Share

Kabanata 7

Author: mavi
last update Last Updated: 2021-10-10 17:15:14

Kabanata 7

“Guys! That’s it!”

Natigil kaming lahat sa aming ginagawa nang narinig naming nagsalita si Sir Jude. Siniko ako ni Jane at umayos siya sa kanyang tayo. Lahat ng mga katrabaho ko ay pinag-isa ni Sir.

“I am thankful na naging parte kayo ng business ko. And without all of you, hindi lalago ito. So, maaga tayong magsara ngayon dahil may dinner tayo!” ani ni Sir sabay ngiti.

Naghiyawan naman ang mga kasamahan ko at tipid na ngiti ang tanging binigay ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagbaling ni Sir sa akin. Akmang magsasalita na sana siya nang may kumalabit sa kanya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at saka kinuha na ang mga gamit ko.

“Sabay tayo, ah!” si Jane. “May dala ka bang extra na damit?” tanong niya.

Tumango ako at saka inangat ko ang paper bag. “I have.”

Umawang ang labi niya. “May accent ka talaga kapag nagsasalita ka ng English, eh. Para kang anak mayaman…”

Kinagat ko ang labi ko at napalunok. “N-Natutuhan ko lang sa dati kong trabaho.”

Iyon ang palusot ko.

“Oo nga, no! Suwerte mo!”

Marami pa siyang ikinuwento sa akin. Excited na raw siya na mag-dinner at mag-party sa bar. Kinakabahan ako sa totoo lang. Siguro hindi na lang ako iinom. Iyon ang sisiguraduhin ko. Ayaw ko nang maulit ang dati. Alam kong wala nang masyadong nakakilala sa akin. Pero natatakot ako. Ayokong masira ang pinaghirapan ng magulang ko. Ang galing nila. Pinaniwala nila na ang kanilang nag-iisang anak ay nasa ibang bansa. Gano’n nga kahiya-hiya ang ginawa ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nang nag-out kami ay hinila ako ni Jane palabas.

“Sa Mall na tayo magbihis! Bagong bili ko pa naman ito!” aniya. “Gusto ko maging maganda ngayong gabi. Boy hunting tayo.”

Napairap ako. “May boyfriend ka na, right?”

Humalakhak siya. “Ikaw naman, ang KJ mo! Hindi ko naman ipagpapalit ang boyfriend ko. Mahal ko iyon, eh! Boy hunting means hanap lang ng gwapo.”

Bumuntong-hininga ako. I wished Trixie is here. Pero may inaasikaso na ang babaeng iyon. I am thankful na hindi niya ako inabanduna. She’s still my best friend at marami akong utang na loob sa kanya.

“Ikaw na lang ang hanapan ko dahil mukhang single for life ka, eh.”

Umiling lang ako sa kanya at naghintay na kami ng masasakyan.

“Hay, bakit ang tagal-tagal ng mga bus dito!” bagot na sambit ni Jane nang napansin na wala pang bus o taxi ang dumadaan.

Kahit ako ay nangangalay na. Puwede kong sabihin sa babaeng ito na maglakad-lakad na lang kami hanggang sa may bus na daraan pero hindi ko masabi dahil sigurado ako na tatanggi ito.

“Girls…”

Natigilan kaming dalawa ni Jane nang may isang kotse ang pumarada sa harapan namin. Napaatras ako at napalunok. Akala ko pa naman…

“Sir!” Nabuhayan si Jane nang nakita si Sir Jude. “Pasensya na, Sir! Matatagalan pa yata kami!”

Tumango si Sir Jude sabay baling sa akin. “You two need a ride?”

Medyo nailang ako sa kanyang tingin kaya yumuko ako.

“Hindi na—”

“Okay lang ba, Sir?” pagsingit ni Jane.

Nang binalingan ko siya ay kinindatan niya ako. Tumikhim ako at hindi na lang nagsalita.

“Sure!” pagpayag ni Sir.

Wala na akong magawa nang hinila na ako ni Jane. Ang masaklap ay ako pa ang nasa front seat dahil ayoko naman na magmukhang driver si Sir. Kami lang naman ang nakikisakay.

“This is your first time saying yes to dinner,” ani ni Sir Jude habang siya ay nagmamaneho.

Kinagat ko ang labi ko at pinagtagpo ang kamay ko. Narinig ko ang hagikhik ni Jane sa likod.

“Naku, Sir! Hindi sana iyan sasama, eh! Pinilit ko talaga iyan!” si Jane.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig saglit ni Sir sa akin bago niya itinuon ang kanyang atensyon sa daan. Hindi na ako dapat magmamanhiran. Alam ko na may pagtingin ito sa akin. Sa mga galaw at tingin pa lamang niya. Hindi naman ganito pakitutungo niya kay Jane.

Isa sa mga dahilan ay kung bakit ayokong tumanggap ng lalaki sa buhay ko dahil sila lang din naman ang kawawa. Baka hindi ko sila masyadong maasikaso dahil may anak ako. Iyon ang katotohanan.

“Saan kayo?”

“Mall,” tipid kong sagot.

“Why?”

Si Jane na ang sumagot. “Magbibihis kami, Sir. Excited na kami sa dinner at mas lalo na sa bar! Magbo-boy hunting kami ni Carolina!”

Napangiwi ako sa sinabi ni Jane. Mabuti na lang din at hindi na nagsalita si Sir. Hindi ko talaga siya masagot-sagot dahil hindi naman ako pala-salita.

**

Nang nakarating na kami sa Mall ay tipid akong ngumiti at nagpasalamat sa kanya. Si Jane naman ay bumungisngis na sa sobrang excited.

“See you around, Carolina.” He smiled at me. “And Jane.”

“Yes, Sir!” si Jane sabay kaway.

Ngumiti muli si Sir sa amin bago niya pinaharurot ang kanyang sasakyan. Bumaling si Jane sa akin at saka walang paalam na hinila ako papasok sa loob ng Mall.

“Hindi ba nakakahiya?” tanong ko sa kanya. “Wala kasi tayong binili.”

Tumawa siya. “Ano ka ba? Walang hiya-hiya rito. Iba nga ay window shopping! Makikigamit lang naman tayo sa fitting room nila.”

Tumango ako at saka sinilip ang laman ng paper bag ko. May dala akong eye liner at lipstick. Iyon kadalasan dinadala ko kapag nagpa-party ako noon. Ngayon ko lang yata magagamit ang make up skills ko.

“Dali na! Excited na ako!”

Napailing na lang ako at saka sumunod sa kanya.

**

Nagulat si Jane sa suot ko na damit. First time kasi niya akong makita na ganoon ang pananamit.

“Gosh. Ang sexy mo!” manghang sabi niya. “Mukhang mamahalin ang damit mo, ah. Chanel! Mahal niyan!”

Kinagat ko ang labi ko. “Binigay lang sa a-akin.”

“Talaga?” Tumango-tango siya. May mangha pa rin sa kanyang mata. “Ang yaman naman. Binigyan ka talaga.”

Hindi na ako sumagot at saka humarap na sa salamin.

“Napansin ko rin na magaling ka maglagay ng make up. Sana all.”

Ngumuso ako sa salamin. “Gusto mo lagyan kita ng eye liner?”

Umiling lang siya at saka inayos niya ang kanyang buhok. “Ayoko. Hindi bagay sa akin.”

Tumango ako at pagkatapos kong maglagay ng lipstick ay naglagay na ako ng eye liner na water proof. Bigay ito sa akin ni Trixie kaya dapat ko lang itong ingatan. Kailangan ko rin makibagay sa dinner dahil sabi ni Jane ay sosyalin daw.

Ang buhok ko ay nakalugay lang. Hindi ito palagi ang ginagawa ko dahil palaging nakatali ang buhok ko kahit sa bahay.

“Bakit mo ba tinatali buhok mo? Ilugay mo yan always! Ang ganda. Natural iyan? Brown?”

Tumango ako.

“Kaya pala! May lahi ka ba?”

Umiling ako. “Wala.”

“Akala ko meron. Ang puti mo kasi! Malay ko ba na baka mayaman ka talaga nagtatago lang.”

Napasinghap ako at binalingan siya. “W-Why do you think so?”

Bumuntong-hininga siya. “Mahilig ako magbasa ng Novels. Kadalasan ko iyon nababasa pero malayo naman ang fiction sa reyalidad.”

Tumango ako at nakahinga nang maluwag.

Matapos naming magbihis at mag-ayos ay nagtungo na kami sa isang Chinese restaurant. Manghang-mangha ang lahat nang nakita kaming parehong naka-dress at nakita ko ang pagtagal ng titig sa akin ni Sir. Umiwas na lamang ako ng tingin.

“Good evening po.”

“Wow. Ang gaganda ninyo, ah!” narinig kong sambit ni Jomer. Isa sa mga waiter ng restaurant ni Sir Jude.

“Salamat, Jomer!” Kinuha ni Jane ang braso ko at hinila na ako patungo sa isang upuan na malapit lamang kay Sir Jude. Tipid akong ngumiti sa kanya at saka naghila na ng upuan.

“First time mo yata sumama, hija,” si Mang Kanor.

Tumango ako at napatingin sa kanilang lahat. Mabuti at halos katulad kami ng isinusuot. Halos kadalasan ang naririto ay kaedaran ko lang or late 20s. Si Mang Kanor lang ang katandaan kaya sigurado ako na hindi ito sasama sa bar.

“Everyone is here. Let’s eat!” sambit ni Sir Jude.

Tumango ako at kinuha na ang kutsara at tinidor sa lamesa. Pero hindi pa man ako halos makakakain ay nahagip ng tingin ko ang isang lalaki na nakaupo sa kabilang upuan medyo malayo sa amin. Nakatitig siya sa akin habang may wine glass sa kanyang kamay. Umawang ang labi ko at umiwas ng tingin.

What is he doing here?

“Are you alright, Carolina?” Nagulat ako nang hinawakan ni Sir Jude ang braso ko. Nang napansin niyang hindi ako komportable ay tinanggal niya ito at tumikhim. “Mukha ka kasing balisa.”

“S-Sorry, Sir.”

“Nah, we are not in the restaurant. You can call me, Jude.” Ngumiti siya sa akin.

Hindi na lamang ako sumagot at unti-unting ibinalik ang tingin sa puwesto ni Yohan kanina pero nagulat ako na wala na siya. Siguro ay guni-guni ko lamang iyon. Bakit ko ba siya iniisip? As if naman na gusto ko ang lalaking iyon. Bumuntong-hininga ako at naki-join na lang sa tawanan ng mga kasamahan ko.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mary Shaine Almazan Agulto
Pa unblock nman sobrang ganda e
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay hinahanap si yohan
goodnovel comment avatar
Jette Roy Celestial Rotula
ang mahal naman...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 8

    Kabanata 8 “Did you eat a lot?” Napasinghap ako at napalingon nang nakita ko si Sir Jude na papatungo sa akin. Matapos ko kasing kumain ay napagpasyahan ko na magpahangin muna. Hindi pa kasi tapos si Jane at mas lalong natagalan dahil sa pagkukuwento nila. Hindi rin naman ako maka-relate kaya hindi na lang din ako nakipag-jam. At isa pa, tinawagan ko rin si Aling Maria kung kumusta ang anak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang nakatulog na ito. Niyakap ko ang aking sarili. “Hindi.” Ngumuso siya at sinundan ang tingin ko. Nasa kalangitan ang tingin ko kaya tumingala rin siya. “Bakit naman?” “I just don’t like eating heavy dinner,” ani ko at saka huminga nang malalim. “Thank you for the dinner, Sir.” Nakita ko sa gilid ng mata ko na umawang ang labi niya. “You can call me, Jude you know, Carolina…” Binalingan ko siya. “I prefer the other one. I don’t want to call my boss

    Last Updated : 2021-10-10
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 9

    Kabanata 9Hindi ako masyadong umimik. Ang tanging sinabi ko lang sa kanya ay ang daan patungo sa amin. Ngunit hindi ko sinabi sa kanya ang bahay. Ayokong malaman niya at mas lalong ayoko na siyang makita pa sa totoo lang.Ano pa ba ang gusto ng lalaking ito sa akin? Tinanggihan ko na siya at hindi na ako mag-iiba ng desisyon.“Why are you so silent?”Bumuntong-hininga ako. “Hindi tayo close para kausapin kita.”“Gaano ba ka-close ang gusto mo?” He chuckled. “I kissed you. Does it affect you?”Lumunok ako at saka tumingin sa bintana. “Hindi…”He sighed. “I’m sorry. I just want to take you home safe. Wala naman akong masamang intensyon sa iyo. Kalimutan mo na ang in-offer ko sa iyo.”“Bakit ka pa lapit nang lapit? Alam mo namang hindi ako interesado sa iyo.”“I am interested.”Nai

    Last Updated : 2021-10-10
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 10

    Kabanata 10Unknown Number:Can I drive you home?Unknown Number:Please reply.Unknown Number:No load?Bumuntong-hininga ako bago ko d-in-elete ang mga text niya. Binulsa ko sa pants ko at saka binalingan ang anak ko. Suot na niya ang kanyang paboritong damit na binili ko noong nakaraan.“Mommy! Ang ganda ko sa damit ko!” masayang sabi ni Felecity at nagpa-ikot-ikot pa.Napangiti ako. Day off ko ngayon at ngayong araw ko ipapasyal ang anak ko. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ni Yohan. Sa totoo lang, gusto ko na i-off ang phone ko pero hindi puwede dahil baka may ibang tatawag o te-text. Sinubukan ko ring e-block ang number niya pero may bago na naman siyang number. Kaya hinayaan ko na lang basta hindi lang ako magre-reply.Nag-beep ulit ang phone ko. Hindi ko na lang pinansin at saka sinuklayan na lang ang anak ko.“Mommy, kakain tayo friend chicken and

    Last Updated : 2021-10-11
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 11

    Kabanata 11Pinagmamasdan ko ang anak ko habang masayang kumakain sa kanyang spaghetti at fried chicken. Natawa pa ako nang nakita ko na kumalat ang sauce sa ibang mukha. Nalulungkot ako na ganoon ang sinabi ng anak ko kay Yohan. Bakit ko naman siya ikahihiya? Totoong tinatago ko siya, pero hindi ibig sabihin na ikinahihiya ko siya.Hindi gano’n iyon.Hindi gano’n iyon, Felecity. Hindi ko maiwasan ang magalit sa lalaking iyon. Tatapusin ko na talaga ang lahat. Ayoko na siyang kinukulit ako. Minsan naiiba ang nararamdaman ko dahil sa sobrang intimidating niya, pero nagu-guilty ako sa anak ko. Ayokong ganoon ang isipin niya. Na ikinahihiya ko siya.Pagkatapos namin sa jollibee ay pinasyal ko sa mga larong pambata ang anak ko. Sumakay siya sa train na larong pambata. Ako naman ay todo kuha lamang ng pic. Nagtungo rin kami sa mga arcades at tatlo lang ang napanalunan ko. Binigay ko lahat sa anak ko.“Mommy,

    Last Updated : 2021-10-11
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 12

    Kabanata 12Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa trabaho. Nag-text na lang ako kay Jane na hindi muna ako makakapasok. Masyado kasi akong nagulat kahapon at parang ayoko nang harapin si Sir. Bumuntonghininga ako nang nakita ko ang reply ni Jane.Jane:Okay lang, Carolina. Nandito pala si Sir kaya sinabi ko agad. Take care.Ibinulsa ko ang phone ko at tinulungan ko na si Aling Maria sa pagpapalit ng kurtina dahil papalapit na rin ang pyesta. Ang anak ko naman ay maagang nakaharap sa salamin, inaayusan ang sarili. Napangiti na lamang ako at saka pinagpatuloy ang ginagawa.“Ubusan na pala ng baboy. Mabuti naka-order agad ako ng ilang kilo,” panimula ni Aling Maria sabay tawa. “Kailangan ko rin maging maaga sa chapel dahil ako ang magle-lead. Kaya baka isang linggo kong hindi bubuksan yong karenderya.”Tumango ako. “Kailangan niyo ng tulong? Puwede naman akong lumiban sa trabaho.”

    Last Updated : 2021-10-11
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 13

    Kabanata 13Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Bigla akong napatingin sa suot kong denim short at t-shirt. Hinawakan niya ang palapulushan ko at hindi ko na magawang magprotesta. Nasisiyahan yata siya dahil pinagbibigyan ko siya. Ito na ang una at huli. Hindi ko na pagbibigyan ang lalaking ito.Pinaghila niya ako ng upuan. Gulat ako pero hindi ko pinahalata. His sweet gestures made me uneasy pero hindi ko iyon maamin sa sarili ko dahil imposibleng magustuhan ko ang lalaking ito. Masyado siyang mayabang na makulit na hapon. Kapansin-pansin pa ang pag-iiba ng style ng buhok niya ngayon. Parang pinaghandaan pa yata niya ito.“What do you want? You can have any. I can afford.” He smiled at me.Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay.“Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?” diretsahang kong tanong. “Ayaw ko nang guluhin mo ako pagkatapos nito. Kaya sabihin mo na sa akin kung ano ba talaga

    Last Updated : 2021-10-11
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 14

    Kabanata 14Nagising na lang ako na buhat-buhat na ni Yohan. Napasinghap ako at halos mataranta kung hindi lang siya tumigil at tumingin sa akin.Nakagat ko ang labi ko at saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Ito na ba?“I’m sorry. I carry you because you slept.”Tumango ako at saka niluwagan ang pagkahawak sa kanya. Ayaw kong magsalita. Ayaw ko siyang kausapin. Kinakabahan ako sa totoo lang. First time ulit ko itong gagawin at nakalimutan ko na kung ano ang nararamdaman ko kapag ginawa iyon.Sumakay kami sa elevator at saka niya lang ako binaba. Tumikhim ako at saka inayos ang sarili. I distance myself to him. Alam kong may mangyayari na ngayon at hindi ko alam kung paano ko iyon sisimulan. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang ilang beses na pagsulyap-sulyap niya sa akin. Hindi ako umimik at humigpit ang hawak ko sa tote bag ko.Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay nauna na siya sa akin. Kinakabah

    Last Updated : 2021-10-11
  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 15

    Kabanata 15Tinotoo nga ang sinabi niya sa akin. Hindi na niya ako ginugulo. Medyo nasaktan ako ng kaunti na kailangan ko pang sabihin ang katotohanan sa akin para lang tumigil siya. Masakit kasi iyon sa ego ng ibang lalaki. Na may anak na ang babaeng nagugustuhan nila. Wala silang magawa kundi ang mag-move on at maghanap ng walang sabit.Ilang araw na ang nakalipas, bumalik na ako sa trabaho. Napapansin ko na rin ang madalas na pagpunta ni Sir Jude sa restaurant niya. Minsan ay tumutulong pa siya na talaga namang ikinagulat naming lahat.“Ano kaya ang mayroon at bakit kay sigla ni Sir Jude?” tanong ni Jane sabay baling sa akin. “May alam ka ba?”Agad akong umiling. “Wala.”Napailing siya. “Gumaan trabaho natin dahil nandito siya. Baka may balak na tayong isisante no?” medyo takot niyang sabi.Huminga ako nang malalim. “Hindi naman siguro. Hindi naman lugi ang

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Wakas

    WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 174

    Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 173

    Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 172

    Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 171

    Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 170

    Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 169

    Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 168

    Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi

  • The Hidden Child of Carolina (Filipino Story)    Kabanata 167

    Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”

DMCA.com Protection Status