Aziria's POVNang matapos ang pangyayaring iyon ay dumating ang uwian. Si Clesea, binantayan talaga ako. Hindi na siya pumasok, nagsabi na lang siya sa kaniyang advicer na may emergency sa kanila. Pft.Naglalakad kami ngayon. Halos lahat ng estudiyante na nadadaanan namin ay nakatingin sa akin. Hindi ba nila makalimutan ang eksenang iyon? Ano ba kasing naisip nitong Natasha at magpakabida sa maraming tao?Habang naglalakad, nasalubong ko sina Ryxel, Heart, Lara at Jasfer.Seryosong nagtanong sa akin si Ryxel. Nakapamulsa. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" "Yeah," tamad kong sagot."Aziria vs. Natasha? Aziria ako!"Agad namang binatukan ni Lara si Jasfer dahil sa sinabi nito. "Lolo-loko talaga 'tong siraulo na 'to!" Lagi namang nagtatalo ang dalawang iyan. Hindi na bago sa amin. "Paano na 'yan?" Napatingin ako kay Heart dahil nag-aalala ang kaniyang pagkakasabi. "May nagbabanta sa 'yo." Agad kong naalala ang salitang be ready. Dapat ba akong kabahan dahil may nagbabanta sa akin? "Oo
Aziria’s POV"Ikaw ba ang queen?" Halos manuyo ang aking lalamunan nang may nagtanong n’on.Inangat ko ang aking ulo, akala ko ay si Trill ngunit abala siya sa pagkain. Tumingin naman ako sa likuran, may dalawa akong babaeng nakitang nanunuod ng video. "Kung ikaw si queen, ako na lang ang princess kasi ako rin naman papalit sa ‘yo dahil matanda ka na, HAHAHAHA!" sabi pa ng babae.Nakahinga naman ako nang maluwag, akala ko kung sino ang tinatanong. Nanunuod lang pala sila ng fairytales. Ganoon na ba ako kapraning? Napansin ko naman na salubong ang kilay ni Trill sa akin kaya humarap ako sa kanya."Namumula ka, Badang. Tuloy mo lang iyan, ang ganda mo," kaswal niyang sabi na may pagkahalong seryoso. Matapos niyang sabihin ‘yon muli siyang bumalik sa pagkain. Parang wala siyang sinabi."Hindi," tipid kong sagot at uminom ng tubig."You’re pretty, believe me." Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso. "Kapag tititigan kita ng matagal, nakikita ko talaga. Sana kasali ka sa acquaintance pa
Israel’s POV "Keeno,” usal ni Aziria sabay tingin kay Tyrone. "Sana naman sinabi mo." Wala kang emosyong makikita sa kaniya. Blanko lamang ito. Para bang may hindi siya nagustuhan, iyon ang hindi ko alam.Kita kong tumango-tango si Keeno. "Nice to meet you again." Tumingin siya kay Aziria ng seryoso."Don’t waste my time." Ngayon, bakas na sa boses niya ang naiinis. Nginitian lang siya ng aming kaibigan, umupo rin ito sa upuang kaharap niya."Eat again," baritinong boses ang nilaan ni Keeno sa pag-uutos kay Aziria. Animong inuutusan ang isang bata kahit alam naman ang gagawin."No need, nakakawalang gana." Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nangunguna talaga rito ang walang emosyon. Naiirita siyang parang naluluha. Hindi ko talaga mabasa ang kaniyang isip. Napakahirap."Aziria, umupo ka na," utos ni Tyrone na ang tingin ay nasa pinsan niya lamang. Ang kaninang Tyrone na nakangiti kanina, seryoso na ngayon. May hindi ba kami nalalaman?Huminga nang malalim si Aziria. "Hindi na.
Aziria’s POV"Tara na?" pagyayaya sa akin ni Israel nang mapalagay ang loob ko. Tumigil na ako sa pag-iyak, medyo ayos na ang aking pakiramdam. Tumango ako sa kaniya."Subukan mo kayang ngumiti," aniya. Hindi ko alam kung bakit niya inuutos iyon. Nakatingin siya sa aking labi kaya nakaramdam ako ng ilang. Napansin niya kaya umiwas siya ng tingin. "Hindi uso iyon sa labi ko," pabiro kong sagot para tanggalin ang ilang sa amin.Bigla siyang natawa na ikinakunot ng aking noo. "Okay. Fine. Let’s go."Naglakad na kaming dalawa pabalik sa bahay ni Tyrone. Nasa malayo pa lang kami, tanaw na tanaw ko na sina Klyde, Trill, Keeno at Tyrone na halatang hinihintay kaming dalawa ng kasama ko.Inalalayan ako ni Israel maglakad patungo sa aking kotse nang bigla akong hawakan ni Keeno. Natigilan ako ngunit hindi ko siya pinansin, hindi ko rin tinapunan ng tingin."Aziria." He’s begging. Mismong kaibigan niya na ang humarang sa akin at tinanggal ang kamay ni Keeno mula sa aking braso."Bro, she ne
Clesea’s POVAno ba itong babaeng ‘to? Nakahihilo."Bee, nahihilo na ako sa ‘yo. Kanina ka pa palakad-lakad diyan. Ano bang problema ba?" Kunot-noo kong pagtatanong. Kilala ko ang babaeng ‘to, kapag may iniisip hindi talaga mapakali."Kasi e...""Ano?" Tinaasan ko siya ng isang kilay."Ninong Henry saw me. That was Israel’s father. I’m stupid, I forgot that’s why I don't want to be in their house.""Ano naman kung nakita ka ni—Aray!" Napanguso ako dahil bigla ako nitong binatukan. Nangbabatok na lang bigla-bigla e."Obviously close friend sila ni dad. God, Clesea." Bipolar talaga siya. Kanina problemado tapos ngayon ang arte-arte. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito minsan."E, hindi naman ipinagkakalat ng pamilya mo na naglayas ka, ‘di ba?""Pwede rin pero ayokong maging kampante.""Kapag walang lumabas na nahanap ka na nila, ang ibig sabihin lang niyon ay hindi nila sinabi." Tinaasan ko siya ng kilay, naghihintay sa kaniyang magiging sagot."E, paano si Budang?" Problemadon
Aziria's POVNandito ako ngayon sa gym kasama ang mga kaibigan ko. Gumugulo pa rin sa isip ko ang Black Hell Gang. Isama mo pa si Zairian na alam ang tungkol doon. Isa lang naman ang nasa isip ko ngayon, e. "Konyatan kaya kita, ano?!" sigaw ni Clesea kay Ryxel. Kanina pa kasi siga inaasar nito. Ganiyan naman talaga si Ryxel kapag may bago sa amin. "Bawal landian." Napatingin kaming lahat kay Jasfer na may nakalolokong ngiti. Tinutukso ang dalawa."Shut up," ani Ryxel na hindi gusto ang pinupunto ng kaniyang kaibigan. Kapag si Jasfer ang nang-asar, tuloy-tuloy 'yan.Imblis na matakot, tumawa lang ito. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!""Tahimik natin," ani Heart na hindi ko man lang napansin na lumapit sa akin. Napuna yata ako."Oo ng. Malalim ba ang iniisip mo?" tanong ni Lara sa kabilang gilid ko."May balita kayo sa Black Hell Gang?" diretso kong tanong.Kumunot ang mga noo nila na may halong pagtataka. Natigil sila sa bawat pinagkakaabalahan. Naging seryoso ang kanilang mukha na kanina lang
Aziria’s POVPapasok na kaming school ni Clesea. Nakasunod lang siya sa akin habang nagmamaneho. Nang makarating kami, pinarke ko na ang aking kotse. Bawat sulyap ko kay Clesea ay nangungunot ang noo ko dahil sa hitsura niyang balisa at hinang-hina."Clesea," I called her.Mabilis siyang pumunta sa akin. Tinitigan ko lang siyang ng matagal at nahuli ko na kung ano."Kumain ka ng maanghang, ano?" Agad na nagseryoso ang mukha ko. Napatuptop na lang siya at hindi nakasagot. "Damn, Clesea!" Napahilamos ako ng mukha dahil sa kakulitan niya."Hindi ko kasi binasa na sobrang anghang. Akala ko sweet and spicy," mahina siyang magsalita ngayon. Bukod sa inis ako dahil na rin yata sa karamdaman niya."Anong pangalan?" I asked."Marty's. Nakita ko lang.""Anong kulay?""Pula."Napailing-iling ako dahil sa galit. "Kulay pula? Ano ka ba naman, Clesea, huh?! Look at yourself! Balisa ka! Sinonh hindi mag-aalala sa lagay mong niyan, huh? Hindi ba may allergy ka sa maanghang? Paano kung nahimatay ka ri
Aziria’s POVLumipas ng ilang araw ang pangyayaring iyon. Hindi ko pinapasok si Clesea dahil kailangan niyang magpahinga. Hindi nakarating kay tito. Gustong-gusto kong sabihin dahil si Clesea ang involved kaso ang kaibigan ko ay tumutol. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin ako. Huwag na raw sabihin dahil yari ako."Clesea." Gising ko sa kaniya dahil papasok pa kaming dalawa. Biyernes naman na ngayon."Hmm?" halinghing niya animong nagpuyat sa katamarang bumangon."Tara na baka mahuli tayo," aniko. "Kaya mo na bang pumasok?"Ngumiti siya sa akin ng bahagya at nagsalita. Iyan na naman siya sa pagiging masayahin niya. "Oo naman!" "Gumising ka na riyan." Tumungo na ako sa banyo at naligo. Nang matapos, naabutan ko si Clesea’ng kumakain kaya kumain na rin ako. "Maliligo lang ako, bee," aniya na agad kong tinanguhan.My phone rang."What do you need?" tanong ko agad.[Nothing change, Aziria, huh. Wala bang hello riyan? Hindi mo ba ako kukumustahin? Miss na kita!] Nailayo ko ng kaunti an
Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa
Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria
Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na
Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na
Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders
Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan
Aziria’s POV"ENOUGH!"Hingal na hingal kaming napatigil dahil sa sumigaw na ‘yon. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang galit na galit na mukha ni dean. Napalunok ako nang makitang nasa likuran ni dean si Israel. Nangungusap ang aking mga mata sa kaniya pero siya ay walang emosyon. Senyales na hindi niya nagustuhan ang naabutan ngayon. "Ano na naman ‘to, Miss Sullvian?!" sobrang lakas ng boses ni tito. Rinig na rinig. "Sangkot ka na naman sa gulo!" Walang sumagot. "Pagod na akong disiplinahin kayo!" he sighed. "Go to my office now!"Mabigat ang paghinga ni titong umalis. Nauna ‘tong maglakad, sumunod sina Clesea at Butiki. Ang naiwan ay ako, Israel at ang aking mga kagrupo. Lalapitan ko sana ang boyfriend ko nang umatras siya, sunod niyon ay tumalikod at naglakad na. Napayuko ako sa nakita. Sinisi ang sarili. Napakatanga mo, Aziria. Tangina, may boyfriend ka. Huwag kang kumilos na parang walang nag-aalala sa ‘yo. "Hayaan mo muna siya," bulong ni Ryxel sa aking likuran.Pinatig
Aziria’s POVNagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.[Nasaan ka na, love?]"Malapit na ako."[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon. [Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon. "Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.Nakita ko ang matandang nakahiga sa kals
Israel’s POV"She really needs to hide," aniko. Agad na nangunot ang kanilang noo. "Why?"Humarap ako sa kanila na nangungusap ang mga mata. "Trill, Klyde. Her mommy will take Aziria to New York, like her, I don’t want to either. Sino bang gustong mahiwalay sa girlfriend nila? Fuck."Napangiti si Klyde at tumango-tango. “You’re really in love, huh.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo. "Kaya ba ayaw niyang sabihin kung sino siya dahil kilala natin ang kaniyang mga magulang? Hindi niya rin nababanggit sa akin." I sighed. "I'm confused. Wala ba siyang tiwala sa akin?""Mayroon." Tinapik ni Trill ang aking balikat. "Ayaw niyang malaman ng iba kung sino ang kaniyang mga magulang dahil nagtatago nga siya. Pagkapasok pa lang sa Klent International School, she has a lot of secrets na, right? Magagalit ka sa kaniya kapag nalaman mong nanlinlang siya or she lied?"Agad na umigting ang panga ko roon. "Bakit naman ako magagalit? Mas matutuwa pa ako dahil mas pinili niyang magsabi sa a