindi niya ininda dahil sa sandaling iyon ay mas nananaig ang takot at kaba niya sa kung ano na ang nangyari sa kaniyang pamilya.Hinila siya sa kaniyang isang braso para tumayo at inutusan siyang maglakad paunahan. Kahit nakapiring siya ay alam niya na pumasok sila sa isang silid dahil may narinig siyang pagbukas ng pinto. Hanggang sa inalis na ang piring sa kaniyang mata.Nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kaniya ang mag-iina niya na walang malay habang nakahiga sa malamig na sahig ng silid na walang laman. Lalapitan niya sana ang mga ito
INABOT na ng lunch sina Milagros at Monica sa labas dahil may kinausap ang huli na tao na nais na mag-invest sa beach resort and hotel nito. Dahil sa kapwa gutom na sila ay naghanap sila ng restaurant na may masarap na pagkain. Nakahanap naman sila ng isang Japanese restaurant. Kahit hindi pa nakakakain si Milagros sa ganoong kainan ay sumama pa rin siya upang kahit paano ay masubukan niya rin. Maganda kasi na hindi siya manatiling ignorante sa mga bagay na hindi niya alam.Habang kumakain sila ay hindi na siya nahihiyang magtanong kay Monica kung anu-ano ang mga pagkain na nasa table nila. Matiyaga namang sinasagot nito ang mga katanungan niya at tinuturuan pa siya kung paano kainin ang mga iyon ng tama.Hindi sinasadyang napatingin si Milagros sa kamay ni Monica habang umiinom ito ng tubig. Napatitig siya sa diamond ring nito na napakalaki ng diamond. Kumikinang pa iyon kapag tinatamaan ng ilaw na akala mo ay bitui
“DRUG QUEEN, ATRAS! Drug Queen, atras!”Paulit-ulit na sigaw ng mga tao na nasa harapan ng convoy ni Valentina na papunta sana sa covered court para doon niya ilataga ang kaniyang plataporma at pangako para sa bayan ng Plaridel. Ngunit mukhang imposible iyong mangyari dahil sa mga taong ayaw siyang pagsalitain sa harapan ng mga mamamayan ng Plaridel dahil hanggang sa sandaling iyon ay “Drug Queen” pa rin ang tingin ng mga ito sa kaniya.Nadispatsa na nga niya si Ernesto ngunit ang epekto ng ginawa nitong pagsiwalat sa kaniyang sikreto ay nararamdaman pa rin niya ngayon. May mga tao pa rin na galit sa kaniya.Hindi naman ganoon karami ang mga nakaharang pero sapat na ang mga ito para hindi makausad ang kaniyang convoy. Nabababad na sa araw si Valentina at alam niyang ikakasira iyon ng kaniyang inaalagaang kutis. Kung alam lang ng mga hampaslupang nasa harapan nila kung gaano kalaki ang g
PINAG-ARALAN ni Valentina ang kaniyang driver habang nasa backseat siya. Hindi niya maiwasan ang mapalunok ng sariling laway sa tuwing gumagalaw ang muscle sa braso nito sa tuwing ginagalaw nito ang manibela. Napapasunod ang mata niya sa kamay nito kapag hinahawakan nito ang kambyo nang mahigpit. Ano kaya ang pakiramdam kung siya naman ang mahawakan ng kamay nito?Halos isang buwan na ang driver na iyon sa kaniya ngunit noon lang niya napansin ang malakas nitong appeal. O baka sadyang pagod lang siya at naghahanap siya ng haplos ng isang lalaki.Sabagay, matagal na simula nang may nagpaligaya sa kaniya. Simula nang mawala ang kaniyang mister ay isinantabi muna niya ang kaniyang s_ex life para sa mga bagay na mas lalong magpaparami ng kaniyang pera at kayamanan. Kinalimutan na niya ang makamundong pangangailangan upang makamit niya ang kaniyang mga goal sa buhay. Hindi niya napansin na isa pa rin siyang babae na may p
“COME inside me, Rico! Don’t pull out! Don’t—ohh!!!”Kulang na lang ay mamuti ang mga mata ni Valentina sa pagtirik nang maramdaman niya ang pagsabog ng mainit at malapot na katas ni Rico sa loob ng kaniyang pagkababae. Nanginig ang katawan nilang dalawa habang ninanamnam ang init na inilalabas ng bawat isa.Tunay na mahusay si Rico. Ilang beses niyang naabot ang langit bago ito nagpasabog. Hindi ito kagaya ng namayapa niyang asawa na mabibilang sa daliri niya na naabot niya ang langit kapag nagsisiping sila. Sumalangit nawa ang kaluluwa nito.Tinapik niya si Rico sa puwitan. Indikasyon na pwede na itong umalis sa ibabaw niya. Agad na tumalima si Rico at patihaya itong humiga habang habol ang paghinga.Si Valentina naman ay parang walang nangyari na tumayo at isinuot ang bathrobe. Kinuha niya sa ibabaw ng side table ang isang mahabang wallet at
PAGKAGISING ni Milagros ng umagang iyon ay nakita niya si Martha na tagaktak ang pawis sa pagpaypay sa lutuan nila na ang gatong ay uling upang mas magbaga iyon. Kahit hindi pa nakakapaghilamos at mumog ay nilapitan na niya ang ina upang tulungan ito sa pagluluto ng kanilang almusal.“`Nay, magandang umaga! May maitutulong ba ako?” Masiglang bati ni Milagros sa ina.Tinapunan siya nito ng tingin at kasunod ay inirapan siya.Kahit walang sinabi si Martha ay iginala pa rin niya ang mata at nang makita ang limang itlog sa lamesa ay kumuha siya ng mangkok. Isa-isa niyang binasag ang mga itlog sa mangkok at nilagyan ng asin at paminta. Binate niya iyon gamit ang tinidor.“Anong ginagawa mo?!” sigaw ni Martha na ikinagulat niya.Muntik pa niyang matapon ang binabating itlog. “B-binabate ko po ang itlog. Tinutulungan ko po kayo—”“Gaga ka! Hindi ko
UMAAMBON na nang naghihintay na sina Milagros at Martin ng masasakyan na tricycle papunta sa bahay ng huli. Medyo nababahala si Milagros na baka mauwi iyon sa malakas na ulan at maabutan sila na nasa labas. Matapos nilang kumain ay nakatuwaan pa kasi nilang dumaan sa mall para magpalamig nang kaunti. Paglabas nila ay doon lamang nila napansin na late na pala at kapag ganoong oras ay mahirap nang makahanap nang masasakyan pauwi sa kanilang lugar.Mabuti na lang at may dumaan na tricycle na agad na pinara ni Martin.“Hindi kaya abutan tayo nang malakas na ulan?” tanong ni Milagros. Nilakasan niya ang pagsasalita para marinig siya ng nobyo.“Sa tingin ko ay hindi iyan. Makakauwi ka pa sa inyo ngayong gabi kung iyan ang inaalala mo.”Ngunit pagkasabi no’n ni Martin ay biglang bumuhos nang ubod lakas ang ulan. Sinabayan pa iyon nang hangin na tila may kaaway dahil galit na galit
HABANG tila nababaliw na si Milagros sa sarap sa ginagawang pagkain ni Martin sa kaniyang mamasa-masang tahong ay biglang nagliwanag ang paligid. Sabay-sabay na nagsindi ang mga ilaw. Kapwa sila natigilan. Para silang binuhusan nang malamig na tubig.Doon na parang nakaramdam ng pagkapahiya si Milagros at para siyang natauhan bigla. Itinulak niya ang ulo ni Martin palayo at nagmamadaling kinuha ang mga damit na nasa sahig at mabilis iyong isinuot pabalik.“M-mali ito, Martin! Hindi pa dapat natin ito ginagawa!” Natataranta at nahihiyang wika niya.“P-patawarin mo ako. Nadala lang ako sa pangyayari at hindi na ako nakapagpigil,” ani Martin habang nagsusuot ng shorts.Nanatiling nakayuko si Milagros. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya ang kaniyang luha. Wala na siyang mukhang ihaharap sa nobyo dahil baka iniisip nito na siya ang klase ng babae na madaling bumigay at makuha s
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy