Share

Chapter 1:

last update Huling Na-update: 2023-07-24 13:42:03

Aziria's POV

"Bakit ba kasi traffic?!" sigaw ko sa loob ng aking sasakyan.

Nakaiinis baka mahuli ako sa aking klase, maaga naman akong kumilos pero nandirito pa rin ako sa kalsada. Tiningnan ko muli ang aking itsura sa salamin. Maganda naman ako kaso nakasuot ako ng salamin. Walang make up? Hindi ako sanay. May dalang libro? Hayst, ang sarap iiwan sa condo. Hindi maayos na buhok? Kainis. Lahat ng mga ito ay ginagawa ko dahil paligoy-ligoy ang body guards nina dad at mom. Nakapapagod ang ganitong eksena.

Hiwalay na sila kaya ako nagpakalayo. Hinahanap ako ng mga bodyguards nila pero ang tanga ko dahil mag-aaral pa ako sa paaralan kung saan tatay ko ay isang co-stockholder doon. Kahit anong pilit ko kay tito na lumapit sa iba, wala akong nagawa. Siya kasi ang hiningian ko ng tulong, ang rason niya pa ay para mabantayan din ako ng maigi. Malayo naman ang lugar ng tatay ko rito kaya medyo sang-ayon na rin ako.

Maya-maya, nagsiandaran na ang mga kotseng sisingit-singit sa aking daraan. Nagpatakbo agad ako nang mabilis. Ayoko mahuli, hindi uso sa akin iyon.

Nang makarating ako sa Klent Inria High School, huminto na ako. Fourth year high school ako kaya one year na lang ang titiisin ko rito. Paglabas ko, nagbulungan agad ang mga estudiyante. Ang bilis uminit ng aking ulo kahit wala naman akong red days ngayon. E, paano kahit saang paaralan ako pumunta, laging may kumpetensya sa kanila.

Sinarado ko nang maayos ang sasakyan ko. Naglakad na ako papasok pero may nahagip ako na may dalawang lalaking tinatawag ako sa mismong nakaiinsulto sa akin. Akala mo mga pogi.

Pogi naman talaga, hehe.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad at inilibot ang paningin ko sa buong paaralan. Nagulat ako nang may humawak sa aking balikat. Paglingon, iyon ang mga lalaking nahagip ko kanina. Humarap ako sa kaniya na may emosyong nagtataka.

"Transferee ka rito, ano? Ang ganda ba ng tanawin, hangang-hanga?" May pagyayabang sa kaniyang boses.

Sinimangutan ko siya pero hindi ko pinahalata dahil bago nga lang ako rito. "Hindi ako namamangha, nagsasawa."

Lagi akong sinasama ni dad dito kapag may meeting sila pero hindi ko nakikita itong lalaking 'to. Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin.

"Ang taas n-"

Natigilan siya sa sasabihin dahil ang lalaking kasama niya kanina ay lumapit sa likuran namin. May kasama na siyang isa pero sa harap namin ito pumunta.

"Ano ba 'yan, Trill? Iyan na ba ang hanap mo sa babae? Low class, huh. Nakadidiri." Umuwang pa ang labi niyang pinapamukha sa aking nandidiri talaga siya. Seriously? Kalalaking tao, e. Masyadong mapanghusga.

"Israel, hindi ko naman siya type, haha." Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Trill. Ano nang pakialam ko? "Kakakita ko lang sa kaniya. Ang sabi niya, sawang-sawa na siya sa school na 'to. Mga transferee nga naman, nakauumay." May pinaglalaban ako, ano naman?

Hinarap ako ng Israel. "Babae ka ba? Iyan na talaga? Wala ng ikakalamang iyang hitsura mo?" Lagot kayo kay daddy, kidding. Magsama sila ng kabit niya. Pft. Base sa mga pangalan nila, co-stockholders din ang tatay nitong mga ito.

"Hoy, bakit ang tahimik mo naman, Klyde?" Tukoy ni Trill sa lalaking nasa likuran namin. Pansin ko ring hindi ito nagsasalita.

"Nothing."

Nagulat na lang ako sa ingay dahil may naghiwayan. Ang mga sinisigaw nito ay puro...

"Gosh, Ryxel! Gusto kita!" Sigaw ng mga babae.

Is she serious? Sinisigaw niya talaga 'yan? Tumingin ako sa lalaki, heartrob talaga kahit kailan. Hays, Ryxel.

"Kuya Ryxel! Bakit ba ganiyan ka kagwapo?!"

"Kuya Ryxel! Pansinin mo ako! Look at me!"

"Tanga, ayaw niya sa pangit."

Nang papalapit siya sa amin dito, nag-iba ang sigawan.

"My god! Si Israel naman! Lagi ba talaga akong makakikita ng mga gwapo?"

"Uy, sina Trill at Klyde!"

"Ang gwapo niyo talagang apat! Sana magkakaibigan na lang kayo!"

Israel's POV

Grabe mga makasigaw sa pangalan ng Ryxel na 'to, akala mo sobrang gwapo pero kung titingnan kaming apat, pangdulo siya. Tsk. Walang kwenta.

Tiningnan ko 'tong babaeng transferee na nakatingin kay Ryxel. Ang sarap sabihin na huwag kang umasang magugustuhan ka niyan dahil masyado kang pangit at dugyot.

"Push her. Panira ng awra natin." bulong sa akin ni Trill pero hindi ko nagawa dahul papunta si Ryxel sa aming gawi. Doon napunta ang aking atensyon.

Nang makalapit siya, ang babae naman ang lumapit dito. Hinawakan niya ito sa balikat at may binulong. "Ipaalam mo na sa lahat, kanina pa ako naiinip." Wala namang pag-aalinlangang tumango ang lalaki.

What? Nagpapautos siya roon. Saka anong naiinip? Pansin ko namang naglakad na paalis ang babae pero may pahabol pa pala itong lalaking 'to kaya siya napahinto.

"I miss you, see you later!" Wow, huh! Ano ba mayroon sa dalawang 'yon?! Kadiri 'tong si Ryxel, ang dami-daming nagkakagusto sa kaniya rito.

"Siguro may secret relationship sila?" Pagtataka ni Trill.

Sasagot na dapat ako pero naunahan ako ni Klyde.

"May something." Tawa siya nang tawa sa kaniyang naisip. Hindi ko alam kung seryoso ba o hindi.

Siraulo!

"Something ka riyan? Huwag mong sabihin na may gusto si Ryxel doon sa pangit?" Sumama ang tingin ko. Ewan, masama ang loob ko sa nasaksikan. Nakakainis, panira ng mood 'yong babaeng 'yon.

"Ganoon na nga, haha." Dahil hindi siya tumigil sa katatawa pati tuloy si Trill nahawa. Mas lalo akong napailing.

Umalis na lang ako at pumunta sa cafeteria. Nagulat ako nang may nagkukumpulan. Tiningnan ko kung sino. Si Keziah ang pinakamalandi rito. Yes, iyon ang tingin sa kaniya rito sa school. Mga first year hugh school student ang mga nagsihusga.

Tinulak niya si nerd, iyong babae kanina para mapaupo ito. Mukha kasi siyang nerd na walang utak, kakaiba, hindi ba? Saka umalis sa harap namin para pumunta sa cafe? Sabi niya ay naiinip siya. Ito pala ang libangan niya, cafeteria.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, huh?! If you can't see, take off your glasses!" sigaw ni Keziah.

Walang ginawa ang tinulak niya. Binuhusan pa ni Keziah ito ng malamig na tubig dahilan para magsigawan ang mga estudiyante, tuwang-tuwa sa pinapanood ngayon.

"Masarap ba?" tanong pa nito.

Tumayo siya at magsasalita na dapat pero pinigilan siya ni Heart. Si Heart, maganda ito kahit sa malayo mo tingnan pero puro ito bad records dahil sa pakikipag-away, kung saan man siya mapunta, 100% sure away ang mangyayari.

Tiningnan ni Heart ang babae, pinasadahan ng tingin ang katawan. Pagkatapos niyon, humarap kay Keziah. "Dapat sa mababait, kinakaibigan, minamahal at higit sa lahat iyong tinutulungan. Hindi 'yong pinagtutulungan." Wow, mabait ba talaga iyang pinagtatanggol niya? Ang mga mata ay na kay Keziah lamang, kung titingnan siya, halatang nagtitimpi.

Sasampalin dapat ni Keziah si Heart pero dumating si Jasfer. Hinawakan niya ang kamay ni Keziah at binitawan nang pahagis. "Don't you dare me, Keziah." Baritonong boses ang nilabas niga. Napailing-iling pa siya bago itayo ang babaeng kanina pa nakaupo.

"Are you okay, Aziria?" Agarang tanong ni Heart. So Aziria pala ang pangalan niya?

"I'm not okay because of this bitch." Nagtawanan sila dahilan para umalis na naiinis si Keziah. Wow, just wow.

"Welcome back, Miss Beautiful." Yayakap sana si Jasfer kay Aziria pero may sumingit na naman.

Si Lara, maganda rin siya, sikat ito sa school namin. Siya kasi ang laging representative kapag sa mga pageants. Malamang kapag may events na gano'n ay nakasuporta lahat sa kaniya lalo na ang school pero masungit talaga ito.

"Jasfer, nangbababae ka na naman." Suyaw ni Lara dito. Napakamot na lang si Jasfer ng ulo niya. Wala naman sa kanilang something pero kung magturingan sila-argh, nevermind.

Nangunot ang aking noo nang mapansin kong nagbubulungan sila. Hays, ano ba 'tong pagiging chismoso ko, gusto kong malaman kung anong pinag-uusapan nila.

"Salamat sa inyo, sa pagtulong." Nakangiting pasasalamat ni Aziria sabay alis.

Oo nga 'no, parang may something but wait. Miss beautiful? Fuck! Bulag ba si Jasfer? Banlag ba siya? Kay pogi-poging lalaki pero mas gwapo pa rin ako.

Nang natapos na ang gulo. Nagulat na lang ako na nakatingin na sa akin ang ibang babae. Tumakbo ako pero rinig ko pa rin ang sigaw nila. Ulol na ulol sa akin, mukha ba akong celebrity? Matapos ang pangyayaring 'yon. Dumiretso ako sa silid at salamat, wala pa si ma'am.

"Oh, hingal na hingal ka riyan, Rael?" Bungad ni Kylde na nagsusulat sa kaniyang notes. Napansin niya pa ako?

"Malamang, ano pa ba?! Hinabol na naman ng chix." Nagtawanan sila. Bwisit na Trill 'to, may chismis ako e.

"Nakita ko lang iyong babae na nangangalang Aziria na binully sa cafe." Pag-uumpisa ko at umupo. Agad naman silang lumapit sa akin.

"Oh, anong nangyari?" Umpisang pang-uusisa ni Klyde. Halatang may gusto malaman.

"May tumulong sina Jasfer, Heart at sama na natin si Lara." Nakahinga naman na ako nang maayos kaya maayos na ang pagsasalita ko.

"Famous." Komento ni Trill na alam ko agad ang pinupunto.

"May something, kanina si Ryxel nag-" Pinigilan ko ang sinasabi ni Klyde. Hayst.

"Puro kayo something, hayaan niyo iyon. Pakialam natin sa buhay niya. Transferee lang naman siya rito pero kung pag-isipin niya tayo, grabe. Ano bang mayroon sa babaeng 'yon? Bakit ganito na lang niya hatakin ng mga interes natin? Nakaiirita."

Who are you, Aziria? Tsk.

Maya-maya dumating na si Ma'am Gonzales kaya umupo na ako. Naglagay ako ng earphones sa aking tainga habang may kanta. Kapag sa kaniya, dindalaw ako ng antok, makakatulog na sana ako ngunit...

Ang lakas ng katok. Tumingin ako sa pintuan kung sino iyon. Aziria again.

"Come in," ani Ma'am Gonzales.

Loko itong babaeng 'to. Wala man lang paumanhin sa guro dahil huli siya sa klase. Tsk. Diretso pasok agad.

"Please, introduce yourself." Nakangiting sabi ng guro. 'Wag niyang sabihin na kaklase namin iyan. "Class, kakatransfer niya lang kaya maging maayos kayo sa kaniya."

"Maganda 'to, bro. Trip-trip." Bulong ni Troll sa akin na may pataas-taas kilay pa. Abnormal! Pero sang-ayon naman ako sa naisip niya.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap.

"Hi, my name si Aziria Izzy Sullvian." Walang gana ang kaniyang pananalita. Ibang-iba ang reaksyon niya kanina, para bang nagkaroon siya ng dahilan para maging ganiyan.

"Okay, class, new student, Aziria Izzy Sullvian. Be nice to her becaus-"

Biglang pinutol ni Aziria ang pananalita ng guro. "Pinakilala ko na ang sarili ko, hindi na dapat malaman ng mga kaklase ko kung ano man iyang sasabihin mo."

Napanganga na lang ako sa kaniyang sinabi like the heck? Nasabi niya 'yon? I swear, parang hindi ko maiintindihan kung anong ugali-wala pala akong pakialam. Argh! Pati ang guro namin, natulala. Ang bastos niyang estudiyanteee! Napahiya ang guro namin kaya pinaupo na lang itong babaeng 'to.

What a behavior, Aziria. Now, it's your turn.

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

  • The Hidden Princess   Chapter 5:

    Aziria's POV"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Clesea. Nakaabang silang apat sa magiging sagot ko. Kinuha ko ang aking cellphone at hinarap sa kanila.Tinabingi ni Trill ang kaniyang ulo para suriin ito ng mabuti. "Bakit sila nakatali sa puno?" "Oh my God! Ano nang gagawin mo, bee?" Tumayo ako. "Ano pa ba?" Kinuha ko ang aking bag. "Alangang pabayaan ko sila." Seryoso kong sabi na hindi man lang maikurba ang labi para sa ngiti. Problema itong ngayon."Huh? Huwag mong sabihin na pupunta ka roon?" Halata sa boses ng kaibigan ko ang pagtutol."Oo," kaswal kong sagot.Nangunot ang aking noo sa naging reaksyon ni Israel. "Hoy, Badang, nababaliw ka na ba? Ililigtas mo sila Ryxel na ikaw lang?" E, ano naman? May kaso ba roon? "I can handle this." Matigas kong sagot."Tumawag na lang kayo ng police." Suhestiyon ni Klyde na agad namang binatukan ni Trill. Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Bakit ba namomroblema sila? Parang kanina lang ay inis na inis silang tinulungan ako.Hindi ko na si

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 6:

    Aziria's POVNakauwi na si Israel pati ang mga kaibigan ko ng ligtas. Si Clesea na lang ang nandirito sa aking condo, nagguiguilty ako kanina kasi sinigawan ko siya. Alam kong humingi ako ng paumahin pero parang hindi sapat.Alas dyes na ng gabi, ngayon ay ramdam kong masama ang aking pakiramdam. Alam kong bunga ito ng saksak sa akin ni Sunshine, ayos na ang ganito kaysa pumunta akong ospital. Hinding-hindi ko gagawin iyon."Bee, ang taas ng lagnat mo. Uminom ka muna kaya ng gamot, sabi sa 'yo e." Ibinigay niya sa akin ang gamot na agad kong kinuha. "Ay, sorry nga pala kanina kasi nagalit ka." Iyong kaninang pagsigaw ko ang tinutukoy niya."I should apologize to you. Naisipan ko kasi na mas mabuti nang sigawan ka para manahimik ka. Alam mo naman kasing kasali ako sa gang at bawal nila malaman kasi ang isang kaibigan nila ay kasali rin. Bawal nila akong makilala.""Nagulat nga ako, kanina mo lang ako nasigawan pero ayos lang, nag-aalala ka lang naman sa mga kaibigan mo. Naiintindihan k

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 7:

    Tyrone's POVMaaga akong pumasok. Kaunti pa lamang ang mga estudiyante, sa totoo lang ayokong mahuli sa mga klase kaya mas magandang ganitong oras ay nandirito na sa school. Huminga ako nang malalim at sinalpak­ ang earphones sa tainga habang naglalakad. Ngunit ganoon nalang akong napatigil nang may maapakan ako.Bag ito ni Aziria? Nagtaka pa ako bago kalkalin ang kaniyang bag. Nakita ko ang kaniyang cellphone. Saan naman namalagi ang babaeng iyon? Bakit dito na lang iniwan ang bag niya? Burara, huh!Napatigil ako sa pag-iisip nang may tuwamag sa akin. Isang janitress. "Sir! Sir!" Kunot noo akong humarap dito. "Oh, bakit?" Huminga muna siya nang malalim bago ako sagutin. "May estudiyante po sa restroom. Tiningnan ko ang mukha, hindi ako nagkakamali na siya iyong anak ni Master Morris."Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Walang pag-aalinlangan akong tumakbo papuntang restroom ng babae. Kahit bawal ako rito, wala na akong pakialam, gusto kong makita kung si Aziria ba talaga. Nang makita

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 8:

    Aziria's POVNang matapos ang pangyayaring iyon ay dumating ang uwian. Si Clesea, binantayan talaga ako. Hindi na siya pumasok, nagsabi na lang siya sa kaniyang advicer na may emergency sa kanila. Pft.Naglalakad kami ngayon. Halos lahat ng estudiyante na nadadaanan namin ay nakatingin sa akin. Hindi ba nila makalimutan ang eksenang iyon? Ano ba kasing naisip nitong Natasha at magpakabida sa maraming tao?Habang naglalakad, nasalubong ko sina Ryxel, Heart, Lara at Jasfer.Seryosong nagtanong sa akin si Ryxel. Nakapamulsa. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" "Yeah," tamad kong sagot."Aziria vs. Natasha? Aziria ako!"Agad namang binatukan ni Lara si Jasfer dahil sa sinabi nito. "Lolo-loko talaga 'tong siraulo na 'to!" Lagi namang nagtatalo ang dalawang iyan. Hindi na bago sa amin. "Paano na 'yan?" Napatingin ako kay Heart dahil nag-aalala ang kaniyang pagkakasabi. "May nagbabanta sa 'yo." Agad kong naalala ang salitang be ready. Dapat ba akong kabahan dahil may nagbabanta sa akin? "Oo

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 9:

    Aziria’s POV"Ikaw ba ang queen?" Halos manuyo ang aking lalamunan nang may nagtanong n’on.Inangat ko ang aking ulo, akala ko ay si Trill ngunit abala siya sa pagkain. Tumingin naman ako sa likuran, may dalawa akong babaeng nakitang nanunuod ng video. "Kung ikaw si queen, ako na lang ang princess kasi ako rin naman papalit sa ‘yo dahil matanda ka na, HAHAHAHA!" sabi pa ng babae.Nakahinga naman ako nang maluwag, akala ko kung sino ang tinatanong. Nanunuod lang pala sila ng fairytales. Ganoon na ba ako kapraning? Napansin ko naman na salubong ang kilay ni Trill sa akin kaya humarap ako sa kanya."Namumula ka, Badang. Tuloy mo lang iyan, ang ganda mo," kaswal niyang sabi na may pagkahalong seryoso. Matapos niyang sabihin ‘yon muli siyang bumalik sa pagkain. Parang wala siyang sinabi."Hindi," tipid kong sagot at uminom ng tubig."You’re pretty, believe me." Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso. "Kapag tititigan kita ng matagal, nakikita ko talaga. Sana kasali ka sa acquaintance pa

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 10:

    Israel’s POV "Keeno,” usal ni Aziria sabay tingin kay Tyrone. "Sana naman sinabi mo." Wala kang emosyong makikita sa kaniya. Blanko lamang ito. Para bang may hindi siya nagustuhan, iyon ang hindi ko alam.Kita kong tumango-tango si Keeno. "Nice to meet you again." Tumingin siya kay Aziria ng seryoso."Don’t waste my time." Ngayon, bakas na sa boses niya ang naiinis. Nginitian lang siya ng aming kaibigan, umupo rin ito sa upuang kaharap niya."Eat again," baritinong boses ang nilaan ni Keeno sa pag-uutos kay Aziria. Animong inuutusan ang isang bata kahit alam naman ang gagawin."No need, nakakawalang gana." Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nangunguna talaga rito ang walang emosyon. Naiirita siyang parang naluluha. Hindi ko talaga mabasa ang kaniyang isip. Napakahirap."Aziria, umupo ka na," utos ni Tyrone na ang tingin ay nasa pinsan niya lamang. Ang kaninang Tyrone na nakangiti kanina, seryoso na ngayon. May hindi ba kami nalalaman?Huminga nang malalim si Aziria. "Hindi na.

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 11:

    Aziria’s POV"Tara na?" pagyayaya sa akin ni Israel nang mapalagay ang loob ko. Tumigil na ako sa pag-iyak, medyo ayos na ang aking pakiramdam. Tumango ako sa kaniya."Subukan mo kayang ngumiti," aniya. Hindi ko alam kung bakit niya inuutos iyon. Nakatingin siya sa aking labi kaya nakaramdam ako ng ilang. Napansin niya kaya umiwas siya ng tingin. "Hindi uso iyon sa labi ko," pabiro kong sagot para tanggalin ang ilang sa amin.Bigla siyang natawa na ikinakunot ng aking noo. "Okay. Fine. Let’s go."Naglakad na kaming dalawa pabalik sa bahay ni Tyrone. Nasa malayo pa lang kami, tanaw na tanaw ko na sina Klyde, Trill, Keeno at Tyrone na halatang hinihintay kaming dalawa ng kasama ko.Inalalayan ako ni Israel maglakad patungo sa aking kotse nang bigla akong hawakan ni Keeno. Natigilan ako ngunit hindi ko siya pinansin, hindi ko rin tinapunan ng tingin."Aziria." He’s begging. Mismong kaibigan niya na ang humarang sa akin at tinanggal ang kamay ni Keeno mula sa aking braso."Bro, she ne

    Huling Na-update : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 12:

    Clesea’s POVAno ba itong babaeng ‘to? Nakahihilo."Bee, nahihilo na ako sa ‘yo. Kanina ka pa palakad-lakad diyan. Ano bang problema ba?" Kunot-noo kong pagtatanong. Kilala ko ang babaeng ‘to, kapag may iniisip hindi talaga mapakali."Kasi e...""Ano?" Tinaasan ko siya ng isang kilay."Ninong Henry saw me. That was Israel’s father. I’m stupid, I forgot that’s why I don't want to be in their house.""Ano naman kung nakita ka ni—Aray!" Napanguso ako dahil bigla ako nitong binatukan. Nangbabatok na lang bigla-bigla e."Obviously close friend sila ni dad. God, Clesea." Bipolar talaga siya. Kanina problemado tapos ngayon ang arte-arte. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito minsan."E, hindi naman ipinagkakalat ng pamilya mo na naglayas ka, ‘di ba?""Pwede rin pero ayokong maging kampante.""Kapag walang lumabas na nahanap ka na nila, ang ibig sabihin lang niyon ay hindi nila sinabi." Tinaasan ko siya ng kilay, naghihintay sa kaniyang magiging sagot."E, paano si Budang?" Problemadon

    Huling Na-update : 2023-07-27

Pinakabagong kabanata

  • The Hidden Princess   Epilogue 2:

    Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa

  • The Hidden Princess   Epilogue 1:

    Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria

  • The Hidden Princess   Chapter 47:

    Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na

  • The Hidden Princess   Chapter 46:

    Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na

  • The Hidden Princess   Chapter 45:

    Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders

  • The Hidden Princess   Chapter 44:

    Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan

  • The Hidden Princess   Chapter 43:

    Aziria’s POV"ENOUGH!"Hingal na hingal kaming napatigil dahil sa sumigaw na ‘yon. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang galit na galit na mukha ni dean. Napalunok ako nang makitang nasa likuran ni dean si Israel. Nangungusap ang aking mga mata sa kaniya pero siya ay walang emosyon. Senyales na hindi niya nagustuhan ang naabutan ngayon. "Ano na naman ‘to, Miss Sullvian?!" sobrang lakas ng boses ni tito. Rinig na rinig. "Sangkot ka na naman sa gulo!" Walang sumagot. "Pagod na akong disiplinahin kayo!" he sighed. "Go to my office now!"Mabigat ang paghinga ni titong umalis. Nauna ‘tong maglakad, sumunod sina Clesea at Butiki. Ang naiwan ay ako, Israel at ang aking mga kagrupo. Lalapitan ko sana ang boyfriend ko nang umatras siya, sunod niyon ay tumalikod at naglakad na. Napayuko ako sa nakita. Sinisi ang sarili. Napakatanga mo, Aziria. Tangina, may boyfriend ka. Huwag kang kumilos na parang walang nag-aalala sa ‘yo. "Hayaan mo muna siya," bulong ni Ryxel sa aking likuran.Pinatig

  • The Hidden Princess   Chapter 42:

    Aziria’s POVNagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.[Nasaan ka na, love?]"Malapit na ako."[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon. [Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon. "Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.Nakita ko ang matandang nakahiga sa kals

  • The Hidden Princess   Chapter 41:

    Israel’s POV"She really needs to hide," aniko. Agad na nangunot ang kanilang noo. "Why?"Humarap ako sa kanila na nangungusap ang mga mata. "Trill, Klyde. Her mommy will take Aziria to New York, like her, I don’t want to either. Sino bang gustong mahiwalay sa girlfriend nila? Fuck."Napangiti si Klyde at tumango-tango. “You’re really in love, huh.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo. "Kaya ba ayaw niyang sabihin kung sino siya dahil kilala natin ang kaniyang mga magulang? Hindi niya rin nababanggit sa akin." I sighed. "I'm confused. Wala ba siyang tiwala sa akin?""Mayroon." Tinapik ni Trill ang aking balikat. "Ayaw niyang malaman ng iba kung sino ang kaniyang mga magulang dahil nagtatago nga siya. Pagkapasok pa lang sa Klent International School, she has a lot of secrets na, right? Magagalit ka sa kaniya kapag nalaman mong nanlinlang siya or she lied?"Agad na umigting ang panga ko roon. "Bakit naman ako magagalit? Mas matutuwa pa ako dahil mas pinili niyang magsabi sa a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status