Nang mapatingin ang boss niyang si Paulo, dali-daling umalis si Diana. Sinundan pa siya ng tingin ni Paulo hanggang sa mawala na siya sa paningin nito.
"Let's get inside first, pare." Naunang pumasok si William.
Gulung-gulo namang sumunod si Paulo ngunit muli pang lumingon sa direksyon kung saan dumaan si Diana paalis. May kakaibang kutob si Paulo na hindi niya maipaliwanag. At kailangan niyang kumpirmahin ito mula mismo sa matalik niyang kaibigan na ngayon ay parang nababalisa na.
"At bakit narito ang secretary ko sa bahay niyo, pare?" panimula ni Paulo nang makapasok na sila sa bahay. Lumapit naman sa kaniya si Wyler at ngayo'y humahawak sa pantalon niya. Napangiti siya sa batang nakatingala sa kanyaa habang nagsasalita ito ng hindi maintindihang salita. Inilapat niya ang likod ng kanyang palad sa noo ng bata saka ito binuhat at muling binaling ang atensyon sa kaibigan.
"She's my wife's best friend, hindi ba?" usa
Nasa kwarto ng mga bata si Gianna ngayon. Dito niya piniling matulog nang hindi pinaalam kay William. Nakahiga lamang siya sa kama at titig na titig sa kisame. At kahit nakatuon dito ang kanyang tingin, nasa iba naman ang kanyang isip. Umagos sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata ang kanyang mga luha. Nakikita niya ang eksena kanina nina Paulo at ng asawa niyang si William. Hindi maalis sa kanyang isip ang kanyang narinig at nalaman. Kung tutuusin ay hindi pa sapat ang pagsuntok ni Paulo kanina kay William kahit na magkaibigan ang mga ito.Nasasaktan si Gianna ano man ang kanyang gawin. Pinipilit niyang hindi masaktan pero niloloko lang siya ng sarili niya. Pinipilit niyang hindi maiyak pero taksil ang kanyang mga luha. Alisin man niya sa isip ang nalaman ay hindi niya magawa. Kumikirot lamang ang kanyang puso. Napahawak siya rito at patuloy na humagulgol.Iniisip niya kung paano ito nagawa ng kanyang mahal na asawa. Ni hindi niya nakitaa
Pumasok naman si Diana matapos mag-twelve ayon sa utos ng boss niya. May dala pa siyang dalawang tasa ng kape. Nadatnan niya itong may kausap si Paulo sa telepono pero nakita naman siya nito at sinenyasan lamang siya na maupo sa sofa. Inilapag ni Diana ang dala sa mesa na nasa gitna ng magkatapat na sofa na mga apat din katao ang pwedeng makaupo nang magkatapat dito.Umupo si Diana. Nang maibaba naman ni Paulo ang telepono, tumayo naman siya at nagtungo sa katapat na sofa na inupuan ni Diana. Naupo na si Paulo."Coffee, Sir," alok ni Diana."Thanks, but there's no need," pagtanggi ni Paulo. "Aalis din naman ako after our short talk," dagdag pa niya."Ano po bang pag-uusapan natin?""This is not related to work but..." Napahinto si Paulo sa sasabihin. Nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba ang sasabihin niya rito. "Miss Diana, please don't lure Gianna's husband. Your best friend's husband." Mariin pa ang pagkakasabi ni Paulo sa huling pangungusap.Nagulat naman si Diana sa pahayag
Tahimik lamang na nagmamasid si Diana kina Yuan at Gianna na ngayon ay nakalabas na nang tuluyan mula sa bar. Naririnig naman niya ang boses ng mga ito dahil malapit lamang siya."Gianna?" ani Yuan kay Gianna."Yes, boss?" ganti naman ni Gianna."Nasa'n na 'yong kotse mo?" tanong ni Yuan nang tuluyan na silang makalabas sa bar. Nililibot pa ang mga mata upang hanapin ang kotse ni Gianna."Hmm... I forgot eh," pikit-matang buwelta ni Gianna sabay kurot sa kanang pisngi ni Yuan."Aray naman!" Bumiling si Yuan sa kaliwa matapos dumaing. Kinilig man nang kaunti pero itinago na lamang niya iyon. Nacu-cute-an siya sa ginawa ni Gianna at sa kinikilos nito ngayong nalalasing. Kung sana'y naging sila o kaya'y walang asawa si Gianna, ituturing niya talaga itong parang girlfriend o aastang parang boyfriend nito. Kaya lang, hindi. Kung kaya't limitado lamang ang kanyang magagawa para rito."Pak
Napahinto sa paglalakad sina Yuan at Gianna nang mapakapit si Gianna sa mga braso ni Yuan. Parang babagsak na siya. Tila nawawalan siya ng lakas. Napayuko siya habang walang patid pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha.Dalawang metro lamang ang pagitan nila sa sasakyan ni Gianna. Nasasaktan din si Yuan na makitang nagkakaganito si Gianna. Galit naman ang meron siya ngayon para kay William.Nakarating naman si William sa kanilang kinatatayuan nang humabol siya sa mga ito. Tinulak niya si Yuan dahilan para tumama ang likod nito sa kotse ni Gianna. Nagulat pa si Yuan dahil sa ginawa ni William.Agad namang niyakap ni William si Gianna. "Hon..." mangiyak-ngiyak na tawag niya sa asawa.Hindi naman kumibo si Gianna. Ni hindi man lang gumanti ng yakap kay William.Tahimik namang nanonood si Yuan sa kanila. Nais niyang sumali sa eksena ng dalawa pero wala siyang magawa dahil wala siyang karapatang makisa
Humakbang papalapit si Jack sa kanila. Nakapamulsa ito at may suot na jacket na kulay itim. Huminto siya nang dalawang metro na ang layo niya sa dalawa."Kung gano'n, 'yong lalaki kanina pala ang gusto mo," nakatitig na sabi niya kay Diana. Ito ay hindi isang tanong kundi isang pahayag at kumpirmasyon. Seryoso rin ang tono ng boses nito. "May asawa't mga anak na pala ang lalaking gusto mo. Tapos... best friend mo pa 'yong babae." Napa-smirk ito at umiling-iling pa. "Hindi ako makapaniwalang isa kang taksil.""N-Narinig mo ang lahat?" nauutal na wika ni Diana."Hmm," tipid na tugon ni Jack at bahagyang tumango.Hindi na makakibo si Diana. Kahit hindi sabihin ni Jack, ramdam ni Diana na galit ito sa kanya. Sa isip niya'y dahil pa rin ito sa nangyari noong may nangyari sa kanila at ibang pangalan ng lalaki ang sinambit niya. Halata rin sa boses at matatalim na mga titig ni Jack. Galit nga ito at parang ayaw na ni
"Good morning, hon," nakangiting bati ni William sa asawang si Gianna. Niyakap niya ito mula sa likuran at binigyan niya rin ito ng halik sa kanang pisngi.Agad namang inalis ni Gianna ang mga kamay ni William na nakapulupot sa kanya. Lumayo siya rito na ikinalungkot naman ni William. Nasa kusina sila at binabalak na niyang kumain sana pero nawalan siya bigla ng gana. Hindi na lamang siya kumain ng breakfast.Kinuha niya ang gamit niyang pinatong sa sofa sa sala saka humalik sa pisngi ni Greisha na buhat-buhat ni Manang Neneng. Hinalikan niya rin sa pisngi ang anak na lalaking si Wyler na nakakapit pa ang isang kamay sa laylayan ng damit ni Manang Neneng."Bye, mga anak! Work na si Mommy, ha? See you later! I love you!" masiglang sabi niya sa mga anak. "Manang, mauna na po ako," paalam din niya kay Manang Neneng."Sandali, hija. Hindi ka man lang ba kakain ng agahan?" usisa naman nito sa kanya.Umil
"Ate Gi, are you okay?" sa wakas ay naitanong din ni Willa ang matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan. Mula pa kasi kanina nang dumating siya rito sa bahay ng Kuya William at ng sister-in-law niyang si Gianna ay napapansin na niya ang kakaibang presensya o mood nito. Hindi naman ganito si Gianna sa kanya dati. Parang mag-best friends pa nga sila dahil kapwa naman sila madaldal at nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Ngayon lang naging tahimik ang kanilang pag-uusap. Nararamdaman pa niyang parang may mali.Tila hindi naman siya narinig ni Gianna. Bagkus ay nakatunganga lamang ito sa kawalan habang pinapa-breastfeed ang anak nitong si Greisha. Halatang hindi nakikinig sa mga kwento niya.Narito kasi siya upang dumalo sa birthday party ng kaibigan niya mamayang gabi. At sinamantala na niya ang pagkakataong madalaw at mabisita ang Kuya William niya at si Gianna pati na sina, Manang Neneng, Greisha at Wyler. Si Wyler ay binabantayan ni Manang Neneng doon
Hindi makatulog si Gianna habang nakahiga sa kama nilang mag-asawa. Malapit nang mag-alas dose ng hatinggabi at hindi pa rin nakakauwi si William. Kahit galit siya sa asawa niya, hindi pa rin niya mapigilang mag-alala rito. Mahal niya ito sa kabila ng nangyari. Kinakailangan lang yata niya ng oras upang mapatawad ang asawa niya. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang kaalamang may nangyari sa asawa at sa dati niyang matalik na kaibigang si Diana.Naiinis siya sapagkat pilit na pumapasok sa isip niya ang eksenang magkadikit ang mga katawan nina William at Diana. At kung paano gumalaw ang mga ito. Mas lalong humahantong sa pagsikip muli ng kanyang dibdib ang eksenang naging mainit ang sandali ng pagtatalik ng dalawa, ang pag-ungol sa sarap at sa mga aring nagkadikit. Sobrang sakit. At kahit piliting kalimutan ito ni Gianna, bumabalik pa rin sa isip niya.Nagpapasalamat na lamang ng kahit paano si Gianna dahil hindi niya nasaksihan ang pangyayarin