Two
HINDI niya alam kung paano siya nakarating ng ospital. Halos wala siya sa sarili habang naglalakad palapit sa ICU ng ospital. Nakita niya sa labas ng pinto ang kanyang kapatid na katabi ang kanyang nanay habang hawak- hawak ang kamay nito.Halos ayaw humakbang ng kanyang mga paa palapit sa mga ito, nawalan na ang mga paa niya ng lakas at ang kanyang mga tuhod ay tila nauupos ng kandila.Mabibigat ang kanyang mga hakbang palapit sa mga ito. Habang nakatingin siya sa mga ito habang naglalakad ay naninikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sakit. Sakit na makita ang mga itong nag- aalala para sa kanilang tatay na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung nasa mabuti na bang kalagayan.Walang imik ang mga ito at nakikita niya na nagpupunas ng luha ang kanyang kapatid. Habang ang kanyang nanay naman ay tahimik lamang na nakayuko sa tabi nito.Halos ayaw niyang lumapit sa mga ito. Parang gusto na lamang niyang bumagsak sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon dahil habang papalapit siya sa mga ito ay nawawalan siya ng lakas.Hindi niya alam pero pagdating sa kanyang pamilya ay napakahina niya. Hindi siya lumaking duwag at handa siyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya ngunit ang makita silang nasa ganitong sitwasyon ay sobrang nakakaapekto sa kanya.Ilang hakbang na lamang ang layo niya sa mga ito, hindi pa rin napapansin ng mga ito na naroon na siya palapit sa kanila. Sa kanyang kinatatayuan ay rinig na rinig niya ang mahinang pag- iyak ng kanyang ina samantalang ang kanyang kapatid ay walang ingay na nagmumula sa bibig nito ngunit ang luha sa mga mata nito ay walang patid sa pagtulo.Hanggang sa nakita na niyang tumayo ang kanyang ina, agad ding tumayo ang kanyang kapatid upang alalayan ito. Kasabay ng pagtayo ng mga ito ay ang pagbukas ng pinto ng ICU at paglabas ng ilang doktor.Agad itong sinalubong ng kanyang ina upang magtanong."Kailan niyo balak operahin ang asawa ko?" Umiiyak na tanong ng kanyang ina sa mga doktor na kalalabas lamang.Nakita niyang humugot ng isang malalim na buntung - hininga ang isa sa mga ito bago sumagot."Pasensiya na po ma'am ngunit ang patakaran po dito sa ospital ay kailangan muna ng down payment upang maisagawa ang operasyon-----""Anong klaseng ospital ito?! Anong klase kayong mga doktor ha?!" Galit na tanong ng kanyang ina at nagpalipat - lipat ang tingin nito sa dalawang doktor.Agad namang hinawakan ng kapatid niya ang braso ng kanyang ina upang pigilan ngunit kinakalas nito ang hawak ng kapatid niya at nagpatuloy."Hihintayin niyo pa na may mangyari sa asawa ko ha?! Hihintayin niyo pa na----" hindi na nakapagsalita pa ang kanyang ina dahil pumiyok ito. Hindi na nito naitago ang sobrang sakit na nararamdaman nito sa kanyang dibdib at humagulgol na sa harapan ng dalawang doktor. Kitang- kita niya ang paghawak ng kanyang ina sa dibdib nito dahil malamang sa paninikip dahil sa sakit na nararamdaman nito.Hindi napigilan ng pag- iyak nito ang bibig nito. "Akala ko ba tagapagligtas kayo ng buhay? Kaya nga kayo doktor diba? Pero bakit hihintayin pa ninyo na may mangyari sa mga pasyente niyo?" Narinig niyang saad ng kanyang ina sa mga doktor na hindi na lamang umimik at nagyuko ng kanilang mga ulo.Doon na siya nagmadaling lumapit sa mga ito dahil halos manlupaypay na ang kanyang ina at bumagsak na sa sahig."'Nay!" Impit na sigaw ng kanyang kapatid at pagkapatos ay niyugyog ang balikat nito habang nakahiga na sa sahig. Agad na iniangat ng kapatid niya ang ulo nito at ipinatong sa mga hita nito."I'm sorry." Hinging paumanhin ng isang doktor sa kanyang bago tuluyang umalis sa harapan nila.Agad din siyang umupo sa sahig upang alalayan ang kanyang ina. Mabuti na lamang at may dala - dala siyang isang bote ng tubig na binili niya kanina sa daan papunta doon.Halos magtaas baba ang dibdib ng kanyang ina dahil sa paghahabol ng paghinga.Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring patid sa pagtulo ang luha ng kanyang kapatid. Samatalang ang kanyang ina ay hindi tumitigil sa pagsasalita kahit na sobrang hirap na hirap ito sa paghinga habang nakahiga sa kandungan ng kapatid niya."Ang tatay niyo..." Hingal na sambit niya habang may mga luhang umaalpas sa mga mata nito.Gusto niya na ring umiyak habang nakatingin sa mga ito, sa kapatid niya at sa nanay niya na nahihirapan dahil sa kalagayan ng tatay nila."Kamusta si tatay Alice?" Tanong niya sa kapatid at pagkatapos ay tumayo na. Tiningala naman siya ng kanyang kapatid na halos mugto ng ang mga mata kakaiyak pagkatapos ay muling yumuko. Nakita niya na yumugyug ang balikat nito habang nakayuko at pagkatapos ay nagsalita."Kailangan ni tatay ang maopera ate, may dugong bumara sa isa sa mga ugat niya sa puso dahilan ng paglaki ng puso niya." Mahina ngunit umabot sa kanyang pandinig ang naging sagot nito. "Kung... Kung hindi daw siya maopera kaagad ay may posibilidad na..." Nakakagat ang labing muling tumingala sa kanyang ang kapatid niya. Kitang - kita niya ang sakit sa mga mata nito nang magsalubong ang mga mata nilang dalawa.Hindi nakatakas sa kanyang nga mata ang panginginig ng labi nito habang pinipigil ang pag - iyak."Mawala na sa atin si 'Tay..." Humihikbing sambit ng kanyang kapatid sa kanya.Sa puntong iyon ay nag - iwas siya ng kanyang tingin at naglakad palapit sa salaming dingding ng ICU kung saan tanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan ang mahimbing sa pagtulog na kanyang Ama.Napakaraming aparato ang nakakabit sa dibdib nito at may tubo na sumusuporta sa paghinga nito upang makahinga ito ng maayos.Parang pinipiga ang dibdib niya habang tahimik na nakatanaw sa kanyang ama. Walang araw na hindi niya hiniling sa Diyos na sana ay humaba pa ang buhay ng kanyang mga magulang upang makita pa ng mga ito kung paano nila maabot ang mga pangarap nilang magkakapatid.Gusto niya munang suklian lahat ng pagod ng mga magulang niya bago sana mawala ang mga ito. Gusto niyang ibigay ang mga bagay na nais ng mga ito na hindi nila mabili dahil sa kawalan nila ng pera dahil inuuna muna ng mga ito ang pang - araw araw nilang pangangailangan.Noong bata siya ay gusto niyang maging isang inhenyero dahil ang kanyang ama ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo sa kurso nitong engineering dahil na rin sa kahirapan sa buhay. Gusto niya sanang kumuha ng kursong inheyero ngunit tumutol ang kanyang ama dahil magastos daw ito at hindi nila kaya, noong mga panahong iyon ay sobrang hirap pa sila sa buhay na halos baon lamang nila ay wala pa dahil inuuna muna nilang bilhin ang mga pagkain.Meron pa noong high school siya ay natatandaan pa niya dahik malaki na siya noon ay bago siya pumasok sa school ay kailangan niya muna magtinda ng palaka para lamang may pambaon silang magkakapatid. Sobrang hirap ng buhay nila noon na halos sa mura niyang edad ay naiiyak na lamang siya kapag naiisip niya.Kaya nagsikap siyang mag- aral at makapagtapos ngunit hindi din niya napakinabangan ang kanyang napag- aralan dahil nga ayaw niya naman talaga ang magturo.Nagbago ang lahat ng pangarap niya ng makita niya ang mga kapatid niya na nagpupursige na magsipag aral upang makapagtapos. Kung hindi niya man natupad ang pangarap niya na maging inhenyero ay ipinangako niya sa sarili niya na tutulungan niya ang mga kapatid niya na tuparin at abutin ang mga pangarap ng mga ito.Handa siyang magsakripisyo para sa mga ito, handa siyang ubusin lahat ng lakas niya upang maibigay lamang lahat ng pangangailan ng mga ito.Sobrang dami na ng hirap na pinagdaanan ng kanyang mga magulang upang buhayin lamang silang magkakapatid at sa mga panahong kaya naman na niya ay pinilit niya na na siya na ang umako lahat ng responsibilidad sa mga kapatid niya.Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya dahil sa pag- iisip habang nakatitig sa tatay niyang nakahiga sa kama. Kung sana siya na lamang ang nasa sitwasyon nito, kung pwede lamang niyang ipalit ang sarili niya rito ay ginawa na niya dahil napakahirap para sa isang anak na makita ang mga magulang niya na nahihirapan dahil sa karamdaman.Alam niyang hindi biro ang halagang kailangan nila para sa operasyon ng kanyang ama at nasisiguro niyang kulang pa ang naipon niyang pera sa kanyang bangko upang pambayad sa ospital.Isa lang ang nakikita niyang solusyon para sa problema niya. Bago siya tumalikod ay pumikit muna siya at bumulong sa kanyang isip.Gagaling ka Tay. Pangako yan.Pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanyang kapatid na may aasikasuhin lang bago siya tuluyang umalis mula doon.ThreeHindi niya alam kung paano niya nagawang maglakad palabas sa ospital. Hindi niya din alam kung saan siya pupunta. Nanginginig pa rin ang kanyang mga paa at maging ang kanyang mga kamay habang naglalakad siya sa labas ng ospital.Madilim ang paligid kahit na maliwanag na dahil hindi sumikat ang araw. Makulimlim ang kalangitan ng tingalain niya ito.Nang nasa loob siya ng ospital ay halos ayaw niyang umiyak, ayaw pumatak ng kanyang mga luha dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang ina at ng kapatid niya na umiiyak din. Ayaw niyang ipakita sa kanila na maging siya ay nahihirapan na sa kanilang sitwasyon ng mga oras na iyon.Nasisiguro niya na hindi biro ang kakailanganin nilang pera para sa magiging operasyon ng kanyang ama upang madugtungan pa ang buhay nito.Panganay siya kaya nasa kanya lahat ng responsibilidad upang gawan ng paraan ang gagastusin nilang pang pa- opera sa kanyang ama.Sa sitwasyon niya ngayon at sa estado ng kanyang buhay ay wala siyang alam kung saan siya kukuh
FourBASA ng ulan at nanginginig pa ang kanyang mga laman nang makauwi siya sa kanyang tinutuluyan. Sa layo ng nilakad niya ay halos wala ng lakas ang kanyang mga paa. Mabuti na lamang at nagawa niya pa rin ang nakauwi kahit na sobrang nanghihina na siya. Gusto na niyang mag pass out dahil sa pagod na nararamdaman niya at tila gusto na lamang niyang sumuko sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya ng mga oras na iyon, ngunit biglang pumasok sa isip niya ang mga kapatid niya. Paano ang mga ito kapag sumuko siya?Ano na lamang ang magiging buhay ng mga ito kapag siya na ang nagkasakit? Sino na lamang ang aasahan niyang maghahanap buhay para may pantustos sa pag- aaral ang kapatid niya at para na rin may makain sila sa araw- araw. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi, ang tanging nasa utak na lamang niya ng mga oras na iyon ay kung saan siya kukuha ng malaking halaga para madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.Nasa punto na naman siya ng buhay niya na hindi alam kung saan siya kukuha
Awtomatikong umawang ang mga labi niya nang matitigan niya ang gwapong mukha nito. Hindi niya inaasahan na isang gwapong nilalang ang makakabanggaan niya. Tila ito isang artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napalunok na lamang siya dahil ang lakas ng dating nito. Ang mga mata nito ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi at walang kaemo- emosyon. Ang tingin nito ay nakakapang- lambot ng mga tuhod. Muli ay napalunok siya."I- I'm sorry." Nauutal na hingi niya ng paumanhin rito.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bawiin na ang tingin niya mula rito. Nagmamadali nga pala siyang aalis doon dahil tila mali siya ng restaurant na pinasukan.Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya nito bigla sa kaliwang braso niya.Gulat siyang napatingala rito. At ramdam na ramdam niya mula sa hawak nito sa kamay niya ang libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pagtataka rito kung
Pagdating na pagdating nga niya sa ospital ay dumiretso siya kaagad sa ICU kung nasaan ang kaniyang ama. Bitbit niya ang mga pagkajng iti nake out niya sa restaurant kung saan sila nag- meet ng kliyente niya.Dumaan muna siya sa kaniyang apartment bago siya tuluyang dumiretso sa ospital. Ayaw niya namang makita ng kaniyang ina at ng kaniyang kapatid ang kaniyang ayos dahil baka magtaka ang mga ito.Ilang sandali pa ay palapit na siya ng palapit sa kwarto ng kaniyang ama ng may ilang mga nurse ang nagmamadaling nilampasan siya. Nasagi pa nga ng mga ito ang kaniyang dala."Sorry." Maikling hingi ng paumanhin ng isa at nagtutuloy- tuloy na sa mabilis na paglalakad. Tinanguan na lamang niya ang mga ito dahil naiintindihan naman niyang nag- aapura nga ang mga ito. Siguro ay may pasyenteng nag- aagaw buhay na kailangan ng agarang tulong kaya nagmamadali ang mga ito.Ilang sandali pa ay nasa hagdan na siya at paakyat na.Medyo nangangalay na rin ang kaniyang mga kamay dahil sa bigat ng kan
Kasalukuyan na silang nakaupo sa bench na nasa harap ng ICU. Tabi- tabi silang tatlo. Ang kaniyang ina ay pinatulog muna nila sa kaniyang tabi. Alam kase nilang puyat na puyat na ito dahil sa ilang gabing hindi ito nakakatulog dahil sa labis na pag- aalala.Hawak- hawak niya ang kamay ng kaniyang kapatid. Kanina pa sila tapos kumain at kanina pa din inumpisahan ang operasyon ng kaniyang ama nang magbayad siya. Mabuti na nga lamang ay napilit nila ang kanilang ina na matulog na dahil bukas na bukas paggising nito ay ipinangako nilang magaling na ang kanilang ama.Nakasandal siya sa dingding at nakatingala sa kisame ng ospital. Nangangamba siya dahil kasalukuyang inooperahan ang kaniyang ama. Oo, inooperahan na nga ito ngunit alam niya na may tendency pa rin na hindi maging successful ito at iyon ang iniisip niya kanina pa.Napayuko siya nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil sa kaniyang kamay. Ang kapatid niya ang pumisil ng kamay niya."Ate gagaling na kaya si tatay pagkatapos ng
Habang nag- eempake siya ng kaniyang mga damit ay panay pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya man lang nakita ang kaniyang ama o ni nasulyapan man lang bago siya makaalis sa ospital.Napakagat siya ng kaniyang labi kasabay ng pagkawala ng isang hikbi sa kaniyang bibig. Nahihirapan siya ngunit kailangang niyang gawin ang bagay na iyon para sa kaniyang pamilya.Kung ito ang magiging paraan para maging maalwan ang kanilang pamumuhay ay handa siyang gawin iyon kahit pa isakripisiyo niya ang sarili niya. Isa pa ay alam niya namang hindi naman magtatagal ang pagkawala niya dahil nasisiguro niya na pagkatapos niyang mabigyan ito ng anak ay palalayasin na siya nito.Sumisinghot- singhot siya habang naglalagay ng damit sa kaniyang bag. Wala pa siyang kaide- ideya kung saan nga ba siya dadalhin ng lalaking iyon dahil hindi naman sila nakapag- usap ng maayos dahil nagmamadali itong umalis kanina.Napatingala siya upang pigilin ang mga luha niyang wala pa ring lumbay sa pagtulo ngun
Nakatitig siya sa labas ng bintana. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse nang mga oras na iyon. Pagkatapos nga niyang makatanggap ng tawag kanina mula sa tauhan umano nang magiging kliyente niya na nalaman niyang si Mr. Montemayor ay kaagad na silang dumating sa tapat ng apartment niya.Hindi nga kasama si Mr. Montemayor sa mga taong sumundo sa kaniya, puro mga tauhan lamang nito ang sumundo sa kaniya at nasa apat sila.Nang mapagbuksan niya nga ang mga ito ng pinto kanina ay halos ayaw niyang sumama, paano ba naman ang itsura ng mga ito ay tila ba mga tauhan ng isang mayamang mafia kaya may agam- agam siyang naramdaman.Ngunit nang sinabi nang isa sa mga ito na sila nga ang tumawag sa kaniya kanina at sila daw ang ipinadala ni Mr. Montemayor na susundo sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Total naman ay wala naman siguro silang gagawin sa kaniyang masama.Idagdag pa na ito naman talaga ang usapan nila kagabi ng lalaking Montemayor na iyon.Nasa har
Habang paakyat siya upang sumampa sa loob ng helicopter ay nanlalamig ang mga kamay niya. Ito ang unang beses na sasakay siya ng helicopter. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay nito, idagdag pa na natatakot talaga siya sa matataas na lugar.Halos hindi gumalaw ang kaniyang mga paa upang humakbang dahil nga sa kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Nanghihina ang mga tuhod niyang napaupo sa pinakagitnang bahagi ng helicopter kung saan nang pagka- upong pagka- upo niya ay kaagad na siyang nilapitan ng driver kanina ng kotse upang ikabit na ang kaniyang mga seatbelt at nilagyan din siya ng headphones sa kaniyang tenga.Ang kaniyang mga labi ay nanginginig din dahil nga sa matinding kaba na lumulukob na sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon.Ang kaniyang dibdib ay walang patid sa malakas na pagtibok na akala mo ay tila ba may naghahabulang mga kabayo sa ibabaw nito.Huminga siya ng malalim para pakalmahin niya ang kaniyang sarili. Humugot siya ng malalim na h
Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo.Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn.Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya?Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya.Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga anak n
“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wa
Napalunok siya nang pumasok sa isip niya iyon. Hindi niya ugaling magpantasya ng mga lalaki pero bakit ang lalaking ito ay ganun na lamang ang naging epekto nito sa kaniya. Hindi siya makapag- isip ng maayos.Hanggang sa muli na naman dumako ang kaniyang tingin sa mga mata nito at sa puntong iyon ay may emosyong kung ano na ang makikita doon ngunit hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya magawang mag- iwas ng tingin rito. Tila hinihigop pa rin siya ng mga mata nito.Hanggang sa nakita niyang unti- unti na itong humakbang palapit sa kaniya na ikinakapit niya ng mahigpit sa damit niya. Tila nag- slow motion ang lahat sa kaniya ng makalapit ito sa kaniya.Halos ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isat- isa at ramdam na ramdam na niya ang paghinga nito sa mukha niya. Hindi niya alam pero nanatili pa rin siya sa kaniyang ayos at hinayaan lamang ito sa ginagawa nito.Nakita niya ang paglunok nito bago nito unti- unting ibinaba ang mukha.
Nakakain pa rin naman siya kahit papano kahit nawala na ang gutom niya pagkatapos niyang makaharap ang lalaking iyon, ngunit nasisiguro niya na kung nanatili lamang ito doon ay malamang sa malamang na hindi talaga siya makakakain.Sa totoo nga lang ay pinilit lamang niya ang kaniyang sariling kumain upang kahit papano naman ay malagyan ng pagkain ang kaniyang tiyan. Hindi naman maganda na matulog siyang kumakalam ang kaniyang sikmura.Nanatili muna siya sa kaniyang kinauupuan at tinititigan ang mga pagkaing nasa lamesa. Kanina lamang ay takam na takam siya sa mga ito na halos tumulo pa ang kaniyang laway ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang makatitigan niya ang malalamig na mata ng lalaking iyon.Nahila siya mula sa kaniyang pag- iisip nang makarinig siya ng isang tikhim. Bigla siyang napaayos ng kaniyang upo at pagkatapos ay napa- angat siya ng kaniyang ulo. Akala niya ay ang lalaking iyon na naman ang makikita niya ngunit ang isang kasambahay ang nakita niyang nakatayo malapit sa k
6: 30 na nang gabi ngunit nasa loob pa rin siya ng kaniyang silid. Hindi pa siya lumalabas simula ng magising siya kanina. Wala naman kase siyang alam na mapuntahan isa pa ay hindi pa niya alam ang pasikot- sikot sa bahay na iyon.Naka- sandal siya sa kama at pinipindot ang remote ng tv ng mga oras na iyon. Dahil nga boring na boring siya ay manunuod na lamang siya ng pelikula kesa sa mamatay siya sa pagkabagot doon.Ilang sandali pa ay nakapili na rin siya sa wakas ng papanuurin niya. Paano ba naman kanina pa siya namimili ng papanuurin niya sana kaso napipilian siya dahil magaganda ang mga mapapanuod.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na ang pelikula ngunit napahimas siya sa kaniyang ng bigla niyang naramdamam ang pagkulo nito. Nagugutom na siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kasambahay kapag bumaba siya at sinabi niyang nagugutom na siya. Baka isipin ng mga ito ay nagiging bossy siya, e hindi naman siya ang boss doon.Napa- buntung hininga na lamang siya. Sa
Naramdaman niya ang pagtulo ng laway niya kaya dali- dali niya itong hinigop pabalik sa loob ng bibig niya at iyon ang naging dahilan ng pagkagising niya.Naalimpungatan siya dahil rito kaya pabalikwas siyang bumangon mula sa kama at kinusot- kusot ang kaniyang mata. Ilang sandali pa ay napahikab siya dahil parang hindi pa rin sapat ang tulog niya.Anong oras na ba? Tanong niya sa kaniyang sarili at pagkatapos ay napakamot sa kaniyang ulo. Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang tingnan kung anong oras na. Tiningala niya ang orasang nakasabit sa dingding.5:30 na ng hapon. Hapon na pala, nasabi niya sa kaniyang isip. Ilang oras din pala siyang natulog ngunit tila ba hindi pa rin sapat ang tagal ng pagkakatulog niya dahil pakiramdam niya ay kulang na kulang pa din iyon.Ilang sandali pa ay muli siyang nahiga sa kama at pagkatapos ay muli na namang humikab. Hindi na siya matutulog pa dahil hapon na. Baka sumakit lang ang ulo niya. Nanatili lamang siyang nakahiga at pilit
---Hindi niya napansin na medyo tumagal na siya sa pagbababad sa bath tub. Nasarapan siya sa pagbababad dahil gumaan ang pakiramdam niya, ang kaso nga lang ay naramdaman na niya ang pagka- antok.Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakalublob sa bath tub at inabot na ang kaniyang twalya. Ngunit nakita niya ang isang roba na nakasabit doon kaya ipinunas niya na lamang sa kaniyang basang buhok ang kaniyang tuwalya at iniikot doon.Pagkatapos ay inabot niya ang roba at mabilis na isinuot na iyon at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas mula doon.Pagkalabas nga niya ay kaagad siyang umupo sa ibabaw ng kama kung saan nakapatong pa rin ang kaniyang maleta at nanduon na ang kaniyang nakasabog na damit. Hindi niya pa kase nailalagay ang mga iyon sa cabinet dahil naligo na siya kaagad.Namimili na siya ng kaniyang susuotin nang maalala nga pala niya ang lotion na nakita niya sa kanina lang. Naiintriga siyang gamitin iyon kaya mulu siyang tumayo at pumasok muli sa loob ng banyo upang mag- lotion. Hin
Pagkalabas nga nila sa kusina ay sa nasa sala na sila muli at doon niya pa lamang napansin ang isang napakataas na isang grand staircase paakyat sa itaas na bahagi ng mansiyon. Kanina nang pagkapasok niya doon ay tila wala naman siyang napansin na ganuon pero ngayon ay meron na. Hindi kaya ngayon lang ito napunta doon? Pero napaka- imposible naman iyon kaya nasisiguro niya na hindi niya lang talaga iyon napansin dahil siguro sa ibang bagay nakatuon ang kaniyang atensiyon.Sa mga gamit kase sa bahay at sa mga pigurin nakatuon ang kaniyang paningin nang makapasok siya sa mansiyon at sa mga larawang nakasabit sa dingding. Mga lumang larawan iyon ng isang magandang babae at isang makisig na lalaki ngunit hindi niya kilala ang mga iyon. Hindi niya rin alam kung mga sikat bang artista ang mga iyon o ano.Ilang sandali pa ay umakyat na sa mataas na hagdan ang kasambahay na sinusundan niya. Napatitig siya sa hagdan at nag- umpisang humakbang rito.Grabe, napakalinis ng hagdan na gawa sa kaho
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ay pagkamangha ang unang naramdaman niya dahil sa ganda at lawak ng loob nito. Sa mga gamit sa loob ay masasabi mo na talagang mayaman ang nakatira doon.Kung sa labas ay masasabi mo ng maganda ay mas doble pa pala ang ganda sa loob dahil sa interior design ng design. Ang mga gamit at disenyo sa loob ay talaga namang masasabi mong pinag- isipan.Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Dito ba talaga siya titira? Parang ayaw pa niyang maniwala at tila ba gusto niyang sampalin ang kaniyang sarili upang gisingin dahil baka nananaginip lamang siya.Hindi niya napigil ang kaniyang mga labi na umawang dahil sa labis na paghanga. Maging ang reaksiyon ng kaniyang mukha ay halatang- halata doon ang labis na paghanga dahil iyon pa lamang ang unang beses na nakapasok siya sa isang bahay na marangya. Hindi pa siya nakakapasok sa isang bahay ng napakaganda sa tanang buhay niya at ngayon ay ito na ang magiging bagong tahanan niya.Inilibot niya a