Share

Chapter 4:

last update Last Updated: 2023-07-24 13:31:17

Aziria's POV

"Goodbye, class!" Pamamaalam ni Ma'am Gonzales na ngayon ay lumabas na ng silid.

Buti naman ay uwian na.

Kinuha ko na ang aking bag at palabas na sana ako ng silid nang tawagin ako ni Klyde.

"Ne-Aziria!"

Humarap ako sa kanya na salubong ang mga kilay.

"Anong kailangan mo? Kung mag-iistory telling tayo, wala akong time." Nakasimangot ang nilaan kong emosyon dito. Trip na naman ba ito?

"May tanong lang ako." Pigil niya sa akin dahil maglalakad na dapat ako.

Ipinakita ko sa kaniyang wala akong interes. "Hindi ako nakapagreview."

"May ki-"

Bigla namang naputol ang kaniyang sasabihin dahil may pumapel. "Oh, Badang, nandiyan ka pala." Si Israel na kalalabas lang ng silid kasama si Trill.

Imbís na mainis, sinabayan ko na lang ang pang-aasar nito. "Oo, Budang, kaya mauna na ako." Hindi ko na sila pinansin. Naglakad na lang.

Daming alam ni Klyde, magtanong siya sa iba hindi sa akin. Feeling ko puro trip ang dala nila sa buhay ko. Tsk. Dumiretso ako sa locker at inilagay ang mga gamit ko roon. Wala naman kaming homework at ayoko magdala ng bag. Sinarado ko ang aking locker at diretso sa gym. Nandon na iyong apat na iyon.

Mabilis naman akong nakapunta, kitang-kita ko naman na agad sila. Pati nga mga boses ay rinig na rinig ko, sobrang ingay talaga nila.

"Oh, nandiyan ka na pala." si Ryxel.

"Ano nga palang pinag-usapan niyo ng tito mo sa office?" tanong ni Lara sa akin.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Ryxel!"

"Kay Jasfer ako!"

"Bakit kasama nila iyong pangit na nerd?"

"Iyong nakaaway nina Natasha at Keziah?"

"Oo, mabuti nga e. Alam mo ba? Grabe siya makipag-usap sa dean natin."

"Walang modo."

Bulungan ng mga babae habang naglalakad palabas ng paaralan.

"Mga chismosa," bulong ko.

"Masanay ka na." si Heart.

"Ano nga pala iyong tanong mo, Lara?" Baling ko rito dahil nakalimutan ko ang tanong niya.

"Anong pinag-usapan niyo ng tito mo?"

"Hindi ko magagawa ang inuutos niya sa akin. Bakit daw ganito ang hitsura ko at baguhin ko raw? Bakit? Kapag nakita ba ako ng mga bodyguards ng mga magulang ko, nandiyadiyan ba si tito? Akala kasi nila ang dali ng sitwasyon ko ngayon." Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa kawalan.

Biglang nagtanong si Jasfer. "Habang buhay ka na lang magtatago?"

"Hindi naman. Ayusin lang nina mom at dad ang buhay nila, mag-aayos din ako." Nagsindi ako ng sigarilyo.

"Bawal sigarilyo rito!"

"Walang bawal-bawal sa akin, pabayaan niyo muna ako," aniko habang binubuga ang usok ng sigarilyo ko.

"Kumuha ka na lang kaya ng bodyguards mo para may magbantay sa 'yo."

Dahil sa sinabi ni Jasfer ay muli akong napatingin sa kaniya. "Iyon na nga, magbantay? Baliw ka ba? Hindi ako makakikilos dahil may sagabal, malamang bantay talaga ako." Hinithit ko ang sigarilyo.

"Sabagay."

Bigl­a na lang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Tumatawag si Tyrone. Napangiti ako nang mabasa ko ang kaniyang pangalan, mabuti naman at naisipan nitong tumawag.

"Sino iyan?" usisa nila pero nagsenyales akong sandali lang saka ko ni-loud speaker para marinig nila.

"Hello." Panimula ko.

"Maaga ako papasok at inilipat ako ni dad sa room niyo. Baka naman sinasagot mo ang guro niyo at nag-uumpisa ka ng gulo. Huwag matigas ang ulo mo." Hindi ko naman gawain iyon 'no, baka nga ganyan gawin ko ngayon.

"Bakit napaaga ka? Hindi ba isang linggo kang absent?"

"Maaga ko naman natapos ang pinapagawa ni Tito Millen."

"Okay."

"Sabi ni dad, bakit mukhang basur-"

"Ewan ko. Bahala ka na!" Pinatay ko na ang tawag dala ng inis. Sermon ng lahat!

"Bakit mo pinatayan ng tawag ang boyfriend mo?" si Lara. Nagsalubong agad ang mga kilay ko.

"Jowa mo 'yon?" Sina Jasfer, Heart at Ryxel.

"Kaya pala gan'on mangaral." Kalmadong si Ryxel.

"Hindi ko 'yon boyfriend, ano ba kayo?"

"E, ano mo 'yon?" silang lahat.

"Ang O-OA niyo, pinsan ko 'yon."

"Ah, ikaw talaga, Lara, sabi mo boyfriend niya." Nang-aasar na sabi ni Jasfer.

"Si Tyrone 'yon, papasok na nga yata bukas." Nakasimangot na sabi ko. Nakaiinis kasi!

"Edi may makakaalam na naman," si Heart.

"E, paano kung pumunta ang daddy mo rito sa school?" tanong ni Ryxel.

"Hindi mangyayari iyon dahil si Tito Millen ang pumupunta rito."

"Iyon ba iyong nasa 42 years old na kapag may meeting dito sa school?" tanong ni Jasfer, tumango ako. "Sabi na nga ba, kaibigan nga 'yon ng daddy nina Israel, Trill at Klyde."

"Rinig ko sa lahat ng estudiyante ang pangalan niyo na budang at badang, chismis iyon ngayon. Kung saan ka pumunta, rinig mo. Paano ba naman sikat si Israel, malamang maraming stalker." Nagulat ako sa sinabi ni Heart. Takte. Sino naman nagpakalat n'on?

Napailing-iling ako. "Grabe."

"Saan ba nanggaling iyon, Aziria?" Nakaharap na sa akin si Ryxel ngayon. "Kahit kasi ako."

"Kahapon lang iyon, nakisabay lang ako sa pang-aasar niya." Inis kong sagot. "Saka pabayaan niyo na ngayon, pakialam ba natin doon? Mga isip-bata ang grupo nila."

"Ay, may something? May call sign agad?" Pang-aasar ni Jasfer kaya naubo ako na nandidiri para ipamukha sa kanilang wala akong interes doon sa lalaki.

Sinagot ko siya ng walang emosyon. "No feelings. Tsk."

"Badang!"

Napatingin kami sa likod ko nang may sumigaw. Mapapamura na lang talaga ako. Pakshit. Si Bintin.

Tiningnan ko ito mula paa hanggang hulo. "Bintin, right? Masyadong chismoso."

"Joke lang naman." Tumingin siya sa aking braso. "Na-injured ba iyang kamay mo?"

Tiningnan ko ang braso ko saka tumingin sa kaniya. "Oo, na-injured kaya huwag kang lalapit."

"Patingin ng-" Lalapit na sana siya sa akin para hawakan pero biglang ko siyang nasuntok sa mukha.

"Kulit."

Bigla naman silang nagsalita lahat. "Bawal hawakan ang kanang kamay mo dahil na-injured pero pwedeng pangsapak."

Napatingin ako sa kamay ko. Katangahan. "Lumayo ka nga sa akin, Bintin."

"Brinten not Bintin. Pinagchichis­misan ka ng mga students ngayon, hays. Ang cocorny nila, wala naman dapat ikalat. Hays." Bakit ba topic sila nang topic niyan? Wala naman akong pakialam.

"Tsk, hayaan niyo sila. Una na ako." Hindi ko na hintay ang kanilang sagot, umalis na ako.

Pumunta na ako sa parking lot at nakita ko ang tatlong ugok na nakasandal sa bawat kotse nila.

"Oh, si Badang," si Israel.

"Bro, si Badang mo," si Trill.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa aking kotse. Bubuksan ko na dapat ang pintuan ng driver seat nang humarang si Budang.

Nagsalita siya. "Kinakausap ka."

"Alis diyan." Tabig ko sa kanya. Mabilis naman siyang umalis. Paepal.

"Mukhang big time tayo, ang ganda ng kotse mo." Si Klyde. Hindi ko na siya pinansin at sumakay na. Binuhay ko na ang aking kotse at pinaandar. Nakakailang andar pa lang ako pero biglang humarang si Israel sa aking daraanan.

Nakangisi siyang nagsalita. Anong gusto niya? "Kinakausap ka nga namin."

Napabuntong-hininga ako at tiningnan siya ng pangtamad. "Alis diyan."

Halos mapamura na ako sa aking isip dala ng inis, umalis nga ito pero binuksan ang pinto sa passenger seat saka sumakay. Nakalimutan kong isarado.

"Ano bang ginagawa mo?!" Tila naubusan na ako ng pasensya.

Humarap siya sa akin. Nang-aasar ang kaniyang mga ngiti. "Huwag kang mag-alala hindi ako manya-"

Pinigilan ko siya sa pagsasalita. "Ano ba?!"

"Bro, tama na pangtitrip!" Sigaw ni Trill dito na hinihintay bumaba ang kaniyang kaibigan.

"Ayaw mo umalis?" Walang emosiyong tanong ko at lumabas.

Hahatakin ko na dapat siya nang makita ko ang van gamit ng mga bodyguards ng aking tatay.

"Princess Aziria!" Sigaw ng mga ito. Bigla akong pumasok sa kotse ko, abot-abot ang aking kaba kaya hindi ko na inintindi si Israel.

"Isarado mo ang pinto! Bilis!"

Napatigil siya sa pagkilos. Tumingin pa sa likod bago muling humarap sa akin na nagtataka. "Bakit?"

"Bilisan mo!" Sigaw ko kaya mabilis niya akong sinunod.

Mabilis kong pinatakbo ang aking kotse, sinisilip ko sa side mirror kung nakasunod pa sila.

"Fuck!" Inis na sigaw ko nang ayaw nito akong mga tantanan.

"Sino ba iyon?"

"Basta, kanino ba iyang dalawang kotse na sumusunod?"

"Kotse nina Klyde at Trill, sumusunod sila baka kidnappin mo pa ako." What the fuck?!

"Mukha ba akong kidnapper?!" Bulyaw ko, mas lalong nadagdagan ang inis ko.

"Sorf of."

"Dami mong satsat, tingnan mo kung sumusunod pa 'yong van na humahabol sa atin."

"Alis nga ang bagal mo magpatakbo!" Bungangero.

Habang nagpapalit kami ng upuan ay inaayos ko pa rin ang pagmamaneho. Nakapagpalit naman agad kami.

"Bilisan mo, Israel." Utos ko habang nakatingin sa likuran.

Rinig ko pang napasinghal siya. "Ito na. Saan ba ang bahay mo?"

"Mamaya na, basta bilisan mo kahit saan ka dumaan!" Nasigawan ko na siya gamit ang naiirita kong boses.

"Pwede bang huwag kang sumigaw?!" Hindi ko na siya pinansin. Ang gusto ko lang ay makatakas kami ngayon dito, ayokong magpahuli sa kanila.

Mabilis niyamg pinapatakbo ang kotse. Maya-maya lang, wala ng van na humahabol sa amin. Nakahinga ako nang maluwag. Naisandal ko na lang ang likod ko sa upuan.

"Wala na?"

"Wala na," sagot ko.

"Saan na tayo?"

"Diretsuhin mo na lang ng kaunti, nandiyan na ang condo ko."

Narating agad namin. Bumaba kaming dalawa sa kotse, kasabay namin sina Trill at Klyde. Nakakunot ang noo nilang tatlo.

"Teka nga, Aziria." Hinawakan ni Israel ang aking balikat para mapaharap sa kaniya, agaran ako nitong tinanong. "Bakit ka ba hinahabol nila?"

Hindi ako sumagot.

"Ang narinig ako." Seryosong sabi ni Klyde na tutok na tutok din ang mga mata sa akin. "Princess Aziria."

Si Trill naman ang nagsalita "Wag mong sabihin na..."

Galit silang tatlo.

"Kaisa-isang anak ni Master Sull-"

"I'm not." Mabilis kong tugon at seryosong humarap. Pinapakitang hindi ako nagbibiro. "Nakita niyo naman na ganito ang itsura ko, malabong-malabo. Isa lang akong estudiyanteng tahimik, walang ibang gawin kun'di ang mag-aral at isang hamak na walang magulang." Ngumiti ako ng kaunti. Tinodo ko na ang pagrarason para naman maniwala sila.

Hindi nila pwede malaman dahil baka sila mismo ang magsabi na nandirito ako, higit sa lahat wala akong tiwala sa kanila. Hindi ko pa sila kilala.

"Estudiyante? Ang priority ay mag-aral? Kung nag-aaral ka nga. Grabe ka magkapagbanta sa schoolmate mo, ang mga guro naming takot sa 'yo at ang dean na sagutin mo gano'n-gano'n na lang? Now, tell me, Ms. Sullvian, dapat ka ba naming kaawaan?"

Kinontra ko pa ang sinabi ni Israel. "Siguro nga, wala lang talaga akong modo."

"Kung hindi ikaw ang anak ni Master Morris. Bakit ka hinahabol ng mga bodyguards nila? Have you committed any sin? Killed? Stole? Or whatever?" Kahit kailan mausisa itong si Klyde.

Hindi ko na alam ang ipapalusot sa kanila. "I don't know, they've been chasing me for a long time."

"Kalokohan." Napatawa nang mahina si Trill. "Anong hindi mo alam?"

Natawa rin ako saka tumitig sa kanilang tatlo ng seryoso. "Why are you angry with me?" Natigilan sila.

Ngunit nagsalita agad si Klyde. "We will be really angry with you if you did something wrong to the Sullvian Family. Wait, what's your last name again?"

"Bakit ba ang dami niyong tanong? Ano bang gusto niyong malaman? You shouldn't have helped me."

Si Israel. "Yes, you shouldn't, because you might have done something wrong. We helped you, we will be affected, damay pa kami sa gulo mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Kung ayaw niyong mapasok sa gulo ko, wala kayong pagsasabihan na nangyari ito. Kung madadamay man kayo, just trust me."

"Dapat lang na hindi kami madamay rito." Calm down, Trill.

"Okay, bye, I'm going inside." Para matapos na 'tong pag-uusap namin. Kailangan ko nang sumibat. Parang ayaw nila akong pauwiin.

"Wait." Hinawakan ni Trill ang balikat ko.

"Bakit? Sasama ka?"

"Oo."

"Anak ng-hoy! Trill, umuwi na tayo!" Sigaw ni Israel pero hindi siya pinansin ni Trill, pati si Klyde ay sumunod na rin sa amin.

Pumasok na kami sa elevator. Walang nagawa si Israel kun'di ang sumama rin.

"Akala ko ba uuwi ka na?" seryoso kong tanong sa kaniya. Sa tabi ko siya nakapuwesto.

Pabalang siyang sumagot sa akin. Naiirita sa naging desisyon niya. "Paano ako uuwi kung nasa school ang kotse ko?"

Okay.

Dumiretso kaming loob ng aking condo.

"Clesea!" Reklamo ko agad dahil gulat ang kaniyang mga mata nang mapatingin sa amin. Nakaupo siya sa sofa at nakatitig sa tatlo.

"Omg, bee, ang gugwapo ng mga kasama mo. Saan diyan ang boyfriend mo?" Ang over acting ng babaeng 'to. Tss.

"Wala akong boyfriend." Bumaling ako sa kanilang tatlo. Sinenyales kong maupo sila, naintindihan naman nila iyon.

"E, anong ginagawa nila rito?"

"Ewa-" Pinutol ni Trill ang sasabihin ko.

"Kakain." si Trill.

"Iinom ng beer." si Klyde.

"Hindi, uuwi na." si Israel.

"Ano ba talaga? Itong three handsome na 'to ang gugulo. Mabuti ngang tama iyong isa, iinom kasi kung kakain wala sa aming marunong magluto. Kung uuwi, sayang dahil nandito pa naman ako." Ikaw na mag-asikaso riyan, Clesea. Madaldal ka naman.

Israel's POV

"Rael, hindi ba ito iyong sikat na condominium?"

"Oum," sagot naman ni Klyde sa tanong sa akin ni Trill.

"Wait lang, kukunin ko lang iyong beer sa ref baka mayroon pa si Aziria." Sabi ng babaeng madaldal.

"I'll change my clothes first. Si Clease, iyon." Turo ni Aziria sa madaldal. "Kung may kailangan kayo, sabihin niyo sa kaniya."

Aziria's POV

Pumasok na ako sa aking kwarto at tumingin sa closet. Kung itong magandang brand ang damit, malalaman na nila. Nagdedenim short at white t-shirt na lang ako, simpleng damit.

I went to the bathroom, washed first, brushed my teeth, mouthwashed and combed my hair na kanina pa nakatali.

Trill's POV

"Oh, guys, here's your beer." Ang tinis ng boses niya kanina pa.

Pumunta kami sa lamesa at kinuha ang dala niya. Oh, mamahaling beer ito. Anong kayang pangalan nito? Hindi namin mabasa dahil iba ang nakasulat.

"Bro, saang bansa ito?" tanong ko kay Klyde at Israel.

"Sa—" Natigilan kami nang may nagsalita.

"Maya-maya umuwi na rin kayo." Walang emosiyong sabi ni Aziria.

Napatingin ako sa porma niya, ang simple pero ang ganda niya. Alam kong sa oras na ito ay nakatulala na ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang hitsura niya sa bahay.

"Hoy!" Nagising lang kami sa ganoon nang tawagin kami ni Clesea. "Huwag niyo na pagnasahan ang kaibigan ko, matagal na oyang maganda."

"Tsk." Rinig naming singhal ni Aziria.

Parang normal lang na may lalaking mapatitig sa kaniya. Pumunta siya sa sala at umupo, kami naman ay nandito sa isang lamesa habang umiinom.

"That’s my girl." Halos magulat kami ni Rael nang magsalita si Klyde. Aba, lagot na, tinamaan na. Paano na ‘to?

Agad siyang binatukan ni Rael. "Hoy, anong that’s my girl? Kadiri ka!"

Walang naging tugon si Klyde. Nagtuloy-tuloy lang kami sa pag-inom hanggang lumapit sa amin si Clesea pati na rin si Aziria. Kumuha siya ng beer at umupo sa tabi ni Klyde, ganoon lang din ang ginawa ni Clesea na pumagitna sa amin ni Israel.

"Clesea, akala ko ba umuwi ka na?" tanong niya sa kaniyang kaibigan.

"Hindi pa ako umuwi, alam mo ba na pumunta si Tyrone sa condo mo?" Muntikan nang mabuga ni Badang ang beer dahil sa sinabi ni Clesea. Tumayo si Badang at padabog na inilipag ang beer.

"Ano?!" Nanlaki ang kaniyang mga mata. Napatayo pa. Sino iyon? Anong mayroon doon?

"Oo, sabi ko wala ka, pumasok. Hindi pa nga kumukupas ang kagwapuhan." Sagot pa nito. Umupo na si Badang at pinagpatuloy ang pag-inom ng beer.

Tyrone?

Narinig ko pa ang bulong ni Badang. "Bakit kailangan pa akong puntahan?"

"Alam mo naman iyon, gagawa ng paraan para mahanap ka lang."

Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya nagtanong na ako. "Boyfriend mo ba iyon, Badang?"

Walang filter ang bunganga ni Clesea na sumagot sa akin. "Nagbreak na sila ng boyftiend niya."

"Ah, kaya ayaw niyang papuntahin dito." Bigla namang sabat ni Israel na akala mo abala sa pag-inom. Medyo nabighani ako sa pagsabat niya, huh.

"Wait, may tatawagan ako." Tumango na lang kami kahit nauna na siyang tumayo.

"Sabihin mo kay Jasfer na iwasan ang chismis na iyon. Ang sakit sa tainga. Sikat na? Kaya mo bang gawin? Nasa condo. Si Clesea at sila—basta. Sige, pabayaan mo na iyon." Makikipag-usap lang sa phone, ang lakas pa ng boses niya.

"Sino iyon?" tanong ni Clesea. Hays, kanina ko pa siya napapansin na tanong siya nang tanong. Gusto niya alam niya lahat.

"Si Ryxel."

"Omg, kailan ko ulit kaya makikita si Ryxel?" Napangiwi ako dahil tila naging bulate siya sa kilig.

Biglang bumulong si Rael. "Pati ba naman siya kinikilig sa lalaking iyon? Ganito ba talaga ang mga babae?"

"Bee, papuntahin mo siya rito."

"Tsk, bawal, hindi ako nagpapasok rito ng lalaki na hindi ko kilala. Ikaw pa nga lang nakapapasok dito, maingat ako." Baling ni Badang kay Clesea at biglang tumingin sa amin. "At kayo. Tss."

"Special pala tayo, bro." Tinapik ko pa ang balikat nina Israel at Klyde na may ngiting malawak.

"Siraulo." Si Klyde.

"Bakit basta-basta mo na lang kami pinapasok dito kung maingat ka?" Ang pambansang kill joy sa lahat, Israel. Ewan ko kung anong pakana niya ngayon at ganiyan siya. Siguro naapakan ni Aziria ang pride niya.

"Thanks for helping me."

"Tsk."

Napunta ang atensyon namin sa cellphone ni Aziria nang magvribate iyon. Nang tingnan siya, nagpakawala siya ng isang mura.

Aziria's POV

"Fuck!" Mura ko nang makita ko ang litrato nina Jasfer, Heart, Lara at Ryxel kasama na rin si Bintin. Nakatali silang lahat sa malaking puno at mukhang sa abandonadong lugar na ito.

Itutuloy...

Related chapters

  • The Hidden Princess   Chapter 1:

    Aziria's POV"Bakit ba kasi traffic?!" sigaw ko sa loob ng aking sasakyan. Nakaiinis baka mahuli ako sa aking klase, maaga naman akong kumilos pero nandirito pa rin ako sa kalsada. Tiningnan ko muli ang aking itsura sa salamin. Maganda naman ako kaso nakasuot ako ng salamin. Walang make up? Hindi ako sanay. May dalang libro? Hayst, ang sarap iiwan sa condo. Hindi maayos na buhok? Kainis. Lahat ng mga ito ay ginagawa ko dahil paligoy-ligoy ang body guards nina dad at mom. Nakapapagod ang ganitong eksena.Hiwalay na sila kaya ako nagpakalayo. Hinahanap ako ng mga bodyguards nila pero ang tanga ko dahil mag-aaral pa ako sa paaralan kung saan tatay ko ay isang co-stockholder doon. Kahit anong pilit ko kay tito na lumapit sa iba, wala akong nagawa. Siya kasi ang hiningian ko ng tulong, ang rason niya pa ay para mabantayan din ako ng maigi. Malayo naman ang lugar ng tatay ko rito kaya medyo sang-ayon na rin ako. Maya-maya, nagsiandaran na ang mga kotseng sisingit-singit sa aking daraan. N

    Last Updated : 2023-07-24
  • The Hidden Princess   Chapter 5:

    Aziria's POV"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Clesea. Nakaabang silang apat sa magiging sagot ko. Kinuha ko ang aking cellphone at hinarap sa kanila.Tinabingi ni Trill ang kaniyang ulo para suriin ito ng mabuti. "Bakit sila nakatali sa puno?" "Oh my God! Ano nang gagawin mo, bee?" Tumayo ako. "Ano pa ba?" Kinuha ko ang aking bag. "Alangang pabayaan ko sila." Seryoso kong sabi na hindi man lang maikurba ang labi para sa ngiti. Problema itong ngayon."Huh? Huwag mong sabihin na pupunta ka roon?" Halata sa boses ng kaibigan ko ang pagtutol."Oo," kaswal kong sagot.Nangunot ang aking noo sa naging reaksyon ni Israel. "Hoy, Badang, nababaliw ka na ba? Ililigtas mo sila Ryxel na ikaw lang?" E, ano naman? May kaso ba roon? "I can handle this." Matigas kong sagot."Tumawag na lang kayo ng police." Suhestiyon ni Klyde na agad namang binatukan ni Trill. Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Bakit ba namomroblema sila? Parang kanina lang ay inis na inis silang tinulungan ako.Hindi ko na si

    Last Updated : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 6:

    Aziria's POVNakauwi na si Israel pati ang mga kaibigan ko ng ligtas. Si Clesea na lang ang nandirito sa aking condo, nagguiguilty ako kanina kasi sinigawan ko siya. Alam kong humingi ako ng paumahin pero parang hindi sapat.Alas dyes na ng gabi, ngayon ay ramdam kong masama ang aking pakiramdam. Alam kong bunga ito ng saksak sa akin ni Sunshine, ayos na ang ganito kaysa pumunta akong ospital. Hinding-hindi ko gagawin iyon."Bee, ang taas ng lagnat mo. Uminom ka muna kaya ng gamot, sabi sa 'yo e." Ibinigay niya sa akin ang gamot na agad kong kinuha. "Ay, sorry nga pala kanina kasi nagalit ka." Iyong kaninang pagsigaw ko ang tinutukoy niya."I should apologize to you. Naisipan ko kasi na mas mabuti nang sigawan ka para manahimik ka. Alam mo naman kasing kasali ako sa gang at bawal nila malaman kasi ang isang kaibigan nila ay kasali rin. Bawal nila akong makilala.""Nagulat nga ako, kanina mo lang ako nasigawan pero ayos lang, nag-aalala ka lang naman sa mga kaibigan mo. Naiintindihan k

    Last Updated : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 7:

    Tyrone's POVMaaga akong pumasok. Kaunti pa lamang ang mga estudiyante, sa totoo lang ayokong mahuli sa mga klase kaya mas magandang ganitong oras ay nandirito na sa school. Huminga ako nang malalim at sinalpak­ ang earphones sa tainga habang naglalakad. Ngunit ganoon nalang akong napatigil nang may maapakan ako.Bag ito ni Aziria? Nagtaka pa ako bago kalkalin ang kaniyang bag. Nakita ko ang kaniyang cellphone. Saan naman namalagi ang babaeng iyon? Bakit dito na lang iniwan ang bag niya? Burara, huh!Napatigil ako sa pag-iisip nang may tuwamag sa akin. Isang janitress. "Sir! Sir!" Kunot noo akong humarap dito. "Oh, bakit?" Huminga muna siya nang malalim bago ako sagutin. "May estudiyante po sa restroom. Tiningnan ko ang mukha, hindi ako nagkakamali na siya iyong anak ni Master Morris."Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Walang pag-aalinlangan akong tumakbo papuntang restroom ng babae. Kahit bawal ako rito, wala na akong pakialam, gusto kong makita kung si Aziria ba talaga. Nang makita

    Last Updated : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 8:

    Aziria's POVNang matapos ang pangyayaring iyon ay dumating ang uwian. Si Clesea, binantayan talaga ako. Hindi na siya pumasok, nagsabi na lang siya sa kaniyang advicer na may emergency sa kanila. Pft.Naglalakad kami ngayon. Halos lahat ng estudiyante na nadadaanan namin ay nakatingin sa akin. Hindi ba nila makalimutan ang eksenang iyon? Ano ba kasing naisip nitong Natasha at magpakabida sa maraming tao?Habang naglalakad, nasalubong ko sina Ryxel, Heart, Lara at Jasfer.Seryosong nagtanong sa akin si Ryxel. Nakapamulsa. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" "Yeah," tamad kong sagot."Aziria vs. Natasha? Aziria ako!"Agad namang binatukan ni Lara si Jasfer dahil sa sinabi nito. "Lolo-loko talaga 'tong siraulo na 'to!" Lagi namang nagtatalo ang dalawang iyan. Hindi na bago sa amin. "Paano na 'yan?" Napatingin ako kay Heart dahil nag-aalala ang kaniyang pagkakasabi. "May nagbabanta sa 'yo." Agad kong naalala ang salitang be ready. Dapat ba akong kabahan dahil may nagbabanta sa akin? "Oo

    Last Updated : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 9:

    Aziria’s POV"Ikaw ba ang queen?" Halos manuyo ang aking lalamunan nang may nagtanong n’on.Inangat ko ang aking ulo, akala ko ay si Trill ngunit abala siya sa pagkain. Tumingin naman ako sa likuran, may dalawa akong babaeng nakitang nanunuod ng video. "Kung ikaw si queen, ako na lang ang princess kasi ako rin naman papalit sa ‘yo dahil matanda ka na, HAHAHAHA!" sabi pa ng babae.Nakahinga naman ako nang maluwag, akala ko kung sino ang tinatanong. Nanunuod lang pala sila ng fairytales. Ganoon na ba ako kapraning? Napansin ko naman na salubong ang kilay ni Trill sa akin kaya humarap ako sa kanya."Namumula ka, Badang. Tuloy mo lang iyan, ang ganda mo," kaswal niyang sabi na may pagkahalong seryoso. Matapos niyang sabihin ‘yon muli siyang bumalik sa pagkain. Parang wala siyang sinabi."Hindi," tipid kong sagot at uminom ng tubig."You’re pretty, believe me." Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso. "Kapag tititigan kita ng matagal, nakikita ko talaga. Sana kasali ka sa acquaintance pa

    Last Updated : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 10:

    Israel’s POV "Keeno,” usal ni Aziria sabay tingin kay Tyrone. "Sana naman sinabi mo." Wala kang emosyong makikita sa kaniya. Blanko lamang ito. Para bang may hindi siya nagustuhan, iyon ang hindi ko alam.Kita kong tumango-tango si Keeno. "Nice to meet you again." Tumingin siya kay Aziria ng seryoso."Don’t waste my time." Ngayon, bakas na sa boses niya ang naiinis. Nginitian lang siya ng aming kaibigan, umupo rin ito sa upuang kaharap niya."Eat again," baritinong boses ang nilaan ni Keeno sa pag-uutos kay Aziria. Animong inuutusan ang isang bata kahit alam naman ang gagawin."No need, nakakawalang gana." Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nangunguna talaga rito ang walang emosyon. Naiirita siyang parang naluluha. Hindi ko talaga mabasa ang kaniyang isip. Napakahirap."Aziria, umupo ka na," utos ni Tyrone na ang tingin ay nasa pinsan niya lamang. Ang kaninang Tyrone na nakangiti kanina, seryoso na ngayon. May hindi ba kami nalalaman?Huminga nang malalim si Aziria. "Hindi na.

    Last Updated : 2023-07-27
  • The Hidden Princess   Chapter 11:

    Aziria’s POV"Tara na?" pagyayaya sa akin ni Israel nang mapalagay ang loob ko. Tumigil na ako sa pag-iyak, medyo ayos na ang aking pakiramdam. Tumango ako sa kaniya."Subukan mo kayang ngumiti," aniya. Hindi ko alam kung bakit niya inuutos iyon. Nakatingin siya sa aking labi kaya nakaramdam ako ng ilang. Napansin niya kaya umiwas siya ng tingin. "Hindi uso iyon sa labi ko," pabiro kong sagot para tanggalin ang ilang sa amin.Bigla siyang natawa na ikinakunot ng aking noo. "Okay. Fine. Let’s go."Naglakad na kaming dalawa pabalik sa bahay ni Tyrone. Nasa malayo pa lang kami, tanaw na tanaw ko na sina Klyde, Trill, Keeno at Tyrone na halatang hinihintay kaming dalawa ng kasama ko.Inalalayan ako ni Israel maglakad patungo sa aking kotse nang bigla akong hawakan ni Keeno. Natigilan ako ngunit hindi ko siya pinansin, hindi ko rin tinapunan ng tingin."Aziria." He’s begging. Mismong kaibigan niya na ang humarang sa akin at tinanggal ang kamay ni Keeno mula sa aking braso."Bro, she ne

    Last Updated : 2023-07-27

Latest chapter

  • The Hidden Princess   Epilogue 2:

    Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa

  • The Hidden Princess   Epilogue 1:

    Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria

  • The Hidden Princess   Chapter 47:

    Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na

  • The Hidden Princess   Chapter 46:

    Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na

  • The Hidden Princess   Chapter 45:

    Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders

  • The Hidden Princess   Chapter 44:

    Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan

  • The Hidden Princess   Chapter 43:

    Aziria’s POV"ENOUGH!"Hingal na hingal kaming napatigil dahil sa sumigaw na ‘yon. Napalingon kaming lahat at nakita ko ang galit na galit na mukha ni dean. Napalunok ako nang makitang nasa likuran ni dean si Israel. Nangungusap ang aking mga mata sa kaniya pero siya ay walang emosyon. Senyales na hindi niya nagustuhan ang naabutan ngayon. "Ano na naman ‘to, Miss Sullvian?!" sobrang lakas ng boses ni tito. Rinig na rinig. "Sangkot ka na naman sa gulo!" Walang sumagot. "Pagod na akong disiplinahin kayo!" he sighed. "Go to my office now!"Mabigat ang paghinga ni titong umalis. Nauna ‘tong maglakad, sumunod sina Clesea at Butiki. Ang naiwan ay ako, Israel at ang aking mga kagrupo. Lalapitan ko sana ang boyfriend ko nang umatras siya, sunod niyon ay tumalikod at naglakad na. Napayuko ako sa nakita. Sinisi ang sarili. Napakatanga mo, Aziria. Tangina, may boyfriend ka. Huwag kang kumilos na parang walang nag-aalala sa ‘yo. "Hayaan mo muna siya," bulong ni Ryxel sa aking likuran.Pinatig

  • The Hidden Princess   Chapter 42:

    Aziria’s POVNagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.[Nasaan ka na, love?]"Malapit na ako."[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon. [Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon. "Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.Nakita ko ang matandang nakahiga sa kals

  • The Hidden Princess   Chapter 41:

    Israel’s POV"She really needs to hide," aniko. Agad na nangunot ang kanilang noo. "Why?"Humarap ako sa kanila na nangungusap ang mga mata. "Trill, Klyde. Her mommy will take Aziria to New York, like her, I don’t want to either. Sino bang gustong mahiwalay sa girlfriend nila? Fuck."Napangiti si Klyde at tumango-tango. “You’re really in love, huh.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil totoo. "Kaya ba ayaw niyang sabihin kung sino siya dahil kilala natin ang kaniyang mga magulang? Hindi niya rin nababanggit sa akin." I sighed. "I'm confused. Wala ba siyang tiwala sa akin?""Mayroon." Tinapik ni Trill ang aking balikat. "Ayaw niyang malaman ng iba kung sino ang kaniyang mga magulang dahil nagtatago nga siya. Pagkapasok pa lang sa Klent International School, she has a lot of secrets na, right? Magagalit ka sa kaniya kapag nalaman mong nanlinlang siya or she lied?"Agad na umigting ang panga ko roon. "Bakit naman ako magagalit? Mas matutuwa pa ako dahil mas pinili niyang magsabi sa a

DMCA.com Protection Status