Kabanata 4
Napalunok ako matapos niyang sabihin iyon. Ang kaniyang mga mata ay nakakadala. May itim siya na mata na nakaka-hypnotize. Napalunok ako at sinubukan ko na maging pormal sa lalaking ito.
Mukhang hindi pa yata niya ako tinitigilan. Akala ko pa naman ay may iba siyang kasama kaya siya nag-request ng dalawang meal pero para sa akin pala.
“Pasensya na, Sir. Ngunit hindi po kami tumatanggap ng meals galing sa customers namin and…” Natigilan ako nang bigla siyang tumawa.
Umiling siya sa akin at inabot ang pine apple juice. “I know. This is a VIP room. No one will know and I really did this because I really wanted to apologize to you. If you let me, I won’t bother you again.”
Nanliit ang mata ko. Sa mukha pa lang ng lalaking ito ay parang hindi siya makapagkatiwalaan.
“As I said, Sir, hindi ako interesado sa offer mo at sa iyo mismo. I am here to work, not to talk and have a lunch with you, Sir.”
Manghang-mangha na ang kanyang mata ngayon habang nakatitig sa akin. Napalunok ako at ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng tuhod ko.
“Chill!” He smirked. “I just want to apologize you know.” Uminom siya sa kanyang pine apple. “But, the offer is still open.”
Sinamaan ko siya ng tingin.
Bumuntong-hininga siya at saka ibinaba ang baso sa mala-ginto na lamesa at saka seryoso na akong tiningnan. Umayos din siya sa kanyang pag-upo at saka tumikhim. Nanatili lang akong nakatayo at wala akong balak na umupo gaya ng sabi niya. Hindi rin naman ako puwede umalis dahil kailangan ko rin pagsilbihan ang lalaking ito.
“I am Yohan Tanaka. I’m a billionaire and and I owned lots of restaurants and hotels,” panimula niya. Umawang ang labi ko. “I am still young and I think hindi nalalayo ang edad nating dalawa. You know, I am not really into serious relationship and I must admit that I am sexually attractive on you right now.” May inilagay siya na golden card sa lamesa at naibaba ko ang tingin ko roon. “If you will change your mind, you can call me anytime. For now, sit and have lunch with me.”
“Pero—”
“Not buts. I can actually make you kick from here. One call from your boss.” He smirked.
Kumulo ang dugo ko at kung hindi lang ito customer ay baka nasampal ko na ito. Lumunok ako at saka unti-unting umupo sa tapat niya. Nakita ko ang matagumpay na ngisi sa kanyang labi at saka nilagyan niya ang lamesa ko ng pagkain.
“Eat, baby…”
Hindi na ako umalma. Gusto ko nang matapos ito dahil hindi lang siya ang dapat kong pagsilbihan at talagang hindi ako komportable sa kanyang presensya.
Nang nahawakan ko na ang kutsara at tinidor ay agad na agad na akong kumain. Hindi na ako nag-abalang tignan ang lalaki sa harap ko na nasisiguro kong nagulat sa mabilisan kong pagsubo.
“You might actually get choke on that,” bigla niyang sambit.
Sa sobrang dami ng isinubo ko ay muntik na nga akong mabilaukan. Agad siyang tumayo at lumapit sa puwesto ko. Kumuha siya ng tubig at puwesto at talagang tumabi sa akin. Napasinghap ako at natigil sa pag-upo nang naramdaman ko ang kanyang kamay sa kaliwang balikat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nagtama ang aming balat. Para akong nakuryente at nang nilingon ko siya, ay halos maiatras ko ang ulo ko nang tumama ang tungki ng ilong niya sa tungki ng ilong ko.
Napalunok ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Tumikhim ako at akmang mag-iiwas ng tingin nang hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya. Seryoso na ang kanyang mukha ngayon.
“S-Sir…”
“Let me wipe it…” At gamit lang ang tissue ay pinunasan niya ang kalat sa gilid ng labi ko.
Nagwawala na nang tuluyan ang puso ko at hindi na ako mapakali. Humigpit ang hawak ko sa suot ko at gustong-gusto ko na talaga siyang itulak.
“Your lips is very pale, but other than that. You’re very beautiful,” he huskily said and looked at me in the eyes. “Your beauty can actually attract rich people. Your beauty is not an ordinary. So before other could claim you, I’ll took advantage.”
He bit his lower lip.
Napakurap-kurap ako at saka mahina ko siyang tinulak at saka umayos ng upo.
“G-Gaya ng sabi ko, Sir. Wala akong interes sa mga laro ng pangmayaman.” Binalingan ko siya at malamig ko siyang tiningnan. “Tatapusin ko na itong pagkain na bigay mo at iiwan na kita rito. Hindi kita kilala at wala akong oras para bigyan ka ng atensyon. Narito ako para magtrabaho. Sana i-respeto mo iyon, Sir.”
Umigting ang kanyang panga at saka unti-unting tinanggal ang kanyang kamay sa balikat ko at bumalik sa kanyang puwesto. Nakahinga ako nang maluwag at saka nagpatuloy na sa pagkain na parang walang nangyari. Mabuti at hindi na siya nagsalita dahil nakakailang.
Nang natapos ako ay umayos ako sa aking pag-upo at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Parang inaalam ang buong pagkatao ko.
“Salamat po sa lunch, Sir. Aalis na po ako,” ani ko sabay tayo. Akmang tatalikod na sana ako pero natigil ako nang bigla siyang nagsalita.
“I still don’t know your name. At least tell me your name before you leave, lady.”
Napalunok ako at saka pumikit.
“Carolina,” ani ko. “Carolina Mendez…” At agad lumabas sa VIP room.
Napasandal na lamang ako at saka nakahinga nang maluwag.
**
“Sabi ko na…” kanta ni Jane nang gumabi na.
Nagpupunas na kami sa mga lamesa dahil wala ng customer. Gabi na at uuwi na ako. Napangiti na lang ako at biglang na-excite dahil makikita ko na naman ang anak ko.
“Sabi ko, like ka ni Sir Tanaka!” Sinulyapan ako ni Jane at ngumisi siya nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. “Obvious na obvious na want ka niya.”
Umiling ako. “Hindi ako interesado.”
“Hindi ka interesado?” Nanliit ang kanyang mata. “Gwapo iyon.”
“Hindi ako seseryosohin no’n,” agad kong sagot na ikinatigil niya.
Totoo naman kasi ang sinabi ko. Ang taong iyon, hindi seryoso sa buhay. Kapag nakuha ka na, iiwan ka rin. May pa-contract pa nga siya at want pa niya ako maging sex body niya.
Hindi ako gano’ng tao at saka may anak ako na tao. Tinatago ko na nga sa lahat. Ang sabi ni Trixie sa akin, ang sabi nila sa mga media ay nasa ibang bansa ako nag-aaral. Nasaktan ako dahil pinagtatakpan talaga nila para lang hindi sila masira.
Kinagat ko ang labi ko at biglang nanlumo.
“Malay mo naman!” Awkward na tumawa si Jane. “Malay mo seseryosohin. Ang ganiyang mukha mo, hindi niloloko. Minamahal.”
Napailing na lang ako sa kanya. May tatangggap kaya sa akin? May tatanggap kaya na lalaki sa akin kapag nalaman nila na may anak ako? Sigurado naman akong wala. Kahit sabihin na natin na maganda ako, mas gusto pa rin ng lalaki na walang sabit.
Ayoko rin ng lalaki na hindi gusto ng anak ko. Gusto ko na gusto siya ng anak ko at gusto ko rin. Sa ngayon ay wala pa akong natitipuhan.
**
“Mommy!”
Napangiti ako at sinalubong ang yakap ng anak. Nakita ko na may hawak-hawak siya na papel. Si Aling Maria naman ay nasa kusina. May niluluto yata.
“Mommy! Tinuruan ako ni Aling Maria na mag-draw!” excited na sambit ng anak ko. “Look!”
Nang kumalas siya sa yakap ay hinawakan ko ang papel at tiningnan ang iginuhit niya.
“Wow! Ang galing!” puri ko at hinalikan siya sa pisngi. “May talent ka yata sa pagguhit, anak! Saan mo ba namana iyan? Hindi pa naman ako magaling sa pagda-drawing!”
Bumungisngis ang anak ko at saka malaki na ang kanyang ngiti. “Maybe sa daddy ko po!”
Umawang ang labi ko at biglang natigilan. Tumikhim ako at saka tiningnan si Aling Maria.
“Ano pala ang niluluto niyo, Aling Maria?” tanong ko at hinaplos ko na lang ang buhok ng anak ko.
“Ah!” Binalik niya ang tingin sa niluluto niya. “Tinolang manok. Bumili ako sa palengke kanina. Buti nakaabot pa ako. Nagkaubusan kasi! Alam mo na. Malapit na pesta sa La Luca.”
“Hala! Oo nga!”
Ngumiti siya sa akin at in-off na ng stove. “Imbitahan mo ang kaibigan mo rito. May kaunting handaan ako.”
“Sige po…”
“Mommy! Wala ka bang boyfriend?” tanong ng anak ko.
Tumawa si Aling Maria. “Felecity. Gusto mo ba may boyfriend ang mommy mo? Mawawalan siya ng oras sa iyo kung gano’n!” pabirong tanong ni Aling Maria at hinain na ang kanyang niluto na tinola.
Ngumuso ang anak ko at saka tumingin sa akin. “Hindi po! Huwag ka na pala mag-boyfriend, Mommy!”
Natawa ako at saka dumiretso na lang sa kwarto ko. Wala rin naman akong plano na mag-boyfriend talaga. Wala rin akong plano na hanapin ang Daddy ni Felecity. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.
Kabanata 5“Mukhang totoo nga ang sinabi mo,” si Jane at sumulyap sa mga customers. “Mukhang hindi nga seryoso ang bilyonaryong iyon.”Ang Freezy restaurant ay malapit lamang sa dagat. Actually, may table sa may teresa pero ang VIP room ay sa loob at pribadong-pribado talaga. Kaya marami ang dumadayo dahil na rin na malapit sa dagat.Bumuntong-hininga ako at hindi na nagsalita. Hindi ko naman inaasahan ang lalaking iyon. Kilala ko lang siya sa pangalan at wala pang linggo na nakilala ko siya. Bigla lang siyang sumulpot at saka nagparamdam na bagong-bago sa akin. Inaamin ko na gwapo siya. Talaga namang gwapo siya, mabango at tingin ko isa sa mga social elite. Pero ang taong katulad niya, amoy na amoy mo na ang baho. Hindi sila nagseseryoso ng mga babae.Nang napansin niyang tumahimik ako ay siniko niya ako. Gulat ko siyang binalingan.“Bibisita si Sir Jude bukas,” aniya sabay ngiti. &ld
Kabanata 6“Why are you asking me that?”Napabuntong-hininga ako at saka in-off ang stove. Katawagan ko ngayon si Trixie at nagtanong ako about sa opinion niya.“Kasi mas gusto ko mga opinion mo. Maybe I should not go because I have a daughter, right?” Natigil ako at saka inayos ang paghawak sa phone ko. “Kanina ko pa ito iniisip. Hindi na ako puwedeng gumala dahil may anak na ako.”“What kind of mindset is that?” tanong niya sa kabilang linya. “Porket may anak ka na bawal ka nang maglakwatsa?”“Nagtatago nga ako di ba?”“Sus, apat na taon na ang nakalipas. Hindi ka man lang hinahanap ng parents mo. Just go have some fun! Ihabilin mo na lang si Felecity kay Aling Maria.”“Trixie…”“Fiona Carolina,” tawag niya sa pangalan ko. “Basta huwag ka lang magpabuntis ulit. You have to
Kabanata 7“Guys! That’s it!”Natigil kaming lahat sa aming ginagawa nang narinig naming nagsalita si Sir Jude. Siniko ako ni Jane at umayos siya sa kanyang tayo. Lahat ng mga katrabaho ko ay pinag-isa ni Sir.“I am thankful na naging parte kayo ng business ko. And without all of you, hindi lalago ito. So, maaga tayong magsara ngayon dahil may dinner tayo!” ani ni Sir sabay ngiti.Naghiyawan naman ang mga kasamahan ko at tipid na ngiti ang tanging binigay ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagbaling ni Sir sa akin. Akmang magsasalita na sana siya nang may kumalabit sa kanya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at saka kinuha na ang mga gamit ko.“Sabay tayo, ah!” si Jane. “May dala ka bang extra na damit?” tanong niya.Tumango ako at saka inangat ko ang paper bag. “I have.”Umawang ang labi niya. “May accent ka talaga kapag nagsasalita ka ng English, eh.
Kabanata 8 “Did you eat a lot?” Napasinghap ako at napalingon nang nakita ko si Sir Jude na papatungo sa akin. Matapos ko kasing kumain ay napagpasyahan ko na magpahangin muna. Hindi pa kasi tapos si Jane at mas lalong natagalan dahil sa pagkukuwento nila. Hindi rin naman ako maka-relate kaya hindi na lang din ako nakipag-jam. At isa pa, tinawagan ko rin si Aling Maria kung kumusta ang anak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang nakatulog na ito. Niyakap ko ang aking sarili. “Hindi.” Ngumuso siya at sinundan ang tingin ko. Nasa kalangitan ang tingin ko kaya tumingala rin siya. “Bakit naman?” “I just don’t like eating heavy dinner,” ani ko at saka huminga nang malalim. “Thank you for the dinner, Sir.” Nakita ko sa gilid ng mata ko na umawang ang labi niya. “You can call me, Jude you know, Carolina…” Binalingan ko siya. “I prefer the other one. I don’t want to call my boss
Kabanata 9Hindi ako masyadong umimik. Ang tanging sinabi ko lang sa kanya ay ang daan patungo sa amin. Ngunit hindi ko sinabi sa kanya ang bahay. Ayokong malaman niya at mas lalong ayoko na siyang makita pa sa totoo lang.Ano pa ba ang gusto ng lalaking ito sa akin? Tinanggihan ko na siya at hindi na ako mag-iiba ng desisyon.“Why are you so silent?”Bumuntong-hininga ako. “Hindi tayo close para kausapin kita.”“Gaano ba ka-close ang gusto mo?” He chuckled. “I kissed you. Does it affect you?”Lumunok ako at saka tumingin sa bintana. “Hindi…”He sighed. “I’m sorry. I just want to take you home safe. Wala naman akong masamang intensyon sa iyo. Kalimutan mo na ang in-offer ko sa iyo.”“Bakit ka pa lapit nang lapit? Alam mo namang hindi ako interesado sa iyo.”“I am interested.”Nai
Kabanata 10Unknown Number:Can I drive you home?Unknown Number:Please reply.Unknown Number:No load?Bumuntong-hininga ako bago ko d-in-elete ang mga text niya. Binulsa ko sa pants ko at saka binalingan ang anak ko. Suot na niya ang kanyang paboritong damit na binili ko noong nakaraan.“Mommy! Ang ganda ko sa damit ko!” masayang sabi ni Felecity at nagpa-ikot-ikot pa.Napangiti ako. Day off ko ngayon at ngayong araw ko ipapasyal ang anak ko. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ni Yohan. Sa totoo lang, gusto ko na i-off ang phone ko pero hindi puwede dahil baka may ibang tatawag o te-text. Sinubukan ko ring e-block ang number niya pero may bago na naman siyang number. Kaya hinayaan ko na lang basta hindi lang ako magre-reply.Nag-beep ulit ang phone ko. Hindi ko na lang pinansin at saka sinuklayan na lang ang anak ko.“Mommy, kakain tayo friend chicken and
Kabanata 11Pinagmamasdan ko ang anak ko habang masayang kumakain sa kanyang spaghetti at fried chicken. Natawa pa ako nang nakita ko na kumalat ang sauce sa ibang mukha. Nalulungkot ako na ganoon ang sinabi ng anak ko kay Yohan. Bakit ko naman siya ikahihiya? Totoong tinatago ko siya, pero hindi ibig sabihin na ikinahihiya ko siya.Hindi gano’n iyon.Hindi gano’n iyon, Felecity. Hindi ko maiwasan ang magalit sa lalaking iyon. Tatapusin ko na talaga ang lahat. Ayoko na siyang kinukulit ako. Minsan naiiba ang nararamdaman ko dahil sa sobrang intimidating niya, pero nagu-guilty ako sa anak ko. Ayokong ganoon ang isipin niya. Na ikinahihiya ko siya.Pagkatapos namin sa jollibee ay pinasyal ko sa mga larong pambata ang anak ko. Sumakay siya sa train na larong pambata. Ako naman ay todo kuha lamang ng pic. Nagtungo rin kami sa mga arcades at tatlo lang ang napanalunan ko. Binigay ko lahat sa anak ko.“Mommy,
Kabanata 12Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa trabaho. Nag-text na lang ako kay Jane na hindi muna ako makakapasok. Masyado kasi akong nagulat kahapon at parang ayoko nang harapin si Sir. Bumuntonghininga ako nang nakita ko ang reply ni Jane.Jane:Okay lang, Carolina. Nandito pala si Sir kaya sinabi ko agad. Take care.Ibinulsa ko ang phone ko at tinulungan ko na si Aling Maria sa pagpapalit ng kurtina dahil papalapit na rin ang pyesta. Ang anak ko naman ay maagang nakaharap sa salamin, inaayusan ang sarili. Napangiti na lamang ako at saka pinagpatuloy ang ginagawa.“Ubusan na pala ng baboy. Mabuti naka-order agad ako ng ilang kilo,” panimula ni Aling Maria sabay tawa. “Kailangan ko rin maging maaga sa chapel dahil ako ang magle-lead. Kaya baka isang linggo kong hindi bubuksan yong karenderya.”Tumango ako. “Kailangan niyo ng tulong? Puwede naman akong lumiban sa trabaho.”
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr
Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi
Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”